Nakakunotnoo pa rin si Leigh habang naglalakad patungo sa office ni Hunter. Kung nakita ng kanilang nurse na dumaan ang kanilang direktor, marahil ay galing nga ito sa kaniyang kwarto.
"Hi!" Huminto siya sa paglalakad, at pilit na ngumiti sa sekretarya ni Hunter na kalalabas lamang sa office. "Si Director po ba?" bungad na usisa nito. "Y-yeah, nasa loob pa rin ba siya?" aniya niya, at saglit na sinilip sa nakapinid na pinto. "Kauuwi lang po." "Talaga ba?" nadismayang sagot ni Leigh. Pikit pa ang mga mata niya nang kunin ang cellphone na tumutunog na nasa kaniyang side table. Kauuwi lang niya galing sa duty sa hospital, matapos hindi na maabutan si Hunter kagabi. "H-hello?" "Good morning, babe." Awtomatikong tumikwas ang kilay ng dalaga habang sapo pa rin ang noo. Kilala niya na ang boses, at kung sino ang tumatawag sa kaniya ng ganitong kaaga. "Can you come at Town Case Restaurant?" malambing na alok ni Hunter sa kabilang linya. "Why?" mahinang niyang tanong, at pinilit na huwag marinig ang pagkainis sa kaniyang boses. "Dito ko na lang sasabihin sa iyo, please?" Napapikit nang mariin si Leigh, hindi man niya nakikita ang binata ay naiinis na siya sa pagpapa-cute nito. Mabigat ang katawan niya nang bumangon, tulala pa rin siya habang nakatapat ang cellphone sa tenga. "Alright. May sasabihin din naman ako sa iyo," seryoso niyang bigkas. "Thank you, babe. See you!" Daig pa ang isang lantang gulay nang ibaba ni Leigh ang cellphone. Nayayamot niyang hinawi ang buhok bago inalis ang pagkakatabing ng kumot sa katawan. "I'm sorry, Hunter." "But I can't marry you." "I said yes, I said yes kasi ayaw lang kitang mapahiya." Nagpatango-tango siya habang pokus sa pagmamaneho, nag-eensayo na siya sa sasabihin kay Hunter habang lulan ng kaniyang sasakyan patungo sa restaurant. "Forgive me. Right, iyon ang dapat kong sabihin. I need to be more straight forward." Sinulyapan ni Leigh ang singsing na suot, mamaya lang ay huhubarin niya iyon, at ibabalik sa lalakeng hindi naman niya gustong makasama habang-buhay. "Hey, babe!" Itinaas ni Hunter ang kamay habang nakaupo sa isang silya. Hilaw na ngumiti ang dalaga, napipilitang naglakad siya palapit dito. Doon lamang niya napansin ang isang babae, at binabaeng kaharap nito, ngiting-ngiti sa kaniya. "Take a sit, Leigh." Tumayo pa ito, at inalalayan siyang umupo. Muli niyang tinapunan nang tingin ang mga kaharap. "I already order food for you, babe." "Ang sweet naman ni Sir Hunter," panunukso ng dalawa habang bakas sa hitsura ang kilig. "T-thank you," mahina niyang tugon, at luminga sa binata na nakapatong ang kamay sa kinauupuang silya. "Babe, this is K and Joanna," pakilala ni Hunter habang tahimik siyang kumakain. Nag-angat ng mukha ang dalaga, at muling ngumiti sa mga kaharap. Hindi pamilyar ang mga ito sa kaniya, imposible rin na empleyado ito ng hospital. "K is the famous designer in town, this is Joanna our wedding planner." Halos maibuga ni Leigh ang laman ng bibig buhat sa narinig kay Hunter. Maagap naman hinawakan nito ang likod niya, at nag-aalalang inabutan siya ng tubig sa baso. "Ma'am, are you okay?" nababahalang tanong ni K, at Joanna sa dalagang patuloy pa rin sa pag-ubo. Pinilit ni Leigh ang kumalma, umayos siya sa pagkakaupo, kumuha ng tissue, pinunasan ang labi at nagtatanong ang anyo nang tapunan nang tingin ang katabing binata. "Are you okay?" tanong nito. "I-im fine," kinontrol pa rin niya na huwag ipakita ang pagkadismaya, at pasimpleng sinulyapan ang mga kaharap. "Are you sure?" Tumango-tango siya habang lumulunok. Hindi siya mali ng pagkakarinig. Ang kaharap nila ngayon ay sikat na designer at wedding planner, ngayon nakuha niya kung bakit narito ang mga ito. Pero teka- Ang ibig-sabihin lang no'n ay- "As I say, Joanna will be our wedding planner and K will assign in your wedding dress," patuloy ni Hunter. "Hi. I can do everything you want in your wedding gown, Miss Leigh, soon to be Mrs. Hunter Ceneron," biro nito. "And as your wedding planner, I can make your wedding ceremony and reception magical like a fairy tale," singit naman ni Joanna. Mapaklang ngumiti si Leigh sa mga ito bago muling lumipad ang tingin kay Hunter, na iniwasan naman agad nito at nagpokus na lang sa mga kaharap. Marahas ang ginawa niyang paghinga, at tumitig sa kawalan. Paano na niya sasabihin ang pagtanggi niya sa inaalok nito nang harap-harapan? Kung may nakausap na itong mga professional para ayusin ang kanilang kasal? Siguradong siyang sa oras na mag-back out siya ay maraming makaaalam. Paano niya na ngayon mahuhubad ang singsing, at ibabalik kay Hunter? "Are you excited?" Tila pinagbagsakan ng langit, at lupa si Leigh habang magkahawak ang mga kamay nila ni Hunter na naglalakad sa hallway ng hospital. "Hey, are you with me?" untag nito sa kaniya, huminto at pilit na sinilip ang mukha ng dalaga. "D-director," mabigat niyang tono nang mapaharap dito. Kung hindi niya sasabihin ang gusto niya ay nawawalan na siya ng oras para ipagtapat ang totoo. Bumuntong-hininga siya, at buong tapang na sinalubong ang mga mata nito. "What's the matter?" Nakangiti man ito ay may naaninag siyang kaba, at galit sa mukha ni Hunter na hindi niya mawari. "Director, I, I, just can't," animo'y may nasa dulo ng dila ni Leigh ang mga salita. "I." "J-just." "C-can't do this," sa wakas ay na bulalas ng dalaga habang hindi maipinta ang mukha. "What?" Nagdugtong ang mga kilay ni Hunter. Binasa ni Leigh ang mga labi dahil pakiramdam niya ay natutuyo ang mga iyon kasabay ng kaniyang lalamunan. Sandali pa siyang tumanaw sa malayo bago binalikan nang tingin ang kaharap. "Everything is fine now, Leigh." "The wedding, everything, and your Papa," seryoso pero may naulinigan siyang galit, at pamimilit sa boses nito. Saglit pa niyang nabasa ang pagrehistro ng matalim nitong tingin. At ang pag-igting ng mga panga nito habang bakas sa mukha ang pinipigilang inis. "I can't see any reason, why you're telling me this shit," mahina pero maawtoridad na aniya ni Hunter. Nakadama ng siya ng kaba habang nakikipagsukatan nang tingin dito. Ilang beses niyang kinurap ang mga mata, nagbabakasakaling mawala ang nababasa niyang nakatatakot na galit sa anyo ng binata. "In three months, you will be my wife. And Leigh, you have no reason to turn back."Kasabay nang pagbukas ng malaking pinto ng St. Michael Parish Church ay ang pagmulat ng mga mata ni Leigh.Isang malalim, at punong-puno nang bigat ang pinakawalan niyang hininga. Hindi siya makapaniwala, ganoong kabilis ay lumipas na ang tatlong buwan.Kaya heto ngayon siya, nasa tapat ng pinto ng isang simbahan, may hawak na pumpon ng mga rosas, suot ay puting wedding gown at natatabingan ng belo.Ang mga luha ng dalaga ay kusang kumawala sa mga nababahalang mga mata. Diretso siyang nakatingin sa altar, at sa replika ni Hesus na nakapako sa krus.Kaya ba niya humarap dito, ganoong nagsisinungaling siya at labag sa kaniyang kalooban ang gagawin?Ibinato niya ang tingin sa mga bisitang nakaupo, nakalingon at nakaabang sa kaniyang pagpasok. Naroon ang mga kaibigan, mga kapwa doktor at napakaraming mga kilalang bisita.Malaking gulo kung basta na lamang siya aatras, at tatakbo. Maraming press, at hindi biro ang kahihiyan. Ang magiging issue sa kaniya, sa kanila.Marahan na inilipat ni L
"You may now kiss the bride," anunsyo ng pari matapos ang seremonya ng kasal.Nakabibinging palakpakan ang pumuno sa loob ng simbahan. May naghihiyawan, at nanunudyo na gawin nila ang isang simbolo na magseselyado na iisa na lamang sila ngayon.Nahigit ni Leigh ang hininga nang iharap siya ni Hunter habang mahigpit pa rin ang hawak sa magkabila niyang mga kamay.Hindi matatawaran ang ngiting nakaukit ngayon sa labi nito. Masasabi niyang masayang-masaya ito sa mga nangyayari, na labis naman niyang kabaligtaran.May ingat na binitawan nito ang mga kamay niya. Hinawakan ang dulo ng belo, at sandaling sinulyapan ang mga bisitang nasa loob ng simbahan. Ang ngiti nito ay nahaluan ng pagmamayabang, at sabik sa gagawin dahilan para mapalunok si Leigh.Nang balikan siya muli nito nang tingin ay parang tumigil ang tibok ng kaniyang puso. At nang tuluyan nitong maingat ang belo ay mas lalo lang siyang nabingi sa pagwawala ng kaniyang puso."I love you, Leigh," pagkasabi ni Hunter ng mga katagang
Wala sa wisyo si Leigh habang parang isang zombie na naglalakad patungo sa garden ng hotel.Naghilamos din siya ng mukha, at hindi na nag-abalang maglagay muli ng make-up dahil wala rin naman mangyayari, hindi iyon matatakpan ang tunay niyang nararamdaman.Sinulyapan niya ang langit, isang maliit na ngiti ang nagawa niya. Kung puwede lang siya kunin ngayon nito para mataksan niya ang buhay na naghihintay sa kaniya bilang misis ni Hunter.Hindi namalayan ni Leigh ang masasalubong, kasalukyan pa rin siyang nakatingala. Napapikit siya nang maramdaman ang pagbangga ng kaniyang kanang balikat sa kung ano. Sa lakas ng puwersa ay alam niyang babagsak ang kaniyang katawan. Mariin niya pang idiniin ang pagkakapikit, ito na yata ang sagot sa dasal niya.Ang mabagok ang ulo, ma-comatose at hindi na magising."Miss?"Tumikwas ang isang kilay ni Leigh nang maulinigan ang boses na tumawag. Pamilyar ang baritono ngunit malambing na boses na iyon.Boses?Ibig-sabihin ay may malay tao pa siya!Ang pag
Naninigas ang bawat parte ng katawan ni Leigh habang nakaupo, sa stage at nakaharap sa maraming bisita. Naglalaro ang ilang ilaw sa mga mata niya.Engrande ang reception area, may nakasabit na libo-libong fairy light, iba pa ang naglalakihang chandeliers. May mga long table na punong-puno ng babasagin na kubyertos, plato, wine glass at lahat ng klase ng mamahaling pagkain ay nasa ibabaw nito.Dapat walang pagsidlan ang saya sa kaniyang puso pero daig pa ng pakiramdam niya ang animo'y pinagbagsakan ng langit at lupa.Namumuo ang luha sa sulok ng mga mata ni Leigh. Pakiramdam niya ay kahit na bumagsak iyon ay walang makapapansin dahil madilim sa kanilang puwesto.Ang spotlight ay nasa isang lalakeng kumakanta ng love song sa gilid para i-entertain ang mga bisita.Aksidenteng napatingin si Leigh sa kaliwang parte ng reception area. Nahigit niya ang paghinga, nang magsalubong ang mga mata nila ng binata. Matiim itong nakatitig sa kaniya, sa tantiya niya ay kaninang-kanina pa ito nakatitig
Kumalap ng kahit konting lakas si Leigh bago hinawakan ang laylayan ng suot na puting bestida bago muling itinapak ang mga paa."Wait."Napako ang dulo ng heels niya nang pigilan siya ni Leonardo. Dahil kailangan niya muling pagtagpuin ang mga mata nila ay huminga muna siya na para bang lulubog siya sa tubig."Y-yes?" nabubulol pero kaswal niyang sagot.Sinalubong ni Leigh ang mga mata ng binata na para bang wala siyang nararamdamang kahit anong nerbiyos. Na lubos taliwas sa nararamdaman niya.Saglit na binasa ni Leonardo ang ibabang bahagi ng labi. Itinungo ang ulo bago muling matapang na pinagtagpo ang mga tingin nila ng kaharap."I didn't expect to see you here," matabang aniya niya."Sa-same here," kapirasong bukas ng bibig ni Leigh habang hindi alam kung tatango ba o kukurap ang mga tensyonadong mga mata.Tinapunan nang tingin ni Leonardo ang kapatid na si Hunter sa malayo. Kausap, at nagpapaalam pa rin ito sa mga kaibigan. Kanina pa siya humahanap ng pagkakataon para kausapin na
Halos patayin na ni Leonardo sa pamamagitan nang matalim na pagtitig ang kaharap na si Hunter.Nanginginig dahil sa galit ang buo niyang katawan. Ang mga kamao niya ay lihim na nakayukom.Oo, handa na siyang makipagpisikalan dito. Kahit na ngayon lamang sila muling nagkita magkapatid makalipas ang ilang taon."Stop it," Nagsumiksik si Leigh sa gitna ng binata, at kapatid nito dahilan para siya ang tingnan ni Leonardo, mata sa mata.Nakaramdam siya ng ilang pero hindi niya iyon hinayaang manaig sa kaniyang katauhan. Matapang siyang nakipagtitigan dito kahit na ang totoo ay parang unti-unting nalulusaw ang kaniyang mga binti.Humihinga nang mabilis si Leonardo kasabay nang paggalaw ng butas ng kaniyang matangos na ilong dahil sa poot na nararamdaman.Hinagip ni Hunter ang braso ni Leigh sa pangalawang pagkakataon para iharap, at ilayo sa binata."Bakit hawak ka niya kanina?!""Ano'ng pinag-uusapan ninyo?!" singhal nito habang halos kainin siya ng mga mata nang buhay.Kitang-kita niya an
"Anak, hindi naman puwede iyon," nakikiusap, at pagpipilitan ni Janice sa panganay na anak."Bakit, hindi?""Anak ninyo naman siya sa labas?" walang alinlangang anas nito habang nagdudugtong ang mga kilay.Napakurap naman si Leigh, at itinuon ang mga mata sa ibang dako. Kung ganoon ay half brother ni Hunter ang binata. At sa inaasta ngayon ng asawa niya ay mukhang hindi maganda ang relasyon ng mga ito."Huwag ka namang magsalita ng ganiyan sa kapatid mo. Atsaka, isang buwan lang naman kami rito. Pagkatapos no'n ay babalik na kami sa America."Muling tiningnan ni Leigh ang biyenan. Bumabaha ang labis na pakikiusap nito. Bumigat ang loob niya dahil doon. Tiningala niya sa pangalawang pagkakataon si Hunter. Sa tantiya niya ay hindi ito papayag sa pagtira kasama nila ang kapatid nito.Pasado ala-una na sila lumabas ng reception area. Habang naglalakad patungo sa kotse ay nakita niya ang biyenan at si Leonardo.Magkaharap ang mga ito habang hawak ng binata ang dalawang kamay ng ina.Bawat
"No, babe."Luminga si Leigh sa pabalik na si Hunter. Nagpatiunang pumasok ito kanina kaya't akala niya ay nasa taas na ito ng bahay."Mama can handle herself."Saglit siyang tinitigan bago ibinato ang walang emosyong mata sa ina. Napipilitang tumango ang ginang, may nabasa siyang iba sa imahe ng panganay."I'll just accompany Mama to her room," pakikipagpilitan naman ni Leigh."I said, she can handle herself, Leigh."Tensyonadong napalunok siya sa tigas nang bawat pagkakabigkas ng kaharap na asawa. Napansin niya rin ang pagkiskisan ng panga nito habang nakikipagsukatan nang titigan sa kaniya."Go ahead, Leigh. Go and rest, ayos lamang ako.""Magpapatulong na lang ako sa mga kasambahay," singit ni Janice para lamang mamatay na agad ang bagang nag-uumpisang umapoy kay Hunter."Follow to our room, now."Pagkatapos ng maawtoridad na utos na iyon ay tinalikuran sila ni Hunter. Napakurap si Leigh habang nakatitig ang mga nababahalang mga mata sa likod ng asawa.Napalingon siya nang abutin,
"Anyway, going back to your question."Umayos sa kinauupuan si Amber habang tila hindi nga nito nararamdaman ang tunay niyang pakay."I can say, she has a heart of gold.""She's good to all patients, and hospital employees. She's a caring doctor, iyong tipong alam mong hindi niya lang tinitingan na trabaho 'yong pagiging doktor.""Nasa puso niya rin. What I like her the most, is 'yong pagiging generous. Lagi akong nagpapapalit sa kaniya, at nagpapasalo ng ilang operations.""No second thought niyang tatanggapin iyon."Napangiti si Leonardo.Naku, kawawa na talaga ang puso niya. Hindi na niya na mahabol ang mas labis pa nitong pagkahulog."Leigh is a very outstanding doctor. She has a lot of free medical missions. Dahil d'on, she even got an award. Sa operation naman, all praises to her, sa mga crucial heart transplant.""Her relationship with Hunter?""Matagal na ba sila?" dagdag pa niya."What's weird, alam ko hindi type ni Leigh ang brother mo-"Napatingin sila sa isa't-isa. Tila na
Malalim ang iniisip ni Leigh nang bumaba ng kotse. In fact, wala nga siya sa sarili habang nagmamaneho. Ilang beses siyang binusinhan dahil sa hindi paggalaw.Masyadong inokupohan ni Hunter, at ng misteryosong babae na iyon ang utak niya. Dumagdag pa ang damit nito, dati-dati naman ay sinasabay ng asawa ang damit na lalabhan sa kaniyang mga damit.Bakit naman no'n pinauna ang sinuot kahapon?Iyong babae, ano'ng tinutukoy na part 4?"Doktora!"Bumalik lamang si Leigh sa hintatao nang marinig ang pagtawag ng maliit na boses. At nang magbaling ay nagulat pa siya dahil wala na siya sa sa sasakyan, at nasa entrada na ng hospital."Doktora Guanez," nahihiyang anang ni Elmer."Summer, Mang Elmer!" ganting bati niya rito, at lumapit."Wow! Ang ganda mo ngayon Summer ha?" masayang puna niya sa bata, at hinawakan pa ang buhok ng pasyente."Doktora, salamat po sa lahat. Dahil sa inyo makalalabas na ang anak ko," seryosong pahayag ng ama ng ni Summer.Tinapunan ni Leigh ng tingin ang matandang la
"Hindi ko kayang walang gawin para sa kaniya.""Gusto ko siyang ilayo sa taong sinasaktan siya. She doesn't deserve that, no woman deserves that.""Leigh is a precious one."Sumandal si Yvo, at napatingala sa kisame. Para bang kinuha nito ang kalahati ng bigat na mayroon siya sa kalooban."Ang sabi niya, matutulungan ko siya. Kung lalayo ako, that's why I am doing this.""Pero mas lalo lang akong nag-aalala. Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari sa kaniya," buong sakit na pahayag ni Leonardo bago sinaid ang alak sa baso.Palabas ng hospital si Leigh nang tumunog ang kaniyang cellphone. Rumehistro ang pangalan ng kaniyang ama."Hello, Papa?""Anak, busy ka ba?""Pauwi na po ako, katatapos lang ng duty ko.""Ganoon ba? Yayain sana kitang mag-dinner."Napangiti si Leigh dahil sa narinig sa ama. Sa maghapong trabaho ay bahagyang gumaan ang loob niya dahil sa pag-aya nito."Babe, let's go?" Sumulpot si Hunter sa kaniyang tagiliran."Sandali lang, Papa," Tinakpan niya ang speaker ng cellphon
"It is none of your business-""Shit! Just tell me the truth, Leigh!"Napaigtad siya sa lakas ng boses ng binata. Bumitaw ito sa kaniya bago tumalikod. Kitang-kita niya sa likuran nito ang paghinga nang mabilis."He's an asshole," iyon ang narinig niya kay Leonardo.Pinilit niyang huwag magpakita ang mga luha rito. Kahit hinahabol ang hininga ay sinubukan pa rin niyang magsalita."U-umuwi ka na.""Since when?" Maliksing lumapit si Leonardo kay Leigh."Dati pa ba?""Puwede ba?!" singhal niya rito, at sinalubong ang madilim na madilim gwapong mukha ni Leonardo.Sinikap maging kalmado ng binata. Lalo na nang matitigan ang may mga luhang mata ni Leigh.Nanginginig ang mga laman niya dahil sa galit, nang hawakan ang dalawang balikat nito."I want to help you-"Piniksi ni Leigh ang mga balikat, at pilit na nilalaban ang mga masusuyong mata ni Leonardo."Gusto mo talagang tumulong?" pag-uulit niya.Hindi ito kumibo. Tuwid siyang tumindig habang pigil-pigil ang mga luha."Then, stay away from
"Mama!"Sinalubong ni Leigh ang umiiyak, at ninenerbiyos na biyenan. Hinawakan niya agad ito sa magkabilang kamay."Ma, huwag kayong umiyak.""Ayos na po siya," pakalma niya rito habang hinihimas ang likod para patahanin si Maricel dahil nakakuha na rin ng atensyon ang ginang."Nasaan na siya? Nasaan na ang brother-in-law mo?" patuloy na iyak nito."Dito po, Mama."Hinawakan ni Leigh sa bewang si Maricel. Iginaya niya sa kwartong inuukopahan ng binata."Leon!""Ma!" bahagyang nagulantang pa si Leonardo nang masilayan ang ina.Nang yumakap ito ay napatingin siya kay Leigh na nasa likuran nito."Ma, stop crying. I am alive and still kicking," biro niya.Agad siyang hinampas ni Marcel sa braso. Galit ang anyo nitong humarap sa kaniya."Panay kasi ang inom mo!" sermon ng ina."I'm sorry," mapagkumababa na sagot niya, at nagkamot pa ng ulo.May ngiting sumilay sa labi ni Leigh habang pinanonood ang mag-ina. Hamak na mas magalang, at maganda ang trato ng binata sa kaniyang ina, kumpara kay
Napatingin si Leonardo sa darating nang marinig ang pagbukas ng kaniyang kwarto. Inip na inip siyang nakaupo, at nakasandal sa headboard ng kama.Ilang minuto na rin ang nagdaan nang ilipat siya ng silid. May ibang doktor din ang bumisita sa kaniya. Ang huling bisita ni Leigh ay 'yong kanina pa sa ward."Umuwi kaya siya?" tanong niya sa sarili.Itinuon niya ang mga mata na nasa ibabaw ng mga hita. Siguradong nurse lang ang lalapit sa kaniya kaya hindi na niya pinagkaabahalan iyon tingnan."It's already 12, ba't gising ka pa rin?"Buhat sa narinig na malumanay na boses ay awtomatikong nagtaas siya ng mukha. Ilang beses niyang kinurap ang mga mata para makasiguradong totoo ang nakikita niya.Nagtungo si Leigh sa swero ng binata. Sinundan lang siya ng tingin nang nakatunghay na si Leonardo."You should go to sleep right now," baling niya rito na bahagya pang nagulat nang magtama ang mga mata nila."I, I thought umuwi ka na.""I'm on duty, nakalimutan mo ba?"Tumango naman si Leonardo hab
"Doktora?"Napatingin si Leigh habang naglalakad pabalik-balik sa tapat ng ward. Nang lumapit si Grace sa kaniya."Hindi ka ba uuwi?"Napakurap siya, ilang minuto na nasa loob si Amber at tinitingnan na ang binata. Pero narito pa rin siya sa labas. Habang ang babaeng kasama ni Leonardo ay nasa silya, at naghihintay.Lumingon si Grace sa kurtinang nakasarado. Siguro kahit hindi niya sagutin ang tanong nito ay alam na ng kaibigan ang nararamdaman."Okay, I'll stay. Sasamahan kita.""Grace-""Mag-duty na tayo. Kukunin ko na 'yong gown mo," akmang tatalikod ito nang hawakan niya sa kamay."Grace, you don't have to do this.""It's okay. Para walang masyadong makahalata. Kapag nag-off na si Doktora San Juan, ako ang papalit. Pero, ikaw ang maghahawak sa kaniya," seryoso, at mahinang pahayag ni Grace.Napangiti siya habang nanunubig ang mga mata.Naging mahigpit din ang pagkakapit niya sa kamay ng kaibigan."T-thank you," tanging na sambit ni Leigh dahil sa malaking pabor na gagawin nito.Na
"Leon!" tawag ni Rhianne habang walang hinto sa pagtipa ng doorbell ng condo unit ng binata.Pabato na hinagis ni Leonardo ang hawak na cellphone. Kasalukuyan siyang nakahiga sa sofa habang hawak ang tiyan. Kaninang umaga pa masakit ang tiyan niya nang makauwi galing sa bar.Inumaga na siya roon, kasa-kasama ang mga kaibigan at doon na rin nagpalipas ng gabi. Siguro ay nalaman ni Rhianne na hindi naka-aatend, dahil all boys lang sila roon kaya nangungulit na sa kaniya."Hi, Leon!" masiglang bati nito nang buksan niya ang pinto.Nakayuko, at nakaipit ang tiyan niyang mas sumasakit pa ng husto nang buksan ang pinto.Sinipat siya ng tingin ng dalaga."What's wrong?" takang tanong ni Rhianne.Nang akmang kakapit si Leonardo sa pader para makapagbalanse dahil sa pananakit ng tiyan ay maagap siyang inalalayan nito."Bae, ano ba'ng masakit sa iyo?" nag-aalalang tanong ng babae habang ala-laay siya.Nakapikit siya, at pilit na kinokondisyon ang sarili na kaya pa niyang tiisin ang pananakit ng
"Ano pa ba'ng ginagawa mo rito?" Mabilis na lumapit si Leigh sa binatang nasa parking lot."Leigh," bulalas nito, at umaliwalas ang mukha nang magtagpo ang mga mata nila.Masungit ang mukha niya habang nasa bulsa ng gown ang mga kamay. Inilihis niya ang mga mata, at umarte ng kaswal."Ano'ng sasabihin mo?""Magsalita ka na," aniya niya habang hindi makatingin dito.Napatingin sa paligid si Leonardo. Kahit mga sasakyan lang ang nasa parking lot ay mas gusto niyang makasigurado.Huli na para makapagreklamo si Leigh dahil hawak na siya ng binata sa braso, at hinatak kung saan.Sa isang may kadiliman na sulok siya nito dinala. Sa walang makakita, agad niyang galit na tiningala si Leonardo."Ba-bakit mo ba ako dinala rito?" pagmamatapang niya kahit na sa totoo lang ay nanghihina na.Lalo na sa nakikita niyang nasisinagan nang konti ang maamong mukha ng binata. Doon niya maliwanag na nakikita ang mahabang nitong pilikmata, na isa sa mga nagustuhan niya rito."Let's talk?""We are already ta