"Ano bang ginagawa mo, Kuya?"
Binuklat nito ang ilang notebook niya at nilipat-lipat ng pahina. "Here," ipinatong ni Dexter ang notebook sa ibabaw ng study table. "See? May homework ka. Bakit hindi mo gawin?" Tumaas lang ang sulok ng labi ni Heather habang nakatitig doon. Hanggang sa hilahin ni Dexter ang silya at inuupo ang kapatid. "Mag-aral ka muna. Hindi puwede ang grades mo sa medical school-" "Sino bang nagsabing magme-medical school ako?" Tiningala siya ng dalagita. "Ayoko kayang tumanda nang nag-aaral nang nag-aaral- aray!" Mahinang pinitik ng binata ang noo ni Heather. "Ano ba-" akmang tatayo siya nang itulak siya Dexter pabalik. Napaatras siya habang pakurap-kurap nang ilapit ng nakakatandang kapatid ang mukha. "You'll become a nurse, and I'll become a doctor so we can be together." Matigas na nalunok ni Heather ang laway buhat sa narinig. "A-anong together?" Inilayo ni Dexter ang mukha, idiniretso ang likod at humalukipkip pagkatapos ay kunyaring nag-isip. "Well, Mom always trusts me to look after you. If you become a nurse and I become a doctor. Mababantayan kita. Kaya sige na," iniharap ni Dexter nang pwersahan ang batang mukha ng kapatid sa mesa. "Aral na." Nakasimangot na sinundan ng tingin ni Heather ang binata. Nang maisarado ang pinto ay napatitig siya sa ilang picture frame. Naroon ang unang litrato nilang pamilya. Unang birthday ni Dexter na kasama siya. Birthday niya na kasama ang mga ito. Sa loob ng tatlong taon nang mga nangyari sa kanilang pamilya ay nakuhaan niya ng litrato. Seryosong kinuha niya sa drawer na nasa ilalim ng study table niya ang isang DSLR kamera na ineregalo mismo ng kanyang inang si Grace. Gusto niyang maging photographer. Pero nang maalala ang sinabi ni Dexter. Kung gusto nito maging nurse siya para magkasama sila, iyon ang kukunin niya. Napakunotnoo siya nang humangin dahilan para gumalaw ang kurtina sa bintana. Tumayo siya para isarado iyon. Pero natanaw niya mula sa gilid ng pool area ang nakakatandang kapatid. Nakataas ang magkabilang braso nito na parang nag-iinat. Napangiti siya ng maliit at itinaas ang kamera. Itinapat niya ang mata roon, at ginamit ang zoom para makita ng malapit ang mukha ni Dexter. Naglaho ang ngiti niya nang makita sa kamera ang gwapong kapatid. Dahan-dahan niyang naibaba ang kamera at pinakiramdaman ang puso. "Heather, anak-" natigilan si Grace nang makita ang gulat at taranta sa dalagita. "Ma-mama," nanginginig na inokupahan ni Heather ang silya na nasa study table. Lihim niyang sinulyapan ang bintana kung saan ito galing. Pilit na ngumiti si Grace at lumapit. Ipinatong nito sa mesa ang mainit na gatas. "Dinala ko lang 'to. Inumin mo bago ka matulog." "O-opo. Salamat po." Napatingin si Grace sa kamera na nasa ibabaw ng mesa. "Okay pa ba 'tong kamera-" hindi na nakuha nito ang kamera nang kunin agad ng kinabahang si Heather. Pilit na ngumiti ang dalagita. "Si-sira na 'to, Mama. Itatago ko na," nakita ni Grace ang panginginig ng kamay ng anak nang ibalik sa drawer ang regalo. "May kailangan pa po kayo?" Ngumiti at umiling si Grace. Hinawakan nito si Heather sa magkabilang pisngi at hinalikan sa noo. "Huwag kang magpupuyat. Matulog ka na agad." "Opo, Mama," tumungo na ang anak sa mesa kaya pasimple siyang nagtungo sa bintana at sinilip kung sinong tinatanaw nito. Napakunotnoo si Grace nang makita ang paalis na si Dexter. Muli nitong binalikan ng tingin ang anak na babae. Natigilan si Heather sa pagsarado ng pinto ng kwarto nang lumabas din sa katapat niyang kwarto ang kapatid na si Dexter. Napatingin ito sa kanya bago nag-arko ang kilay. "Anong tinitingin-tingin mo?" masungit nitong tanong. "Ikaw kaya ang nakatingin," inirapan niya ito at naunang bumaba. "Ma, mauna na 'ko." Binangga siya mula sa likod ng binata matapos makababa sa dining area. Humalik ito sa pisngi ng ina. "Hindi ka na ba magbe-breakfast, Dex?" "Hindi na, Ma. Kailangan ko nang pumasok," sagot nito habang palayo. Nasundan na lang niya ng tingin ang kapatid. Kahit kailan ay hindi nagpabaya sa pag-aaral ito. Kaya laging top student, simula noon hanggang ngayon. Kahit nga sa senior highschool ay kilalang-kilala ang kapatid niya sa talino at gwapo. "Hayaan mo na 'yang Kuya mo. Malapit na ang graduation niya kaya busy lagi," hinawakan siya ni Grace sa kamay at inuupo. "Kumain ka na." Umupo naman siya. "Nga pala, anak. Bago ang graduation ng Kuya Dex mo, magpicnic muna tayo sa park. Ang tagal na nating hindi nakapupunta roon." "Walang problema, Mama." "Hoy, malapit na ang graduation ng mga medical student. Tingnan mo, nag-post 'yong pinsan ko. Si Kuya Hero ng picture nila." Nakakunotnoong dumukwang si Heather at hindi na ipinagpatuloy ang paglalagay ng notebook sa bag matapos ang isang klase ng isang subject. Sinilip niya ang hawak na cellphone ni Emily. "Ang gwapo talaga ni Kuya Dex, tingan mo," kinikilig na ani Sam at pinagsiksikan ang mukha sa harap ng cellphone. Sinilip niya iyon at napangiti siya nang makita ang kapatid. Sa lahat ng lalakeng naroon ay ito agad ang nakita niya dahil hamak na mas angat ito sa mga kasama. "Sino 'yong babaeng katabi niya? Girlfriend niya ba?" Lumungkot ang boses ni Sam. Napakurap siya at pinagkatitigan iyon. Hanggang sa mapatingin siya sa dalawang kaibigan na pinagmamasdan siya. "Ba-bakit?" "Taken na ba si Kuya Dex?" sabay na tanong nito habang dismayado. "Patingin nga," tumayo siya at inagaw sa kamay ni Emily ang cellphone. Umupo sa arm rest si Heather habang tutok na tutok ang mata sa screen. Pinagkatitigan niya ang hindi kilala na babae. At hindi niya alam kung saan galing ang inis na naramdaman. "Ano? Sino 'yan?" tanong ni Emily. "Hi-hindi ko kilala," inis niyang tugon at galit na ibinalik dito ang cellphone. "Baka nga girlfriend ng Kuya mo-" "Anong girlfriend?" pigil niya ang mainis pa ng husto. "O, e, bakit? Sikat ang Kuya Dex mo. Hindi lang dito, ganoon na rin sa medical school kung saan siya nag-aaral. Ang sabi nga ni Kuya Hero, candidate daw ang Kuya mo sa pagiging Summa Cum Laude. Kaya lapitin talaga 'yan ng mga babae,'" mahabang pahayag ni Emily. "Tama. Wala na yata tayong pag-asa kay Kuya Dex," naghawak pa ng kamay si Sam at si Emily. "Tama ka. Hindi na yata mahihintay ng isa man lang sa atin ni Kuya Dex," iyak-iyakan ni Emily. Hanggang sa lumaki ang mga mata ni Sam. Napakunotnoo naman si Heather sa o.a na reaksyon ng kaibigan. "Naku, lalo na 'yan kapag nagtrabaho si Kuya Dex sa hospital. Maraming magagandang doktora doon, at baka doon pa siya magkaroon ng nakakaiyak na love story. May isang magandang babae na may sakit tapos gagamutin niya," malayo na ang naisip ni Sam na ikinapilig ng ulo niya. "Hoy, hindi mangyayari 'yan-" napahinto kusa si Heather sa nasabi. Naitikom niya nang marahan ang labi nang bumaling sa kanya ang mga kaibigan. "Gaano ka kasigurado na hindi mangyayari 'yon?" tanong ni Sam. "D-dahil alam ko ang tipo niya," nauutal niyang sagot habang nakahalukipkip. "Anong tipo niya? Bata ba?" Inayos ni Emily ang sarili. Nakangiting hinawakan naman niya ito sa balikat. "Siguradong hindi ikaw." "Hindi 'yang babae na nasa picture na 'yan. Hindi ang doktora sa hospital at lalong hindi babaeng maysakit," siguradong litanya niya. "E, sino?" tanong ni Sam. Nagtinginan pa ito at si Emily bago sabay na bumaling kay Heather. "Ikaw?" sabay na tanong nito na ikinakurap ng mga mata niya. "Hoy, kilabutan ka nga. Magkapatid kayo," saway ni Emily. "Si-sino ba kasing may sabing ako?" tila nagising din siya sa mga pinagsasabi. Kinakabahan siyang tumalikod at ibinaba ang mga braso sa. pagkakahalukipkip. "Tara na nga. Magpunta na tayo ng cafeteria," nagpatiuna siyang maglakad. Dala-dala ni Heather ang food tray nang okupahan ang pahabang silya na kaharap ni Emily at Sam. "Ikaw, Heather. Anong kukunin mong course sa college. Isang taon na lang din ga-graduate na tayo ng senior?" tanong ni Emily nang tingalain siya. "Bakit mo naman natanong?" natatawang sagot niya. "Wala, naisip ko lang. Kasi syempre, sina Kuya Dex at Kuya Hero, ga-graduate na tapos tayo naman." "Hindi ba, Heather? Gusto mo ng photography?" usisa ni Sam. Sinimulang kumain ni Heather. "Oo, pero sabi ni Kuya Dex. Mag-nursing daw ako." "O, e, paano 'yan? " "E, 'di magna-nursing ako." "Hay, ang lakas talaga ng Kuya mo sa iyo," napangiti siya sa sinabi ni Sam. "Ikaw magna-nursing?" Magkapanunod silang huminto nang marinig ang boses na iyon at sa pagbaling niya ay napairap siya nang makita ang nakangiting si Joanne. Akmang itutuon niya ang atensyon sa pagkain nang hawakan nito ang baba niya. "Sandali, tumingin ka muna sa akin." Sinulyapan niya ang kamay nito sa baba niya bago sinalubong ang tingin ng schoolmate. "Kung si Kuya Dex, kinaya at nag-top sa medical school. Ikaw, magna-nursing? Sa grades mo na 'yan?" nilinga pa ni Joanne ang mga kaibigan na nagtawanan. Ang kamay nito ay nang-aasar na tinapik sa ibabaw ng ulo ni Heather. "Gumising ka, Dakilang Ampon. Hindi porke't magkapatid kayo sa papel. Pareho na kayo ng utak, magkaiba kayo ni Kuya Dex kasi nga ampon ka." "Tumigil ka na nga, Joanne," saway ni Emily. Tumayo ang natatawang si Joanne at kinuha pa ang atensyon ng lahat sa cafeteria. "Schoolmates, may tanong ako!" malakas na bulalas nito na nakapagpalingon sa lahat. "Puwede bang maging pareho ang utak ni Kuya Dex at ang ampon na si Heather?" nagbulungan naman ang lahat. "Hindi 'di ba? Kasi ampon siya," lumungkot pa ang boses ni Joanne nang titigan ang tahimik na si Heather. "Narinig mo, Heather. Ampon ka, hindi mo sila tunay na pamilya-" natigilan si Joanne nang tumayo siya. Kalmado at dahan-dahan niya itong nilinga. Lahat naman ay abang na abang sa gagawin niya. Nagulat ang lahat ng walang emosyon niyang sampalin ito nang malutong. Tumabingi ang mukha ng nanlalaking mga mata na si Joanne. Hinawakan nito ang pisngi at humarap- "Bakit mo-" umugong ang gulat muli nang sampalin pa niya ito. "Tatlo," seryosong bilang ni Heather nang sampalin muli ang namumulang pisngi ni Joanne. "Apat." Hindi makapagsalita si Joanne habang nasisindak ang hitsura. Bumuwelo pa siya sa sampal na nagpa-upo rito sa sahig. Umalingawngaw ang tunog nang pagkaupo ni Joanne sa sahig. "Lima," bilang ni Heather. Nilapitan niya ito at tumayo sa harapan. "Limang sampal para sa limang salitang ampon," pagbibilang niya at pinagpagpag ang namanhid na palad. Inirapan ni Heather ang gulantang pa rin na si Joanne. Nakita niya ang mga schoolmates na nanood sa kanila. "Ampon!!" isang malakas na sigaw ni Joanne. "Heather!" sigaw ni Emily at Sam nang kunin niya ang food tray at ihahampas sa taong paulit-ulit siyang binu-bully.Dugo ang sulok ng labi ni Joanne. Ibinagsak naman ni Heather ang aluminum na food tray sa sahig. Halos walang humihinga sa loob ng cafeteria. "Heather, halika na," hinila siya nila Sam at Emily palabas ng cafeteria. Bumitaw siya matapos makalabas. "Bitawan niyo 'ko," mahina niyang wika. "Halika na, baka gantihan ka pa ni Joanne," natatakot na sagot ni Sam. "Oo nga," segunda naman ni Emily. Pwersahan niyang inalis ang braso. Natigilan naman ang mga ito. "Kaya ko ang sarili ko. Pabayaan niyo 'ko." "Heather," sabay nang tawag ng dalawa nang umalis siya. Kumalampag ang pinto ng cubicle ng restroom nang punaoskysi Heather. Hinihingal siyang umupo sa toilet seat. Namalayan niyang pumatak ang mga luha. Kahit mayroon siyang masayang pamilya. Hindi pa rin mawala ang pagtawag sa kanya ng ampon ng iba. At ang limang letra na 'yon ang patuloy na nagpaalala sa kanya na hindi niya tunay na kadugo ang mga kasama niya. "Hoy, bata." "Buksan mo 'to." Dahan-dahang nagmulat si Heather. Inalis
"Anak." "Heather," naputol ang usapan nila nang dumating ang alalang-alala na si Grace. "Mama," niyakap agad nito si Heather. Pagkatapos ay humarap at sinipat-sipat ng tingin. "Anong nangyari sa iyo? Ayos ka lang ba?" Nahihiya siyang tumango. "Dex, anak," nilinga naman ni Grace ang panganay. Lumapit si Dexter dito, awtomatikong yumakap ang ina. "Ikaw, ayos ka lang?" "Yes, Mama. I'm fine. Iyang anak niyo ang hindi," tiningan ni Dexter si Heather na agad umirap. "Heather, anak. Tungkol na naman saan ito?" umupo si Grace sa tapat ng dalagita. "Heather." Sinalubong niya ang mga mata ng ina. "Ano bang ginawa sa iyo ni Joanne para sampalin mo siya ng maraming beses?" "Mama, kulang ang sampal na 'yon sa sakit na nararamdaman ko sa tuwing tinatawag niya akong ampon." Napakurap si Grace. "Anak-" "Mama, alam ko iyon ang totoo kaya nga masakit, e. Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang ipaalala ang pilit kong kinakalimutan," tumulo ang luha ni Heather. Iniwasan naman ni Dexter n
"Dex, anak? Kumusta ang school?'' tanong ni Grace sa kaisa-isang anak na si Dexter, kaharap niya ito sa mesa ngayong umaga para mag-breakfast. "It's exhausting, but worth it." "Kaya mo 'yan, katulad ka kaya ng Daddy mo." Natigilan sa pagnguya ng pagkain ang bente-tres anyos na si Dexter nang maalala ang amang doktor na namayapa. "Siguradong kung buhay pa ang Daddy mo. Matutuwa 'yon," lumungkot ang boses ng kanyang ina kaya hinawakan niya ito sa kamay. "For sure, Mama. Do you miss him?" "Of course, anak. Siya lang ang lalake sa buhay ko-" "Paano naman ako?" putol niya agad. "Ay, oo nga. Nakalimutan ko ang baby boy ko," napapikit si Dexter nang halikan siya sa pisngi ni Grace. "Mama," awat niya at tumingin sa paligid. Pinunasan pa niya ang pisngi. "O, bakit?" walang-ideyang usisa ng mama niya. "Anong bakit? Baka may makakita sa atin," tugon niya. "Asus. Porke't ba, binata ka na. Bawal ka nang halikan. Bakit magagalit ba ang girlfriend mo?" Pinunasan lang ni Dex
"Dex?" Itinaas ni Dexter ang mukha mula sa pagkakatungo sa pagkain. Magkaharap na sila ng ina sa mesa ng isang restaurant. "What's that, Mama?" nakita niya ang alangan sa mukha ng ina kaya napakunotnoo siya. "Ano ba 'yon? Pinakakaba niyo naman ako," dagdag niya. "Wala naman, anak. Hindi ba birthday ko?" Tumango siya at tumungga ng wine. "May birthday wish sana ako." "I see. Anong birthday wish mo Mama?" Hinawakan ni Grace ang kamay ng anak na nasa ibabaw ng mesa. Napatingin naman doon si Dexter bago muling sinalubong ang mga mata nito. "Gusto ko sanang dagdagan ang pamilya natin?" Mas lumukot ang noo niya. "Gusto ko na magkaroon ka ng kapatid." Nagtataka niyang ibinaba ang baso ng wine. "Gusto niyo ako magkaroon ng kapatid? Paano 'yon?" tanong niya at itinuro ang katawan ng ina. Napangiti si Grace. "Gusto kong mag-adapt." Napakurap ang mga mata ni Dexter. "Gusto ko ng babae." "Okay lang naman, Ma." "Talaga?" "Oo naman pero-" pabitin niya na nakapagpawala ng saya ng
Heather, magpakilala ka kay Kuya Dexter mo," utos ni Grace. Nakita ni Dexter na hinagod siya ng tingin ng batang babae mula ulo hanggang paa. Napangiti siya sa inis. "Kuya ko siya?" tanong nito. "Hindi, ate," pilosopo niyang sagot. Wala siyang emosyon na pinagmamasdan ng bata na ikinainis niya. "Bakit ganiyan makatingin 'yan, Mama? Parang lalaban nang lalaban?" napipikon niyang tanong. Natawa na lang si Grace. "Pagod na si Heather, ihahatid ko lang siya sa kwarto niya." Inakbayan ng ina ang bata at iginiya na maglakad. Nakita pa ni Dexter na sinulyapan siya nito. "Siya ang Kuya Dexter mo, 23 years old siya at graduating ng pre-med. Sampung taon ang tanda niya sa iyo, kapag nag-aaral ka na at senior highschool ka nasa medical school na siya. Kaya kapag may kailangan ka, sa kanya ka pumunta." Tumango si Heather habang nakatitig kay Grace. "Opo, Ma-" nag-alangan siyang banggitin ang sasabihin. "Ayos lang. Tawagin mo akong Mama," nakangiting utos ni Grace kay Heather. "
"Well, para sa amin na kumpleto ang turok noong mga sanggol pa. Hindi big-deal pero sa katulad ni Joanne na galit na galit sa iyo. Big-deal," tugon ni Sam. "Huwag mo na nga isipin 'yon. Penge na lang kami ng contact number ni Kuya Dex," kinuha ng mga ito sa bulsa ni Heather ang cellphone at kinikilig na kinalikut. Napailing na lang siya at tumayo. Akma siyang hahakbang nang humarang si Joanne at ang tatlong kaibigan nito. "Nakita ko 'yong Kuya mo, ha?" nakangising wika ni Joanne habang nakahalukipkip. "Hoy, Joanne. Tumigil ka na nga, hindi pa nga nakakapagsuklay si Heather. Gulo-gulo pa ang buhok dahil sa pagsabunot mo-" huminto si Sam nang balingan ito ng masamang tingin ng kaklase. "Ikaw ba ang kausap ko? Puwede ba? Tumahimik ka," bumaling ito kay Heather. "Gets mo na ba kung bakit lagi kitang inaaway?" napakunotnoo siya sa sinabi nito. Lumapit ito at kunyaring inayos ang kwelyo ng uniform niya. "Para makita namin ang Kuya Dex mo," nakangiting dagdag ni Joanne. Si H

Dugo ang sulok ng labi ni Joanne. Ibinagsak naman ni Heather ang aluminum na food tray sa sahig. Halos walang humihinga sa loob ng cafeteria. "Heather, halika na," hinila siya nila Sam at Emily palabas ng cafeteria. Bumitaw siya matapos makalabas. "Bitawan niyo 'ko," mahina niyang wika. "Halika na, baka gantihan ka pa ni Joanne," natatakot na sagot ni Sam. "Oo nga," segunda naman ni Emily. Pwersahan niyang inalis ang braso. Natigilan naman ang mga ito. "Kaya ko ang sarili ko. Pabayaan niyo 'ko." "Heather," sabay nang tawag ng dalawa nang umalis siya. Kumalampag ang pinto ng cubicle ng restroom nang punaoskysi Heather. Hinihingal siyang umupo sa toilet seat. Namalayan niyang pumatak ang mga luha. Kahit mayroon siyang masayang pamilya. Hindi pa rin mawala ang pagtawag sa kanya ng ampon ng iba. At ang limang letra na 'yon ang patuloy na nagpaalala sa kanya na hindi niya tunay na kadugo ang mga kasama niya. "Hoy, bata." "Buksan mo 'to." Dahan-dahang nagmulat si Heather. Inalis
"Ano bang ginagawa mo, Kuya?" Binuklat nito ang ilang notebook niya at nilipat-lipat ng pahina. "Here," ipinatong ni Dexter ang notebook sa ibabaw ng study table. "See? May homework ka. Bakit hindi mo gawin?" Tumaas lang ang sulok ng labi ni Heather habang nakatitig doon. Hanggang sa hilahin ni Dexter ang silya at inuupo ang kapatid. "Mag-aral ka muna. Hindi puwede ang grades mo sa medical school-" "Sino bang nagsabing magme-medical school ako?" Tiningala siya ng dalagita. "Ayoko kayang tumanda nang nag-aaral nang nag-aaral- aray!" Mahinang pinitik ng binata ang noo ni Heather. "Ano ba-" akmang tatayo siya nang itulak siya Dexter pabalik. Napaatras siya habang pakurap-kurap nang ilapit ng nakakatandang kapatid ang mukha. "You'll become a nurse, and I'll become a doctor so we can be together." Matigas na nalunok ni Heather ang laway buhat sa narinig. "A-anong together?" Inilayo ni Dexter ang mukha, idiniretso ang likod at humalukipkip pagkatapos ay kunyaring nag-is