"Pa, dapat sinabi ninyo po sa akin para kahit papaano ay nagawan ko ng paraan.""Sorry, Leigh. Alam ko na marami ka ng iniisip, ayoko ng dumagdag pa," paliwanag ni Benjamin sa kaisa-isang anak.Nasapo ni Leigh ang noo, matapos kasi ang pagpiyansa ni Hunter sa ama ay dumiretso na silang umuwi. At nang ungkatin niya kung ano'ng dahilan kung bakit nakulong ang ama ay hindi siya makapaniwala."Pa, ang laki po ng utang ninyo atsaka 'yong furniture shop ninyo, magsasara na rin," pinilit niyang huwag manaig ang galit sa boses, at maging mahinahon."Nalugi na ang shop, kinailangan kong mangutang para sa mga trabahador."Nang mag-angat ng mukha si Benjamin ay mas lalo lang nanlumo ang mukha ni Leigh. Unang beses niyang makita ang luha ng ama noong pumanaw ang kaniyang ina at ngayon. Tila nadurog ang puso niya, at katulad ng kaharap ay mabilis na pumatak ang masasagana niyang luha."P-papa, alam kong importante sa inyo ang shop. Sana sinabi ninyo sa akin para may nagawa ako, hind ba?" malumanay
Huling Na-update : 2025-01-20 Magbasa pa