PABALIK-balik ang lakad ko at namamawis din ang mga kamay ko. Ewan ko, nang malaman kongmafia clan pala itong napasok ko, parang kinutuban ako ng hindi maganda. Hindi ko na rin tinapos yung pagluluto sa kusina at parang nawalan ako ng gana na matuto. Parang bigla akong natuliro. Parang natakot ako bigla sa napasukan ko. Oh Lord, gusto kong yumaman pero hindi sa ganitong paraan! Akala ko normal na mayamang pamilya lang napasukan ko, kundi super duper powerful din pala. Normal ang namamatay sa bahay na ito? Ibig sabihin, may mga multo rito? Tapos pinatay ang mga magulang ni Terrence! Tapos kanina, may narinig akong putok ng baril, ibig sabihin may pinatay sa loob ng mansyon na ito! Hindi ko yata kakayanin na makapangasawa ng mamamatay tao o makihalubilo sa mga taong pumapatay. Hindi sa pagiging choosy ko or pokpok na nga mademand pa, pero heler, gusto kong mamuhay ng mapayapa! Yung masaya, walang stress, marami pera pero mabubuhay ng matagal. So meaning kapag naging asawa ko na as in s
Last Updated : 2025-02-06 Read more