"Ikaw na! Here's your crown."
Nakakunotnoong binalingan nang tingin ni Leigh ang kasamahang si Grace nang umikot sa kaniyang swivel chair, at kunyaring may ipinatong na korona sa kaniyang ulo. "Stop it, Grace," naasar niyang sagot, tumindig at lumayo sa kinauupuan. "O, bakit? Trending 'yong marriage proposal na naganap sa hallway kanina," kwento nito, at inokupahan ang silya niya. Pailing-iling na tumalikod si Leigh, nakahalukipkip siyang humarap sa ibang dako. Hindi pa rin mag-sink in sa kaniya ang naganap kanina. Aksidenteng napasulyap siya sa kaliwang daliri, sa kaniyang ring finger. Napakurap siya nang matitigan ang kumikinang na singsing. Bakit hindi man lang ba niya nahulaan kaninang umaga nang magising siya na puwedeng mangyari ang bagay na ito? Hindi na sana siya pumasok pa ng hospital. Kung may bibigay man lang na hint o sign ang mundo na magpo-propose si Hunter. Wala sana siyang suot na singsing ngayon, tanda ng malapit na kaniyang pagkakatali sa lalakeng hindi naman niya mahal. "Wait lang, Leigh!" naguguluhang tumayo si Grace, at lumapit sa dalaga. Puwersahang pa siyang ihinarap nito, at nagtatakang pinag-aaralan ang kaniyang hitsura. "Bakit ba ganiyan ang hitsura mo?" "Sa lahat ng nagkaroon ng fiance ay ikaw iyong parang namatayan," dagdag pa ng kaibigan. "I-i don't know, Grace." Bahagyang nagulat pa si Leigh nang hawakan siya nito sa mgakabilang balikat, at pilit na hinuli ang mga tingin. "Napilitan ka lang ba?" Nanlalaking mga matang tanong nito. Natigilan siya, at napakurap, kahit hindi niya sagutin ang tanong ng kaibigan ay sigurado siyang mababasa nito ang nararamdaman niya. "O, my, God!" Tinakpan pa ni Grace ang sariling bibig, at lumayo sa kaniya. "That's, that's mean, hindi mo talaga siya gustong pakasalan?" "Na napilitan ka lang?" Hindi naman alam ni Leigh ang isasagot, at gagawin para itama at sabihin ang lahat sa kabigan. Ang tanging nagawa na lamang ng dalaga ay ibinagsak ang sarili sa sofa na nasa kaniyang kwarto. "Bakit ka nag-yes, kung no naman pala ang sagot mo?" hysterical ng kaibigan habang nakatayo sa harap niya. "I-i can't say no. Do you see the crowd? They are watching us," naiinis na katwiran niya kasabay nang pagsapo ng noo, at itinungkod ang siko sa gilid ng sofa. "So, hinayaan mo na 'yong crowd ang mag-decide ng future husband mo, ganoon ba?" naiiritang tugon nito kasabay nang pag-upo sa tabi ng dalaga. Naiirita ang anyo ni Leigh nang humarap sa kaibigan. Mangiyak-iyak na rin siya dahil sa sobrang inis sa sarili, at sa nangyari. "I don't know what to do." "He was on his knees, holding the ring and asking me to marry him with audience around," halos hindi maipinta ang mukha niya dahil sa sobrang inis. Natigilan naman si Grace, at itinuon ang mga mata sa iisang dako, tila malalim ang iniisip. Siya naman ay pinagmamasdan ang kaibigan na bahagyang natahimik. "G-grace, what are you thinking?" "Naisip ko lang, baka, baka lang, ha?" nagda-dalawang isip na saad nito nang muling nagtagpo ang mga mata nila. "Baka ano?" takang-tanong ni Leigh habang nakahawak sa magkabilang kamay nito. "Maybe, Director meant it." Siya naman ngayon ang napahinto, inalis niya ang tingin sa kaibigan, at katulad nito ay itinitig niya sa kawalan. "Look, we both knew that he likes you a lot. Naging mas malapit sa iyo si Director dahil sa pagtulong niya kay Tito Benjamin." "Like what you always said, tuwing lumalabas kayo ay napipilitan ka lang dahil nahihiya kang tumanggi. Kaya sa maraming tao siya nag-propose, so you can't say no," pag-eestima nito ng mga pangyayari. Nagpakawala si Leigh nang malalim na hininga. Mukhang napagdugtong-dugtong ng kaibigan ang mga nangyari, at gustong mangyari ni Hunter. Tama naman si Grace, may punto ito, napakalaking punto. Alam niya, at ni Hunter ang totoong nararamdaman niya, hindi niya iyon itinago sa binata. Wala pa sila sa stage ng mga romantic, at serious dates. Dapat naisip ni Hunter iyon, at hindi nag-decide na biglain siya ng isang proposal sa gitna ng hallway sa abalang hospital. "Ano, sissy? Hindi ba?" untag ni Grace sa kaniya dahilan upang ibalik niya ang mga mata rito. "Maybe the Director used that moment just to have your 'yes', right? Pero knowing him naman, I knew he won't do such things na makasasakit sa iyo." "I mean, he likes you a lot. Lagi niyang sinasabi na ayaw ka niyang masaktan kapag nakatalikod ka," animo'y nahahati sa pagitan ng paghihinala sa totoong pakay, at sa paniniwalang malinis ang intensyon sa kaniya ni Hunter. "But he shouldn't put me in that situation. And this marriage proposal is so fast. We've been dating for almost three months," tuluyan nang kumawala ang pagtitimpi ni Leigh, at nayayamot niyang isinandal ang likod. Natahimik ang dalawang dalaga. Tila hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari, at hindi pa rin alam ang tamang iisipin sa ginawa ng kanilang direktor. "Leigh," Lumapit sa kinauupuan niya si Grace, at umakbay sa kaniya. "You already said yes so you will marry him." "Grace, you know how I feel, kung ano talaga ang nararamdaman ko para sa kaniya," naiiyak niyang sambit nang luminga rito. "I know. You still have a choice, Leigh." "A choice?" usisa niya, at bahagyang hinarap ang mukha ng kaibigan. "Hangga't wala pa kayo sa harapan ng altar. Umatras ka na, sabihin mo na iyang feelings mo, iyong totoo mong nararamdaman sa kaniya." Napakurap si Leigh, may sumungaw na maliit na liwanag mula sa sinabi ng kaibigan. Sa pangalawang pagkakataon ay may tulong ang sinabi nito. May pagkakataon pa siyang sabihin kay Hunter na napilitan lang siyang mag-yes dahil ayaw niya itong mapahiya. Tama! Kailangan niyang kausapin ang binata, at ipaliwanag ng maayos ang nangyayari. "Grace, nasaan siya ngayon?" matulin na tumayo si Leigh, at sinilip ang suot na relo. "Maaga pa naman, baka nasa office pa niya. Go and talk to him!" Nang tumayo ang kaibigan ay niyakap niya muna ito bago lumabas ng opisina. Mabilis siyang naglakad pero pinanatili niya ang pagiging pormal, lalo na't may nakakasalubong na ilang pasyente, at nurses. "Nurse Kim, excuse me!" "Doc. Guanez!" Lumapit mula kay Leigh ang nurse na nasa station. "Bakit po, doktora?" "Did you see Director around?" "Si Director po? Kadadaan niya lang po. Hindi po ba siya galing sa room ninyo?" takang tanong ni Kim. "Sa room ko?" ulit ni Leigh.Nakakunotnoo pa rin si Leigh habang naglalakad patungo sa office ni Hunter. Kung nakita ng kanilang nurse na dumaan ang kanilang direktor, marahil ay galing nga ito sa kaniyang kwarto."Hi!"Huminto siya sa paglalakad, at pilit na ngumiti sa sekretarya ni Hunter na kalalabas lamang sa office."Si Director po ba?" bungad na usisa nito."Y-yeah, nasa loob pa rin ba siya?" aniya niya, at saglit na sinilip sa nakapinid na pinto."Kauuwi lang po.""Talaga ba?" nadismayang sagot ni Leigh.Pikit pa ang mga mata niya nang kunin ang cellphone na tumutunog na nasa kaniyang side table. Kauuwi lang niya galing sa duty sa hospital, matapos hindi na maabutan si Hunter kagabi."H-hello?""Good morning, babe."Awtomatikong tumikwas ang kilay ng dalaga habang sapo pa rin ang noo. Kilala niya na ang boses, at kung sino ang tumatawag sa kaniya ng ganitong kaaga."Can you come at Town Case Restaurant?" malambing na alok ni Hunter sa kabilang linya."Why?" mahinang niyang tanong, at pinilit na huwag marin
Kasabay nang pagbukas ng malaking pinto ng St. Michael Parish Church ay ang pagmulat ng mga mata ni Leigh.Isang malalim, at punong-puno nang bigat ang pinakawalan niyang hininga. Hindi siya makapaniwala, ganoong kabilis ay lumipas na ang tatlong buwan.Kaya heto ngayon siya, nasa tapat ng pinto ng isang simbahan, may hawak na pumpon ng mga rosas, suot ay puting wedding gown at natatabingan ng belo.Ang mga luha ng dalaga ay kusang kumawala sa mga nababahalang mga mata. Diretso siyang nakatingin sa altar, at sa replika ni Hesus na nakapako sa krus.Kaya ba niya humarap dito, ganoong nagsisinungaling siya at labag sa kaniyang kalooban ang gagawin?Ibinato niya ang tingin sa mga bisitang nakaupo, nakalingon at nakaabang sa kaniyang pagpasok. Naroon ang mga kaibigan, mga kapwa doktor at napakaraming mga kilalang bisita.Malaking gulo kung basta na lamang siya aatras, at tatakbo. Maraming press, at hindi biro ang kahihiyan. Ang magiging issue sa kaniya, sa kanila.Marahan na inilipat ni L
"You may now kiss the bride," anunsyo ng pari matapos ang seremonya ng kasal.Nakabibinging palakpakan ang pumuno sa loob ng simbahan. May naghihiyawan, at nanunudyo na gawin nila ang isang simbolo na magseselyado na iisa na lamang sila ngayon.Nahigit ni Leigh ang hininga nang iharap siya ni Hunter habang mahigpit pa rin ang hawak sa magkabila niyang mga kamay.Hindi matatawaran ang ngiting nakaukit ngayon sa labi nito. Masasabi niyang masayang-masaya ito sa mga nangyayari, na labis naman niyang kabaligtaran.May ingat na binitawan nito ang mga kamay niya. Hinawakan ang dulo ng belo, at sandaling sinulyapan ang mga bisitang nasa loob ng simbahan. Ang ngiti nito ay nahaluan ng pagmamayabang, at sabik sa gagawin dahilan para mapalunok si Leigh.Nang balikan siya muli nito nang tingin ay parang tumigil ang tibok ng kaniyang puso. At nang tuluyan nitong maingat ang belo ay mas lalo lang siyang nabingi sa pagwawala ng kaniyang puso."I love you, Leigh," pagkasabi ni Hunter ng mga katagang
Wala sa wisyo si Leigh habang parang isang zombie na naglalakad patungo sa garden ng hotel.Naghilamos din siya ng mukha, at hindi na nag-abalang maglagay muli ng make-up dahil wala rin naman mangyayari, hindi iyon matatakpan ang tunay niyang nararamdaman.Sinulyapan niya ang langit, isang maliit na ngiti ang nagawa niya. Kung puwede lang siya kunin ngayon nito para mataksan niya ang buhay na naghihintay sa kaniya bilang misis ni Hunter.Hindi namalayan ni Leigh ang masasalubong, kasalukyan pa rin siyang nakatingala. Napapikit siya nang maramdaman ang pagbangga ng kaniyang kanang balikat sa kung ano. Sa lakas ng puwersa ay alam niyang babagsak ang kaniyang katawan. Mariin niya pang idiniin ang pagkakapikit, ito na yata ang sagot sa dasal niya.Ang mabagok ang ulo, ma-comatose at hindi na magising."Miss?"Tumikwas ang isang kilay ni Leigh nang maulinigan ang boses na tumawag. Pamilyar ang baritono ngunit malambing na boses na iyon.Boses?Ibig-sabihin ay may malay tao pa siya!Ang pag
Naninigas ang bawat parte ng katawan ni Leigh habang nakaupo, sa stage at nakaharap sa maraming bisita. Naglalaro ang ilang ilaw sa mga mata niya.Engrande ang reception area, may nakasabit na libo-libong fairy light, iba pa ang naglalakihang chandeliers. May mga long table na punong-puno ng babasagin na kubyertos, plato, wine glass at lahat ng klase ng mamahaling pagkain ay nasa ibabaw nito.Dapat walang pagsidlan ang saya sa kaniyang puso pero daig pa ng pakiramdam niya ang animo'y pinagbagsakan ng langit at lupa.Namumuo ang luha sa sulok ng mga mata ni Leigh. Pakiramdam niya ay kahit na bumagsak iyon ay walang makapapansin dahil madilim sa kanilang puwesto.Ang spotlight ay nasa isang lalakeng kumakanta ng love song sa gilid para i-entertain ang mga bisita.Aksidenteng napatingin si Leigh sa kaliwang parte ng reception area. Nahigit niya ang paghinga, nang magsalubong ang mga mata nila ng binata. Matiim itong nakatitig sa kaniya, sa tantiya niya ay kaninang-kanina pa ito nakatitig
Kumalap ng kahit konting lakas si Leigh bago hinawakan ang laylayan ng suot na puting bestida bago muling itinapak ang mga paa."Wait."Napako ang dulo ng heels niya nang pigilan siya ni Leonardo. Dahil kailangan niya muling pagtagpuin ang mga mata nila ay huminga muna siya na para bang lulubog siya sa tubig."Y-yes?" nabubulol pero kaswal niyang sagot.Sinalubong ni Leigh ang mga mata ng binata na para bang wala siyang nararamdamang kahit anong nerbiyos. Na lubos taliwas sa nararamdaman niya.Saglit na binasa ni Leonardo ang ibabang bahagi ng labi. Itinungo ang ulo bago muling matapang na pinagtagpo ang mga tingin nila ng kaharap."I didn't expect to see you here," matabang aniya niya."Sa-same here," kapirasong bukas ng bibig ni Leigh habang hindi alam kung tatango ba o kukurap ang mga tensyonadong mga mata.Tinapunan nang tingin ni Leonardo ang kapatid na si Hunter sa malayo. Kausap, at nagpapaalam pa rin ito sa mga kaibigan. Kanina pa siya humahanap ng pagkakataon para kausapin na
Halos patayin na ni Leonardo sa pamamagitan nang matalim na pagtitig ang kaharap na si Hunter.Nanginginig dahil sa galit ang buo niyang katawan. Ang mga kamao niya ay lihim na nakayukom.Oo, handa na siyang makipagpisikalan dito. Kahit na ngayon lamang sila muling nagkita magkapatid makalipas ang ilang taon."Stop it," Nagsumiksik si Leigh sa gitna ng binata, at kapatid nito dahilan para siya ang tingnan ni Leonardo, mata sa mata.Nakaramdam siya ng ilang pero hindi niya iyon hinayaang manaig sa kaniyang katauhan. Matapang siyang nakipagtitigan dito kahit na ang totoo ay parang unti-unting nalulusaw ang kaniyang mga binti.Humihinga nang mabilis si Leonardo kasabay nang paggalaw ng butas ng kaniyang matangos na ilong dahil sa poot na nararamdaman.Hinagip ni Hunter ang braso ni Leigh sa pangalawang pagkakataon para iharap, at ilayo sa binata."Bakit hawak ka niya kanina?!""Ano'ng pinag-uusapan ninyo?!" singhal nito habang halos kainin siya ng mga mata nang buhay.Kitang-kita niya an
"Anak, hindi naman puwede iyon," nakikiusap, at pagpipilitan ni Janice sa panganay na anak."Bakit, hindi?""Anak ninyo naman siya sa labas?" walang alinlangang anas nito habang nagdudugtong ang mga kilay.Napakurap naman si Leigh, at itinuon ang mga mata sa ibang dako. Kung ganoon ay half brother ni Hunter ang binata. At sa inaasta ngayon ng asawa niya ay mukhang hindi maganda ang relasyon ng mga ito."Huwag ka namang magsalita ng ganiyan sa kapatid mo. Atsaka, isang buwan lang naman kami rito. Pagkatapos no'n ay babalik na kami sa America."Muling tiningnan ni Leigh ang biyenan. Bumabaha ang labis na pakikiusap nito. Bumigat ang loob niya dahil doon. Tiningala niya sa pangalawang pagkakataon si Hunter. Sa tantiya niya ay hindi ito papayag sa pagtira kasama nila ang kapatid nito.Pasado ala-una na sila lumabas ng reception area. Habang naglalakad patungo sa kotse ay nakita niya ang biyenan at si Leonardo.Magkaharap ang mga ito habang hawak ng binata ang dalawang kamay ng ina.Bawat
"Anyway, going back to your question."Umayos sa kinauupuan si Amber habang tila hindi nga nito nararamdaman ang tunay niyang pakay."I can say, she has a heart of gold.""She's good to all patients, and hospital employees. She's a caring doctor, iyong tipong alam mong hindi niya lang tinitingan na trabaho 'yong pagiging doktor.""Nasa puso niya rin. What I like her the most, is 'yong pagiging generous. Lagi akong nagpapapalit sa kaniya, at nagpapasalo ng ilang operations.""No second thought niyang tatanggapin iyon."Napangiti si Leonardo.Naku, kawawa na talaga ang puso niya. Hindi na niya na mahabol ang mas labis pa nitong pagkahulog."Leigh is a very outstanding doctor. She has a lot of free medical missions. Dahil d'on, she even got an award. Sa operation naman, all praises to her, sa mga crucial heart transplant.""Her relationship with Hunter?""Matagal na ba sila?" dagdag pa niya."What's weird, alam ko hindi type ni Leigh ang brother mo-"Napatingin sila sa isa't-isa. Tila na
Malalim ang iniisip ni Leigh nang bumaba ng kotse. In fact, wala nga siya sa sarili habang nagmamaneho. Ilang beses siyang binusinhan dahil sa hindi paggalaw.Masyadong inokupohan ni Hunter, at ng misteryosong babae na iyon ang utak niya. Dumagdag pa ang damit nito, dati-dati naman ay sinasabay ng asawa ang damit na lalabhan sa kaniyang mga damit.Bakit naman no'n pinauna ang sinuot kahapon?Iyong babae, ano'ng tinutukoy na part 4?"Doktora!"Bumalik lamang si Leigh sa hintatao nang marinig ang pagtawag ng maliit na boses. At nang magbaling ay nagulat pa siya dahil wala na siya sa sa sasakyan, at nasa entrada na ng hospital."Doktora Guanez," nahihiyang anang ni Elmer."Summer, Mang Elmer!" ganting bati niya rito, at lumapit."Wow! Ang ganda mo ngayon Summer ha?" masayang puna niya sa bata, at hinawakan pa ang buhok ng pasyente."Doktora, salamat po sa lahat. Dahil sa inyo makalalabas na ang anak ko," seryosong pahayag ng ama ng ni Summer.Tinapunan ni Leigh ng tingin ang matandang la
"Hindi ko kayang walang gawin para sa kaniya.""Gusto ko siyang ilayo sa taong sinasaktan siya. She doesn't deserve that, no woman deserves that.""Leigh is a precious one."Sumandal si Yvo, at napatingala sa kisame. Para bang kinuha nito ang kalahati ng bigat na mayroon siya sa kalooban."Ang sabi niya, matutulungan ko siya. Kung lalayo ako, that's why I am doing this.""Pero mas lalo lang akong nag-aalala. Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari sa kaniya," buong sakit na pahayag ni Leonardo bago sinaid ang alak sa baso.Palabas ng hospital si Leigh nang tumunog ang kaniyang cellphone. Rumehistro ang pangalan ng kaniyang ama."Hello, Papa?""Anak, busy ka ba?""Pauwi na po ako, katatapos lang ng duty ko.""Ganoon ba? Yayain sana kitang mag-dinner."Napangiti si Leigh dahil sa narinig sa ama. Sa maghapong trabaho ay bahagyang gumaan ang loob niya dahil sa pag-aya nito."Babe, let's go?" Sumulpot si Hunter sa kaniyang tagiliran."Sandali lang, Papa," Tinakpan niya ang speaker ng cellphon
"It is none of your business-""Shit! Just tell me the truth, Leigh!"Napaigtad siya sa lakas ng boses ng binata. Bumitaw ito sa kaniya bago tumalikod. Kitang-kita niya sa likuran nito ang paghinga nang mabilis."He's an asshole," iyon ang narinig niya kay Leonardo.Pinilit niyang huwag magpakita ang mga luha rito. Kahit hinahabol ang hininga ay sinubukan pa rin niyang magsalita."U-umuwi ka na.""Since when?" Maliksing lumapit si Leonardo kay Leigh."Dati pa ba?""Puwede ba?!" singhal niya rito, at sinalubong ang madilim na madilim gwapong mukha ni Leonardo.Sinikap maging kalmado ng binata. Lalo na nang matitigan ang may mga luhang mata ni Leigh.Nanginginig ang mga laman niya dahil sa galit, nang hawakan ang dalawang balikat nito."I want to help you-"Piniksi ni Leigh ang mga balikat, at pilit na nilalaban ang mga masusuyong mata ni Leonardo."Gusto mo talagang tumulong?" pag-uulit niya.Hindi ito kumibo. Tuwid siyang tumindig habang pigil-pigil ang mga luha."Then, stay away from
"Mama!"Sinalubong ni Leigh ang umiiyak, at ninenerbiyos na biyenan. Hinawakan niya agad ito sa magkabilang kamay."Ma, huwag kayong umiyak.""Ayos na po siya," pakalma niya rito habang hinihimas ang likod para patahanin si Maricel dahil nakakuha na rin ng atensyon ang ginang."Nasaan na siya? Nasaan na ang brother-in-law mo?" patuloy na iyak nito."Dito po, Mama."Hinawakan ni Leigh sa bewang si Maricel. Iginaya niya sa kwartong inuukopahan ng binata."Leon!""Ma!" bahagyang nagulantang pa si Leonardo nang masilayan ang ina.Nang yumakap ito ay napatingin siya kay Leigh na nasa likuran nito."Ma, stop crying. I am alive and still kicking," biro niya.Agad siyang hinampas ni Marcel sa braso. Galit ang anyo nitong humarap sa kaniya."Panay kasi ang inom mo!" sermon ng ina."I'm sorry," mapagkumababa na sagot niya, at nagkamot pa ng ulo.May ngiting sumilay sa labi ni Leigh habang pinanonood ang mag-ina. Hamak na mas magalang, at maganda ang trato ng binata sa kaniyang ina, kumpara kay
Napatingin si Leonardo sa darating nang marinig ang pagbukas ng kaniyang kwarto. Inip na inip siyang nakaupo, at nakasandal sa headboard ng kama.Ilang minuto na rin ang nagdaan nang ilipat siya ng silid. May ibang doktor din ang bumisita sa kaniya. Ang huling bisita ni Leigh ay 'yong kanina pa sa ward."Umuwi kaya siya?" tanong niya sa sarili.Itinuon niya ang mga mata na nasa ibabaw ng mga hita. Siguradong nurse lang ang lalapit sa kaniya kaya hindi na niya pinagkaabahalan iyon tingnan."It's already 12, ba't gising ka pa rin?"Buhat sa narinig na malumanay na boses ay awtomatikong nagtaas siya ng mukha. Ilang beses niyang kinurap ang mga mata para makasiguradong totoo ang nakikita niya.Nagtungo si Leigh sa swero ng binata. Sinundan lang siya ng tingin nang nakatunghay na si Leonardo."You should go to sleep right now," baling niya rito na bahagya pang nagulat nang magtama ang mga mata nila."I, I thought umuwi ka na.""I'm on duty, nakalimutan mo ba?"Tumango naman si Leonardo hab
"Doktora?"Napatingin si Leigh habang naglalakad pabalik-balik sa tapat ng ward. Nang lumapit si Grace sa kaniya."Hindi ka ba uuwi?"Napakurap siya, ilang minuto na nasa loob si Amber at tinitingnan na ang binata. Pero narito pa rin siya sa labas. Habang ang babaeng kasama ni Leonardo ay nasa silya, at naghihintay.Lumingon si Grace sa kurtinang nakasarado. Siguro kahit hindi niya sagutin ang tanong nito ay alam na ng kaibigan ang nararamdaman."Okay, I'll stay. Sasamahan kita.""Grace-""Mag-duty na tayo. Kukunin ko na 'yong gown mo," akmang tatalikod ito nang hawakan niya sa kamay."Grace, you don't have to do this.""It's okay. Para walang masyadong makahalata. Kapag nag-off na si Doktora San Juan, ako ang papalit. Pero, ikaw ang maghahawak sa kaniya," seryoso, at mahinang pahayag ni Grace.Napangiti siya habang nanunubig ang mga mata.Naging mahigpit din ang pagkakapit niya sa kamay ng kaibigan."T-thank you," tanging na sambit ni Leigh dahil sa malaking pabor na gagawin nito.Na
"Leon!" tawag ni Rhianne habang walang hinto sa pagtipa ng doorbell ng condo unit ng binata.Pabato na hinagis ni Leonardo ang hawak na cellphone. Kasalukuyan siyang nakahiga sa sofa habang hawak ang tiyan. Kaninang umaga pa masakit ang tiyan niya nang makauwi galing sa bar.Inumaga na siya roon, kasa-kasama ang mga kaibigan at doon na rin nagpalipas ng gabi. Siguro ay nalaman ni Rhianne na hindi naka-aatend, dahil all boys lang sila roon kaya nangungulit na sa kaniya."Hi, Leon!" masiglang bati nito nang buksan niya ang pinto.Nakayuko, at nakaipit ang tiyan niyang mas sumasakit pa ng husto nang buksan ang pinto.Sinipat siya ng tingin ng dalaga."What's wrong?" takang tanong ni Rhianne.Nang akmang kakapit si Leonardo sa pader para makapagbalanse dahil sa pananakit ng tiyan ay maagap siyang inalalayan nito."Bae, ano ba'ng masakit sa iyo?" nag-aalalang tanong ng babae habang ala-laay siya.Nakapikit siya, at pilit na kinokondisyon ang sarili na kaya pa niyang tiisin ang pananakit ng
"Ano pa ba'ng ginagawa mo rito?" Mabilis na lumapit si Leigh sa binatang nasa parking lot."Leigh," bulalas nito, at umaliwalas ang mukha nang magtagpo ang mga mata nila.Masungit ang mukha niya habang nasa bulsa ng gown ang mga kamay. Inilihis niya ang mga mata, at umarte ng kaswal."Ano'ng sasabihin mo?""Magsalita ka na," aniya niya habang hindi makatingin dito.Napatingin sa paligid si Leonardo. Kahit mga sasakyan lang ang nasa parking lot ay mas gusto niyang makasigurado.Huli na para makapagreklamo si Leigh dahil hawak na siya ng binata sa braso, at hinatak kung saan.Sa isang may kadiliman na sulok siya nito dinala. Sa walang makakita, agad niyang galit na tiningala si Leonardo."Ba-bakit mo ba ako dinala rito?" pagmamatapang niya kahit na sa totoo lang ay nanghihina na.Lalo na sa nakikita niyang nasisinagan nang konti ang maamong mukha ng binata. Doon niya maliwanag na nakikita ang mahabang nitong pilikmata, na isa sa mga nagustuhan niya rito."Let's talk?""We are already ta