Chapter: KABANATA 63"P-Papa," sambit ni Lewis."Yes, son. I'm your Papa," doon na tuluyang bumigay ang kaniyang mabigat na emosyon.Dinutdut ng anak niya ang luha sa kaniyang pisngi. Tiningnan niya si Leigh bago sila sabay na tumawa.Kung may makakita man sa kanila ngayon ay aakalaing mga baliw sila.Natawa sila kasabay ng mga luha."Narinig mo? He called me Papa?" anang ni Leonardo sa kaniya.Tumango si Leigh.Tila hinaplos ang puso niya nang makita kung paano yakapin nito ang kanilang anak. Walang kasing-higpit iyon. Ang mga braso nito ay pilit na kinukulong si Lewis.At nang mag-angat ang binata, at nasilayang pinanonood lamang sila ni Leigh ay awtomatikong iginaya rin ito ng braso niya palapit.Saglit na nilayo ni Leonardo ang mukha sa anak para halikan ang babaeng nagbigay nito sa kaniya. Isang matagal na halik sa pisngi ang ginawa niya. Pagkaraan muling niyapos nang ubod nang higpit ang dalawang pinakamahalaga sa buhay niya.Napatingala siya sa langit.Hindi niya inasahang ganito ang mararamdaman n
Last Updated: 2025-03-13
Chapter: KABANATA 62"Naku, Mare!"Sandaling napapikt siya nang marinig ang malakas na boses ni Grace. Kasalukuyan siyang nagmamaneho pauwi sa kanilang bahay."Buti napatawag ka," dagdag pa nito sa masayang himig."Oo nga, medyo busy lang dito. I-invite sana kita, as well as Amber. Tommorow, magbiyahe na kayo para matulungan ninyo ako sa preparation ng birthday," anang niya."Oo naman! G, kami riyan!"Napangiti si Leigh sa sigla ng boses ni Grace. Kahit may isang taon nang magkahiwalay ay hindi pa rin nagbabago ang closeness nilang dalawa.May pagkakataon na ito ang bumibisita sa kanila, at sobrang na-a-appreciate niya ang butihing kaibigan."What about Amber?" tanong niya nang lumiko ang kaniyang sinasakyan."Excited na excited na nga, e!""After this, puntahan ko na siya sa opisina niya.""Thank you, girls. Ingat kayo sa biyahe.""A, wait, Leigh!"Hindi niya tuluyang hinubad ang earphone na nakalagay sa isang tainga, at pinakinggan ang sasabihin pa ni Grace."Narinig mo na ba, napatawan na ng gulity si
Last Updated: 2025-03-13
Chapter: KABANATA 61Marahang iminulat ni Leonardo ang mga mata. Puting kisame ang bumungad sa mga nanlalabong paningin niya.Ramdam pa niya ang kirot sa likod ng kaliwang balikat. Iginala ng binata ang mga mata, siguradong wala pa siya sa langit."Leonardo!"Awtomatikong yumakap si Maricel sa anak."M-ma," hirap niyang aniya."Kumusta na ang pakiramdam mo?" Umiiyak na tanong ng kaniyang ina.Pinilit niyang bumangon paupo habang yapos-yapos ni Maricel. Nang kumalas ito ay nakangiwing tiningnan niya ito."Ayos na ako, Ma.""Huwag na kayong umiyak," saad niya, at pinunasan ang mga luha nito.Saglit na sumilip si Leonardo sa likod ng ginang. Tila may hinahanap, napansin naman iyon ni Maricel."Si, si Leigh, Mama?"Nagkatitigan silang mag-ina.Lumunok siya, bago pilit na inayos ang pagkakaupo kahit na masakit pa ang buong katawan."Where is she?""Is she okay?" sunod-sunod na usisa ni Leonardo."Hey, kumalma ka," Hinawakan nito ang kaniyang mga kamay.Bago sinalubong ang kaniyang tingin."Ayos lang siya."Nap
Last Updated: 2025-03-13
Chapter: KABANATA 60Humahangos si Leigh at Maricel habang tulak-tulak ang rolling bed kung saan sakay, at nakahiga ang walang malay na si Leonardo.Hindi niya na-imagine sa buong buhay niya na puwedeng matakot siya nang ganito. Ni hindi humihinto ang mga luha niya sa pagtulo. Hawak-hawak niya ang kamay ng binata."Dr. Guanez!" gulat na sambit ni Dr. San Juan.Agad niyang hinawakan ito sa magkabilang kamay. Tensyonadong tinitigan niya sa mga mata ang kapwa doktora."Amber, please. Save him," Iyak niya.Takang sinulyapan nito ang nakahigang si Leonardo."Take him to the operating room," mando nito sa mga nurse bago siya binalingan.Hinigpitan ni Amber ang kapit sa mga kamay niya. Kabado ito pero pinanatili ang pagiging pormal."I will do everything, Leigh for Leonardo."Tumango siya, binitiwan ng kasamahan ang kamay niya, at nagmamadaling sumunod sa loob."Leigh," tawag ni Maricel."Mama," mas lalo lamang siyang napaiyak nang mapaharap sa biyenan.Nagyakap sila nito habang parehong umaagos ang mga luha. Ra
Last Updated: 2025-03-13
Chapter: KABANATA 59"Hu-hunter," hirap hiningang aniya ni Leigh.Nakabalibid sa leeg niya ang wire ng telepono. Nakasampa sa kaniya si Hunter habang nagdidilim ang mukha nito, at determinadong malagutan na siya ng hininga. Gamit ang pananakal ng kable ng kanilang telepono.Namumula siya habang nagkakaroon ng paninikip ng dibdib. Labas na rin ang mga ugat niya, at unti-unting lumalabas ang dila.Naroon ang kanyang mga nangingimay na mga kamay sa kamao nito na pilit sinisikipan ang pagkakatali ng kable sa leeg niya.Sinusubukang niya iyong pigilan pero walang lakas ang kaniyang mga kamay.Tumulo ang mga luha ni Leigh.Ito ba ang kabayaran ng nagawa niyang kasalanan?Ito na ba ang katapusan ng masalimuot niyang buhay?Sa kamay talaga ng asawang napilitan lamang siyang pakasalan?Sa kamay ng lalakeng kahit kailan hindi niya minahal dahil wala siyang makitang kamahal-mahal sa bawat pagkakataon na ibinibigay rito?Paano kung may buhay nga sa tiyan niya?Kakayanin ba niyang madamay ito?Bunga pa naman iyon ng t
Last Updated: 2025-03-13
Chapter: KABANATA 58"Hunter!"Naroon na agad si Leonardo. Pilit na inaalis ang matatag na mga kamay ng asawa sa leeg niya. At nang nagtagumpay ito ay ang binata naman ang binalingan.Isang suntok ang natamo nito dahilan para bumagsak."Leonardo!" tili niya.Awtomatikong hinawakan ni Hunter ang magkabilang kwelyo ng binata, at walang habas na itinaas.Magkaharap ang mukha ng mga ito."Hanggang kailan mo ba ako aagawan?""Una, sa pamilya ko.""Tapos ngayon, sa asawa ko?""You are such a worthless bitch, Leonardo!""It's better for you to die kaysa mabuhay nang sinisira ang buhay ko!""Hunter!" sigaw ni Leigh nang bigyan na naman sa sikmura si Leonardo na nakapagpayuko ng katawan nito.Kahit walang lakas ay nagtungo siya sa nagwawalang asawa. Nagbabakasakaling mapapakalma ito.Hinawakan niya sa braso si Hunter nang akmang lalapitan ang binatang nakayuko, at iniinda pa ang suntok.Hingal na hingal, at poot na poot ang anyo nito nang maharap sa kaniya."Hunter, please. Tama na," humagulgol na pakiusap ni Leig
Last Updated: 2025-03-13
Chapter: KABANATA 52"Sir?" ulit ng boses.Umatras yata ang luha ni Troye nang mas malinaw na marinig ang pamilyar na boses. Marahan siyang nagtaas ng mukha, at kulang na lamang ay mahulog ang puso niya nang makita ang sekretarya."Kape niyo po. May iuutos pa po ba kayo?"Ilang beses niyang kinurap ang mga hindi naniniwalang mga mata. Baka dahil sa pangungulila ay namamalik-mata lamang siya, at nakikita ito ngayon sa kaniyang harapan.Sa loob mismo ng kaniyang opisina!Gumuhit ang ngiti sa labi ni Sylvia habang may luhang hindi napigilang bumagsak habang nakatitig sa nabiglang si Troye."Mag-pu-push up pa po ba ako?" biro niya habang naiiyak.Nang mapagtanto, at masiguradong nasa harapan nga niya ang sekretarya ay matulin siyang tumayo sa kinauupuan. At nang makalapit sa harapan nito ay nag-usap muna ang kanilang mga mata."Sylvia Dimaculangan, reporting as your Executive secretary. Hindi niyo pa naman po tinatanggap ang resignation letter ko, 'di ba?"Maagap na hinawakan ni Troye ang kanang braso niya, h
Last Updated: 2025-02-07
Chapter: KABANATA 51"I'm sorry."Nagising si Troye nang mapagtantong nakapikit na dahil sa gulat ang kaharap na sekretarya. Hinawakan niya iyon sa braso habang nahihiya ang hitsura.Marahang binuksna ni Sylvia ang mga mata. Naroon ang binata, at hinahaplos ang kaniyang balat."I'm sorry, hindi ko gustong sigawan ka," kalmado nitong aniya."Wala na akong nararamdaman kay Trevor, maniwala ka."Nag-angat ng tingin si Troye, ngumiti siya rito ng tipid para mapanatag na tungkol sa isyu nito sa kapatid."At huwag mong ikumpara ang sarili mo sa kaniya. Magkaiba kayo, at para sa akin, mas espesyal ka.""If you say so, then be with me.""Hindi sapat na dahilan 'yon para makasama ka," naging masakit na naman ang tono ni Sylvia."Tell me, ano ba'ng puwedeng maging sapat na rason para magpakatotoo ka rin, katulad ko," determinadong tanong nito.Umiling si Sylvia, at ibinaba ang mukha.Natatakot siya, iyon ang totoo.Natatakot siya sa puwedeng kahinatnan ng kanilang pagtitinginan. Mapanghusga ang mundo, lalo na ang m
Last Updated: 2025-02-07
Chapter: KABANATA 50"Sylvia!"Matapang ang mukha ni Sylvia nang humarap sa patayong si Jarell. Kung puwede niya lamang ito lapitan at saktan, gagawin na niya.Pero alam niyang magsasayang lamang siya ng oras, at lakas. Wala na rin siyang pinagkaiba kay Jarell.Binalingan niya ang asawa nitong masama pa rin ang tingin sa kaniya."I'm sorry, hindi ko alam na may asawa na siya. Maniwala ka man o hindi, kung alam kung mayroon, hindi ako magkakaroon ng relasyon sa gagong iyan!""Patawarin mo ako. Hindi ko alam," pagpapakumbaba ni Sylvia.Nabanaag naman niya ang pagkalma ng babae, na tingin niya ay na kumbinsi niya dahil sa totoong paliwanag.Itinuon niya ang mga mata kay Jarell."Hindi ako nagpakantanda para lamang paglaruan, at gaguhin mo. Jarrel, mas pipiliin kong mag-isa habang buhay kaysa maging kabit.""Sylvia-""Stop it, Jarell. Hindi na gagana 'yang rason mo. Kung tingin mo, tanga ako na basta na lamang maniniwala sa iyo.""Pwes, mali ka.""Let's go," naramdaman niya ang paghila ni Troye sa kaniyang mg
Last Updated: 2025-02-07
Chapter: KABANATA 49"Dude?"Nagtungo sa kalayuan si Troye, at saglit na iniwan ang mga kaharap na negosyante."Bakit, Benzon?""Sasabihin ko ng personal sa iyo ang nalaman ko tungkol kay Jarell."Sinakmal agad siya ng kaba. Lumingon siya sa mga kasama bago inisip kung ano'ng dapat unahin."Sorry, late ako."Pinagmasdan ni Sylvia ang pakamot-kamot na si Jarell. Hinihingal ito dahil palagay niya tumakbo ang binata."Kanina ka pa?" tanong nito kasabay nang paghaplos sa kaniyang braso."Hindi naman. Pero, saan ka ba galing?" pasimpleng niyang usisa nang magsimula silang maglakad sa loob ng mall."A, meeting.""Meeting?" Bahagya pa siyang lumingon kay Jarell."Oo.""Akala ko ba sa kaibigan mo?"Pagkakatanda ni Sylvia ay ang paalam ni Jarell sa kaibigan nitong kauuwi lang daw ng bansa. Kaya ano'ng sinasabi nitong galing sa meeting?"Oo, pagkagaling ko sa meeting doon na ako dumiretso," patuloy na palusot ng binata."Talaga?" kailangan niyang sabihin iyon na para bang naniniwala siya kahit hindi.Habang naglala
Last Updated: 2025-02-07
Chapter: KABANATA 48Narating nila ang labas ng gate. Humarap si Troye sa kaniya habang hawak pa rin ang kaniyang kamay."May problema ba?" usisa ni Sylvia dahil balisa ang binata.Sinalubong nito ang mga mata niya. Matiyaga niyang hinintay ang lalabas sa bibig nito."A-about your date," panimula ng binata."Date? Sino? Si Jarell ba?" nalilito anang niya."Yes, that damn shit!" singhal ni Troye kasabay nang pagbitaw sa kamay niya.Mukhang alam na ni Sylvia kung saan tutungo ang usapang ito. Huminga siya nang malalim."Mr. Ledesma-""No, hear me first, Miss Dimaculangan!"Napaamang siya sa bulyaw nito, at nang lumapit. Hinawakan siya sa magkabilang braso, at tinapatan sa mukha."Makipag-break ka na sa kaniya.""H-ha?" utal niyang bigkas habang kumurap-kurap ang mga mata nilang magkahinang."End your relationship with him, hangga't maaga pa.""Te-teka nga," pwersahang iwanagwag ni Sylvia ang magkabilang braso.Nang magtagumpay ay nagbigay siya ng espasyo sa pagitan nilang dalawa."Ano ba 'yang pinagsasabi m
Last Updated: 2025-02-07
Chapter: KABANATA 47"Sagutin mo na 'yan, kanina pa natunog ang cellphone mo."Sinilip pa ni Sylvia ang phone ni Jarell pero maagap iyong kinuha nito na nakapagpa-arko ng kaniyang mga kilay."Si, si mama lang 'to. Nangungulit."Napahilig ang mukha niya, habang pinagmamasdan ito na animo'y kinakabahan, at may itinatago.Ilang beses na niyang napapansin ang laging pagtunog ng cellphone ni Jarell sa tuwing magkasama silang dalawa.Kapag naman tinatanong niya kung sino 'yon ay kung sino-sino ang dinadahilan nito.Mama niya, kapatid, pinsan, kaibigan at kung anu-ano pa.May umuusbong na kutob sa kaniya.O mas dapat sabihing isang hinala!"Kumain ka na," untag ni Jarell kay Sylvia."Sige. Nga pala, birthday ni Spike bukas, punta ka?" alok niya para na rin mapakilala niya ito ng pormal sa pamilya."Bukas?" tila nag-isip ito sa gagawin."Oo, bukas. May lakad ka ba?""Sorry, Syl."Hinawakan siya nito sa kamay na nasa ibabaw ng mesa. Napatingin siya roon bago sa mukha nitong sumisigaw ng pakiusap."Can't make it."
Last Updated: 2025-02-07
Chapter: KABANATA 8Itinutok ni Heather ang kamera kay Dexter na nasa di kalayuan ng park. Nakapamewang ito habang malayo ang tingin. Sa bawat click ng kamera ay kasabay nang pagngiti niya. Napakagandang subject ng kanyang kuya. Napakagwapo nito sa kamera. "Heather," mabilis niyang ibinaling sa iba ang kamera nang marinig ang ina. "Heto, ice cream," ibinaba ni Heather ang hawak at kinuha ang inaabot nito. "Sa iyo ang tsokolate. Habang sa Kuya mo naman ang cookie's and cream." Tumango siya at tinanggap iyon. Umupo si Grace sa kabilang banda ng kanilang picnic blanket at tinanaw ang panganay. "Dex!" Nilinga ni Dexter ang ina. "Halika na rito." Ngumiti ang binata at lumapit. Umupo ito sa harapan ni Heather. "Para sa iyo, anak." "Wala kayo?" takang tanong niya. "Last na ice cream na 'yan, e. Sige na, kainin niyo na," marahan niyang itinulak ang kamay pabalik sa ina na may hawak na ice cream. "Sa iyo na 'yan, Mama." "Paano ka?" "E, 'di," bumaling si Dexter sa kapatid. Nagulat at lum
Last Updated: 2025-02-24
Chapter: KABANATA 7"Anak." "Heather," naputol ang usapan nila nang dumating ang alalang-alala na si Grace. "Mama," niyakap agad nito si Heather. Pagkatapos ay humarap at sinipat-sipat ng tingin. "Anong nangyari sa iyo? Ayos ka lang ba?" Nahihiya siyang tumango. "Dex, anak," nilinga naman ni Grace ang panganay. Lumapit si Dexter dito, awtomatikong yumakap ang ina. "Ikaw, ayos ka lang?" "Yes, Mama. I'm fine. Iyang anak niyo ang hindi," tiningan ni Dexter si Heather na agad umirap. "Heather, anak. Tungkol na naman saan ito?" umupo si Grace sa tapat ng dalagita. "Heather." Sinalubong niya ang mga mata ng ina. "Ano bang ginawa sa iyo ni Joanne para sampalin mo siya ng maraming beses?" "Mama, kulang ang sampal na 'yon sa sakit na nararamdaman ko sa tuwing tinatawag niya akong ampon." Napakurap si Grace. "Anak-" "Mama, alam ko iyon ang totoo kaya nga masakit, e. Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang ipaalala ang pilit kong kinakalimutan," tumulo ang luha ni Heather. Iniwasan nama
Last Updated: 2025-02-22
Chapter: KABANATA 6Dugo ang sulok ng labi ni Joanne. Ibinagsak naman ni Heather ang aluminum na food tray sa sahig. Halos walang humihinga sa loob ng cafeteria. "Heather, halika na," hinila siya nila Sam at Emily palabas ng cafeteria. Bumitaw siya matapos makalabas. "Bitawan niyo 'ko," mahina niyang wika. "Halika na, baka gantihan ka pa ni Joanne," natatakot na sagot ni Sam. "Oo nga," segunda naman ni Emily. Pwersahan niyang inalis ang braso. Natigilan naman ang mga ito. "Kaya ko ang sarili ko. Pabayaan niyo 'ko." "Heather," sabay nang tawag ng dalawa nang umalis siya. Kumalampag ang pinto ng cubicle ng restroom nang punaoskysi Heather. Hinihingal siyang umupo sa toilet seat. Namalayan niyang pumatak ang mga luha. Kahit mayroon siyang masayang pamilya. Hindi pa rin mawala ang pagtawag sa kanya ng ampon ng iba. At ang limang letra na 'yon ang patuloy na nagpaalala sa kanya na hindi niya tunay na kadugo ang mga kasama niya. "Hoy, bata." "Buksan mo 'to." Dahan-dahang nagmulat si Heather. Inalis
Last Updated: 2025-02-20
Chapter: KABANATA 5"Ano bang ginagawa mo, Kuya?" Binuklat nito ang ilang notebook niya at nilipat-lipat ng pahina. "Here," ipinatong ni Dexter ang notebook sa ibabaw ng study table. "See? May homework ka. Bakit hindi mo gawin?" Tumaas lang ang sulok ng labi ni Heather habang nakatitig doon. Hanggang sa hilahin ni Dexter ang silya at inuupo ang kapatid. "Mag-aral ka muna. Hindi puwede ang grades mo sa medical school-" "Sino bang nagsabing magme-medical school ako?" Tiningala siya ng dalagita. "Ayoko kayang tumanda nang nag-aaral nang nag-aaral- aray!" Mahinang pinitik ng binata ang noo ni Heather. "Ano ba-" akmang tatayo siya nang itulak siya Dexter pabalik. Napaatras siya habang pakurap-kurap nang ilapit ng nakakatandang kapatid ang mukha. "You'll become a nurse, and I'll become a doctor so we can be together." Matigas na nalunok ni Heather ang laway buhat sa narinig. "A-anong together?" Inilayo ni Dexter ang mukha, idiniretso ang likod at humalukipkip pagkatapos ay kunyaring nag-is
Last Updated: 2025-02-19
Chapter: KABANATA 4"Well, para sa amin na kumpleto ang turok noong mga sanggol pa. Hindi big-deal pero sa katulad ni Joanne na galit na galit sa iyo. Big-deal," tugon ni Sam. "Huwag mo na nga isipin 'yon. Penge na lang kami ng contact number ni Kuya Dex," kinuha ng mga ito sa bulsa ni Heather ang cellphone at kinikilig na kinalikut. Napailing na lang siya at tumayo. Akma siyang hahakbang nang humarang si Joanne at ang tatlong kaibigan nito. "Nakita ko 'yong Kuya mo, ha?" nakangising wika ni Joanne habang nakahalukipkip. "Hoy, Joanne. Tumigil ka na nga, hindi pa nga nakakapagsuklay si Heather. Gulo-gulo pa ang buhok dahil sa pagsabunot mo-" huminto si Sam nang balingan ito ng masamang tingin ng kaklase. "Ikaw ba ang kausap ko? Puwede ba? Tumahimik ka," bumaling ito kay Heather. "Gets mo na ba kung bakit lagi kitang inaaway?" napakunotnoo siya sa sinabi nito. Lumapit ito at kunyaring inayos ang kwelyo ng uniform niya. "Para makita namin ang Kuya Dex mo," nakangiting dagdag ni Joanne. Si He
Last Updated: 2025-02-19
Chapter: KABANATA 3 Heather, magpakilala ka kay Kuya Dexter mo," utos ni Grace. Nakita ni Dexter na hinagod siya ng tingin ng batang babae mula ulo hanggang paa. Napangiti siya sa inis. "Kuya ko siya?" tanong nito. "Hindi, ate," pilosopo niyang sagot. Wala siyang emosyon na pinagmamasdan ng bata na ikinainis niya. "Bakit ganiyan makatingin 'yan, Mama? Parang lalaban nang lalaban?" napipikon niyang tanong. Natawa na lang si Grace. "Pagod na si Heather, ihahatid ko lang siya sa kwarto niya." Inakbayan ng ina ang bata at iginiya na maglakad. Nakita pa ni Dexter na sinulyapan siya nito. "Siya ang Kuya Dexter mo, 23 years old siya at graduating ng pre-med. Sampung taon ang tanda niya sa iyo, kapag nag-aaral ka na at senior highschool ka nasa medical school na siya. Kaya kapag may kailangan ka, sa kanya ka pumunta." Tumango si Heather habang nakatitig kay Grace. "Opo, Ma-" nag-alangan siyang banggitin ang sasabihin. "Ayos lang. Tawagin mo akong Mama," nakangiting utos ni Grace kay Heather. "
Last Updated: 2025-02-18
Chapter: Kabanata 13Papungas-pungas ang bata at itinaas ang dalawang kamay para magpakarga.Ngumiti si Laurise at binuhat si Gideon."What do you want for breakfast?" tanong n'ya at lumabas ng kwarto.Tinuro ng bata ang nilulutong pancake ni Kyla sa maliit na kusina."You want pancake huh?" Inilagay n'ya ang anak sa isang bangko kaharap ng 4 round small table."Ma'am, heto po," saad ni Kyla at pinatong ang plato."W-wow!" utal na sambit ni Gideon.Nagkatawanan si Laurise at Kyla nang may marinig na doorbell."Ako na, alalayan mo na lang si Gideon," utos n'ya.Pagbukas ng pinto ay si Lawrence ang nabungaran."Kuya,"Pumasok ang binata at yumakap sa kanya."Come here, join us!" yaya ni Laurise at ginayak ang kapatid sa lamesa."Good morning my big boy Gideon!" masiglang bati ni Lawrence sa pamangkin at lumapit.Napalingon ang bata at awtomatikong ngumiti ng maluwag."U-uncle!" nahihirapang bulalas ng bata."What's up big boy?" Niyakap ni Lawrence ang bata at kinarga habang ngumunguya.Napangiti si Laurise
Last Updated: 2022-05-26
Chapter: Kabanata 12Napakunotnoo ang dalaga. Boses babae ang sumagot, saglit pa niyang sinilip ang screen ng phone umaasang mali ang na-dial na numero."Who's this?" irita niyang dinig na tanong mula sa kabilang linya.Mabilis na itinapat muli ni Laurise ang phone sa tenga."Ahmm. Hi! Where's Allison?" pinakaswal niya ang boses kahit gumagaralgal na iyon."Allison? May I know who I am talking to?" tanong muli nito.Ngayon niya lang napagtanto na wala pa silang malinaw na relasyon ng binata.They kissed twice and shared one night but she had never heard 'I love you' from him. He only left her a promise."Anyway, my baby wasn't here. And whoever I am talking to, please stop pestering my boyfriend!" binigyang diin pa nito ang bawat salita.Parang dinaklot ang puso niya sa narinig. Nagawa pa rin ibaba ni Laurise ang hawak na cellphone kasabay ng mga nag-uunahang luha."Sam!" Pumasok si Allison sa loob ng office.Lihim na ibinalik ni Sam
Last Updated: 2022-01-15
Chapter: Kabanata 11"At nang kaswal mo na ibinalita na lilipad ka na papunta sa Australia!" may hinanakit na pahayag ni Laurise at hindi napigilan ang mga luha."Nagseselos yata ang Little Laurise Ann ko," malambing na sagot ni Allison at niyakap ang dalaga."No! I am not!" guilty niyang sambit at kumalas sa pagkakayakap.Nakangiti lamang ang binata habang pinagmamasdan siya."I'm sorry for not telling you about it over the phone. Gusto ko sana sabihin sa iyo ng personal.""I want you to know that I never ever cheated on you in the past three years. And I will not, okay?" seryosong pahayag nito habang nakatitig sa mga mata ni Laurise.Ang sandali at mga salitang iyon ay sapat na para maniwala ang batang puso ng dalaga. Maniniwala siyang hindi ito gagawa ng ikasasakit ng damdamin niya.Natigilan si Laurise sa masuyong pagkakatitig ni Allison, tila kinakabisa nito ang bawat parte ng kaniyang mukha. Nakadama siya ng ibang kaba ng mga oras na iyon lalo na na
Last Updated: 2021-11-26
Chapter: Kabanata 10Ipinatong ni Maricel ang tasa ng umuusok na sinigang sa ibabaw ng mesa."Yes, uuwi raw sina Lawrence at Allison next week!"Napangiti si Laurise. Tatlong taon na rin ang lumipas nang huling niyang makita ang kapatid na si Lawrence at siyempre si Allison."Bakit daw ma? Biglaan naman yata," takang tanong niya sa ina.Nagkibit-balikat lamang ang ginang at nagsimula na kumain.Hindi niya maiwasan mag-isip kung bakit uuwi si Allison pero mas nangingibabaw ang saya sa kaniyang puso dahil masisilayan na niya muli ang binata.Hinagod ng tingin ni Laurise ang sarili sa harap ng salamin. Suot niya ang bagong damit na yellow floral lace up backless, pinakulayan niya ang buhok at bahagyang kinulot ang dulo nito. She put a light make up on her face na dahilan para mangibabaw ang gandang mayroon siya."Wow!" manghang sambit ni Maricel sa anak sa venue ng party.Nahihiya siyang ngumiti sa ina. Ngayon lamang niya napansin na mas
Last Updated: 2021-11-21
Chapter: Kabanata 9"Bitiwan mo nga ako!" Piglas ni Laurise."Kaya ba hindi ka na nagpapakita, may iba ka na ha?" punong-puno hinanakit na sagot ni Allison."Shut up Allison! Huwag mo akong itulad sa'yo!" hindi na niya napigilan singhalan ito.Napatingin ang binata sa paligid kaya minabuti n'yang isakay si Laurise sa loob ng sasakyan."Bakit hindi ka na nagpupunta rito?" seryosong tanong agad ni Allison nang makapasok sa loob ng tree house."Tapos na ang exam, so there's no reason to!" pinakaswal ni Laurise ang sagot at tumingin sa labas ng bintana.Hindi na sinubukan ng dalaga salubungin ang tingin ni Allison.Simula ng araw na iyon ay hindi na nagpakita ang binata kay Laurise.Tahimik siyang nasaktan sa nangyari.Tuwing hapon ay pumupunta pa rin siya sa tree house at rito na siya nagpapalipas ng gabi.Tinanggap ni Laurise na baka awa lang talaga ang nararamdaman ni Allison para sa kaniya at 'di katulad ng nasa puso niya. Na-realize na sigu
Last Updated: 2021-11-20
Chapter: Kabanata 8Dahan-dahang binaba ni Allison ang kamay habang nakasimangot. "I-isa pa si Xyriel baka nawawalan ka na ng oras sa kaniya dahil lang sa akin," nahihiyang aniya ni Laurise at binaling ang tingin sa mga dumaraang mga sasakyan sa kalsada. "Dont mind her. We're already done like almost a month," kaswal nitong sagot. Mabilis siyang napatingin sa mukha ni Allison. "T-totoo?" paninigurado ng dalaga. Panunuksong ngiti lamang ang sinagot ng binata. Parang turumpong paikot-ikot si Allison sa loob ng tree house. Hindi na siya mapalagay, ngayon ang results ng exam ni Laurise at tensyonado siya dahil doon. "Hey," bati nito nang bumukas ang pinto. Nakayuko si Laurise at bagsak ang balikat na lumapit sa binata. "Come here," mahinang wika ni Allison at hinawakan ang kamay niya. "What happened?" tanong muli nito. Tinuon ni Laurise ang malulungkot na mga mata kay Allison. "Oh, that's okay. My
Last Updated: 2021-11-20