SA BUONG BYAHE nila pauwi ay wala silang imikang dalawa. Nang pumarada ang sasakyan sa harap ng mansyon ay wala pa rin itong sinabi. Hindi rin siya nagsalita at dali-dali lang na bumaba. Pagkasara niya ng pinto ay bigla na lamang itong humarurot palayo. Hindi niya alam kung saan ito pupunta dahil hindi naman ito nagsalita at bigla na lang umalis.
Pagpasok niya sa loob ng mansyon ay agad siyang sinalubong ni Don Lucio at tinanong. “Saan na naman pupunta ang magaling kong anak at ni hindi man lang siya bumaba ng kotse niya?” tanong nito sa kaniya. Yumuko lang siya. “Hindi ko po alam, hindi po siya nagsabi kung saan siya pupunta.” magalang na sabi niya rito. Napatampal naman ito bigla sa noo nito marahil sa matinding stress. “Napakatigas talaga ng ulo ng batang iyon. Kailan niya ba balak tumino?” tanong nito at pailing-iling pa. “O siya hija, alam kong pagod ka sa pag-aaral. Magpahinga ka na muna.” sabi nito sa kaniya na ikinatango niya naman. “Maraming salamat po.” sabi niya at pagkatapos ay nagmamadaling nagtungo sa likod ng mansyon kung saan ay may maliit na silid na isang storage room noon. Sa katunayan ay ilang beses na siyang pinilit ni Don Lucio na lumipat na sa mansyon para mas maging maganda ang silid niya ngunit paulit-ulit lang siyang tumanggi. Yung hindi pa nga siya doon nakatira ay galit na galit na sa kaniya si Lawrence paano pa kapag pumayag siya sa gusto ng ama nito? Baka isipin nito ay tinetake advantage niya ang kabaitan nito. Nagbihis lang siya at nagpahinga sandali bago bumalik sa mansyon upang tulungan ang mga kasambahay sa mga gawain ng mga ito. MABILIS NA LUMIPAS ang mga araw at isang linggo na ang nakalipas noong ihatid siya ni Lawrence sa mansyon at simula noon ay hindi ito umuwi na labis na ikinainit ng ulo ng ama nito. Sabado noon ng umaga at wala siyang pasok, inutusan siya ni Don Lucio na puntahan ang condo nito. Madalas na ganito ang ginawa ni Lawrence, marahil ay dahil na rin sa ayaw siya nitong makita dahil surang-sura ito sa kanyang pagmukha. Kahit na ayaw niya sana na puntahan ito dahil alam niya na allergic ito sa kanyang mukha ay wala na lang din siyang nagawa kundi ang sundin ang utos ng ama nito. Nagpahatid lang siya sa driver kung at hindi naman nagtagal ay nakarating na rin siya sa wakas sa condo nito. Pagdating niya sa pinto ay agad niyang inilabas mula sa kanyang bag ang dala niyang key card na ibinigay sa kaniya ni Don Lucio para in-case na wala ito doon ay makapasok pa rin siya. Pagpasok pa lang niya ay tumambad na sa kaniya ang magulong sala, may mga damit na nakakalat at mga bote ng alak. Umaalingasaw din ang amoy ng alak sa buong condo dahilan para mapatakip siya bigla ng kanyang ilong. Napabuntong-hininga na lang siya pagkatapos ay inilibot ang paningin sa loob ng condo bago siya nagsimulang maglinis. Habang abala sa paglilinis ay hindi niya maiwasang isipin na bakit hindi na lang kumuha ng tagalinis si Lawrence lalo pa at medyo malaki naman ito. Halos isang oras din siyang naglinis bago siya natapos sa sala. Tiyak na kung magulo sa sala ay mas magulo namana sa kwarto. Ilang sandali pa ay tinungo niya ang pinto ng silid at binuksan ito. Nakita niya ang tulog na tulog na si Lawrence sa kama kaya agad siyang lumapit dito. “Law—” nabitin ang kanyang sasabihin nang mapatitig siya sa mukha nito. Kapag tulog pala ito ay mukha itong mabait, idagdag pa na nakalitaw ang macho nitong katawan kaya hindi niya maiwasang hindi mapalunok ng wala sa oras. Naging mabilis din ang kanyang paghinga ng mga mga oras na iyon na para bang sasabog ito. Hindi niya namalayan na bigla na lamang pala siyang lumapit sa kama at umupo sa tabi nito. Hinaplos niya ang mukha nito at natigilan siya nang bigla na lamang itong gumalaw kaya dali-dali niyang binawi ang kamay niya. “Lawrence, gumising ka…” sabi niya rito. Kinusot nito ang mga mata at namumungay ang mga mata nitong napatingin sa kaniya. “Anong ginagawa mo rito?” tanong nito sa mababang tinig. “Inutusan ako ng DAddy mo na puntahan ka rito.” sabi niya at pagkatapos ay tumayo na. “Teka, sino ka ba?” mahina pa ring tanong nito at mukhang hindi pa ito lubusang hindi nagigising dahil hindi siya nito nakilala kaagad. “Ako to si ASha.” sabi niya. Inaasahan na niya nang sa pagmulat ng mga mata nito ay maririnig niya ang masasakit na salita na sasabihin nito ngunit nang mga oras na iyon ay hindi ito nagsalita at tumitig lang sa kaniya. Ilang segundo pa ang lumipas at nagulat siya nang bigla na lamang siyang abutin nito at biglang idiniin siya nito sa kama na ikinapanlaki ng kanyang mga mata. Kung kanina ay mabilis na ang tibok ng puso niya, sa ginawa nito ay mas bumilis pa ito lalo. Ang tanging nagawa niya ay ang lumunok ng sunod-sunod habang kinakabahan. “La-Lawrence…” nanginginig ang tinig na sabi niya. “Tumahimik ka nga, sinabi ko ba na magsalita?!” aburidong tanong nito sa kaniya. Wala na lamang siyang nagawa kundi ang tumitig sa mukha nito ng wala sa oras. Kung gwapo ito kapag tulog ay mas gwapo na naman ito kapag gising pero mas mabait ito kapag tulog ito dahil hindi ito nagagalit sa kaniya. Habang nakatitig siya rito, hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya at bigla na lamang niyang hinaplos bigla ang pisngi nito. Kitang-kita niya ang pagtaas ng sulok ng labi nito. “Talagang kapag nakikita mo ako ay nagagalit ka, ganun ba talaga ako kamuhi-muhi sa paningin mo?” malungkot na tanong niya bigla rito. Sobrang sakit lang kasi para sa kaniya na wala naman siyang ginagawang masama rito ay galit na galit ito sa kaniya. “Mali pala. Kahit na anong gawin ko ay hindi na magbabago ang tingin mo sa akin hindi ba?” tanong niyang muli. Sa puntong iyon ay mas puno ng hinanakit at sama ng loob ang tinig niya. Hindi ito nagsalita sa halip ay mas lalo lang nagdilim ang mga mata. Mabilis itong umalis sa ibabaw niya. Para pagtakpan ang kanyang pagkapahiya ay mabilis siyang bumangon at nagsalita. “Pumunta ako rito sa utos ng Daddy mo.” sabi niya kaagad. “Hindi ba at sinabi ko na sayo noon na huwag na huwag ka ng pumunta dito? Pero pumunta ka pa rin talaga?” hindi makapaniwalang tanong nito na puno ng panunuya. “Inutusan nga ako ng DAddy mo at—” “Inutusan o dahil talagang gusto mo lang na pumunta dito?” putol nito sa kaniya. “Pumunta ka rito para akitin ako hindi ba?” dagdag pa nito na dahilan para manlaki ang mga mata niya. Harap-harapan na naman siya nitong inaalipusta at pinararatangan. Umiling siya. “Nagkakamali ka. Hindi ako pupunta rito kung hindi dahil sa utos ng DAddy mo—” “Talaga? E bakit ka pumasok sa kwarto ko ng tulog ako at higit sa lahat ay bakit ka nasa tabi ko?” walang habas na tanong nito sa kaniya.ANG AKALA NITO ay may balak siyang akitin ito dahil lang nasa kama siya nang magmulat ito ng mata na wala naman talaga sa isip niya. Sobrang toxic ng isip nito. Hindi niya alam kung paano siya magpapaliwanag at kung ano ang sasabihin niya dahil mukha namang kahit anong sabihin niya ay hindi nito tatanggapin. “Hindi ba at sinabi ko na sayo na kahit na ikaw na lang ang natitirang babae rito sa mundo ay hindi ako magpapakababa para sayo? Hindi ko gugustuhing dumihan ang kahit dulo ng daliri ko dahil lang sa katulad mo.” sabi nito at ang bawat salitang binitawan nito ay puno ng diin. Masakit. Sobrang sakit. Wala man lang itong pakialam sa kahit anong lumabas sa bibig nito, wala itong pakialam kung makakasakit ba ito o ano pero wala naman siyang magawa. “O baka naman idol mo ang mga prinsesa sa mga cartoons na nakatagpo ng prinsepe nila?” dagdag pa nitong tanong sa kaniya at pagkatapos ay umiling. Sa puntong iyon ay bigla na lamang nahulog ang luha sa kanyang mga mata. Hindi na niya n
IYON ANG unang pagkakataon na nakita niyang sumigaw si Lawrence sa harap ng ama nito. Matatalim din ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya at kung nakamamatay lang ang mga tingin nito ay tiyak na kanina pa nga siya nabulagta sa sahig. Alam niya sa sarili niya na hinding-hindi magagawa ng kanyang ina ang ibinibintang nito. Hindi dahil sa sama ng loob kung bakit pumanaw ang ina nito kundi dahil sa malubhang sakit. Tinapunan nito ng tingin ang ama. “Kung ipipilit nito talaga ang gusto niyo ay sige. Papayag ako, pero keep in mind na hinding-hindi ako magpapakabait sa babaeng yan.” mariing sabi nito at pagkatapos lang nitong sabihin ang mga iyon ay dali-dali na itong lumabas.Sinundan nito ng tingin ang papalayong pigura ni Lawrence at pagkatapos ay biglang napahilot ng wala sa oras sa sentido nito. “Pagpasensyahan mo na sana Asha ang anak ko.” paghingi nito ng paumanhin sa kaniya.“Okay lang po. Sanay na ako.” sabi na lamang niya dahil totoo namang sanay na siya. Sa araw-araw ba naman n
NANG MATAPOS ang kanyang klase sa hapon ay nakatanggap siya ng text mula sa isang kasambahay sa mansyon na nagsasabi na si Lawrence daw ang susundo sa kaniya. Sinubukan niyang sabihin dito na hindi na siya kailangang sunduin nito ngunit ang sabi lang nito ay kanina pa raw ito umalis at tiyak daw na nasa labas na ito ng campus at naghihintay na sa kaniya.Dahil dito ay nagmadali na siyang lumabas ng silid ngunit may biglang tumawag sa kaniya sa likuran niya. Nakita niyang nakatayo doon ang isa sa mga kaklase niya. “May kailangan ka ba?” tanong niya kaagad dito. Ayaw niya namang talikuran na lang ito basta-basta dahil baka sabihin nito na napakabastos niya naman masyado.Kitang-kita niya kung paano ito nag-alangan at pagkatapos ay napakamot pa ito ng wala sa oras sa kanyang ulo. “Uhm, ano. Gusto ko lang itanong kung sasama ka ba mamaya?” tanong nito sa kaniya.“Ah…” sabi niya at hindi niya alam kung paano sasagot dahil sa totoo lang ay hindi pa siya nakakapag-isip kung sasama ba siya o
NANG MAKARATING si Asha sa bar kung saan sila magkikita-kita ay doon niya napansin na pamilyar iyon sa kaniya. Ilang sandali pa ay naalala niya na ang bar na iyon ay pagmamay-ari ni Lawrence at kasosyo nito ang ilan nitong kaibigan. Ilang beses na rin siyang nakapunta doon dahil isinasama siya minsan ni Lawrence kahit na labag na labag sa kalooban nito.Dahil dito ay napabuntong-hininga na lang siya. Wala siyang ibang gusto kundi ang sana ay huwag itong magpunta doon para hindi na naman mag-krus ang mga landas nila. Hindi nagtagal ay nakita na nga niya sina ALi kasama pa ang iba. Dali-dali siya nitong hinila patungo sa isang sulok para umupo.Nakita niyang naroon din ang kaklase niyang si Lester na humabol sa kaniya kanina. “Akala ko talaga ay hindi ka sasama ngayon. Pero buti naman at sumama ka.” nakangiting sabi nito sa kaniya pagkalipas ng ilang sandali. Sa tantiya niya ay may pagkamahiyain din si Lester kagaya niya.“Syempre, dahil ito ang unang beses mong lumabas kasama kami ay
IBUBUKA NA sana ni Asha ang kanyang bibig upang magsalita nang makarinig siya ng mahinang kumosyon mula sa baba. Rinig kasi ang tilian ng mga kababaihan kaya hindi niya maiwasang maki-usyoso. Nang makita niya ang eksena ay agad na nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya ang matangkad na pigura na papasok sa loob ng bar. “Lawrence…” mahinang bulong niya.Sa likod nito ay nakasunod ang dalawa nitong kaibigan na sina Colt at Adam. dahil nga sa taglay na kagwapuhan ng mga ito ay halos magtilian ang mga babaeng nasa loob ng bar. Halos tumigil ang lahat sa pagsasayaw at tumitig lamang sa mga ito na para bang mga artista ang mga dumating.Kahit na noong bata pa lang siya ay kilala na niya si Lawrence, hindi pa rin naiwasan ng puso niya ang pagtibok ng mabilis na para bang ngayon niya lang nakita ang kagwapuhan nito. “Crush mo rin ba ang mga iyon?” biglang tanong sa kaniya ni Lester na nasa tabi niya.Nagulat siya dahil doon kaya dali-dali niyang binawi ang tingin. “Hindi no.” puno ng p
PAG-AKYAT NILA sa second floor ay hindi na niya nakita pa ang babaeng nasa tabi kanina ni Lawrence. Idagdag pa na hindi niya akalaing ang pipiliin ng mga kaibigan niyang upuan ay doon sa malapit mismo kina Lawrence. Hindi niya tuloy maiwasang hindi mapalagay. Nagulat siya nang bigla na lang siyang tanungin ni Lester na nasa tabi niya pa rin. “Asha, lasing ka na ba? Ihahatid na kita. Baka hindi mo kayang umuwi.” sabi nito.“Hindi na kailangan, may susundo sa akin.” mariing pagtanggi niya rito.“Ah, ganun ba. Sayang naman.” sabi nito at halos mapasigaw siya nang mahina nang bigla na lang nitong hawakan ang kanyang beywang nang hindi man lang nagpapaalam sa kaniya. Agad niyang tinanggal ito at pagkatapos ay bahagyang lumayo rito. Alanganin siyang tumingin dito.“Pasensya ka na. Nagulat kita.” sabi nito. At nagulat siya nang bigla na lang itong mapalingon sa likod nila. Hindi niya tuloy maiwasang sundan ng tingin ito.Sa kanyang likuran ay nakita niya ang seryosong mukha ni Lawrence na n
HILONG-HILO si Asha kaya halos hindi na niya naramdaman pa ang isang kamay malakas na humawak sa kamay niya. Pakiramdam niya ay para siyang nakalutang sa ere nang mga oras na iyon. Sinubukan niyang magpumiglas ngunit narinig niya lang ang malalim at puno ng galit na tinig sa kanyang tenga. “Huwag kang malikot!” inis na anas nito.“Bitawan mo ako… gusto ko nang umuwi.” nakapikit na sabi niya rito. “Pwes itikom mo na lang yang bibig mo!” muling sabi nito. “Nakakairita talaga…” dagdag pa nito.Mariin siyang napaikit nang mga oras na iyon at pilit na kinikilala ang may-ari ng tinig na iyon. Parang pamilyar ito sa kaniya ngunit marahil dahil an rin sa kanyang kalasingan ay halos hindi na niya ito makilala pa. “Sino ka ba ha?! Bitawan mo ako!” muli niyang sigaw at biglang pumasok sa isip niya na baka kung sino lang ang taong ito at baka may balak itong masama sa kaniya.Bigla niya ring pinagsusuntok ang dibdib nito. “Bitawan mo akong manyak ka!” sigaw niya ngunit isang sigaw lang din ang i
KINAUMAGAHAN PAGKAGISING ni Asha ay agad siyang napahawak sa kanyang ulo. Dahan-dahan siyang bumangon at nagmulat ng kanyang mga mata. Nakita niya ang kanyang cellphone na nasa tabi niya at nang tingnan niya ito ay parang nawala lahat ng antok niya lalo pa at alas kwatro na pala ng hapon. Ito ang unang pagkakataon na nagising siya ng ganuong oras. Napahilamos siya sa kanyang mukha nang bigla niyang maalala ang kanyang panaginip. Bigla ring nag-init ang kanyang mukha at bumilis ang tibok ng kanyang puso. Wala sa sariling napahawak siya sa kanyang labi. Hindi niya akalain na magiging ganun siya ka-agresibo sa kanyang panaginip.Ilang sandali pa ay doon niya napansin na hindi pala iyon ang silid niya. Doon na rin pumasok sa isip niya ang mga nangyari kagabi. Sumama siya sa kanyang mga kaklase na lumabas at nalasing siya. “Anong nangyari? Bakit nandito ako?” sunod-sunod na tanong niya.Ang huling alaala niya kasi ay iyong nandun pa sila sa bar. Kung paano siya napunta doon ay iyon na ang
ILANG SANDALI PA ay bigla nitong hinawakan ang kanyang braso at hinila siya paalis doon. Medyo madiin ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay ngunit umarte siya na parang wala lang at hindi siya nasasaktan pero ang totoo ay nasasaktan na siya.“Bakit ka nakikipag yakapan sa kaniya huh?!” sigaw nito sa kaniya sa malalim na boses. Ang mga mata nito ay nag-aapoy habang nakatitig sa kaniya. Napapikit na lang siya at napabuntong-hininga.“Hindi ba pwedeng magyakapan ang magkaibigan?” walang emosyong tanong niya rito.“So ginawa mo iyon para lang galitin ako huh?!” galit na tanong nito sa kaniya.Napairap siya sa inis niya. Syempre mali ito at hindi iyon ang intensyon niya. “Ano bang sinasabi mo ah? Ganun na ba ako ka-desperada sa tingin mo?” muling tanong niya rito.“Talaga ba huh? Sinadya mong gawin iyon dahil gusto mo akong pagselosin!” sigaw nitong muli sa kaniya ngunit napapikit na lang siya ng mariin. Anong klaseng paliwanag pa ba ang gagawin niya para lang maniwala ito sa kaniya.Sa h
AWTOMATIKO NAMANG napalingon si Lester sa kaniya nang makita nito na si Lawrence ang nasa harap ng kotse. Sa ilang beses na nag-krus ang landas ng mga ito ay alam niya na kilala na nito ito. “Mukhang may problema, ayusin kaya muna ninyo?” mahinang tanong niya rito.Umiling naman siya. “Naayos na namin at wala na kaming dapat pang pag-usapan.” sabi niya rito.“Galit ba siya na sinundo kita?” muling tanong nito sa kaniya dahilan para mapatitig siya rito ng ilang segundo at hindi makapagsalita. Paano niya ba sasagutin ang tanong nito e siya naman mismo ang nagpasundo dahil gusto niyang ipakita kay Lawrence na nagbago na siya.Hindi pa man niya naibubuka ang kanyang bibig upang sumagot dito nang magulantang siya dahil bigla na lang kumalabog ang hood ng sasakyan na gawa ni Lawrence. Kahit na nasa loob na sila ng kotse ay malakas pa rin ang tunog kaya nagulat pa rin siya. Puno ng paghingi ng paumanhin ang kanyang mga mata nang tumingin siya rito. “Pasensya na kung ganito na naman ang nangy
NAKITA NIYA kung paano nagtagis ang mga bagang nito dahil sa sinabi niya. “Hindi ba at sinabi ko na sayo na ako ang maghahatid sayo hindi ba? Hindi mo ba naiintindihan iyon?” tanong nito sa kaniya na nanlalaki ang mga mata dahil sa galit ngunit wala siyang pakialam. Kahit na gaano ito kagalit ng mga oras na iyon ay hindi man lang siya nakaramdam ng takot.“Bingi ka ba? Hindi ba at ilang beses ko na ring sinabi sayo na kay Lester nga ako sasakay.” inis na rin niyang sabi rito.“Asha ano ba!” malakas na sigaw nito sa kaniya at kumulo na marahil ang dugo nito dahil sa matinding galit ngunit hindi siya natinag at nanatili lang sa kanyang kinatatayuan.“Umalis ka na diyan.” walang emosyong sabi niya rito.Ngunit hindi niya akalain na magmamatigas ito sa kaniya. “Hindi. Hindi ako aalis dito hanggat hindi sinasabi na sa akin ka magpapahatid at hindi sa lalaking iyon.” pagmamatigas pa rin nito.Sa puntong iyon ay halos sumabog na siya sa sobrang galit. “Ano ba Lawrence! Kailangan ko pa bang u
NATAHIMK SANDALI si Lawrence bago siya nito tuluyang pinakawalan. Nasa pinto na ito ng kanyang kwarto at pagkatapos ay lumabas na ito at dahil doon ay nakahinga siya ng maluwag dahil akala niya ay aalis na rin ito sa wakas dahil sa nagkausap naman na sila ng maayos kaya nga lang ay nang sundan niya ito ng tingin ay nakita niya kung paano ito naglakad papunta sa may sofa at umupo doon tanda na mukhang walang balak itong umuwi katulad ng iniisip niya.Agad na napakunot ang kanyang noo. “Anong ginagawa mo pa diyan? Hindi ka pa ba aalis?”“Gabi na. Delikado na ang magmaneho ngayon.” sabi nito ngunit alam niyang palusot lang nito iyon. Wala na lang siya nagawa kundi ang magpakawala ng isang mahabang buntong hininga.“E di sumakay ka na lang ng taxi o kaya e magpasundo ka.” suhestiyon niya naman dito.“Ayoko. Hindi ako mahilig magpa-drive.” walang emosyong sagot nito sa kaniya.“E anong ginagawa ng mga tauhan mo? Napakarami nila, siguro naman ay may pinagkakatiwalaan ka sa mga iyon.” sabi n
PAGPASOK NILA SA elevator ay nakadikit ito ng nakadikit sa kaniya na halos ang dibdib na nito ay nakadikit na mismo sa likod niya dahilan para hindi niya maiwasang hindi maging komportable. “Lumayo ka nga sa akin.” pasimpleng anas niya at bahagyang lumayo dito ngunit parang wala itong naririnig.Mabuti na lang at wala silang kasama sa loob ng elevator ng mga oras na iyon dahil kung hindi ay nakakahiya silang dalawa. Pagdating nila sa kanyang unit ay pumasok din naman ito kaagad at pagkatapos ay bigla na lang nitong pinuntahan ang bawat sulok ng kanyang unit. Hindi niya alam kung bakit nito ginawa iyon ngunit hindi siya nagtanong. Umupo na lang siya sa sofa at hinintay ito sa ginagawa nito na para bang bahay nito iyon.Nang makuntento na ito sa ginagawa nito ay pumunta na ito sa sofa at umupo tapat niya. Nagkatitigan ang kanilang mga mata bago nagsalita si Lawrence. “Alam kong kahit na anumang paghingi ko ng tawad sayo ay hindi ko na mababago pa ang nakaraan dahil huli na ang lahat.
NI ANG SUMAGI sa kanyang isip na maririnig niya ang mga salitang iyon mula sa bibig ng taong katulad ni Lawrence na hanggang sa kalalimlaliman ng pagkatao nito ay kinamumuhian siya. Hindi niya alam kung talagang humihingi ba ito ng tawad sa kaniya o isang pag-akto na naman iyon para mapaniwala siya na para bang sising-sisi ito sa lahat ng nagawa nito sa kaniya. Sa tingin ba nito ay mababago ng paghingi nito ng tawad ang lahat?Nang makita nito na hindi siya nakapagsalita dahil sa pagkagulat ay nagpatuloy ito sa pagsasalita. “Lahat ng sinabi ko sayo ay dahil iyon ang nararamdaman ko.” Tumaas ang isang kilay at sa wakas ay nagawa na niyang ibuka ang kanyang bibig para makapagsalita. “Sabihin mo nga, paano kita paniniwalaan na totoo ang mga sinasabi mo?” tanong niya rito.“Bakit naman sana ayaw mo akong paniwalaan e nagsasabi naman ako ng totoo?” balik nitong tanong sa kaniya.“Hindi ko alam. Baka mamaya ay may pinaplano ka pala at pakana mo lang ang lahat ng ito.” sabi niya rito.Nagsa
BUMALIK LANG ANG kanyang katinuan nang marinig nilang dalawa ang tinig ni Adam. “Lawrence anong ginagawa mo?” tanong nito kaya mabilis niyang itinaas ang kanyang kamay at itinulak ito palayo sa kaniya at pagkatapos ay nilingon si Adam na palapit na sa kanila ng mga oras na iyon.“Pwede mo bang yayain mo na itong kaibigan mo paalis dito Adam?” sabi niya na may himig ng pakiusap.“Huh bakit?” tanong nito kaagad at nagsalubong ang kilay pagkatapos ay tumingin kay Lawrence bago muling tumingin sa kaniya. “Anong ginawa niya sayo?” tanong pa nito ulit.“Paano kinuha niya ang susi ng kotse ko.” sumbong niya kaagad dito.“Kotse mo?” biglang baling naman sa kaniya ni Lawrence na nakataas ang kilay at alam niya na kaagad ang ibig nitong sabihin sa sinabi nito. Na hindi niya iyon kotse at kotse nila ito.Bumuntong-hininga na lang siya. “Okay fine. Hindi ko nga pala iyon kotse. Sige, kunin mo na yang susi at ikaw na rin ang mag-uwi niyang kotse. Magta-taxi na lang ako.” sabi niya rito at akmang t
ILANG METRO na lang ang layo niya sa sasakyan nang bigla na lang hawakan ni Lawrence ang kamay niya. Kasabay nang paghawak nito sa kanyang kamay ay wala siyang nagawa kundi ang mapabuntong-hininga na lang ng malalim. “Bitawan mo ako.” sabi niya nang lingunin niya ito. Walang ekspresyon ang kanyang mukha ng mga oras na iyon dahil naiinis na siya at napapagod na, gusto na niyang makaalis doon. Malayo dito.Napatitig siya sa mukha nito. Hindi niya alam kung anong klaseng espirito ang sumanib dito dahil pakiramdam niya ay ibang tao ang nasa harapan niya. “Pwede ba tayong mag-usap kahit na sandali lang?” tanong nito sa kaniya.Agad na nagsalubong ang kanyang mga kilay. “At ano naman sana ang pag-uusapan nating dalawa?”“Tungkol sa relasyon natin.” sabi nito dahilan para matigilan siya. Muli siyang humugot ng isang malalim na buntong hininga. Hindi ba at paulit-ulit na niyang sinasabi rito na wala silang relasyon? Bakit ba ipinagpipilitan pa rin nito? Tumitig ito sa kaniyag mga mata. “Sina
ILANG SANDALI siyang tinitigan ni Lawrence bago ito bumuntong hininga at sumagot sa kaniya. “Bakit? Dahil ba wala akong puso huh? Na matigas ang puso ko kaya ganyan ang sinasabi mo?” tanong nito sa kaniya.Isang mapaklang ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi. “Bakit hindi ba? Tandang-tanda ko pa ang mga eksaktong sinabi mo noon sa akin na kailanman ay hinding-hindi ka magkakaroon ng kahit na anumang damdamin sa akin.” titig na tiitig na sagot niya rito.Kailangan niyang alalahanin ang mga salitang sinabi nito sa kaniya noo para maalala nito kung ano ang trato nito sa kaniya noon. “Nagbago na lahat ngayon, hindi na ako ang Asha noon na baliw na baliw at ni hindi man lang marunong tanggihan ka.” diretsong sabi niya rito.“Alam kong nagkukunwari ka lang na wala ka ng nararamdaman sa akin.” sagot din naman nito sa kaniya.“Bakit ba mas magaling ka pa sa akin?” tanong niya rito dahilan para mapakuyom ang kamay nito at nagtagis din ang mga bagang nito bago ito humakbang palapit sa kaniya.