Dugo ang sulok ng labi ni Joanne. Ibinagsak naman ni Heather ang aluminum na food tray sa sahig. Halos walang humihinga sa loob ng cafeteria.
"Heather, halika na," hinila siya nila Sam at Emily palabas ng cafeteria. Bumitaw siya matapos makalabas. "Bitawan niyo 'ko," mahina niyang wika. "Halika na, baka gantihan ka pa ni Joanne," natatakot na sagot ni Sam. "Oo nga," segunda naman ni Emily. Pwersahan niyang inalis ang braso. Natigilan naman ang mga ito. "Kaya ko ang sarili ko. Pabayaan niyo 'ko." "Heather," sabay nang tawag ng dalawa nang umalis siya. Kumalampag ang pinto ng cubicle ng restroom nang punaoskysi Heather. Hinihingal siyang umupo sa toilet seat. Namalayan niyang pumatak ang mga luha. Kahit mayroon siyang masayang pamilya. Hindi pa rin mawala ang pagtawag sa kanya ng ampon ng iba. At ang limang letra na 'yon ang patuloy na nagpaalala sa kanya na hindi niya tunay na kadugo ang mga kasama niya. "Hoy, bata." "Buksan mo 'to." Dahan-dahang nagmulat si Heather. Inalis niya ang pagkakasandal ng ulo sa haligi ng cubicle. "Lumabas ka na riyan. Uwian na," nakita niya ang isang braso sa ilalim ng pinto. Nagmamadali niyang tiningan ang suit na relo. May dalawang oras na siyang nakatulog nang nakaupo sa cubicle. "Iha, kanina pa uwian," bungad ng matandang janitress nang buksan niya ang pinto. Alangan siyang ngumiti rito. "Pasensya na ho." Sa paglabas at paglalakad niya sa hallway ay iilan na lang ang estudyante. Pumasok siya sa room na walang katao-tao. Kinuha ang bag at sinakbit. Hawak niya ang magkabilang strap ng backpack at nakayukong naglalakad palabas ng school. Nakakalayo na siya nang may humarang sa mga paa niya. Dahan-dahan nagtaas ng mukha si Heather. "Siya ba 'yon?" tanong ng isang lalake na may hikaw sa kilay, ilong at labi. Blonde rin ang buhok nito at tatlong lalake pa sa likuran na magkakapareho ng hilatsa. Parang mga gangster. "Siya ba 'yong sumampal sa iyo?" Napakurap siya at binalingan si Joanne na may sugat sa sulok ng labi at nakahawak pa sa pisngi. "Siya nga, si Heather Saavedra." Pumaling ang mukha ni Heather nang sampalin siya ng lalake. Naging mariin ang kapit niya sa strap ng backpack niya. Isang suntok naman ang pinakawalan niya. Nasapo ng may hikaw sa ilong ang nguso na nagdugo. Ngumisi si Heather. "Hindi bagay sa ilong mo ang hikaw," pang-aasar niya. Si Joanne naman ang sumampal sa kanya na nakapagpaladlad ng ilang buhok niya. "Ako na," singit ng blonde na lalake kay Joanne. "Hawakan niyo 'yan," utos pa nito sa mga kaibigan at hinawakan sa magkabilang braso si Heather. "Congratulations. Excited na 'ko bukas," saad ni Hero. Napangiti si Dexter nang makalabas sila ng lecture room. "Sabi nga sa hinaba-haba ng pagme-medical school, internship pa rin ang tuloy," segunda ng isang kaibigan na si Ivann. "Anong masasabi ng Summa Cum Laude natin diyan?" binangga pa siya ng mga kaibigan sa balikat. "Ang masasabi ko lang, pagod ako at gusto ko nang magpahinga," sagot niya dahil halos ilang taon na rin siyang walang sawang nag-aaral. "Club muna tayo. Tsug, tsug, tsug," kumembot pa si Hero na ikinapilig ng ulo niya. "Bukas na pagkatapos ng graduation," sagot niya at hinawakan ito sa dibdib para huminto sa pagsasayaw. "I'll have to go." Nauna na siyang humakbang. Tumunog naman ang cellphone ni Hero. "O, hello? Emily?" "Dex!" Huminto si Dexter na ilang hakbang na ang layo at lumingon. "Pass ako-" "Hindi si Emily, tumawag sa akin." Napaseryoso agad siya kasabay nang paglapit. "Bakit may problema ba?" dinapuan siya ng kaba. Inabot ni Hero ang cellphone sa kanya na awtomatikong tinapat niya sa tenga. "Hello, Emily?" "H-Hi, Kuya Dex." "What's wrong?" "S-si Heather kasi, hindi namin nakasabay umuwi." "Bakit may nangyari ba?" Mabilis ang pagmamaneho ni Dexter. Abot-abot ang tipa ng dibdib niya. Rumaragasa ang kotse papunta sa school ng kapatid. Napaupo si Heather sa sementado habang nadugo ang labi. "Ano? Kaya pa?" tanong ng lalakeng blonde sa kanya. Manhid ang pakiramdam ng dalagita sa mukha. "Ano? Sagot." Napatingin ang lalake sa hita ni Heather matapos tumaas ang palda nito. "Bakit ba kita sinampal? Parang may mas magandang parusa sa iyo na pareho tayong mag-eenjoy," nakakasuka ang nakaakit nitong boses. Naramdaman ni Heather ang daliri nito na itinaas ang palda niya. "Hu-huwag," hirap niyang wika. "William, wala sa usapan natin 'yan," awat naman ni Joanne at hinawakan ang braso ng kaibigan pero padabog itong bumitaw. "Puwede ba? Huwag mo akong hawakan. Ayaw mo ba 'yon, habang-buhay ang pagganti mo rito?" Muling bumaling ito sa nanghihina si Heather. Habang paakyat nang paakyat ang daliri. "Hoy, gago!" Sa pagharap nito ay ang nag-iinit na kamao ni Dexter ang sumalubong, bulagta ang lalake. Lumapit kay Dexter ang dalawa pang lalake pero sinuntok at sinipa niya lang iyon. Hingal siyang napatingin sa dalagitang nakasuot ng uniporme na katulad sa kapatid. "So-sorry po, Kuya Dex," natatakot na saad nito habang nakataas ang magkabilang palad. Nagtakbuhan ang tatlong lalake. "Dex," dumating sina Hero at iba pa niyang kaibigan. "Habulin niyo 'yong mga hayop na 'yon," hinihingal niyang utos. Tumakbo naman ang mga kaibigan. Akmang lalakad si Joanne. "Hoy, ikaw bata. Dito ka lang," utos ni Dexter. "O-opo." Binalingan niya ang kapatid. "Heather," dinaluhong ni Dexter si Heather. Ibinaba niti ang palda ng dalagita. At dahan-dahang hinarap ang mukha. Tumigas ang anyo niya nang makita ang sugat sa sulok ng labi nito. "Heather," mahina niyang tinapik ito sa pisngi. "Heather," ulit niya kasabay nang pagtapik. "Ang sakit, huwag mong tapikin," sagot nito na bahagyanh nagmulat. Napahinga naman si Dexter nang malamang may malay ito. "A-aray!" "Ang sakit!" Nakaiwas na ang mukha ni Heather sa nurse na nilalagyan ng gamot ang sugat niya sa labi. "Ma'am, huwag po kayong magulo. Hindi ko po malagyan," sagot ng nurse. "E, masakit nga," sagot naman niya. Umalis sa pagkakasandal ang nakahalukipkip na si Dexter. "Nurse, ako na," ibinigay naman nito ang bulak. Napaatras naman ang kinabahang si Heather. "Ba-bakit ikaw?" "Aray!" tili niya nang pisilin ni Dexter ang magkabilang pisngi niya at idutdut ang bulak. "Kuya Dex, ang sakit!" sigaw niya pero hindi makaalis ang mukha niyang hawak nito. "Aray, sabi-" pabalya pang binitawan ng nakakatandang kapatid ang mukha niya bago umupo sa kama paharap sa kanya. "Iyan ang napapala nang matigas ang ulo na tulad mo," sermon nito. Tumanaw si Heather sa malayo. "Ano bang pangarap mo maging gangster? O sumali ng slapping competition?" "Ipinagtatangol ko lang ang sarili ko," seryosong katwiran niya. "Ikaw daw ang nauna." "Anong ako?" "Sabi ni Joanne, itinatanong lang daw niya kung magna-nurse-" "Hindi 'yon totoo. Sinabihan niya ako ng bobo at ampon-" kusang natigilan si Heather at napakurap naman ang mga mata ni Dexter. Dumaan ang katahimikan sa ward kung nasaan sila nakaupo. " So, issue mo pa rin pala 'yon?" Nakakunotnoong tiningnan ni Heather ang nakakatandang kapatid. Mula sa pagkakabaling sa ibang pwesto ay marahan nitong sinalubong ang mata niya. "Lahat ba ng tatawag sa iyo ng ampon? Sasampalin mo?" Nalunok niya ang laway."Anak." "Heather," naputol ang usapan nila nang dumating ang alalang-alala na si Grace. "Mama," niyakap agad nito si Heather. Pagkatapos ay humarap at sinipat-sipat ng tingin. "Anong nangyari sa iyo? Ayos ka lang ba?" Nahihiya siyang tumango. "Dex, anak," nilinga naman ni Grace ang panganay. Lumapit si Dexter dito, awtomatikong yumakap ang ina. "Ikaw, ayos ka lang?" "Yes, Mama. I'm fine. Iyang anak niyo ang hindi," tiningan ni Dexter si Heather na agad umirap. "Heather, anak. Tungkol na naman saan ito?" umupo si Grace sa tapat ng dalagita. "Heather." Sinalubong niya ang mga mata ng ina. "Ano bang ginawa sa iyo ni Joanne para sampalin mo siya ng maraming beses?" "Mama, kulang ang sampal na 'yon sa sakit na nararamdaman ko sa tuwing tinatawag niya akong ampon." Napakurap si Grace. "Anak-" "Mama, alam ko iyon ang totoo kaya nga masakit, e. Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang ipaalala ang pilit kong kinakalimutan," tumulo ang luha ni Heather. Iniwasan naman ni Dexter n
"Dex, anak? Kumusta ang school?'' tanong ni Grace sa kaisa-isang anak na si Dexter, kaharap niya ito sa mesa ngayong umaga para mag-breakfast. "It's exhausting, but worth it." "Kaya mo 'yan, katulad ka kaya ng Daddy mo." Natigilan sa pagnguya ng pagkain ang bente-tres anyos na si Dexter nang maalala ang amang doktor na namayapa. "Siguradong kung buhay pa ang Daddy mo. Matutuwa 'yon," lumungkot ang boses ng kanyang ina kaya hinawakan niya ito sa kamay. "For sure, Mama. Do you miss him?" "Of course, anak. Siya lang ang lalake sa buhay ko-" "Paano naman ako?" putol niya agad. "Ay, oo nga. Nakalimutan ko ang baby boy ko," napapikit si Dexter nang halikan siya sa pisngi ni Grace. "Mama," awat niya at tumingin sa paligid. Pinunasan pa niya ang pisngi. "O, bakit?" walang-ideyang usisa ng mama niya. "Anong bakit? Baka may makakita sa atin," tugon niya. "Asus. Porke't ba, binata ka na. Bawal ka nang halikan. Bakit magagalit ba ang girlfriend mo?" Pinunasan lang ni Dex
"Dex?" Itinaas ni Dexter ang mukha mula sa pagkakatungo sa pagkain. Magkaharap na sila ng ina sa mesa ng isang restaurant. "What's that, Mama?" nakita niya ang alangan sa mukha ng ina kaya napakunotnoo siya. "Ano ba 'yon? Pinakakaba niyo naman ako," dagdag niya. "Wala naman, anak. Hindi ba birthday ko?" Tumango siya at tumungga ng wine. "May birthday wish sana ako." "I see. Anong birthday wish mo Mama?" Hinawakan ni Grace ang kamay ng anak na nasa ibabaw ng mesa. Napatingin naman doon si Dexter bago muling sinalubong ang mga mata nito. "Gusto ko sanang dagdagan ang pamilya natin?" Mas lumukot ang noo niya. "Gusto ko na magkaroon ka ng kapatid." Nagtataka niyang ibinaba ang baso ng wine. "Gusto niyo ako magkaroon ng kapatid? Paano 'yon?" tanong niya at itinuro ang katawan ng ina. Napangiti si Grace. "Gusto kong mag-adapt." Napakurap ang mga mata ni Dexter. "Gusto ko ng babae." "Okay lang naman, Ma." "Talaga?" "Oo naman pero-" pabitin niya na nakapagpawala ng saya ng
Heather, magpakilala ka kay Kuya Dexter mo," utos ni Grace. Nakita ni Dexter na hinagod siya ng tingin ng batang babae mula ulo hanggang paa. Napangiti siya sa inis. "Kuya ko siya?" tanong nito. "Hindi, ate," pilosopo niyang sagot. Wala siyang emosyon na pinagmamasdan ng bata na ikinainis niya. "Bakit ganiyan makatingin 'yan, Mama? Parang lalaban nang lalaban?" napipikon niyang tanong. Natawa na lang si Grace. "Pagod na si Heather, ihahatid ko lang siya sa kwarto niya." Inakbayan ng ina ang bata at iginiya na maglakad. Nakita pa ni Dexter na sinulyapan siya nito. "Siya ang Kuya Dexter mo, 23 years old siya at graduating ng pre-med. Sampung taon ang tanda niya sa iyo, kapag nag-aaral ka na at senior highschool ka nasa medical school na siya. Kaya kapag may kailangan ka, sa kanya ka pumunta." Tumango si Heather habang nakatitig kay Grace. "Opo, Ma-" nag-alangan siyang banggitin ang sasabihin. "Ayos lang. Tawagin mo akong Mama," nakangiting utos ni Grace kay Heather. "
"Well, para sa amin na kumpleto ang turok noong mga sanggol pa. Hindi big-deal pero sa katulad ni Joanne na galit na galit sa iyo. Big-deal," tugon ni Sam. "Huwag mo na nga isipin 'yon. Penge na lang kami ng contact number ni Kuya Dex," kinuha ng mga ito sa bulsa ni Heather ang cellphone at kinikilig na kinalikut. Napailing na lang siya at tumayo. Akma siyang hahakbang nang humarang si Joanne at ang tatlong kaibigan nito. "Nakita ko 'yong Kuya mo, ha?" nakangising wika ni Joanne habang nakahalukipkip. "Hoy, Joanne. Tumigil ka na nga, hindi pa nga nakakapagsuklay si Heather. Gulo-gulo pa ang buhok dahil sa pagsabunot mo-" huminto si Sam nang balingan ito ng masamang tingin ng kaklase. "Ikaw ba ang kausap ko? Puwede ba? Tumahimik ka," bumaling ito kay Heather. "Gets mo na ba kung bakit lagi kitang inaaway?" napakunotnoo siya sa sinabi nito. Lumapit ito at kunyaring inayos ang kwelyo ng uniform niya. "Para makita namin ang Kuya Dex mo," nakangiting dagdag ni Joanne. Si H
"Ano bang ginagawa mo, Kuya?" Binuklat nito ang ilang notebook niya at nilipat-lipat ng pahina. "Here," ipinatong ni Dexter ang notebook sa ibabaw ng study table. "See? May homework ka. Bakit hindi mo gawin?" Tumaas lang ang sulok ng labi ni Heather habang nakatitig doon. Hanggang sa hilahin ni Dexter ang silya at inuupo ang kapatid. "Mag-aral ka muna. Hindi puwede ang grades mo sa medical school-" "Sino bang nagsabing magme-medical school ako?" Tiningala siya ng dalagita. "Ayoko kayang tumanda nang nag-aaral nang nag-aaral- aray!" Mahinang pinitik ng binata ang noo ni Heather. "Ano ba-" akmang tatayo siya nang itulak siya Dexter pabalik. Napaatras siya habang pakurap-kurap nang ilapit ng nakakatandang kapatid ang mukha. "You'll become a nurse, and I'll become a doctor so we can be together." Matigas na nalunok ni Heather ang laway buhat sa narinig. "A-anong together?" Inilayo ni Dexter ang mukha, idiniretso ang likod at humalukipkip pagkatapos ay kunyaring nag-is
"Anak." "Heather," naputol ang usapan nila nang dumating ang alalang-alala na si Grace. "Mama," niyakap agad nito si Heather. Pagkatapos ay humarap at sinipat-sipat ng tingin. "Anong nangyari sa iyo? Ayos ka lang ba?" Nahihiya siyang tumango. "Dex, anak," nilinga naman ni Grace ang panganay. Lumapit si Dexter dito, awtomatikong yumakap ang ina. "Ikaw, ayos ka lang?" "Yes, Mama. I'm fine. Iyang anak niyo ang hindi," tiningan ni Dexter si Heather na agad umirap. "Heather, anak. Tungkol na naman saan ito?" umupo si Grace sa tapat ng dalagita. "Heather." Sinalubong niya ang mga mata ng ina. "Ano bang ginawa sa iyo ni Joanne para sampalin mo siya ng maraming beses?" "Mama, kulang ang sampal na 'yon sa sakit na nararamdaman ko sa tuwing tinatawag niya akong ampon." Napakurap si Grace. "Anak-" "Mama, alam ko iyon ang totoo kaya nga masakit, e. Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang ipaalala ang pilit kong kinakalimutan," tumulo ang luha ni Heather. Iniwasan naman ni Dexter n
Dugo ang sulok ng labi ni Joanne. Ibinagsak naman ni Heather ang aluminum na food tray sa sahig. Halos walang humihinga sa loob ng cafeteria. "Heather, halika na," hinila siya nila Sam at Emily palabas ng cafeteria. Bumitaw siya matapos makalabas. "Bitawan niyo 'ko," mahina niyang wika. "Halika na, baka gantihan ka pa ni Joanne," natatakot na sagot ni Sam. "Oo nga," segunda naman ni Emily. Pwersahan niyang inalis ang braso. Natigilan naman ang mga ito. "Kaya ko ang sarili ko. Pabayaan niyo 'ko." "Heather," sabay nang tawag ng dalawa nang umalis siya. Kumalampag ang pinto ng cubicle ng restroom nang punaoskysi Heather. Hinihingal siyang umupo sa toilet seat. Namalayan niyang pumatak ang mga luha. Kahit mayroon siyang masayang pamilya. Hindi pa rin mawala ang pagtawag sa kanya ng ampon ng iba. At ang limang letra na 'yon ang patuloy na nagpaalala sa kanya na hindi niya tunay na kadugo ang mga kasama niya. "Hoy, bata." "Buksan mo 'to." Dahan-dahang nagmulat si Heather. Inalis