BIGLANG PUMASOK sa isip ni Asha ang mainit na sandali na namagitan sa kanila kahit na sobrang sakit ng naramdaman niya ng araw na iyon. “Dahil nanatili ka pa ring nakaupo sa kabila ng lahat…” biglang yumuko ito at inilapit ang mukha nito sa kaniya dahilan para mapasandal siya ng sobra sa sofa na kinauupuan niya. “Gusto mo bang ulitin natin ang nangyari noong araw na iyon?” tanong nito sa kaniya.Hindi siya nakasagot at nanatili lang na nakatitig sa mga mata nito. Hindi ba at sinabi nito na sobrang kinamumuhian siya nito pero bakit gusto nitong ulitin ang nanngyari sa pagitan nila ng araw na iyon?“Hinahamon mo ba ako?” balik niyang tanong dito. Hindi siya nagpakita ng anumang takot dahil ang akala niya kapag ginawa niya iyon ay babalik din ito kaagad sa upuan nito ngunit mali pala siya.Bigla na lang nitong hinawakan ang leeg niya. Hindi siya nakapagsalita dahil sa matinding pagkagulat. Sa sumunod na sandali pa ay bigla na lang nitong pinaghiwalay ang dalawa niyang mga hita na mas iki
BINALAK NIYANG bumangon ngunit bigla na lamang hinawakan ni Lawrence ang kanyang mga braso at mariin siyang isinandal sa sofa. “Kailangan ko ng umalis. Paalisin mo na ako.” muli niyang sabi rito.“Mukha bang gusto kitang paalisin ngayon?” baliki nitong tanong sa kaniya at pagkatapos ay bigla na lamang nitong ikinaskas ang dulo ng pagkalalaki nito sa kanyang pagkababae at kasunod nito ay bigla na lamang niton ipinasok iyon dahilan para isang daing ang lumabas mula sa mga labi niya.Sa sumunod na segundo ay nag-umpisa na itong umulos sa ibabaw niya habang nagpapakawala ng mahinang pag-ungol. “I hate you…” mahinang sabi nito sa namamaos na tinig.Nang mga oras na iyon ay halos mabasag ang puso ni Asha dahil habang nakapatong ito sa kaniya at umuulos ay ang mga salitang iyon ang lumabas sa mga labi nito. Malungkot siyang tumitig sa mukha nito. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya ngunit bigla na lamang niyang ipinulupot ang kamay niya sa leeg nito. “Alam mo bang gustong-gusto
SA TOTOO LANG ay hindi niya masabi kung ano ang iniisip ni Lawrence nang mga oras na iyon. Kanina lang ay kung itaboy siya nito ay wagas pero ngayon ay ayaw na siya nitong paalisin. Hindi kaya dahil sa narinig nitong may nag-aya sa kanyang lumabas. Kahit na ganun ang pumasok sa isip niya ay pilit niyang iwinaksi iyon mula sa isip niya. Ayaw niyang umasa. “Ano, tatayo ka na lang ba diyan? Gumalaw ka na.” malamig na sabi nito nang tapunan siya nito ng tingin.“Pero may lakad ko…”“Tumigil ka. Lalabas ako at pupunta sa meeting.” sabi nito at tumayo na pagkatapos ay hindi na nito hinintay pa ang sagot niya dahil nakalabas na ito.Wala na lang siyang nagawa kundi ang titigan na lang ang nilabasan nitong pinto bago napabuntong-hininga. Ilang sandalo pa ay tumayo siya mula sa kanyang kinuupuan at pumunta sa mesa upang basahin ang mga dokumentong ipinapabasa ni Lawrence sa kaniya.Sa halip na lumayo na siya rito ng tuluyan at kalimutan na ang nararamdaman niya para rito ay hinayaan pa niya an
ILANG ARAW din ang mabilis na lumipas. Tahimik siyang nakaupo sa loob ng kanilang classroom nang bigla na lang may tumabi sa kaniya. Nang mag-angat siya ng kanyang tingin ay nakita niya si Lester. Alanganin itong ngumiti sa kaniya. “Pwede ba ulit kitang yayaing kumain mamaya?” tanong nito sa kaniya.“Ah, ano…” doon niya naalala na nakalimutan niyang sabihin dito kahapon na may ginawa siya kaya bigla na lang siyang nahiya bigla. “Pag tumanggi ka magtatampo na talaga ako sayo.” sabi nito sa kaniya.Nangiti na lang siya. “Hindi pa nga ako sumasagot e. Pero sige.” sabi niya rito kung saan ay agad naman itong ngumiti. Eksakto na rin namang dumating na rin ang kanilang professor kaya hindi na sila nakapag-usap pa.NANG matapos nga ang klase nila ay magkasama silang lumabas sa classroom. Iyon na ang last period niya noong araw na iyon. Akala niya, sa cafeteria lang malapit sa school sila kakain ngunit nagulat siya nang sa isang mamahaling restaurant siya dinala ni Lester. Sa labas pa lang a
HABANG NAGLALAKAD sina Asha at Lawrence ay naisip ni Asha na tiyak na nanguguluhan na si Lester dahil sa mga sinabi ni Lawrence rito. Hindi niya tuloy alam kung paano siya ngayon magpapaliwanag dito. Nang makalayo sila mula doon ay bigla na lang hinila ni Lawrence ang kamay nito mula sa pagkakahawak niya. Nang lingunin niya ito ay nakatitig sa kaniya ang mag malalamig nitong mga mata. Hindi niya tuloy maiwasang magtaka kung bakit parang nagagalit ito e wala naman siyang ginawang masama dahil kung tutuusin ay ito nga ang may ginawang masama sa kaniya.Ilang sandali pa ay hindi na niya napigilan pa ang sarili na sitahin ito dahil sa pagsasabi nito kay Lester tungkol sa pagpapakasal nila. “Hindi alam ni Lester ang tungkol sa atin bakit mo naman iyon sinabi sa kaniya?”“E ano naman ngayon?” walang pakialam na balik nitong tanong sa kaniya.“Alam mo ba na wala sa isip ko na sabihin sa kahit kanino ang tungkol sa bagay na iyon? Bakit kailangan mong ipangalandakan sa harapan niya?” hindi pa
ILANG araw ang lumipas simula noong araw na iyon at hindi niya na nakita pang muli ang mukha ni Lawrence kaya nga lamang ay bago siya umalis noong umagang iyon ay ipinagbilin na naman sa kaniya ni Don Lucio na magpunta siya sa opisina ni Lawrence para pag-aralan na naman ang mga bagay-bagay doon. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod kahit na hindi pa rin siya handang harapin ito dahil sa nangyari.Nang matapos niya ang kanyang klase ay agad niya itong tinawagan. Nalaman niya na hindi naman pala ito pumasok sa opisina nito kundi nasa casino ito. Pinagbilinan siya nito na huwag na huwag niyang sasabihin sa Daddy nito na naroon siya at doon na lamang siya nito pinapunta.Hindi siya nito sinundo at pinabayaan lang siya nitong pumunta sa casino. Mabuti na lang at alam niya kung saan iyon kaya nakarating siya doong mag-isa. Pagdating niya ay kaagad siyang sinalubong ng security guard at dinala siya nito sa rooftop.Sa rooftop ng building na iyon ay may relaxation area kung saan ay may malak
PAGTAYO NIYA AY tumayo rin si Lawrence mula sa kinatatayuan nito na labis niyang ikinagulat. Nanatili siyang nakatayo ngunit hindi siya gumalaw. “Let’s go.” sabi nito sa matalim na tinig.Kaagad na nagsalubong ang mga kilay niya. “Pupunta ka rin sa banyo?” nagtatakang tanong niya rito.“Nasa baba ang banyo. Hindi safe na pumunta ka mag-isa doon.” sabi nito sa kaniya na ikinagulat niya ng lubos. Hindi niya maiwasang magtanong sa isip niya kung nag-aalala ba ito sa kaniya o ano. Wala siyang alam sa kung ano ang rason nito.“Hindi mo na ako kailangan pang samahan doon. Kaya ko ng mag-isa.” pagpupumilit niya ngunit hindi lang siya nito pinakinggan at sa halip ay nauna na itong naglakad kaysa sa kaniya.“Sumunod ka sa akin.” malamig na sabi nito. Sinulyapan niya lang si Adam na tumango lang naman sa kaniya at pagkatapos ay tahimik na siyang sumunod kay Lawrence.Pagdating nila sa entrance ng banyo ay napalingon siya sa kanyang likuran nang mapansin niya na parang walang balak na tumigil si
ALAM NIYANG sobra ang galit sa kaniya ng taong nasa harapan niya. Sagad hanggang sa mga buto niya at habang dumadaan ang araw ay patindi ng patindi pa ito. Pero ang totoo niyan ay hindi niya maiwasang masaktan kapag naririnig niya ang mga maparatang sa kanyang ina na wala naman silang ebidensya. Kahit na ayaw niya sanang makipag-argumento kay Lawrence ay wala na siyang magagawa pa lalo pa at ito mismo ang nag-umpisa dahil wala naman siyang ginagawang masama rito.“Kung ayaw mong marinig ang mga sinasabi ko, e di umalis ka na sa buhay namin!” seryosong sabi nito sa kaniya.“Ilang beses ko ng sinabi sayo…” huminga siya ng malalim at pagkatapos ay tumitig sa mga mata nito. “Sige. kung gusto mo talagang mawala ako sa buhay mo ay bayaran mo na lang ako. Gusto mo ba?” matapang na hamon niya rito.Ngumiti ng bahagya nang marinig nito ang sinabi at pagkatapos ay hinawakan nito ang baba niya at yumuko palapit sa kaniya. “Yan lang ang hinihintay kong sabihin mo. handa akong magbayad basta sigur
ILANG SANDALI PA ay bigla nitong hinawakan ang kanyang braso at hinila siya paalis doon. Medyo madiin ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay ngunit umarte siya na parang wala lang at hindi siya nasasaktan pero ang totoo ay nasasaktan na siya.“Bakit ka nakikipag yakapan sa kaniya huh?!” sigaw nito sa kaniya sa malalim na boses. Ang mga mata nito ay nag-aapoy habang nakatitig sa kaniya. Napapikit na lang siya at napabuntong-hininga.“Hindi ba pwedeng magyakapan ang magkaibigan?” walang emosyong tanong niya rito.“So ginawa mo iyon para lang galitin ako huh?!” galit na tanong nito sa kaniya.Napairap siya sa inis niya. Syempre mali ito at hindi iyon ang intensyon niya. “Ano bang sinasabi mo ah? Ganun na ba ako ka-desperada sa tingin mo?” muling tanong niya rito.“Talaga ba huh? Sinadya mong gawin iyon dahil gusto mo akong pagselosin!” sigaw nitong muli sa kaniya ngunit napapikit na lang siya ng mariin. Anong klaseng paliwanag pa ba ang gagawin niya para lang maniwala ito sa kaniya.Sa h
AWTOMATIKO NAMANG napalingon si Lester sa kaniya nang makita nito na si Lawrence ang nasa harap ng kotse. Sa ilang beses na nag-krus ang landas ng mga ito ay alam niya na kilala na nito ito. “Mukhang may problema, ayusin kaya muna ninyo?” mahinang tanong niya rito.Umiling naman siya. “Naayos na namin at wala na kaming dapat pang pag-usapan.” sabi niya rito.“Galit ba siya na sinundo kita?” muling tanong nito sa kaniya dahilan para mapatitig siya rito ng ilang segundo at hindi makapagsalita. Paano niya ba sasagutin ang tanong nito e siya naman mismo ang nagpasundo dahil gusto niyang ipakita kay Lawrence na nagbago na siya.Hindi pa man niya naibubuka ang kanyang bibig upang sumagot dito nang magulantang siya dahil bigla na lang kumalabog ang hood ng sasakyan na gawa ni Lawrence. Kahit na nasa loob na sila ng kotse ay malakas pa rin ang tunog kaya nagulat pa rin siya. Puno ng paghingi ng paumanhin ang kanyang mga mata nang tumingin siya rito. “Pasensya na kung ganito na naman ang nangy
NAKITA NIYA kung paano nagtagis ang mga bagang nito dahil sa sinabi niya. “Hindi ba at sinabi ko na sayo na ako ang maghahatid sayo hindi ba? Hindi mo ba naiintindihan iyon?” tanong nito sa kaniya na nanlalaki ang mga mata dahil sa galit ngunit wala siyang pakialam. Kahit na gaano ito kagalit ng mga oras na iyon ay hindi man lang siya nakaramdam ng takot.“Bingi ka ba? Hindi ba at ilang beses ko na ring sinabi sayo na kay Lester nga ako sasakay.” inis na rin niyang sabi rito.“Asha ano ba!” malakas na sigaw nito sa kaniya at kumulo na marahil ang dugo nito dahil sa matinding galit ngunit hindi siya natinag at nanatili lang sa kanyang kinatatayuan.“Umalis ka na diyan.” walang emosyong sabi niya rito.Ngunit hindi niya akalain na magmamatigas ito sa kaniya. “Hindi. Hindi ako aalis dito hanggat hindi sinasabi na sa akin ka magpapahatid at hindi sa lalaking iyon.” pagmamatigas pa rin nito.Sa puntong iyon ay halos sumabog na siya sa sobrang galit. “Ano ba Lawrence! Kailangan ko pa bang u
NATAHIMK SANDALI si Lawrence bago siya nito tuluyang pinakawalan. Nasa pinto na ito ng kanyang kwarto at pagkatapos ay lumabas na ito at dahil doon ay nakahinga siya ng maluwag dahil akala niya ay aalis na rin ito sa wakas dahil sa nagkausap naman na sila ng maayos kaya nga lang ay nang sundan niya ito ng tingin ay nakita niya kung paano ito naglakad papunta sa may sofa at umupo doon tanda na mukhang walang balak itong umuwi katulad ng iniisip niya.Agad na napakunot ang kanyang noo. “Anong ginagawa mo pa diyan? Hindi ka pa ba aalis?”“Gabi na. Delikado na ang magmaneho ngayon.” sabi nito ngunit alam niyang palusot lang nito iyon. Wala na lang siya nagawa kundi ang magpakawala ng isang mahabang buntong hininga.“E di sumakay ka na lang ng taxi o kaya e magpasundo ka.” suhestiyon niya naman dito.“Ayoko. Hindi ako mahilig magpa-drive.” walang emosyong sagot nito sa kaniya.“E anong ginagawa ng mga tauhan mo? Napakarami nila, siguro naman ay may pinagkakatiwalaan ka sa mga iyon.” sabi n
PAGPASOK NILA SA elevator ay nakadikit ito ng nakadikit sa kaniya na halos ang dibdib na nito ay nakadikit na mismo sa likod niya dahilan para hindi niya maiwasang hindi maging komportable. “Lumayo ka nga sa akin.” pasimpleng anas niya at bahagyang lumayo dito ngunit parang wala itong naririnig.Mabuti na lang at wala silang kasama sa loob ng elevator ng mga oras na iyon dahil kung hindi ay nakakahiya silang dalawa. Pagdating nila sa kanyang unit ay pumasok din naman ito kaagad at pagkatapos ay bigla na lang nitong pinuntahan ang bawat sulok ng kanyang unit. Hindi niya alam kung bakit nito ginawa iyon ngunit hindi siya nagtanong. Umupo na lang siya sa sofa at hinintay ito sa ginagawa nito na para bang bahay nito iyon.Nang makuntento na ito sa ginagawa nito ay pumunta na ito sa sofa at umupo tapat niya. Nagkatitigan ang kanilang mga mata bago nagsalita si Lawrence. “Alam kong kahit na anumang paghingi ko ng tawad sayo ay hindi ko na mababago pa ang nakaraan dahil huli na ang lahat.
NI ANG SUMAGI sa kanyang isip na maririnig niya ang mga salitang iyon mula sa bibig ng taong katulad ni Lawrence na hanggang sa kalalimlaliman ng pagkatao nito ay kinamumuhian siya. Hindi niya alam kung talagang humihingi ba ito ng tawad sa kaniya o isang pag-akto na naman iyon para mapaniwala siya na para bang sising-sisi ito sa lahat ng nagawa nito sa kaniya. Sa tingin ba nito ay mababago ng paghingi nito ng tawad ang lahat?Nang makita nito na hindi siya nakapagsalita dahil sa pagkagulat ay nagpatuloy ito sa pagsasalita. “Lahat ng sinabi ko sayo ay dahil iyon ang nararamdaman ko.” Tumaas ang isang kilay at sa wakas ay nagawa na niyang ibuka ang kanyang bibig para makapagsalita. “Sabihin mo nga, paano kita paniniwalaan na totoo ang mga sinasabi mo?” tanong niya rito.“Bakit naman sana ayaw mo akong paniwalaan e nagsasabi naman ako ng totoo?” balik nitong tanong sa kaniya.“Hindi ko alam. Baka mamaya ay may pinaplano ka pala at pakana mo lang ang lahat ng ito.” sabi niya rito.Nagsa
BUMALIK LANG ANG kanyang katinuan nang marinig nilang dalawa ang tinig ni Adam. “Lawrence anong ginagawa mo?” tanong nito kaya mabilis niyang itinaas ang kanyang kamay at itinulak ito palayo sa kaniya at pagkatapos ay nilingon si Adam na palapit na sa kanila ng mga oras na iyon.“Pwede mo bang yayain mo na itong kaibigan mo paalis dito Adam?” sabi niya na may himig ng pakiusap.“Huh bakit?” tanong nito kaagad at nagsalubong ang kilay pagkatapos ay tumingin kay Lawrence bago muling tumingin sa kaniya. “Anong ginawa niya sayo?” tanong pa nito ulit.“Paano kinuha niya ang susi ng kotse ko.” sumbong niya kaagad dito.“Kotse mo?” biglang baling naman sa kaniya ni Lawrence na nakataas ang kilay at alam niya na kaagad ang ibig nitong sabihin sa sinabi nito. Na hindi niya iyon kotse at kotse nila ito.Bumuntong-hininga na lang siya. “Okay fine. Hindi ko nga pala iyon kotse. Sige, kunin mo na yang susi at ikaw na rin ang mag-uwi niyang kotse. Magta-taxi na lang ako.” sabi niya rito at akmang t
ILANG METRO na lang ang layo niya sa sasakyan nang bigla na lang hawakan ni Lawrence ang kamay niya. Kasabay nang paghawak nito sa kanyang kamay ay wala siyang nagawa kundi ang mapabuntong-hininga na lang ng malalim. “Bitawan mo ako.” sabi niya nang lingunin niya ito. Walang ekspresyon ang kanyang mukha ng mga oras na iyon dahil naiinis na siya at napapagod na, gusto na niyang makaalis doon. Malayo dito.Napatitig siya sa mukha nito. Hindi niya alam kung anong klaseng espirito ang sumanib dito dahil pakiramdam niya ay ibang tao ang nasa harapan niya. “Pwede ba tayong mag-usap kahit na sandali lang?” tanong nito sa kaniya.Agad na nagsalubong ang kanyang mga kilay. “At ano naman sana ang pag-uusapan nating dalawa?”“Tungkol sa relasyon natin.” sabi nito dahilan para matigilan siya. Muli siyang humugot ng isang malalim na buntong hininga. Hindi ba at paulit-ulit na niyang sinasabi rito na wala silang relasyon? Bakit ba ipinagpipilitan pa rin nito? Tumitig ito sa kaniyag mga mata. “Sina
ILANG SANDALI siyang tinitigan ni Lawrence bago ito bumuntong hininga at sumagot sa kaniya. “Bakit? Dahil ba wala akong puso huh? Na matigas ang puso ko kaya ganyan ang sinasabi mo?” tanong nito sa kaniya.Isang mapaklang ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi. “Bakit hindi ba? Tandang-tanda ko pa ang mga eksaktong sinabi mo noon sa akin na kailanman ay hinding-hindi ka magkakaroon ng kahit na anumang damdamin sa akin.” titig na tiitig na sagot niya rito.Kailangan niyang alalahanin ang mga salitang sinabi nito sa kaniya noo para maalala nito kung ano ang trato nito sa kaniya noon. “Nagbago na lahat ngayon, hindi na ako ang Asha noon na baliw na baliw at ni hindi man lang marunong tanggihan ka.” diretsong sabi niya rito.“Alam kong nagkukunwari ka lang na wala ka ng nararamdaman sa akin.” sagot din naman nito sa kaniya.“Bakit ba mas magaling ka pa sa akin?” tanong niya rito dahilan para mapakuyom ang kamay nito at nagtagis din ang mga bagang nito bago ito humakbang palapit sa kaniya.