Wala sa wisyo si Leigh habang parang isang zombie na naglalakad patungo sa garden ng hotel.Naghilamos din siya ng mukha, at hindi na nag-abalang maglagay muli ng make-up dahil wala rin naman mangyayari, hindi iyon matatakpan ang tunay niyang nararamdaman.Sinulyapan niya ang langit, isang maliit na ngiti ang nagawa niya. Kung puwede lang siya kunin ngayon nito para mataksan niya ang buhay na naghihintay sa kaniya bilang misis ni Hunter.Hindi namalayan ni Leigh ang masasalubong, kasalukyan pa rin siyang nakatingala. Napapikit siya nang maramdaman ang pagbangga ng kaniyang kanang balikat sa kung ano. Sa lakas ng puwersa ay alam niyang babagsak ang kaniyang katawan. Mariin niya pang idiniin ang pagkakapikit, ito na yata ang sagot sa dasal niya.Ang mabagok ang ulo, ma-comatose at hindi na magising."Miss?"Tumikwas ang isang kilay ni Leigh nang maulinigan ang boses na tumawag. Pamilyar ang baritono ngunit malambing na boses na iyon.Boses?Ibig-sabihin ay may malay tao pa siya!Ang pag
Naninigas ang bawat parte ng katawan ni Leigh habang nakaupo, sa stage at nakaharap sa maraming bisita. Naglalaro ang ilang ilaw sa mga mata niya.Engrande ang reception area, may nakasabit na libo-libong fairy light, iba pa ang naglalakihang chandeliers. May mga long table na punong-puno ng babasagin na kubyertos, plato, wine glass at lahat ng klase ng mamahaling pagkain ay nasa ibabaw nito.Dapat walang pagsidlan ang saya sa kaniyang puso pero daig pa ng pakiramdam niya ang animo'y pinagbagsakan ng langit at lupa.Namumuo ang luha sa sulok ng mga mata ni Leigh. Pakiramdam niya ay kahit na bumagsak iyon ay walang makapapansin dahil madilim sa kanilang puwesto.Ang spotlight ay nasa isang lalakeng kumakanta ng love song sa gilid para i-entertain ang mga bisita.Aksidenteng napatingin si Leigh sa kaliwang parte ng reception area. Nahigit niya ang paghinga, nang magsalubong ang mga mata nila ng binata. Matiim itong nakatitig sa kaniya, sa tantiya niya ay kaninang-kanina pa ito nakatitig
Kumalap ng kahit konting lakas si Leigh bago hinawakan ang laylayan ng suot na puting bestida bago muling itinapak ang mga paa."Wait."Napako ang dulo ng heels niya nang pigilan siya ni Leonardo. Dahil kailangan niya muling pagtagpuin ang mga mata nila ay huminga muna siya na para bang lulubog siya sa tubig."Y-yes?" nabubulol pero kaswal niyang sagot.Sinalubong ni Leigh ang mga mata ng binata na para bang wala siyang nararamdamang kahit anong nerbiyos. Na lubos taliwas sa nararamdaman niya.Saglit na binasa ni Leonardo ang ibabang bahagi ng labi. Itinungo ang ulo bago muling matapang na pinagtagpo ang mga tingin nila ng kaharap."I didn't expect to see you here," matabang aniya niya."Sa-same here," kapirasong bukas ng bibig ni Leigh habang hindi alam kung tatango ba o kukurap ang mga tensyonadong mga mata.Tinapunan nang tingin ni Leonardo ang kapatid na si Hunter sa malayo. Kausap, at nagpapaalam pa rin ito sa mga kaibigan. Kanina pa siya humahanap ng pagkakataon para kausapin na
Halos patayin na ni Leonardo sa pamamagitan nang matalim na pagtitig ang kaharap na si Hunter.Nanginginig dahil sa galit ang buo niyang katawan. Ang mga kamao niya ay lihim na nakayukom.Oo, handa na siyang makipagpisikalan dito. Kahit na ngayon lamang sila muling nagkita magkapatid makalipas ang ilang taon."Stop it," Nagsumiksik si Leigh sa gitna ng binata, at kapatid nito dahilan para siya ang tingnan ni Leonardo, mata sa mata.Nakaramdam siya ng ilang pero hindi niya iyon hinayaang manaig sa kaniyang katauhan. Matapang siyang nakipagtitigan dito kahit na ang totoo ay parang unti-unting nalulusaw ang kaniyang mga binti.Humihinga nang mabilis si Leonardo kasabay nang paggalaw ng butas ng kaniyang matangos na ilong dahil sa poot na nararamdaman.Hinagip ni Hunter ang braso ni Leigh sa pangalawang pagkakataon para iharap, at ilayo sa binata."Bakit hawak ka niya kanina?!""Ano'ng pinag-uusapan ninyo?!" singhal nito habang halos kainin siya ng mga mata nang buhay.Kitang-kita niya an
"Anak, hindi naman puwede iyon," nakikiusap, at pagpipilitan ni Janice sa panganay na anak."Bakit, hindi?""Anak ninyo naman siya sa labas?" walang alinlangang anas nito habang nagdudugtong ang mga kilay.Napakurap naman si Leigh, at itinuon ang mga mata sa ibang dako. Kung ganoon ay half brother ni Hunter ang binata. At sa inaasta ngayon ng asawa niya ay mukhang hindi maganda ang relasyon ng mga ito."Huwag ka namang magsalita ng ganiyan sa kapatid mo. Atsaka, isang buwan lang naman kami rito. Pagkatapos no'n ay babalik na kami sa America."Muling tiningnan ni Leigh ang biyenan. Bumabaha ang labis na pakikiusap nito. Bumigat ang loob niya dahil doon. Tiningala niya sa pangalawang pagkakataon si Hunter. Sa tantiya niya ay hindi ito papayag sa pagtira kasama nila ang kapatid nito.Pasado ala-una na sila lumabas ng reception area. Habang naglalakad patungo sa kotse ay nakita niya ang biyenan at si Leonardo.Magkaharap ang mga ito habang hawak ng binata ang dalawang kamay ng ina.Bawat
"No, babe."Luminga si Leigh sa pabalik na si Hunter. Nagpatiunang pumasok ito kanina kaya't akala niya ay nasa taas na ito ng bahay."Mama can handle herself."Saglit siyang tinitigan bago ibinato ang walang emosyong mata sa ina. Napipilitang tumango ang ginang, may nabasa siyang iba sa imahe ng panganay."I'll just accompany Mama to her room," pakikipagpilitan naman ni Leigh."I said, she can handle herself, Leigh."Tensyonadong napalunok siya sa tigas nang bawat pagkakabigkas ng kaharap na asawa. Napansin niya rin ang pagkiskisan ng panga nito habang nakikipagsukatan nang titigan sa kaniya."Go ahead, Leigh. Go and rest, ayos lamang ako.""Magpapatulong na lang ako sa mga kasambahay," singit ni Janice para lamang mamatay na agad ang bagang nag-uumpisang umapoy kay Hunter."Follow to our room, now."Pagkatapos ng maawtoridad na utos na iyon ay tinalikuran sila ni Hunter. Napakurap si Leigh habang nakatitig ang mga nababahalang mga mata sa likod ng asawa.Napalingon siya nang abutin,
Isang oras nagtagal si Leigh sa loob ng bathroom. Kulang na lamang ay bumaha ng tubig ang loob n'on. Gusto niyang magpakalunod para tuluyang na siyang mamatay.Daig pa ng kamatayan ang nararamdaman niya ngayon.Siniguro niyang mahimbing na ang tulog ni Hunter nang lumabas siya ng bathroom. Maingat niyang kinuha ang cellphone, at nagtungo sa veranda."He-hello, Pa?" mangiyak-iyak na bungad ni Leigh, at itinapon ang tingin sa malawak na swimming pool sa ibaba."O, iha, bakit gising ka pa?" sagot sa kaniya ng ama sa kabilang linya."E, kayo po?""Bakit gising pa rin kayo?" pinigilan niyang marinig ng ama ang pagiging emosyonal ng kaniyang tinig."I can't sleep," rinig niya ang bigat sa tono ni Benjamin.Humawak si Leigh sa veranda, at tumingala sa langit para hindi bumagsak ang mga luha."Ikaw? Bakit gising ka pa?" usisa nito sa kaniya."Hindi rin po ako makatulog.""What about Hunter?"Pinunasan niya ang mga luha na nasa pisngi. Ibinaba niya rin ang mukha, tinakpan niya ang speaker ng c
Wala sa katauhan si Leigh nang bumaba sa hagdan. Ilang beses niyang hinawi ang buhok na nalalaglag sa bawat pagtapak niya. Namamanhid pa rin ang buong katawan, lalo na ang mga binti dahil sa nabungarang nerbiyos.Napatda si Leonardo habang walang kakurap-kurap na pinanonood ang asawa ng kapatid pababa ng hagdan. Kung paano nito natural na hawiin ang mahaba, at kulay brown nitong buhok.Her beauty is effortless and natural!Bawat pagtapak ng mapula-pula nitong mga paa ay sinusundan niya. May pagkakataon pang tumaas ang suot nitong satin sa bandang ibaba para sumilip ang maputi, at makinis nitong mga hita.Pero mas ibinigay niya ang atensyon sa mukha nito. Walang ka-ayos-ayos at ang mata nitong halatang kagigising lamang.Hanggang sa makarating si Leigh sa baba ay hindi siya nito pinagtutuunan ng pansin. Hindi niya nga alam kung nakita siya nito, at nagpapanggap lamang na hindi.Halos mabali ang leeg ng binata nang sundan ng tingin ito hanggang makapasok sa kusina.Napakunotnoo tuloy si
"P-Papa," sambit ni Lewis."Yes, son. I'm your Papa," doon na tuluyang bumigay ang kaniyang mabigat na emosyon.Dinutdut ng anak niya ang luha sa kaniyang pisngi. Tiningnan niya si Leigh bago sila sabay na tumawa.Kung may makakita man sa kanila ngayon ay aakalaing mga baliw sila.Natawa sila kasabay ng mga luha."Narinig mo? He called me Papa?" anang ni Leonardo sa kaniya.Tumango si Leigh.Tila hinaplos ang puso niya nang makita kung paano yakapin nito ang kanilang anak. Walang kasing-higpit iyon. Ang mga braso nito ay pilit na kinukulong si Lewis.At nang mag-angat ang binata, at nasilayang pinanonood lamang sila ni Leigh ay awtomatikong iginaya rin ito ng braso niya palapit.Saglit na nilayo ni Leonardo ang mukha sa anak para halikan ang babaeng nagbigay nito sa kaniya. Isang matagal na halik sa pisngi ang ginawa niya. Pagkaraan muling niyapos nang ubod nang higpit ang dalawang pinakamahalaga sa buhay niya.Napatingala siya sa langit.Hindi niya inasahang ganito ang mararamdaman n
"Naku, Mare!"Sandaling napapikt siya nang marinig ang malakas na boses ni Grace. Kasalukuyan siyang nagmamaneho pauwi sa kanilang bahay."Buti napatawag ka," dagdag pa nito sa masayang himig."Oo nga, medyo busy lang dito. I-invite sana kita, as well as Amber. Tommorow, magbiyahe na kayo para matulungan ninyo ako sa preparation ng birthday," anang niya."Oo naman! G, kami riyan!"Napangiti si Leigh sa sigla ng boses ni Grace. Kahit may isang taon nang magkahiwalay ay hindi pa rin nagbabago ang closeness nilang dalawa.May pagkakataon na ito ang bumibisita sa kanila, at sobrang na-a-appreciate niya ang butihing kaibigan."What about Amber?" tanong niya nang lumiko ang kaniyang sinasakyan."Excited na excited na nga, e!""After this, puntahan ko na siya sa opisina niya.""Thank you, girls. Ingat kayo sa biyahe.""A, wait, Leigh!"Hindi niya tuluyang hinubad ang earphone na nakalagay sa isang tainga, at pinakinggan ang sasabihin pa ni Grace."Narinig mo na ba, napatawan na ng gulity si
Marahang iminulat ni Leonardo ang mga mata. Puting kisame ang bumungad sa mga nanlalabong paningin niya.Ramdam pa niya ang kirot sa likod ng kaliwang balikat. Iginala ng binata ang mga mata, siguradong wala pa siya sa langit."Leonardo!"Awtomatikong yumakap si Maricel sa anak."M-ma," hirap niyang aniya."Kumusta na ang pakiramdam mo?" Umiiyak na tanong ng kaniyang ina.Pinilit niyang bumangon paupo habang yapos-yapos ni Maricel. Nang kumalas ito ay nakangiwing tiningnan niya ito."Ayos na ako, Ma.""Huwag na kayong umiyak," saad niya, at pinunasan ang mga luha nito.Saglit na sumilip si Leonardo sa likod ng ginang. Tila may hinahanap, napansin naman iyon ni Maricel."Si, si Leigh, Mama?"Nagkatitigan silang mag-ina.Lumunok siya, bago pilit na inayos ang pagkakaupo kahit na masakit pa ang buong katawan."Where is she?""Is she okay?" sunod-sunod na usisa ni Leonardo."Hey, kumalma ka," Hinawakan nito ang kaniyang mga kamay.Bago sinalubong ang kaniyang tingin."Ayos lang siya."Nap
Humahangos si Leigh at Maricel habang tulak-tulak ang rolling bed kung saan sakay, at nakahiga ang walang malay na si Leonardo.Hindi niya na-imagine sa buong buhay niya na puwedeng matakot siya nang ganito. Ni hindi humihinto ang mga luha niya sa pagtulo. Hawak-hawak niya ang kamay ng binata."Dr. Guanez!" gulat na sambit ni Dr. San Juan.Agad niyang hinawakan ito sa magkabilang kamay. Tensyonadong tinitigan niya sa mga mata ang kapwa doktora."Amber, please. Save him," Iyak niya.Takang sinulyapan nito ang nakahigang si Leonardo."Take him to the operating room," mando nito sa mga nurse bago siya binalingan.Hinigpitan ni Amber ang kapit sa mga kamay niya. Kabado ito pero pinanatili ang pagiging pormal."I will do everything, Leigh for Leonardo."Tumango siya, binitiwan ng kasamahan ang kamay niya, at nagmamadaling sumunod sa loob."Leigh," tawag ni Maricel."Mama," mas lalo lamang siyang napaiyak nang mapaharap sa biyenan.Nagyakap sila nito habang parehong umaagos ang mga luha. Ra
"Hu-hunter," hirap hiningang aniya ni Leigh.Nakabalibid sa leeg niya ang wire ng telepono. Nakasampa sa kaniya si Hunter habang nagdidilim ang mukha nito, at determinadong malagutan na siya ng hininga. Gamit ang pananakal ng kable ng kanilang telepono.Namumula siya habang nagkakaroon ng paninikip ng dibdib. Labas na rin ang mga ugat niya, at unti-unting lumalabas ang dila.Naroon ang kanyang mga nangingimay na mga kamay sa kamao nito na pilit sinisikipan ang pagkakatali ng kable sa leeg niya.Sinusubukang niya iyong pigilan pero walang lakas ang kaniyang mga kamay.Tumulo ang mga luha ni Leigh.Ito ba ang kabayaran ng nagawa niyang kasalanan?Ito na ba ang katapusan ng masalimuot niyang buhay?Sa kamay talaga ng asawang napilitan lamang siyang pakasalan?Sa kamay ng lalakeng kahit kailan hindi niya minahal dahil wala siyang makitang kamahal-mahal sa bawat pagkakataon na ibinibigay rito?Paano kung may buhay nga sa tiyan niya?Kakayanin ba niyang madamay ito?Bunga pa naman iyon ng t
"Hunter!"Naroon na agad si Leonardo. Pilit na inaalis ang matatag na mga kamay ng asawa sa leeg niya. At nang nagtagumpay ito ay ang binata naman ang binalingan.Isang suntok ang natamo nito dahilan para bumagsak."Leonardo!" tili niya.Awtomatikong hinawakan ni Hunter ang magkabilang kwelyo ng binata, at walang habas na itinaas.Magkaharap ang mukha ng mga ito."Hanggang kailan mo ba ako aagawan?""Una, sa pamilya ko.""Tapos ngayon, sa asawa ko?""You are such a worthless bitch, Leonardo!""It's better for you to die kaysa mabuhay nang sinisira ang buhay ko!""Hunter!" sigaw ni Leigh nang bigyan na naman sa sikmura si Leonardo na nakapagpayuko ng katawan nito.Kahit walang lakas ay nagtungo siya sa nagwawalang asawa. Nagbabakasakaling mapapakalma ito.Hinawakan niya sa braso si Hunter nang akmang lalapitan ang binatang nakayuko, at iniinda pa ang suntok.Hingal na hingal, at poot na poot ang anyo nito nang maharap sa kaniya."Hunter, please. Tama na," humagulgol na pakiusap ni Leig
"A-anong ba'ng araw ngayon?" bigla na lamang ng tanong ni Leigh.Ibinaba ni Leonardo ang kamay, at ipinatong sa kaniyang hita bago kinuha ang cellphone sa bulsa. Pinagmasdan niya lamang ito habang nakatitig sa screen."We are on the eight of the month.""Oh my God," mahinang bulalas, at bawat kataga ay may takot nang may mapagtanto siya."Why?" mas dumoble ang pag-aalala ni Leonardo dahil sa pagtakas ng kulay sa mukha ni Leigh."What's wrong?""Hey, what's bothering you?" hindi niya humihingang usisa matapos hindi sumagot ito.Napalunok siya habang pinag-aaralan ang mukha ni Leigh. Nanginginig ang labi nito, ganoon na rin ang mga kamay na hinawakan niya.Marahan, at may namumuong mga luha sa mga mata ni Leigh nang magbaling kay Leonardo. Hindi na ito makagpaghintay sa sasabihin niya."I, I should have my monthly period-""What?!" mas naguluhan ang binata sa pahayag niya.Tulo nang tulo ang mga luha niya habang nagtitigan sila nito. Ramdam niya ang mahigpit na pagkakapit nito sa mga ka
Muling nagdugtong ang mga kilay ni Leonardo. Malaya niyang pinagmamasdan ang mukha ni Leigh na kaharap niya ngayon sa lamesa.Nakayuko man ito, at halata niya ang laging pag-iwas ay may naaninag siyang parang mali."Leigh, ano'ng nangyari rito?"Matuling napatingin si Leigh sa kamay ni Maricel na nasa braso niyang may pasa. Nakalimutan niyang patungan ito ng foundation.Natatarantang iniwas niya ang braso, at alangang sinalubong ang mga mata ng biyenan. May pag-aalala sa mukha nito habang hinihintay siyang magsalita.Bumaling siya kay Leonardo, mabilis ang pagtahip ng dibdib nito habang nakatitig sa kaniya."Leigh, ano'ng nangyari rito?" mas seryosong tanong ni Maricel."Wa-wala po, Mama," Hinawakan ni Leigh ang braso, at kaswal na itinuloy ang pagkain.Naging tahimik ang kanilang lamesa. Tila ba natakot ang bawat isa na magsalita.Hindi naman na kasi kailangan itanong kung nagsisinungaling ba siya o hindi.At kung sino ang may dahilan ng mga pasang ito."E-excuse me," hindi na nakati
"I am sorry, Hunter.""I can't do this," Umiiyak na aniya ni Leigh.Nagsumiksik siya sa headboard ng kama. Nilagyan ang sarili ng kumot, at takot na takot na binato ng tingin si Hunter.Hati sa pagkadismaya, at gulat ang imahe nito."I-i'm really sorry.""Hindi ko kaya," patuloy niya habang humihikbi."Then," kalmadong sagot nito.Kaswal na bumaba ito sa kama. Hinablot ang unan, at napayuko si Leigh nang ibato ito sa kaniyang ulo."Fuck! Leigh!""Really? Until now?!" nakabibingi ang sigaw ni Hunter."I'm so sorry," paulit-ulit niyang hagulgol habang sabog ang buhok dahil sa pagkakatama ng unan sa kaniya."Can you just tell me, why?"Napatingin si Leigh sa naging mapait na tono ni Hunter. Naroon ang mukha ng kaniyang asawa, galit, at punong-puno ng sakit."I am your husband, Leigh.""But I don't love you, Hunter," seryoson niyang tugon habang nakatitig sa mga mata nito."I have never loved you.""You shouldn't be asking that, Hunter. You already know the answer right from the start."T