NANG MATAPOS ang kanyang klase sa hapon ay nakatanggap siya ng text mula sa isang kasambahay sa mansyon na nagsasabi na si Lawrence daw ang susundo sa kaniya. Sinubukan niyang sabihin dito na hindi na siya kailangang sunduin nito ngunit ang sabi lang nito ay kanina pa raw ito umalis at tiyak daw na nasa labas na ito ng campus at naghihintay na sa kaniya.
Dahil dito ay nagmadali na siyang lumabas ng silid ngunit may biglang tumawag sa kaniya sa likuran niya. Nakita niyang nakatayo doon ang isa sa mga kaklase niya. “May kailangan ka ba?” tanong niya kaagad dito. Ayaw niya namang talikuran na lang ito basta-basta dahil baka sabihin nito na napakabastos niya naman masyado. Kitang-kita niya kung paano ito nag-alangan at pagkatapos ay napakamot pa ito ng wala sa oras sa kanyang ulo. “Uhm, ano. Gusto ko lang itanong kung sasama ka ba mamaya?” tanong nito sa kaniya. “Ah…” sabi niya at hindi niya alam kung paano sasagot dahil sa totoo lang ay hindi pa siya nakakapag-isip kung sasama ba siya o hindi. “Hindi ko pa alam e. Pinag-iisipan ko pa.” sagot niya na totoo naman. “Sumama ka please…” biglang sabi nito at pagkatapos ay bigla na lang nitong hinawakan ang kamay niya. Agad siyang nagulat at dahil doon ay dali-dali niyang hinila ang kanyang kamay mula rito. Mabilis naman itong humingi ng paumanhin sa kaniya. “Pasensya na. Hindi ko sinasadya.” sabi nito at puno ng paghingi ng paumanhin ang mukha. “Mauna na ako. Naghihintay na kasi ang sasakyan ko. Pasensya ka na.” sabi na lamang niya rito. “Aasahan ko na pupunta ka mamayang gabi.” sabi nito sa kaniya bago siya tuluyang tumalikod at isang matamis na ngiti lang ang isinagot niya rito at tumakbo na patungo sa nakaparang sasakyan ni Lawrence. Wala itong ekspresyon nang pumasok siya sa loob. “Hindi ko alam na may nilalandi ka na pala rito sa paaralan. Kapag nalaman ni Daddy ang tungkol dito, ano na lang kaya ang sasabihin niya sayo?” malamig na tanong nito sa kaniya. Hindi naman siya makapaniwalang napabaling dito at bahagyang nagulat dahil sa sinabi nito. “Mali ang iniisip mo. ang taong iyon ay—” hindi pa man niya natatapos ang kanyang sinasabi ay bigla na lamang siyang pinutol nito. “Hindi mo kailangang magpaliwanag dahil wala akong pakialam at ayaw kong marinig.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay pinaandar na ang sasakyan. Hindi na niya nagawa pang magsalita dahil sa banta nito. Tiyak na kapag sinubukan niya lang na magsalita pa ay mas lalo lang magagalit ito sa kaniya. PAG-UWI niya ay agad siyang dumiretso sa kanyang silid at halos inabot siya ng sampung minuto na nakatulala habang iniisip ang sinabi sa kaniya ni Ali at ni Bea. tama naman ang mga ito na halos wala siyang ibang kakilala at ni hindi man lang siya nakikihalubilo sa mga iba kaklase nila. Biglang pumasok sa isip niya na tutal naman ay malapit-lapit na rin naman siyang maka-graduate ay tama lang din naman siguro na i-enjoy niya rin ang teenage life niya bago pa man siya masubsob sa trabaho. Dahil dito ay dali-dali siyang bumangon at nagtungo sa mansyon. Hinanap niya si Don Lucio na natagpuan naman niya sa study room nito. Kumatok muna siya bago pumasok. Nakita niyang nilingon siya nito. “May kailangan ka ba hija?” masuyong tanong nito sa kaniya. “Uhm…” napahawak siya sa kanyang kamay at kinakabahan. “Pwede po ba akong magpaalam sa inyo na lumabas kasama ang mga kaklase ko?” maingat na tanong niya rito. Sa katunayan ay ito ang unang beses na nagpaalam siya rito na lalabas dahil hindi naman talaga siya pala-labas. Kitang-kita niya ang pagguhit ng isang matamis na ngiti sa labi nito at napasandal sa kinauupuan nito. “Masaya ko Asha na sa wakas ay naisipan mo ring lumabas kasama ang mga kaklase mo.” sabi nito sa kaniya bigla na ikinagulat niya. Hindi siya nakapagsalita at napatitig lang dito. Sa totoo lang ay nagulat talaga siya sa reaskyon nito. Ang akala pa naman niya ay mahihirapan siya sa pagpapaalam ngunit laking pagkakamali niya. “Alam mo sa totoo lang, gusto ko na gawin mo rin ang mga ginagawa ng ibang teenager kagaya mo. hindi yung puro bahay at eskwela ka lang. Tatanda ka lang ng hindi mo nai-enjoy ang buhay mo.” sabi nito sa kaniya. “Katulad ko, matanda na ako at hindi na makalabas pa dahil mahina na ang katawan ko.” dagdag pa nito. “Ano po ba kayo. Mas gusto ko naman pong alagaan kayo kaysa ang lumabas at magsayang ng oras sa labas lalo pa at napakalaki ng utang na loob ko sa inyo.” sabi niya rito. Ngumiti lang naman ito sa kaniya. “Manang-mana ka talaga sa nanay mo hija. Magkaparehong-magkapareho kayo.” muling sabi nito at pagkatapos ay binuksan nito ang drawer. Sa sumunod na segundo ay may inaabot na ito sa kaniya. “Ito, kunin mo.” sabi nito. Nang tingnan niya kung ano ang inaabot nito ay nakita niya ang isang black card na may golden plate. Agad na nanlaki ang kanyang mga mata at mabilis na napailing. “Naku, hindi na po kailangan sir.” mabilis na pagtanggi niya rito. “Ano ka ba, huwag ka ng tumanggi pa hija. Tama lang ito.” sabi nito at pagkatapos ay inabot ang kamay niya at inilagay ito sa mga palad niya. “Sir hindi po talaga—” “Tanggapin mo na hija. Isa pa, tama lang na alagaan kitang mabuti para naman kahit papano ay makabawi ako sa mga pagkakamaling nagawa ko.” makahulugang sabi nito na ikinakunot ng kanyang noo. “Ano pong ibig niyong sabihin?” tanong niya rito ngunit sa halip na sagutin nito ang tanong niya ay iniba na nito ang sinasabi nito. “Kung may gusto kang bilhin ay huwag kang magdalawang isip na bilhin iyon. Gamitin mo ang card na yan. Kahit na anong gusto mo.” sabi nito sa kaniya. “Ipapahatid kita kay Lawrence para siguradong—” hindi pa man nito natatapos ang sinasabi ay mabilis na niyang pinutol ito. “Hindi na po kailangan. Kaya ko naman pong pumunta doon.” sabi niya rito ngunit umiling ito. “Medyo tumataas ang krimen ngayon at hindi maganda na pabayaan ka lang mag-isang lumabas. Ipapahatid na lang kita sa driver para naman kahit papano ay maging panatag ang isip ko.” sabi nito. Wala na lang siyang nagawa pa kundi ang bumuntong-hininga. Alam niya sa sarili niya na wala naman siyang magiging laban dito kaya sa huli ay pumayag na lang siya. Atleast ay hindi si Lawrence ang maghahatid sa kaniya. Pagkatapos nito ay nagpaalam na siya at bumalik sa loob ng kanyang silid kung saan ay eksaktong tumawag naman si Ali sa kaniya. Masayang-masaya ito nang sabihin niyang sasama siya rito. Hiningi na lang niya ang lokasyon kung saan sila magkikita-kita para hindi siya maligaw at pagkatapos ay naligo na rin siya at nagbihis. Nang makabihis siya ay magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman niya sa totoo lang dahil first time nga lang niya iyon. …NANG MAKARATING si Asha sa bar kung saan sila magkikita-kita ay doon niya napansin na pamilyar iyon sa kaniya. Ilang sandali pa ay naalala niya na ang bar na iyon ay pagmamay-ari ni Lawrence at kasosyo nito ang ilan nitong kaibigan. Ilang beses na rin siyang nakapunta doon dahil isinasama siya minsan ni Lawrence kahit na labag na labag sa kalooban nito.Dahil dito ay napabuntong-hininga na lang siya. Wala siyang ibang gusto kundi ang sana ay huwag itong magpunta doon para hindi na naman mag-krus ang mga landas nila. Hindi nagtagal ay nakita na nga niya sina ALi kasama pa ang iba. Dali-dali siya nitong hinila patungo sa isang sulok para umupo.Nakita niyang naroon din ang kaklase niyang si Lester na humabol sa kaniya kanina. “Akala ko talaga ay hindi ka sasama ngayon. Pero buti naman at sumama ka.” nakangiting sabi nito sa kaniya pagkalipas ng ilang sandali. Sa tantiya niya ay may pagkamahiyain din si Lester kagaya niya.“Syempre, dahil ito ang unang beses mong lumabas kasama kami ay
IBUBUKA NA sana ni Asha ang kanyang bibig upang magsalita nang makarinig siya ng mahinang kumosyon mula sa baba. Rinig kasi ang tilian ng mga kababaihan kaya hindi niya maiwasang maki-usyoso. Nang makita niya ang eksena ay agad na nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya ang matangkad na pigura na papasok sa loob ng bar. “Lawrence…” mahinang bulong niya.Sa likod nito ay nakasunod ang dalawa nitong kaibigan na sina Colt at Adam. dahil nga sa taglay na kagwapuhan ng mga ito ay halos magtilian ang mga babaeng nasa loob ng bar. Halos tumigil ang lahat sa pagsasayaw at tumitig lamang sa mga ito na para bang mga artista ang mga dumating.Kahit na noong bata pa lang siya ay kilala na niya si Lawrence, hindi pa rin naiwasan ng puso niya ang pagtibok ng mabilis na para bang ngayon niya lang nakita ang kagwapuhan nito. “Crush mo rin ba ang mga iyon?” biglang tanong sa kaniya ni Lester na nasa tabi niya.Nagulat siya dahil doon kaya dali-dali niyang binawi ang tingin. “Hindi no.” puno ng p
PAG-AKYAT NILA sa second floor ay hindi na niya nakita pa ang babaeng nasa tabi kanina ni Lawrence. Idagdag pa na hindi niya akalaing ang pipiliin ng mga kaibigan niyang upuan ay doon sa malapit mismo kina Lawrence. Hindi niya tuloy maiwasang hindi mapalagay. Nagulat siya nang bigla na lang siyang tanungin ni Lester na nasa tabi niya pa rin. “Asha, lasing ka na ba? Ihahatid na kita. Baka hindi mo kayang umuwi.” sabi nito.“Hindi na kailangan, may susundo sa akin.” mariing pagtanggi niya rito.“Ah, ganun ba. Sayang naman.” sabi nito at halos mapasigaw siya nang mahina nang bigla na lang nitong hawakan ang kanyang beywang nang hindi man lang nagpapaalam sa kaniya. Agad niyang tinanggal ito at pagkatapos ay bahagyang lumayo rito. Alanganin siyang tumingin dito.“Pasensya ka na. Nagulat kita.” sabi nito. At nagulat siya nang bigla na lang itong mapalingon sa likod nila. Hindi niya tuloy maiwasang sundan ng tingin ito.Sa kanyang likuran ay nakita niya ang seryosong mukha ni Lawrence na n
HILONG-HILO si Asha kaya halos hindi na niya naramdaman pa ang isang kamay malakas na humawak sa kamay niya. Pakiramdam niya ay para siyang nakalutang sa ere nang mga oras na iyon. Sinubukan niyang magpumiglas ngunit narinig niya lang ang malalim at puno ng galit na tinig sa kanyang tenga. “Huwag kang malikot!” inis na anas nito.“Bitawan mo ako… gusto ko nang umuwi.” nakapikit na sabi niya rito. “Pwes itikom mo na lang yang bibig mo!” muling sabi nito. “Nakakairita talaga…” dagdag pa nito.Mariin siyang napaikit nang mga oras na iyon at pilit na kinikilala ang may-ari ng tinig na iyon. Parang pamilyar ito sa kaniya ngunit marahil dahil an rin sa kanyang kalasingan ay halos hindi na niya ito makilala pa. “Sino ka ba ha?! Bitawan mo ako!” muli niyang sigaw at biglang pumasok sa isip niya na baka kung sino lang ang taong ito at baka may balak itong masama sa kaniya.Bigla niya ring pinagsusuntok ang dibdib nito. “Bitawan mo akong manyak ka!” sigaw niya ngunit isang sigaw lang din ang i
KINAUMAGAHAN PAGKAGISING ni Asha ay agad siyang napahawak sa kanyang ulo. Dahan-dahan siyang bumangon at nagmulat ng kanyang mga mata. Nakita niya ang kanyang cellphone na nasa tabi niya at nang tingnan niya ito ay parang nawala lahat ng antok niya lalo pa at alas kwatro na pala ng hapon. Ito ang unang pagkakataon na nagising siya ng ganuong oras. Napahilamos siya sa kanyang mukha nang bigla niyang maalala ang kanyang panaginip. Bigla ring nag-init ang kanyang mukha at bumilis ang tibok ng kanyang puso. Wala sa sariling napahawak siya sa kanyang labi. Hindi niya akalain na magiging ganun siya ka-agresibo sa kanyang panaginip.Ilang sandali pa ay doon niya napansin na hindi pala iyon ang silid niya. Doon na rin pumasok sa isip niya ang mga nangyari kagabi. Sumama siya sa kanyang mga kaklase na lumabas at nalasing siya. “Anong nangyari? Bakit nandito ako?” sunod-sunod na tanong niya.Ang huling alaala niya kasi ay iyong nandun pa sila sa bar. Kung paano siya napunta doon ay iyon na ang
HABANG NAGLALAKAD siya ay bigla na lang tumulo ang luha niya. Kitang-kita niya sa mga mata ni Lawrence kung gaano talaga ito diring-diri sa kaniya. Pagkapasok niya sa loob ng kanyang silid ay agad siyang dumiretso sa banyo upang maligo at para na rin guminhawa kahit papano ang pakiramdam niya.Paglabas niya ng banyo, abala siya sa pagpupunas ng kanyang basang buhok nang bigla na lang tumunog ang kanyang cellphone dahilan para damputin niya ito. Nakita niya sa caller id ay si Lester ang tumatawag kaya dali-dali na niya itong sinagot. “May kailangang ka ba Lester?” tanong niya kaagad dito.“Ah, busy ka ba? Gusto sana kitang yayain na lumabas. Dinner tayo, libre ko.” sabi nito sa kaniya.Bahagyang nagliwanag ang kanyang mukha nang marinig niya ang sinabi nito. “Sure!” mabilis na sagot niya at hindi na nagpaligoy-ligoy pa. Isa pa ay ayaw niyang magmukmok doon dahil patuloy niya lang na naalala ang mga salitang sinabi sa kaniya ni Lawrence. Mainam na rin iyon para makapag-unwind siya kahit
HINDI NIYA ALAM kung paano nalaman ni Lawrence ang tungkol sa pagdating ni Lester sa mansyon. Hindi kaya narinig nito ang pagtigil ng sasakyan mula sa silid nito? Habang nag-iisip siya ay nagulat siya nang bigla na lamang siya nitong sunggaban. Hinawakan nito ng mahigpit ang kanyang mga braso dahilan para mapa-daing siya sa sakit.“La-lawrence ano ba? Na-nasasaktan ako…” mahinang sabi niya rito.Tinitigan lang siya nito at sinuyod mula ulo hanggang sa kanyang paa. “Kung dito sa bahay ay halos takpan mo ang katawan mo at ni halos hindi makita yang mga paa mo pero kapag pala lalabas ka at makikipagkita sa isang lalaki ay ganyan ka manamit. Anong klaseng ugali yan?” malamig na tanong nito sa kaniya.“Lawrence!” saway niya rito. Ni hindi man lang ito nagpreno sa sinabi nito. Anong ibig sabihin nito? Na ginagamit niya ang katawan niya para akitin ito?“Bakit? May sinabi ba akong mali huh? Diba, tama naman ang sinabi ko?” taas ang noong sabi nito sa kaniya.Napalunok siya at sinalubong ang
NAPATAYO NG WALA sa oras si Lawrence sa kinauupuan nito. “Ano?!” hindi makapaniwalang tanong nito sa kaniya. “Gusto niyo akong pakasalan siya kahit na wala naman talaga akong ginagawa? Hindi ako papayag!” mariing tanggi nito at kitang kita niya ang labis na galit nang lumingon ito sa kaniya.“Sa ayaw at sa gusto mo ay susunod ka sa gusto ko.” mariing wika ng matanda na labis lang nagpagalit kay Lawrence. Sinamaan siya nito ng tingin bago nagmadaling umalis. Samantalang siya ay para ring nakalutang nang tumayo at lumabas doon. Hindi niya matanto kung totoo ba ang mga nangyayari o nananaginip lang siya.Nang humiga siya sa kanyang kama ay bigla siyang napatitig sa kisame. Bigla siyang nakaramdam ng konsensya dahil sa hindi niya pagsasalita. Hinayaan niya lang na isipin ni Don Lucio ang gusto nito at ni hindi man lang niya ipinagtanggol si Lawrence.Buong gabi niyang sinubukan ang matulog ngunit ni isang minuto ay hindi siya nakaidlip. Naging abala kasi ang kanyang isip sa pag-iisip ng m
PAGKALABAS NIYA NG silid ng matanda ay dumiretso siya sa baba. Dahil wala naman siyang gagawin ay naghanap na lang siya ng pwede niyang magawa at napunta nga siya sa garden kaya ang magdilig na lang ang napagdiskitahan niyang gawin.Hindi pa man siya nakaka dami ng kanyang nadidiligan ay bigla na lang siyang napapitlag nang may marinig siyang isang pamilyar na tinig sa likuran niya. “Masaya ka na ba huh?” sarkastikong tanong nito sa kaniya.Wala sa sariling napalingon siya rito. Hindi niya alam kung ano ang sinasabi nito ng mga oras na iyon. Wala siyang ideya. “Tinatanong kita. Masaya ka na ba na nagtagumpay ka sa plano mo at ngayon ay ipapakasal ako ni DAddy sayo?” Agad na nanlaki ang kanyang mga mata nang maisip niya ang sinabi nito. Iyon pala ang tinutukoy nito. Mabilis siyang umiling. “Hindi. Mali ang iniisip mo.” pagdedepensa niya at gusto niya sanang linisin ang pangalan niya rito.Tumaas ang sulok ng labi nito at bahagyang natawa. “Hindi ko talaga lubos malaman kung anong ipin
NAPATAYO NG WALA sa oras si Lawrence sa kinauupuan nito. “Ano?!” hindi makapaniwalang tanong nito sa kaniya. “Gusto niyo akong pakasalan siya kahit na wala naman talaga akong ginagawa? Hindi ako papayag!” mariing tanggi nito at kitang kita niya ang labis na galit nang lumingon ito sa kaniya.“Sa ayaw at sa gusto mo ay susunod ka sa gusto ko.” mariing wika ng matanda na labis lang nagpagalit kay Lawrence. Sinamaan siya nito ng tingin bago nagmadaling umalis. Samantalang siya ay para ring nakalutang nang tumayo at lumabas doon. Hindi niya matanto kung totoo ba ang mga nangyayari o nananaginip lang siya.Nang humiga siya sa kanyang kama ay bigla siyang napatitig sa kisame. Bigla siyang nakaramdam ng konsensya dahil sa hindi niya pagsasalita. Hinayaan niya lang na isipin ni Don Lucio ang gusto nito at ni hindi man lang niya ipinagtanggol si Lawrence.Buong gabi niyang sinubukan ang matulog ngunit ni isang minuto ay hindi siya nakaidlip. Naging abala kasi ang kanyang isip sa pag-iisip ng m
HINDI NIYA ALAM kung paano nalaman ni Lawrence ang tungkol sa pagdating ni Lester sa mansyon. Hindi kaya narinig nito ang pagtigil ng sasakyan mula sa silid nito? Habang nag-iisip siya ay nagulat siya nang bigla na lamang siya nitong sunggaban. Hinawakan nito ng mahigpit ang kanyang mga braso dahilan para mapa-daing siya sa sakit.“La-lawrence ano ba? Na-nasasaktan ako…” mahinang sabi niya rito.Tinitigan lang siya nito at sinuyod mula ulo hanggang sa kanyang paa. “Kung dito sa bahay ay halos takpan mo ang katawan mo at ni halos hindi makita yang mga paa mo pero kapag pala lalabas ka at makikipagkita sa isang lalaki ay ganyan ka manamit. Anong klaseng ugali yan?” malamig na tanong nito sa kaniya.“Lawrence!” saway niya rito. Ni hindi man lang ito nagpreno sa sinabi nito. Anong ibig sabihin nito? Na ginagamit niya ang katawan niya para akitin ito?“Bakit? May sinabi ba akong mali huh? Diba, tama naman ang sinabi ko?” taas ang noong sabi nito sa kaniya.Napalunok siya at sinalubong ang
HABANG NAGLALAKAD siya ay bigla na lang tumulo ang luha niya. Kitang-kita niya sa mga mata ni Lawrence kung gaano talaga ito diring-diri sa kaniya. Pagkapasok niya sa loob ng kanyang silid ay agad siyang dumiretso sa banyo upang maligo at para na rin guminhawa kahit papano ang pakiramdam niya.Paglabas niya ng banyo, abala siya sa pagpupunas ng kanyang basang buhok nang bigla na lang tumunog ang kanyang cellphone dahilan para damputin niya ito. Nakita niya sa caller id ay si Lester ang tumatawag kaya dali-dali na niya itong sinagot. “May kailangang ka ba Lester?” tanong niya kaagad dito.“Ah, busy ka ba? Gusto sana kitang yayain na lumabas. Dinner tayo, libre ko.” sabi nito sa kaniya.Bahagyang nagliwanag ang kanyang mukha nang marinig niya ang sinabi nito. “Sure!” mabilis na sagot niya at hindi na nagpaligoy-ligoy pa. Isa pa ay ayaw niyang magmukmok doon dahil patuloy niya lang na naalala ang mga salitang sinabi sa kaniya ni Lawrence. Mainam na rin iyon para makapag-unwind siya kahit
KINAUMAGAHAN PAGKAGISING ni Asha ay agad siyang napahawak sa kanyang ulo. Dahan-dahan siyang bumangon at nagmulat ng kanyang mga mata. Nakita niya ang kanyang cellphone na nasa tabi niya at nang tingnan niya ito ay parang nawala lahat ng antok niya lalo pa at alas kwatro na pala ng hapon. Ito ang unang pagkakataon na nagising siya ng ganuong oras. Napahilamos siya sa kanyang mukha nang bigla niyang maalala ang kanyang panaginip. Bigla ring nag-init ang kanyang mukha at bumilis ang tibok ng kanyang puso. Wala sa sariling napahawak siya sa kanyang labi. Hindi niya akalain na magiging ganun siya ka-agresibo sa kanyang panaginip.Ilang sandali pa ay doon niya napansin na hindi pala iyon ang silid niya. Doon na rin pumasok sa isip niya ang mga nangyari kagabi. Sumama siya sa kanyang mga kaklase na lumabas at nalasing siya. “Anong nangyari? Bakit nandito ako?” sunod-sunod na tanong niya.Ang huling alaala niya kasi ay iyong nandun pa sila sa bar. Kung paano siya napunta doon ay iyon na ang
HILONG-HILO si Asha kaya halos hindi na niya naramdaman pa ang isang kamay malakas na humawak sa kamay niya. Pakiramdam niya ay para siyang nakalutang sa ere nang mga oras na iyon. Sinubukan niyang magpumiglas ngunit narinig niya lang ang malalim at puno ng galit na tinig sa kanyang tenga. “Huwag kang malikot!” inis na anas nito.“Bitawan mo ako… gusto ko nang umuwi.” nakapikit na sabi niya rito. “Pwes itikom mo na lang yang bibig mo!” muling sabi nito. “Nakakairita talaga…” dagdag pa nito.Mariin siyang napaikit nang mga oras na iyon at pilit na kinikilala ang may-ari ng tinig na iyon. Parang pamilyar ito sa kaniya ngunit marahil dahil an rin sa kanyang kalasingan ay halos hindi na niya ito makilala pa. “Sino ka ba ha?! Bitawan mo ako!” muli niyang sigaw at biglang pumasok sa isip niya na baka kung sino lang ang taong ito at baka may balak itong masama sa kaniya.Bigla niya ring pinagsusuntok ang dibdib nito. “Bitawan mo akong manyak ka!” sigaw niya ngunit isang sigaw lang din ang i
PAG-AKYAT NILA sa second floor ay hindi na niya nakita pa ang babaeng nasa tabi kanina ni Lawrence. Idagdag pa na hindi niya akalaing ang pipiliin ng mga kaibigan niyang upuan ay doon sa malapit mismo kina Lawrence. Hindi niya tuloy maiwasang hindi mapalagay. Nagulat siya nang bigla na lang siyang tanungin ni Lester na nasa tabi niya pa rin. “Asha, lasing ka na ba? Ihahatid na kita. Baka hindi mo kayang umuwi.” sabi nito.“Hindi na kailangan, may susundo sa akin.” mariing pagtanggi niya rito.“Ah, ganun ba. Sayang naman.” sabi nito at halos mapasigaw siya nang mahina nang bigla na lang nitong hawakan ang kanyang beywang nang hindi man lang nagpapaalam sa kaniya. Agad niyang tinanggal ito at pagkatapos ay bahagyang lumayo rito. Alanganin siyang tumingin dito.“Pasensya ka na. Nagulat kita.” sabi nito. At nagulat siya nang bigla na lang itong mapalingon sa likod nila. Hindi niya tuloy maiwasang sundan ng tingin ito.Sa kanyang likuran ay nakita niya ang seryosong mukha ni Lawrence na n
IBUBUKA NA sana ni Asha ang kanyang bibig upang magsalita nang makarinig siya ng mahinang kumosyon mula sa baba. Rinig kasi ang tilian ng mga kababaihan kaya hindi niya maiwasang maki-usyoso. Nang makita niya ang eksena ay agad na nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya ang matangkad na pigura na papasok sa loob ng bar. “Lawrence…” mahinang bulong niya.Sa likod nito ay nakasunod ang dalawa nitong kaibigan na sina Colt at Adam. dahil nga sa taglay na kagwapuhan ng mga ito ay halos magtilian ang mga babaeng nasa loob ng bar. Halos tumigil ang lahat sa pagsasayaw at tumitig lamang sa mga ito na para bang mga artista ang mga dumating.Kahit na noong bata pa lang siya ay kilala na niya si Lawrence, hindi pa rin naiwasan ng puso niya ang pagtibok ng mabilis na para bang ngayon niya lang nakita ang kagwapuhan nito. “Crush mo rin ba ang mga iyon?” biglang tanong sa kaniya ni Lester na nasa tabi niya.Nagulat siya dahil doon kaya dali-dali niyang binawi ang tingin. “Hindi no.” puno ng p
NANG MAKARATING si Asha sa bar kung saan sila magkikita-kita ay doon niya napansin na pamilyar iyon sa kaniya. Ilang sandali pa ay naalala niya na ang bar na iyon ay pagmamay-ari ni Lawrence at kasosyo nito ang ilan nitong kaibigan. Ilang beses na rin siyang nakapunta doon dahil isinasama siya minsan ni Lawrence kahit na labag na labag sa kalooban nito.Dahil dito ay napabuntong-hininga na lang siya. Wala siyang ibang gusto kundi ang sana ay huwag itong magpunta doon para hindi na naman mag-krus ang mga landas nila. Hindi nagtagal ay nakita na nga niya sina ALi kasama pa ang iba. Dali-dali siya nitong hinila patungo sa isang sulok para umupo.Nakita niyang naroon din ang kaklase niyang si Lester na humabol sa kaniya kanina. “Akala ko talaga ay hindi ka sasama ngayon. Pero buti naman at sumama ka.” nakangiting sabi nito sa kaniya pagkalipas ng ilang sandali. Sa tantiya niya ay may pagkamahiyain din si Lester kagaya niya.“Syempre, dahil ito ang unang beses mong lumabas kasama kami ay