IYON ANG unang pagkakataon na nakita niyang sumigaw si Lawrence sa harap ng ama nito. Matatalim din ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya at kung nakamamatay lang ang mga tingin nito ay tiyak na kanina pa nga siya nabulagta sa sahig.
Alam niya sa sarili niya na hinding-hindi magagawa ng kanyang ina ang ibinibintang nito. Hindi dahil sa sama ng loob kung bakit pumanaw ang ina nito kundi dahil sa malubhang sakit. Tinapunan nito ng tingin ang ama. “Kung ipipilit nito talaga ang gusto niyo ay sige. Papayag ako, pero keep in mind na hinding-hindi ako magpapakabait sa babaeng yan.” mariing sabi nito at pagkatapos lang nitong sabihin ang mga iyon ay dali-dali na itong lumabas. Sinundan nito ng tingin ang papalayong pigura ni Lawrence at pagkatapos ay biglang napahilot ng wala sa oras sa sentido nito. “Pagpasensyahan mo na sana Asha ang anak ko.” paghingi nito ng paumanhin sa kaniya. “Okay lang po. Sanay na ako.” sabi na lamang niya dahil totoo namang sanay na siya. Sa araw-araw ba naman na ginawa ng Diyos ay palagi na lang itong nagagalit sa kaniya kapag nakikita siya nito. “Yun lang ang sasabihin ko. Baka may gagawin ka pa.” sabi nito pagkalipas ng ilang sandali. “Sige po, mauna na po muna ako.” sabi na lang din niya at pagkatapos ay tumayo na upang bumalik na muli sa kanyang silid na nasa likod ng mansyon. Kaya lang, nang nasa kusina na siya at patungo na sa pinto palabas ay bigla na lamang siyang hinila ni Lawrence at dinala sa bodega na naroon din. Mahigpit ang hawak nito sa kanyang braso kaya hindi niya maiwasang hindi mapadaing sa sakit. “Lawrence, bitawan mo ako…” pakiusap niya rito ngunit sa halip na bitawan siya ay bigla na lamang siya nitong itinulak sa dingding kaya napasandal siya rito. Hindi pa siya nakakagalaw nang bigla na lang nitong iharang ang mga braso nito sa magkabila niyang balikat at pagkatapos ay hinawakan ang kanyang baba. “Sabihin mo kay Daddy na ayaw mong magtrabaho sa kumpanya.” sabi nito kaagad sa kaniya. “Pwe-pwede naman nating pag-usapan ito ng maayos hindi ganito.” nauutal na sabi niya rito dahil magkahalong takot ang kaba ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. “Sino naman ang tangang makikipag-usap ng maayos sayo?” inis na tanong nito sa kaniya. “Kaya mo ba ako hinila rito para lang sabihin sa akin ang mga iyan?” may hinanakit na tanong niya rito. Nakita niya naman ang pagtaas ng kilay nito. “Bakit? Anong inaasahan mo?” magkasalubong ang kilay na tanong nito. “Ang kapal mo naman para mag-isip ng kung ano. Alam mo, kahit na maghubad ka sa harapan ko ay hinding-hindi ako maapektuhan. Baka ni isang balahibo sa katawan ko ay hindi man lang tumayo.” mariing sabi nito na punong-puno ng pangungutya. Awtomatiko namang napakuyom ang mga kamay ni Asha dahil sa matinding pang-iinsulto nito sa kaniya. Hindi niya rin tuloy maiwasang isipin na paano nga kung maghubad nga talaga siya sa harap nito at tingnan kung totoo nga ba talaga ang sinasabi nito o sinabi lang nito iyon dahil sa matinding galit nito pero sa huli ay hindi siya gumalaw at hinayaan niya lang itong sabihin ang lahat ng gusto nitong sabihin. Hanggang sa hindi na rin ito nagsalita pa at ginamit niya ang pagkakataong iyon para makaalis doon at dali-daling tumakbo patungo sa kanyang silid. Pagkasara pa lang niya ng pinto ay nag-unahan nang pumatak ang luha mula sa kanyang mga mata. Wala talaga itong kasing lupit at talagang napakawalang puso talaga nito. Kung siya lang ang tatanungin ay gusto na lang sana niyang umalis sa bahay na iyon para matapos na ang lahat ng paghihirap niya pero paano niya iyon gagawin? Napakabait ni Don Lucio at ni hindi niya pa nababayaran ang utang na loob niya rito. Hindi na siya lumabas pa ng kanyang silid ng araw na iyon at nagmukmok na lamang doon. ~~~ HABANG nakatulala siya sa loob ng kanilang classroom kinabukasan ay bigla na lang siyang nakaramdam ng isang kalabit mula sa kanyang likuran. Nang ibaling niya ang kanyang ulo ay nakita niya si Ali na nakangiti sa kaniya at sa tabi nito ay si Bea. kaklase niya ang mga ito at masasabi niya na kahit papano ay medyo close niya naman ang mga ito. “May problema ba?” kaagad niyang tanong sa mga ito. “Ano kasi, nagkayayaan kami ng iba nating mga kaklase na mag-bar. Gusto mo bang sumama?” nakangiting tanong nito sa kaniya. Agad na nagsalubong ang ka niyang mga kilay at pagkatapos ay marahang umiling. “Naku, hindi ko alam. Ano kasi—” hindi pa man niya natatapos ang kanyang sinasabi ay bigla na lamang siyang pinutol nito. “Ano ka ba naman Asha. ang tanda-tanda mo na, isa pa ayaw mo ba nun? Makakakita ka ng ibang tao at tiyak na mag-eenjoy ka rin.” mabilis na sabi nito. “Kaya nga, ano ka ba naman. Paminsan-minsan lang naman iyon e. Sa tagal-tagal na nating mga magkaklase, hindi ka pa namin nakaka-bonding kahit na minsan lang.” segunda naman kaagad ni Bea. “tyaka kailangan mo ring makipagkilala sa iba.” dagdag pa nito. Hindi siya sumagot sa halip ay nagyuko na lamang siya ng ulo. “Ano, sama ka?” untag nitong muli sa kaniya ay nang lingunin niya ito ay nakangiti ito sa kaniya. Maging si Bea ay naghihintay ng sagot niya. “Pwede bang pag-isipan ko muna?” tanong niya rito pagkalipas ng sandali. “Sige, tatawagan nalang kita mamaya. Nasa akin naman ang number mo.” sabi na lamang din nito na ikinatango niya lang naman. …NANG MATAPOS ang kanyang klase sa hapon ay nakatanggap siya ng text mula sa isang kasambahay sa mansyon na nagsasabi na si Lawrence daw ang susundo sa kaniya. Sinubukan niyang sabihin dito na hindi na siya kailangang sunduin nito ngunit ang sabi lang nito ay kanina pa raw ito umalis at tiyak daw na nasa labas na ito ng campus at naghihintay na sa kaniya.Dahil dito ay nagmadali na siyang lumabas ng silid ngunit may biglang tumawag sa kaniya sa likuran niya. Nakita niyang nakatayo doon ang isa sa mga kaklase niya. “May kailangan ka ba?” tanong niya kaagad dito. Ayaw niya namang talikuran na lang ito basta-basta dahil baka sabihin nito na napakabastos niya naman masyado.Kitang-kita niya kung paano ito nag-alangan at pagkatapos ay napakamot pa ito ng wala sa oras sa kanyang ulo. “Uhm, ano. Gusto ko lang itanong kung sasama ka ba mamaya?” tanong nito sa kaniya.“Ah…” sabi niya at hindi niya alam kung paano sasagot dahil sa totoo lang ay hindi pa siya nakakapag-isip kung sasama ba siya o
NANG MAKARATING si Asha sa bar kung saan sila magkikita-kita ay doon niya napansin na pamilyar iyon sa kaniya. Ilang sandali pa ay naalala niya na ang bar na iyon ay pagmamay-ari ni Lawrence at kasosyo nito ang ilan nitong kaibigan. Ilang beses na rin siyang nakapunta doon dahil isinasama siya minsan ni Lawrence kahit na labag na labag sa kalooban nito.Dahil dito ay napabuntong-hininga na lang siya. Wala siyang ibang gusto kundi ang sana ay huwag itong magpunta doon para hindi na naman mag-krus ang mga landas nila. Hindi nagtagal ay nakita na nga niya sina ALi kasama pa ang iba. Dali-dali siya nitong hinila patungo sa isang sulok para umupo.Nakita niyang naroon din ang kaklase niyang si Lester na humabol sa kaniya kanina. “Akala ko talaga ay hindi ka sasama ngayon. Pero buti naman at sumama ka.” nakangiting sabi nito sa kaniya pagkalipas ng ilang sandali. Sa tantiya niya ay may pagkamahiyain din si Lester kagaya niya.“Syempre, dahil ito ang unang beses mong lumabas kasama kami ay
IBUBUKA NA sana ni Asha ang kanyang bibig upang magsalita nang makarinig siya ng mahinang kumosyon mula sa baba. Rinig kasi ang tilian ng mga kababaihan kaya hindi niya maiwasang maki-usyoso. Nang makita niya ang eksena ay agad na nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya ang matangkad na pigura na papasok sa loob ng bar. “Lawrence…” mahinang bulong niya.Sa likod nito ay nakasunod ang dalawa nitong kaibigan na sina Colt at Adam. dahil nga sa taglay na kagwapuhan ng mga ito ay halos magtilian ang mga babaeng nasa loob ng bar. Halos tumigil ang lahat sa pagsasayaw at tumitig lamang sa mga ito na para bang mga artista ang mga dumating.Kahit na noong bata pa lang siya ay kilala na niya si Lawrence, hindi pa rin naiwasan ng puso niya ang pagtibok ng mabilis na para bang ngayon niya lang nakita ang kagwapuhan nito. “Crush mo rin ba ang mga iyon?” biglang tanong sa kaniya ni Lester na nasa tabi niya.Nagulat siya dahil doon kaya dali-dali niyang binawi ang tingin. “Hindi no.” puno ng p
PAG-AKYAT NILA sa second floor ay hindi na niya nakita pa ang babaeng nasa tabi kanina ni Lawrence. Idagdag pa na hindi niya akalaing ang pipiliin ng mga kaibigan niyang upuan ay doon sa malapit mismo kina Lawrence. Hindi niya tuloy maiwasang hindi mapalagay. Nagulat siya nang bigla na lang siyang tanungin ni Lester na nasa tabi niya pa rin. “Asha, lasing ka na ba? Ihahatid na kita. Baka hindi mo kayang umuwi.” sabi nito.“Hindi na kailangan, may susundo sa akin.” mariing pagtanggi niya rito.“Ah, ganun ba. Sayang naman.” sabi nito at halos mapasigaw siya nang mahina nang bigla na lang nitong hawakan ang kanyang beywang nang hindi man lang nagpapaalam sa kaniya. Agad niyang tinanggal ito at pagkatapos ay bahagyang lumayo rito. Alanganin siyang tumingin dito.“Pasensya ka na. Nagulat kita.” sabi nito. At nagulat siya nang bigla na lang itong mapalingon sa likod nila. Hindi niya tuloy maiwasang sundan ng tingin ito.Sa kanyang likuran ay nakita niya ang seryosong mukha ni Lawrence na n
HILONG-HILO si Asha kaya halos hindi na niya naramdaman pa ang isang kamay malakas na humawak sa kamay niya. Pakiramdam niya ay para siyang nakalutang sa ere nang mga oras na iyon. Sinubukan niyang magpumiglas ngunit narinig niya lang ang malalim at puno ng galit na tinig sa kanyang tenga. “Huwag kang malikot!” inis na anas nito.“Bitawan mo ako… gusto ko nang umuwi.” nakapikit na sabi niya rito. “Pwes itikom mo na lang yang bibig mo!” muling sabi nito. “Nakakairita talaga…” dagdag pa nito.Mariin siyang napaikit nang mga oras na iyon at pilit na kinikilala ang may-ari ng tinig na iyon. Parang pamilyar ito sa kaniya ngunit marahil dahil an rin sa kanyang kalasingan ay halos hindi na niya ito makilala pa. “Sino ka ba ha?! Bitawan mo ako!” muli niyang sigaw at biglang pumasok sa isip niya na baka kung sino lang ang taong ito at baka may balak itong masama sa kaniya.Bigla niya ring pinagsusuntok ang dibdib nito. “Bitawan mo akong manyak ka!” sigaw niya ngunit isang sigaw lang din ang i
KINAUMAGAHAN PAGKAGISING ni Asha ay agad siyang napahawak sa kanyang ulo. Dahan-dahan siyang bumangon at nagmulat ng kanyang mga mata. Nakita niya ang kanyang cellphone na nasa tabi niya at nang tingnan niya ito ay parang nawala lahat ng antok niya lalo pa at alas kwatro na pala ng hapon. Ito ang unang pagkakataon na nagising siya ng ganuong oras. Napahilamos siya sa kanyang mukha nang bigla niyang maalala ang kanyang panaginip. Bigla ring nag-init ang kanyang mukha at bumilis ang tibok ng kanyang puso. Wala sa sariling napahawak siya sa kanyang labi. Hindi niya akalain na magiging ganun siya ka-agresibo sa kanyang panaginip.Ilang sandali pa ay doon niya napansin na hindi pala iyon ang silid niya. Doon na rin pumasok sa isip niya ang mga nangyari kagabi. Sumama siya sa kanyang mga kaklase na lumabas at nalasing siya. “Anong nangyari? Bakit nandito ako?” sunod-sunod na tanong niya.Ang huling alaala niya kasi ay iyong nandun pa sila sa bar. Kung paano siya napunta doon ay iyon na ang
HABANG NAGLALAKAD siya ay bigla na lang tumulo ang luha niya. Kitang-kita niya sa mga mata ni Lawrence kung gaano talaga ito diring-diri sa kaniya. Pagkapasok niya sa loob ng kanyang silid ay agad siyang dumiretso sa banyo upang maligo at para na rin guminhawa kahit papano ang pakiramdam niya.Paglabas niya ng banyo, abala siya sa pagpupunas ng kanyang basang buhok nang bigla na lang tumunog ang kanyang cellphone dahilan para damputin niya ito. Nakita niya sa caller id ay si Lester ang tumatawag kaya dali-dali na niya itong sinagot. “May kailangang ka ba Lester?” tanong niya kaagad dito.“Ah, busy ka ba? Gusto sana kitang yayain na lumabas. Dinner tayo, libre ko.” sabi nito sa kaniya.Bahagyang nagliwanag ang kanyang mukha nang marinig niya ang sinabi nito. “Sure!” mabilis na sagot niya at hindi na nagpaligoy-ligoy pa. Isa pa ay ayaw niyang magmukmok doon dahil patuloy niya lang na naalala ang mga salitang sinabi sa kaniya ni Lawrence. Mainam na rin iyon para makapag-unwind siya kahit
HINDI NIYA ALAM kung paano nalaman ni Lawrence ang tungkol sa pagdating ni Lester sa mansyon. Hindi kaya narinig nito ang pagtigil ng sasakyan mula sa silid nito? Habang nag-iisip siya ay nagulat siya nang bigla na lamang siya nitong sunggaban. Hinawakan nito ng mahigpit ang kanyang mga braso dahilan para mapa-daing siya sa sakit.“La-lawrence ano ba? Na-nasasaktan ako…” mahinang sabi niya rito.Tinitigan lang siya nito at sinuyod mula ulo hanggang sa kanyang paa. “Kung dito sa bahay ay halos takpan mo ang katawan mo at ni halos hindi makita yang mga paa mo pero kapag pala lalabas ka at makikipagkita sa isang lalaki ay ganyan ka manamit. Anong klaseng ugali yan?” malamig na tanong nito sa kaniya.“Lawrence!” saway niya rito. Ni hindi man lang ito nagpreno sa sinabi nito. Anong ibig sabihin nito? Na ginagamit niya ang katawan niya para akitin ito?“Bakit? May sinabi ba akong mali huh? Diba, tama naman ang sinabi ko?” taas ang noong sabi nito sa kaniya.Napalunok siya at sinalubong ang
ILANG SANDALI PA ay bigla nitong hinawakan ang kanyang braso at hinila siya paalis doon. Medyo madiin ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay ngunit umarte siya na parang wala lang at hindi siya nasasaktan pero ang totoo ay nasasaktan na siya.“Bakit ka nakikipag yakapan sa kaniya huh?!” sigaw nito sa kaniya sa malalim na boses. Ang mga mata nito ay nag-aapoy habang nakatitig sa kaniya. Napapikit na lang siya at napabuntong-hininga.“Hindi ba pwedeng magyakapan ang magkaibigan?” walang emosyong tanong niya rito.“So ginawa mo iyon para lang galitin ako huh?!” galit na tanong nito sa kaniya.Napairap siya sa inis niya. Syempre mali ito at hindi iyon ang intensyon niya. “Ano bang sinasabi mo ah? Ganun na ba ako ka-desperada sa tingin mo?” muling tanong niya rito.“Talaga ba huh? Sinadya mong gawin iyon dahil gusto mo akong pagselosin!” sigaw nitong muli sa kaniya ngunit napapikit na lang siya ng mariin. Anong klaseng paliwanag pa ba ang gagawin niya para lang maniwala ito sa kaniya.Sa h
AWTOMATIKO NAMANG napalingon si Lester sa kaniya nang makita nito na si Lawrence ang nasa harap ng kotse. Sa ilang beses na nag-krus ang landas ng mga ito ay alam niya na kilala na nito ito. “Mukhang may problema, ayusin kaya muna ninyo?” mahinang tanong niya rito.Umiling naman siya. “Naayos na namin at wala na kaming dapat pang pag-usapan.” sabi niya rito.“Galit ba siya na sinundo kita?” muling tanong nito sa kaniya dahilan para mapatitig siya rito ng ilang segundo at hindi makapagsalita. Paano niya ba sasagutin ang tanong nito e siya naman mismo ang nagpasundo dahil gusto niyang ipakita kay Lawrence na nagbago na siya.Hindi pa man niya naibubuka ang kanyang bibig upang sumagot dito nang magulantang siya dahil bigla na lang kumalabog ang hood ng sasakyan na gawa ni Lawrence. Kahit na nasa loob na sila ng kotse ay malakas pa rin ang tunog kaya nagulat pa rin siya. Puno ng paghingi ng paumanhin ang kanyang mga mata nang tumingin siya rito. “Pasensya na kung ganito na naman ang nangy
NAKITA NIYA kung paano nagtagis ang mga bagang nito dahil sa sinabi niya. “Hindi ba at sinabi ko na sayo na ako ang maghahatid sayo hindi ba? Hindi mo ba naiintindihan iyon?” tanong nito sa kaniya na nanlalaki ang mga mata dahil sa galit ngunit wala siyang pakialam. Kahit na gaano ito kagalit ng mga oras na iyon ay hindi man lang siya nakaramdam ng takot.“Bingi ka ba? Hindi ba at ilang beses ko na ring sinabi sayo na kay Lester nga ako sasakay.” inis na rin niyang sabi rito.“Asha ano ba!” malakas na sigaw nito sa kaniya at kumulo na marahil ang dugo nito dahil sa matinding galit ngunit hindi siya natinag at nanatili lang sa kanyang kinatatayuan.“Umalis ka na diyan.” walang emosyong sabi niya rito.Ngunit hindi niya akalain na magmamatigas ito sa kaniya. “Hindi. Hindi ako aalis dito hanggat hindi sinasabi na sa akin ka magpapahatid at hindi sa lalaking iyon.” pagmamatigas pa rin nito.Sa puntong iyon ay halos sumabog na siya sa sobrang galit. “Ano ba Lawrence! Kailangan ko pa bang u
NATAHIMK SANDALI si Lawrence bago siya nito tuluyang pinakawalan. Nasa pinto na ito ng kanyang kwarto at pagkatapos ay lumabas na ito at dahil doon ay nakahinga siya ng maluwag dahil akala niya ay aalis na rin ito sa wakas dahil sa nagkausap naman na sila ng maayos kaya nga lang ay nang sundan niya ito ng tingin ay nakita niya kung paano ito naglakad papunta sa may sofa at umupo doon tanda na mukhang walang balak itong umuwi katulad ng iniisip niya.Agad na napakunot ang kanyang noo. “Anong ginagawa mo pa diyan? Hindi ka pa ba aalis?”“Gabi na. Delikado na ang magmaneho ngayon.” sabi nito ngunit alam niyang palusot lang nito iyon. Wala na lang siya nagawa kundi ang magpakawala ng isang mahabang buntong hininga.“E di sumakay ka na lang ng taxi o kaya e magpasundo ka.” suhestiyon niya naman dito.“Ayoko. Hindi ako mahilig magpa-drive.” walang emosyong sagot nito sa kaniya.“E anong ginagawa ng mga tauhan mo? Napakarami nila, siguro naman ay may pinagkakatiwalaan ka sa mga iyon.” sabi n
PAGPASOK NILA SA elevator ay nakadikit ito ng nakadikit sa kaniya na halos ang dibdib na nito ay nakadikit na mismo sa likod niya dahilan para hindi niya maiwasang hindi maging komportable. “Lumayo ka nga sa akin.” pasimpleng anas niya at bahagyang lumayo dito ngunit parang wala itong naririnig.Mabuti na lang at wala silang kasama sa loob ng elevator ng mga oras na iyon dahil kung hindi ay nakakahiya silang dalawa. Pagdating nila sa kanyang unit ay pumasok din naman ito kaagad at pagkatapos ay bigla na lang nitong pinuntahan ang bawat sulok ng kanyang unit. Hindi niya alam kung bakit nito ginawa iyon ngunit hindi siya nagtanong. Umupo na lang siya sa sofa at hinintay ito sa ginagawa nito na para bang bahay nito iyon.Nang makuntento na ito sa ginagawa nito ay pumunta na ito sa sofa at umupo tapat niya. Nagkatitigan ang kanilang mga mata bago nagsalita si Lawrence. “Alam kong kahit na anumang paghingi ko ng tawad sayo ay hindi ko na mababago pa ang nakaraan dahil huli na ang lahat.
NI ANG SUMAGI sa kanyang isip na maririnig niya ang mga salitang iyon mula sa bibig ng taong katulad ni Lawrence na hanggang sa kalalimlaliman ng pagkatao nito ay kinamumuhian siya. Hindi niya alam kung talagang humihingi ba ito ng tawad sa kaniya o isang pag-akto na naman iyon para mapaniwala siya na para bang sising-sisi ito sa lahat ng nagawa nito sa kaniya. Sa tingin ba nito ay mababago ng paghingi nito ng tawad ang lahat?Nang makita nito na hindi siya nakapagsalita dahil sa pagkagulat ay nagpatuloy ito sa pagsasalita. “Lahat ng sinabi ko sayo ay dahil iyon ang nararamdaman ko.” Tumaas ang isang kilay at sa wakas ay nagawa na niyang ibuka ang kanyang bibig para makapagsalita. “Sabihin mo nga, paano kita paniniwalaan na totoo ang mga sinasabi mo?” tanong niya rito.“Bakit naman sana ayaw mo akong paniwalaan e nagsasabi naman ako ng totoo?” balik nitong tanong sa kaniya.“Hindi ko alam. Baka mamaya ay may pinaplano ka pala at pakana mo lang ang lahat ng ito.” sabi niya rito.Nagsa
BUMALIK LANG ANG kanyang katinuan nang marinig nilang dalawa ang tinig ni Adam. “Lawrence anong ginagawa mo?” tanong nito kaya mabilis niyang itinaas ang kanyang kamay at itinulak ito palayo sa kaniya at pagkatapos ay nilingon si Adam na palapit na sa kanila ng mga oras na iyon.“Pwede mo bang yayain mo na itong kaibigan mo paalis dito Adam?” sabi niya na may himig ng pakiusap.“Huh bakit?” tanong nito kaagad at nagsalubong ang kilay pagkatapos ay tumingin kay Lawrence bago muling tumingin sa kaniya. “Anong ginawa niya sayo?” tanong pa nito ulit.“Paano kinuha niya ang susi ng kotse ko.” sumbong niya kaagad dito.“Kotse mo?” biglang baling naman sa kaniya ni Lawrence na nakataas ang kilay at alam niya na kaagad ang ibig nitong sabihin sa sinabi nito. Na hindi niya iyon kotse at kotse nila ito.Bumuntong-hininga na lang siya. “Okay fine. Hindi ko nga pala iyon kotse. Sige, kunin mo na yang susi at ikaw na rin ang mag-uwi niyang kotse. Magta-taxi na lang ako.” sabi niya rito at akmang t
ILANG METRO na lang ang layo niya sa sasakyan nang bigla na lang hawakan ni Lawrence ang kamay niya. Kasabay nang paghawak nito sa kanyang kamay ay wala siyang nagawa kundi ang mapabuntong-hininga na lang ng malalim. “Bitawan mo ako.” sabi niya nang lingunin niya ito. Walang ekspresyon ang kanyang mukha ng mga oras na iyon dahil naiinis na siya at napapagod na, gusto na niyang makaalis doon. Malayo dito.Napatitig siya sa mukha nito. Hindi niya alam kung anong klaseng espirito ang sumanib dito dahil pakiramdam niya ay ibang tao ang nasa harapan niya. “Pwede ba tayong mag-usap kahit na sandali lang?” tanong nito sa kaniya.Agad na nagsalubong ang kanyang mga kilay. “At ano naman sana ang pag-uusapan nating dalawa?”“Tungkol sa relasyon natin.” sabi nito dahilan para matigilan siya. Muli siyang humugot ng isang malalim na buntong hininga. Hindi ba at paulit-ulit na niyang sinasabi rito na wala silang relasyon? Bakit ba ipinagpipilitan pa rin nito? Tumitig ito sa kaniyag mga mata. “Sina
ILANG SANDALI siyang tinitigan ni Lawrence bago ito bumuntong hininga at sumagot sa kaniya. “Bakit? Dahil ba wala akong puso huh? Na matigas ang puso ko kaya ganyan ang sinasabi mo?” tanong nito sa kaniya.Isang mapaklang ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi. “Bakit hindi ba? Tandang-tanda ko pa ang mga eksaktong sinabi mo noon sa akin na kailanman ay hinding-hindi ka magkakaroon ng kahit na anumang damdamin sa akin.” titig na tiitig na sagot niya rito.Kailangan niyang alalahanin ang mga salitang sinabi nito sa kaniya noo para maalala nito kung ano ang trato nito sa kaniya noon. “Nagbago na lahat ngayon, hindi na ako ang Asha noon na baliw na baliw at ni hindi man lang marunong tanggihan ka.” diretsong sabi niya rito.“Alam kong nagkukunwari ka lang na wala ka ng nararamdaman sa akin.” sagot din naman nito sa kaniya.“Bakit ba mas magaling ka pa sa akin?” tanong niya rito dahilan para mapakuyom ang kamay nito at nagtagis din ang mga bagang nito bago ito humakbang palapit sa kaniya.