"Will you marry me?"
Nakabibinging sigawan ang pumuno sa kahabaan ng hallway ng St. Javier Hospital. Kasalukuyang nakaluhod si Hunter sa harap ni Leigh. "Dr. Leigh Guanez, will you marry me?" ulit ng binata. "H-ha?" halos hindi ito lumabas sa bibig ng dalaga habang nalilitong nakatunghay sa kanilang direktor. "Yes!" Napamasid siya sa paligid, naroon ang ilang pasyente, kasamahan nilang doktor at nurse. Kilig na kilig ang mga itong nanonood sa dalawa. "Leigh?" ulit ni Hunter dahilan para balikan niya muli ito nang tingin. Napasulyap ang dalaga sa hawak nitong maliit na kahon na may lamang isang diamond ring. Napakurap siya, at tiningnan ang kinakabahang mukha ng binata. Hindi niya inaasahan na mangyayari ito. Ilang buwan pa lang sila nagda-date, para nga sa kaniya ay hindi iyon romantic date. "Leigh, I'm waiting," may diin ang bawat pagbigkas ni Hunter, at lihim na inilibot ang mga mata sa mga nanonood. "Yes na 'yan!" "Doc. Guanez! Yes na iyan!' pambubuyo ng mga nanonood. Hindi makangiti si Leigh sa nangyayari, hirap na hirap siyang lumunok at hindi makaisip ng kung anong salita ang lalabas sa bibig para sagutin ang tanong nito. "Will you be Mrs. Hunter Ceneron?" naiinip ngunit pinanatili pa rin ni Hunter ang pagsusumamo kahit na bakas na pagkainip sa tugon ng doktorang dalaga. Nanginginig ang mga palad ni Leigh, saan niya sisimulan ang pagtanggi sa inaalok nito? Siguradong mapapahiya ito sa mga taong nanonood, lalo na't mataas ang posisyon nito sa hospital. Pero ano'ng gagawin niya? Hindi pa siya handa matali, lalo na sa lalakeng wala siyang nararamdaman. Tila napansin naman ng mga nanonood ang pagdadalawang-isip ng dalaga. Natahimik ang mga ito, at makahulugan na nagtinginan. Ganoon na rin ang kanilang mga kasamahan. Muling lumipad ang tingin ni Leigh sa mukha ni Hunter, hindi na maipinta ang mukha ng kanilang direktor. Hati sa pagitan ng pagkainip, at pagkapahiya ang nakaaawang anyo nito. Nakaramdam siya ng awa kung basta-basta na lang niya tatanggihan ito nang harapan, sa harapan ng mga empleyado nito at mga tao. Tumindig si Hunter habang hawak ang kahon, nasalubong ng dalaga ang alangang mga mata ng binata. Naaninag niya ang lungkot sa hitsura nito. "You don't want to marry me?" mapait na tanong nito. "W-what?" naguguluhan niyang usal, at hindi alam kung saan itutuon ang mga mata. "Rejected 'yong marriage proposal ni Director?" "Grabe naman, hindi ba nakahihiya iyon?" "Oo nga, magkasintahan sila, 'di ba?" "Bakit kailangan pa niyang ipahiya si Director?" Umuugong ang bulungan sa paligid, at dinig na dinig niya ang kuro-kuro ng mga kasamahan sa paligid. Napalunok si Leigh ng sariling laway, at lumipad ang tingin kay Hunter na nakayuko. Pumikit muna ng mariin ang dalaga bago muling nagmulat, at tinitigan ang binatang nag-aalok ng kasal sa kaniya. Bahala na! Kung hindi niya sasagutin ito ngayon ay talagang magiging malaking kahihiyan ang nangyari na ito. At sa lahat ng ginawa ni Hunter para sa kaniya, at sa kanilang mag-ama ay hindi katanggap-tanggap ito na maging sukli. Pero hindi rin niya dapat isukli ang pag-oo sa inaalay nito. Hindi niya mahal si Hunter, at wala siyang kaunti man lang na espeyal na nararamdaman dito, kaya bakit siya papayag magpatali sa lalakeng hindi naman niya gustong makasama? "I thought we're good and you are ready for this, Leigh," malungkot na saad ng binata. Nasalubong niya ang malulungkot na mata nito na nagpakurot sa puso ni Leigh. Hindi siya sanay na may nasasaktan dahil sa kaniya. "We have been dating for almost a few months." Tama ito, ilang buwan pa lang sila nagkakakilala. Dapat hindi pa sila umabot sa ganito, at hindi sa ganitong sitwasyon na maraming nanonood ito nagtatanong ng ganitong kahalagang bagay. "I thought you are ready to be with me for a lifetime." Bumaling nang tingin si Hunter sa mga taong nakapaligid. Kahit gustong magwala ng binata dahil sa galit ay hindi niya magawa. Sobra-sobra na ang pagpapahiyang nakamtam niya ngayon, at makasisira ito sa kaniyang magandang imahe na pinagkakaingatan niya. "Everyone, sorry for inconvenience. You can all go!" anunsyo ng Director ng hospital habang namumula ang mukha dahil sa galit, at pagkapahiya. Tinalikuran ng binata si Leigh, napakurap naman ang dalaga, at tinitigan ang nakatalikod na binata. Nangangatog ang mga binti niya dahil sa kaba, nakakunotnoo siya, at hindi malaman ang gagawin, ang tamang gagawin. Para hindi mapahiya si Hunter sa mga tao. "D-director!" lakas-loob na tawag ni Leigh. Huminto ito sa paglalakad ngunit hindi pa rin lumilinga. Maingat namang nakikinig ang mga tao sa kanila. "Y-yes." Nilinis muna ni Leigh ang lalamunan bago binasa ang ibabang bahagi ng labi. Sunod-sunod na napakurap ang dalaga, hindi niya alam kung sigurado ba siya sa sinasabi niya. "Y-yes, Hunter." Pinikit niya nang mariin ang mga mata, at pilit na ibinulalas ang tugon niya sa alok nitong kasal. "I-i will marry you." Isang iglap lang ay nasa harap na niya si Hunter. Hindi matatawaran ang saya sa anyo nito. Hinawakan nito ang magkabilang kamay niya nang napakahigpit, at tinitigan ng diretso sa mga mata. "Really, Leigh?!" "It's a yes?!" sunod-sunod na usisa nito habang hindi makapaniwala ang anyo. Maliit na pagtango ang ginawa ni Leigh, dahil hindi rin naman niya kayang ulitin ang sinabi. Napataas ang balikat niya dahil sa gulat nang maghiyawan ang mga tao sa paligid. "Thank you and I love you, Leigh!" Niyakap siya ni Hunter nang napakahigpit. "Congratulations, Dr. Guanez and Director!" "Bagay na bagay kayo!" "Imbitado kami sa kasal ninyo, ha!" panunukso ng mga nasa paligid habang tuwang-tuwang silang pinagmamasdan. Muling humarap si Hunter kay Leigh. Sinusundan niya nang tingin ang bawat galaw ng mga nagniningning na mga mata ng binata. "I will marry you as soon as possible." "I can't wait to be your husband, Leigh." "I love you." Isang maliit, at hilaw na ngiti ang sumungaw sa labi niya. Hindi niya magawang sagutin ang huling sinabi nito dahil hindi naman pag-ibig ang nararamdaman niya para sa binata. Niyakap muli siya ni Hunter, at sa pagkakataon na ito ay pumikit ang dalaga. Kailangan na niyang ihanda ang sarili sa mga mangyayari sa pagpayag na magpakasal dito."Ikaw na! Here's your crown."Nakakunotnoong binalingan nang tingin ni Leigh ang kasamahang si Grace nang umikot sa kaniyang swivel chair, at kunyaring may ipinatong na korona sa kaniyang ulo."Stop it, Grace," naasar niyang sagot, tumindig at lumayo sa kinauupuan."O, bakit? Trending 'yong marriage proposal na naganap sa hallway kanina," kwento nito, at inokupahan ang silya niya.Pailing-iling na tumalikod si Leigh, nakahalukipkip siyang humarap sa ibang dako. Hindi pa rin mag-sink in sa kaniya ang naganap kanina.Aksidenteng napasulyap siya sa kaliwang daliri, sa kaniyang ring finger. Napakurap siya nang matitigan ang kumikinang na singsing.Bakit hindi man lang ba niya nahulaan kaninang umaga nang magising siya na puwedeng mangyari ang bagay na ito?Hindi na sana siya pumasok pa ng hospital. Kung may bibigay man lang na hint o sign ang mundo na magpo-propose si Hunter.Wala sana siyang suot na singsing ngayon, tanda ng malapit na kaniyang pagkakatali sa lalakeng hindi naman niya ma
Nakakunotnoo pa rin si Leigh habang naglalakad patungo sa office ni Hunter. Kung nakita ng kanilang nurse na dumaan ang kanilang direktor, marahil ay galing nga ito sa kaniyang kwarto."Hi!"Huminto siya sa paglalakad, at pilit na ngumiti sa sekretarya ni Hunter na kalalabas lamang sa office."Si Director po ba?" bungad na usisa nito."Y-yeah, nasa loob pa rin ba siya?" aniya niya, at saglit na sinilip sa nakapinid na pinto."Kauuwi lang po.""Talaga ba?" nadismayang sagot ni Leigh.Pikit pa ang mga mata niya nang kunin ang cellphone na tumutunog na nasa kaniyang side table. Kauuwi lang niya galing sa duty sa hospital, matapos hindi na maabutan si Hunter kagabi."H-hello?""Good morning, babe."Awtomatikong tumikwas ang kilay ng dalaga habang sapo pa rin ang noo. Kilala niya na ang boses, at kung sino ang tumatawag sa kaniya ng ganitong kaaga."Can you come at Town Case Restaurant?" malambing na alok ni Hunter sa kabilang linya."Why?" mahinang niyang tanong, at pinilit na huwag marin
Kasabay nang pagbukas ng malaking pinto ng St. Michael Parish Church ay ang pagmulat ng mga mata ni Leigh.Isang malalim, at punong-puno nang bigat ang pinakawalan niyang hininga. Hindi siya makapaniwala, ganoong kabilis ay lumipas na ang tatlong buwan.Kaya heto ngayon siya, nasa tapat ng pinto ng isang simbahan, may hawak na pumpon ng mga rosas, suot ay puting wedding gown at natatabingan ng belo.Ang mga luha ng dalaga ay kusang kumawala sa mga nababahalang mga mata. Diretso siyang nakatingin sa altar, at sa replika ni Hesus na nakapako sa krus.Kaya ba niya humarap dito, ganoong nagsisinungaling siya at labag sa kaniyang kalooban ang gagawin?Ibinato niya ang tingin sa mga bisitang nakaupo, nakalingon at nakaabang sa kaniyang pagpasok. Naroon ang mga kaibigan, mga kapwa doktor at napakaraming mga kilalang bisita.Malaking gulo kung basta na lamang siya aatras, at tatakbo. Maraming press, at hindi biro ang kahihiyan. Ang magiging issue sa kaniya, sa kanila.Marahan na inilipat ni L
"You may now kiss the bride," anunsyo ng pari matapos ang seremonya ng kasal.Nakabibinging palakpakan ang pumuno sa loob ng simbahan. May naghihiyawan, at nanunudyo na gawin nila ang isang simbolo na magseselyado na iisa na lamang sila ngayon.Nahigit ni Leigh ang hininga nang iharap siya ni Hunter habang mahigpit pa rin ang hawak sa magkabila niyang mga kamay.Hindi matatawaran ang ngiting nakaukit ngayon sa labi nito. Masasabi niyang masayang-masaya ito sa mga nangyayari, na labis naman niyang kabaligtaran.May ingat na binitawan nito ang mga kamay niya. Hinawakan ang dulo ng belo, at sandaling sinulyapan ang mga bisitang nasa loob ng simbahan. Ang ngiti nito ay nahaluan ng pagmamayabang, at sabik sa gagawin dahilan para mapalunok si Leigh.Nang balikan siya muli nito nang tingin ay parang tumigil ang tibok ng kaniyang puso. At nang tuluyan nitong maingat ang belo ay mas lalo lang siyang nabingi sa pagwawala ng kaniyang puso."I love you, Leigh," pagkasabi ni Hunter ng mga katagang
Wala sa wisyo si Leigh habang parang isang zombie na naglalakad patungo sa garden ng hotel.Naghilamos din siya ng mukha, at hindi na nag-abalang maglagay muli ng make-up dahil wala rin naman mangyayari, hindi iyon matatakpan ang tunay niyang nararamdaman.Sinulyapan niya ang langit, isang maliit na ngiti ang nagawa niya. Kung puwede lang siya kunin ngayon nito para mataksan niya ang buhay na naghihintay sa kaniya bilang misis ni Hunter.Hindi namalayan ni Leigh ang masasalubong, kasalukyan pa rin siyang nakatingala. Napapikit siya nang maramdaman ang pagbangga ng kaniyang kanang balikat sa kung ano. Sa lakas ng puwersa ay alam niyang babagsak ang kaniyang katawan. Mariin niya pang idiniin ang pagkakapikit, ito na yata ang sagot sa dasal niya.Ang mabagok ang ulo, ma-comatose at hindi na magising."Miss?"Tumikwas ang isang kilay ni Leigh nang maulinigan ang boses na tumawag. Pamilyar ang baritono ngunit malambing na boses na iyon.Boses?Ibig-sabihin ay may malay tao pa siya!Ang pag
Naninigas ang bawat parte ng katawan ni Leigh habang nakaupo, sa stage at nakaharap sa maraming bisita. Naglalaro ang ilang ilaw sa mga mata niya.Engrande ang reception area, may nakasabit na libo-libong fairy light, iba pa ang naglalakihang chandeliers. May mga long table na punong-puno ng babasagin na kubyertos, plato, wine glass at lahat ng klase ng mamahaling pagkain ay nasa ibabaw nito.Dapat walang pagsidlan ang saya sa kaniyang puso pero daig pa ng pakiramdam niya ang animo'y pinagbagsakan ng langit at lupa.Namumuo ang luha sa sulok ng mga mata ni Leigh. Pakiramdam niya ay kahit na bumagsak iyon ay walang makapapansin dahil madilim sa kanilang puwesto.Ang spotlight ay nasa isang lalakeng kumakanta ng love song sa gilid para i-entertain ang mga bisita.Aksidenteng napatingin si Leigh sa kaliwang parte ng reception area. Nahigit niya ang paghinga, nang magsalubong ang mga mata nila ng binata. Matiim itong nakatitig sa kaniya, sa tantiya niya ay kaninang-kanina pa ito nakatitig
Kumalap ng kahit konting lakas si Leigh bago hinawakan ang laylayan ng suot na puting bestida bago muling itinapak ang mga paa."Wait."Napako ang dulo ng heels niya nang pigilan siya ni Leonardo. Dahil kailangan niya muling pagtagpuin ang mga mata nila ay huminga muna siya na para bang lulubog siya sa tubig."Y-yes?" nabubulol pero kaswal niyang sagot.Sinalubong ni Leigh ang mga mata ng binata na para bang wala siyang nararamdamang kahit anong nerbiyos. Na lubos taliwas sa nararamdaman niya.Saglit na binasa ni Leonardo ang ibabang bahagi ng labi. Itinungo ang ulo bago muling matapang na pinagtagpo ang mga tingin nila ng kaharap."I didn't expect to see you here," matabang aniya niya."Sa-same here," kapirasong bukas ng bibig ni Leigh habang hindi alam kung tatango ba o kukurap ang mga tensyonadong mga mata.Tinapunan nang tingin ni Leonardo ang kapatid na si Hunter sa malayo. Kausap, at nagpapaalam pa rin ito sa mga kaibigan. Kanina pa siya humahanap ng pagkakataon para kausapin na
Halos patayin na ni Leonardo sa pamamagitan nang matalim na pagtitig ang kaharap na si Hunter.Nanginginig dahil sa galit ang buo niyang katawan. Ang mga kamao niya ay lihim na nakayukom.Oo, handa na siyang makipagpisikalan dito. Kahit na ngayon lamang sila muling nagkita magkapatid makalipas ang ilang taon."Stop it," Nagsumiksik si Leigh sa gitna ng binata, at kapatid nito dahilan para siya ang tingnan ni Leonardo, mata sa mata.Nakaramdam siya ng ilang pero hindi niya iyon hinayaang manaig sa kaniyang katauhan. Matapang siyang nakipagtitigan dito kahit na ang totoo ay parang unti-unting nalulusaw ang kaniyang mga binti.Humihinga nang mabilis si Leonardo kasabay nang paggalaw ng butas ng kaniyang matangos na ilong dahil sa poot na nararamdaman.Hinagip ni Hunter ang braso ni Leigh sa pangalawang pagkakataon para iharap, at ilayo sa binata."Bakit hawak ka niya kanina?!""Ano'ng pinag-uusapan ninyo?!" singhal nito habang halos kainin siya ng mga mata nang buhay.Kitang-kita niya an
"P-Papa," sambit ni Lewis."Yes, son. I'm your Papa," doon na tuluyang bumigay ang kaniyang mabigat na emosyon.Dinutdut ng anak niya ang luha sa kaniyang pisngi. Tiningnan niya si Leigh bago sila sabay na tumawa.Kung may makakita man sa kanila ngayon ay aakalaing mga baliw sila.Natawa sila kasabay ng mga luha."Narinig mo? He called me Papa?" anang ni Leonardo sa kaniya.Tumango si Leigh.Tila hinaplos ang puso niya nang makita kung paano yakapin nito ang kanilang anak. Walang kasing-higpit iyon. Ang mga braso nito ay pilit na kinukulong si Lewis.At nang mag-angat ang binata, at nasilayang pinanonood lamang sila ni Leigh ay awtomatikong iginaya rin ito ng braso niya palapit.Saglit na nilayo ni Leonardo ang mukha sa anak para halikan ang babaeng nagbigay nito sa kaniya. Isang matagal na halik sa pisngi ang ginawa niya. Pagkaraan muling niyapos nang ubod nang higpit ang dalawang pinakamahalaga sa buhay niya.Napatingala siya sa langit.Hindi niya inasahang ganito ang mararamdaman n
"Naku, Mare!"Sandaling napapikt siya nang marinig ang malakas na boses ni Grace. Kasalukuyan siyang nagmamaneho pauwi sa kanilang bahay."Buti napatawag ka," dagdag pa nito sa masayang himig."Oo nga, medyo busy lang dito. I-invite sana kita, as well as Amber. Tommorow, magbiyahe na kayo para matulungan ninyo ako sa preparation ng birthday," anang niya."Oo naman! G, kami riyan!"Napangiti si Leigh sa sigla ng boses ni Grace. Kahit may isang taon nang magkahiwalay ay hindi pa rin nagbabago ang closeness nilang dalawa.May pagkakataon na ito ang bumibisita sa kanila, at sobrang na-a-appreciate niya ang butihing kaibigan."What about Amber?" tanong niya nang lumiko ang kaniyang sinasakyan."Excited na excited na nga, e!""After this, puntahan ko na siya sa opisina niya.""Thank you, girls. Ingat kayo sa biyahe.""A, wait, Leigh!"Hindi niya tuluyang hinubad ang earphone na nakalagay sa isang tainga, at pinakinggan ang sasabihin pa ni Grace."Narinig mo na ba, napatawan na ng gulity si
Marahang iminulat ni Leonardo ang mga mata. Puting kisame ang bumungad sa mga nanlalabong paningin niya.Ramdam pa niya ang kirot sa likod ng kaliwang balikat. Iginala ng binata ang mga mata, siguradong wala pa siya sa langit."Leonardo!"Awtomatikong yumakap si Maricel sa anak."M-ma," hirap niyang aniya."Kumusta na ang pakiramdam mo?" Umiiyak na tanong ng kaniyang ina.Pinilit niyang bumangon paupo habang yapos-yapos ni Maricel. Nang kumalas ito ay nakangiwing tiningnan niya ito."Ayos na ako, Ma.""Huwag na kayong umiyak," saad niya, at pinunasan ang mga luha nito.Saglit na sumilip si Leonardo sa likod ng ginang. Tila may hinahanap, napansin naman iyon ni Maricel."Si, si Leigh, Mama?"Nagkatitigan silang mag-ina.Lumunok siya, bago pilit na inayos ang pagkakaupo kahit na masakit pa ang buong katawan."Where is she?""Is she okay?" sunod-sunod na usisa ni Leonardo."Hey, kumalma ka," Hinawakan nito ang kaniyang mga kamay.Bago sinalubong ang kaniyang tingin."Ayos lang siya."Nap
Humahangos si Leigh at Maricel habang tulak-tulak ang rolling bed kung saan sakay, at nakahiga ang walang malay na si Leonardo.Hindi niya na-imagine sa buong buhay niya na puwedeng matakot siya nang ganito. Ni hindi humihinto ang mga luha niya sa pagtulo. Hawak-hawak niya ang kamay ng binata."Dr. Guanez!" gulat na sambit ni Dr. San Juan.Agad niyang hinawakan ito sa magkabilang kamay. Tensyonadong tinitigan niya sa mga mata ang kapwa doktora."Amber, please. Save him," Iyak niya.Takang sinulyapan nito ang nakahigang si Leonardo."Take him to the operating room," mando nito sa mga nurse bago siya binalingan.Hinigpitan ni Amber ang kapit sa mga kamay niya. Kabado ito pero pinanatili ang pagiging pormal."I will do everything, Leigh for Leonardo."Tumango siya, binitiwan ng kasamahan ang kamay niya, at nagmamadaling sumunod sa loob."Leigh," tawag ni Maricel."Mama," mas lalo lamang siyang napaiyak nang mapaharap sa biyenan.Nagyakap sila nito habang parehong umaagos ang mga luha. Ra
"Hu-hunter," hirap hiningang aniya ni Leigh.Nakabalibid sa leeg niya ang wire ng telepono. Nakasampa sa kaniya si Hunter habang nagdidilim ang mukha nito, at determinadong malagutan na siya ng hininga. Gamit ang pananakal ng kable ng kanilang telepono.Namumula siya habang nagkakaroon ng paninikip ng dibdib. Labas na rin ang mga ugat niya, at unti-unting lumalabas ang dila.Naroon ang kanyang mga nangingimay na mga kamay sa kamao nito na pilit sinisikipan ang pagkakatali ng kable sa leeg niya.Sinusubukang niya iyong pigilan pero walang lakas ang kaniyang mga kamay.Tumulo ang mga luha ni Leigh.Ito ba ang kabayaran ng nagawa niyang kasalanan?Ito na ba ang katapusan ng masalimuot niyang buhay?Sa kamay talaga ng asawang napilitan lamang siyang pakasalan?Sa kamay ng lalakeng kahit kailan hindi niya minahal dahil wala siyang makitang kamahal-mahal sa bawat pagkakataon na ibinibigay rito?Paano kung may buhay nga sa tiyan niya?Kakayanin ba niyang madamay ito?Bunga pa naman iyon ng t
"Hunter!"Naroon na agad si Leonardo. Pilit na inaalis ang matatag na mga kamay ng asawa sa leeg niya. At nang nagtagumpay ito ay ang binata naman ang binalingan.Isang suntok ang natamo nito dahilan para bumagsak."Leonardo!" tili niya.Awtomatikong hinawakan ni Hunter ang magkabilang kwelyo ng binata, at walang habas na itinaas.Magkaharap ang mukha ng mga ito."Hanggang kailan mo ba ako aagawan?""Una, sa pamilya ko.""Tapos ngayon, sa asawa ko?""You are such a worthless bitch, Leonardo!""It's better for you to die kaysa mabuhay nang sinisira ang buhay ko!""Hunter!" sigaw ni Leigh nang bigyan na naman sa sikmura si Leonardo na nakapagpayuko ng katawan nito.Kahit walang lakas ay nagtungo siya sa nagwawalang asawa. Nagbabakasakaling mapapakalma ito.Hinawakan niya sa braso si Hunter nang akmang lalapitan ang binatang nakayuko, at iniinda pa ang suntok.Hingal na hingal, at poot na poot ang anyo nito nang maharap sa kaniya."Hunter, please. Tama na," humagulgol na pakiusap ni Leig
"A-anong ba'ng araw ngayon?" bigla na lamang ng tanong ni Leigh.Ibinaba ni Leonardo ang kamay, at ipinatong sa kaniyang hita bago kinuha ang cellphone sa bulsa. Pinagmasdan niya lamang ito habang nakatitig sa screen."We are on the eight of the month.""Oh my God," mahinang bulalas, at bawat kataga ay may takot nang may mapagtanto siya."Why?" mas dumoble ang pag-aalala ni Leonardo dahil sa pagtakas ng kulay sa mukha ni Leigh."What's wrong?""Hey, what's bothering you?" hindi niya humihingang usisa matapos hindi sumagot ito.Napalunok siya habang pinag-aaralan ang mukha ni Leigh. Nanginginig ang labi nito, ganoon na rin ang mga kamay na hinawakan niya.Marahan, at may namumuong mga luha sa mga mata ni Leigh nang magbaling kay Leonardo. Hindi na ito makagpaghintay sa sasabihin niya."I, I should have my monthly period-""What?!" mas naguluhan ang binata sa pahayag niya.Tulo nang tulo ang mga luha niya habang nagtitigan sila nito. Ramdam niya ang mahigpit na pagkakapit nito sa mga ka
Muling nagdugtong ang mga kilay ni Leonardo. Malaya niyang pinagmamasdan ang mukha ni Leigh na kaharap niya ngayon sa lamesa.Nakayuko man ito, at halata niya ang laging pag-iwas ay may naaninag siyang parang mali."Leigh, ano'ng nangyari rito?"Matuling napatingin si Leigh sa kamay ni Maricel na nasa braso niyang may pasa. Nakalimutan niyang patungan ito ng foundation.Natatarantang iniwas niya ang braso, at alangang sinalubong ang mga mata ng biyenan. May pag-aalala sa mukha nito habang hinihintay siyang magsalita.Bumaling siya kay Leonardo, mabilis ang pagtahip ng dibdib nito habang nakatitig sa kaniya."Leigh, ano'ng nangyari rito?" mas seryosong tanong ni Maricel."Wa-wala po, Mama," Hinawakan ni Leigh ang braso, at kaswal na itinuloy ang pagkain.Naging tahimik ang kanilang lamesa. Tila ba natakot ang bawat isa na magsalita.Hindi naman na kasi kailangan itanong kung nagsisinungaling ba siya o hindi.At kung sino ang may dahilan ng mga pasang ito."E-excuse me," hindi na nakati
"I am sorry, Hunter.""I can't do this," Umiiyak na aniya ni Leigh.Nagsumiksik siya sa headboard ng kama. Nilagyan ang sarili ng kumot, at takot na takot na binato ng tingin si Hunter.Hati sa pagkadismaya, at gulat ang imahe nito."I-i'm really sorry.""Hindi ko kaya," patuloy niya habang humihikbi."Then," kalmadong sagot nito.Kaswal na bumaba ito sa kama. Hinablot ang unan, at napayuko si Leigh nang ibato ito sa kaniyang ulo."Fuck! Leigh!""Really? Until now?!" nakabibingi ang sigaw ni Hunter."I'm so sorry," paulit-ulit niyang hagulgol habang sabog ang buhok dahil sa pagkakatama ng unan sa kaniya."Can you just tell me, why?"Napatingin si Leigh sa naging mapait na tono ni Hunter. Naroon ang mukha ng kaniyang asawa, galit, at punong-puno ng sakit."I am your husband, Leigh.""But I don't love you, Hunter," seryoson niyang tugon habang nakatitig sa mga mata nito."I have never loved you.""You shouldn't be asking that, Hunter. You already know the answer right from the start."T