Home / Romance / Sincerely yours, Leonardo / Chapter 41 - Chapter 50

All Chapters of Sincerely yours, Leonardo : Chapter 41 - Chapter 50

63 Chapters

KABANATA 41

Mabilis na pinunasan ni Leigh ang mga luha nang marinig ang pagtunog ng pinto. Bahagya lamang siya umangat, at nakita niya si Hunter.Nakapikit itong naghubad ng sapatos. Hinagis ang bag na dala kung saan, at pahigang hinubad ang polo. Umalog ang kama nang pabagsak itong humiga.Tahimik na pinakikiramdam ni Leigh ang susunod na gagawin ni Hunter. Limitado ang bawat niyang paghinga. Hanggang sa marinig na niya ang paghihilik nito.Napakunotnoo siya, at bahagyang sinilip ang nakatalikod na asawa. Tulog na nga ito. Agad-agad?Nahihiwagaan na siya sa ikinikilos ng asawa. Lagi itong pagod, wala rin lagi sa hospital. At ang ikinatutuwa niya ay hindi na nito pangungulit pagdating sa kanilang s*x life.Buti, at nababawasan ang isipin niya. Pero hindi rin siya mapalagay dahil sa napapansin kay Hunter."Sige na, tanggapin ninyo na ang anak ko!"Nasa hallway pa lang si Leigh ay naririnig na ang pagpalahaw ng isang matandang lalake. Patakbo siyang lumapit doon, naabutan niya ang kaguluhan sa entr
last updateLast Updated : 2025-02-23
Read more

KABANATA 42

"G-Grace.""Leigh!" bago pa bumagsak siya nang tuluyan ay nasalo siya ng kaibigan."Leigh! Are you okay?" Pilit siyang itinatayo ni Grace habang alalay sa magkabilang braso.Mahina, at namamanhid na ang mga binti ni Leigh. Masakit din ang buo niyang katawan dahil sa pananakit ni Hunter kanina. Nang batuhin siya ng gamit nito, nang basta na lamang pwersahang buhatin hawak sa magkabilang braso. Lalo na ang pagtulak sa kaniya ng asawa pabalik sa silyang kinauupuan."Leigh," hirap si Grace na buhatin siya.Hilahod na ang magkabilang binti niya sa sahig. Buti na lamang, at walang mga kasamahan ang dumadaan. Walang makakakita sa kaniya sa ganitong kalagayan."Leigh!"Nang nagpaling siya ng mukha ay naroon na si Leonardo. Hindi niya alam kung saan nanggaling ito.Nagkatitigan sila, nasa mga mata nito ang pangamba."Come, are you okay?" Hinawakan ng binata ang bewang ni Leigh. Ganoon na rin ang magkabilang braso nito.Nagpaubaya naman si Grace. Marahan niyang tinulungan itong makatayo. Agad n
last updateLast Updated : 2025-02-23
Read more

KABANATA 43

Ito na yata ang pinakamagandang umaga na nagising si Leigh. Bumaling siya sa kabilang banda ng kama.Wala si Hunter doon, kaninang madaling araw ang naging flight nito para sa World Health Assembly. Gusto niyang lumundag sa sobrang saya.Pakiramdam niya ay para siyang isang ibon na nakawala sa hawla.Sabagay, ilang araw din silang hindi nagkita ng asawa matapos ang nangyaring pananakit sa kaniya.Sa hotel na kasi natutulog si Hunter para easy na makapunta sa hospital dahil nga sa pag-aasikaso nito sa pag-alis.Iyong tungkol sa mag-amang pasiyente ay tinulungan siya ni Grace, at ng iba pang doktora na mailipat sa mas maayos na hospital.Nanghihinayang siya, at hindi niya na paninidigan ang pangako rito.Suot ni Leigh ay trouser na itim at puting blouse, bumaba siyang sakbit ang isang malaking bag."Leigh, ngayon ba 'yong free medical mission niyo sa Barangay Teresita?" Salubong sa kaniya ni Maricel."Opo, Ma. Kasama ko po 'yong ilang volunteer doctors at nurses na rin.""Don't worry, m
last updateLast Updated : 2025-02-23
Read more

KABANATA 44

Napatingin si Leonardo sa isang pamilyar na matandang lalake. Palapit ito sa court, at animo'y may hinahanap. Nagpaalam siya sandali sa kalarong bata."Sir Benjamin?" pagkilala niya rito."Iho!" may bakas ng gulat ang matanda."Kayo nga ho. Ano'ng ginawa niyo rito?" takang tanong niya.Hindi niya inaasahang makikita niya ang matanda rito matapos ang kanilang huling pagkikita."May anak ako rito.""Anak?" ulit niya.Posible kayang nurse o baka doktor ang anak nito?"Ikaw?"'"May sinamahan lang ho ako," tugon niya sabay kamot sa ulo."Oh, no," tanging takot na bulalas ni Leigh nang matanaw ang ama na kausap si Leonardo.Nag-message nga pala ang Papa niya na dadaan dito. Hindi naman kasi niya alam na pupunta rin ang binata. Nagmamadali siyang tumayo."Anyway, Sir, nurse po ba ang anak ninyo?""No. She's a lovely doctor," proud, at nakangiting tugon ni Benjamin.Tumnaw pa ito sa pwesto ng mga doktor.Napatango naman si Leonardo. Doktor?Lovely doctor?Isa lang naman ang kilala niyang puwe
last updateLast Updated : 2025-02-24
Read more

KABANATA 45

"Doktora!"Awtomatikong tumayo si Leigh nang lumbas, at tawagin siya ni Grace."Ba-bakit?" takang tanong niya, at pilit na hinarangan si Leonardo na nakaupo pa rin."May gulo po sa labas!""What?"Matuling naglakad si Leigh. Nasundan na lang ng tingin ng binata ang doktora."Tulungan ninyo ang anak ko!"Lumapit sila ni Grace sa matandang lalake na buhat-buhat ang isang batang babae. Hindi naman makalapit ang ilang doktora dahl siguro sa bigla, at pagsulpot ng mga ito."Kuya, ilagay ninyo po siya rito," Hinawi ni Leigh ang ilang gamot sa ibabaw ng mesa.Ninenerbiyos na inihiga ng humahagulgol na estranghero ang bata. Nagmamadaling nagtungo siya roon.Kulay ube na ang balat nito sa katawan, mukha, ganoon na rin ang labi nito. Itinapat niya ang isang tainga sa bibig ng pasyente."Doktor, iligtas ninyo ang anak ko. Nalunod siya sa ilog."Makadurog ng puso ang palahaw ng lalake. Halos humilahod na ito sa baba ng lamesa.Nagsimula na rin lumapit kay Leigh ang kapwa doktora. Ibinaba niya ang
last updateLast Updated : 2025-02-24
Read more

KABANATA 46

"Leon, come. Gamutin natin ang sugat mo."Napaatras si Leigh nang lumapit si Amber sa kanila. Sinipat muna nito ng tingin ang sugat ng binata bago hinawakan sa kabilang braso."Tara," aya ng doktora.Para namang nagising siya sa katotohanan dahil doon. Siniglayan siya ng binata. Nag-aalangan itong magdesisyon kaya napilitan siyang tumango.Nang dumaan ang mga ito ay nasundan na lamang ni Leigh ng tingin.SA POLICE STATION"Pasensiya na po, Doktora."Akmang lalapit ang kaninang lalake na nagtangka sa buhay niya. Maagap siyang hinawakan ni Leonardo sa mga tuhod, at itinagilid. Dahil kaharap nila sa silya ang estranghero habang nasa tapat ng desk officer ng station.Lumuhod na lamang ito habang umiiyak."Nawala lang po ako sa sarili ko. Kaya ko nagawa iyon. Hindi po ako masamang tao," muli na namang naglandas ang mga luha ng lalake.Naantig naman ang puso ni Leigh.Tinapik niya ang kamay ni Leonardo para iparating na ayos lang ang lahat. Tinanggal naman ng binata. Hinawakan niya sa magk
last updateLast Updated : 2025-03-08
Read more

KABANATA 47

"Hey, galit ka ba?" malumanay na tanong ni Leonardo, at lumapit sa kaniya.Nagtaas ng mukha si Leigh, nasalubong niya ang nangungusap na mga mata ng binata."Bakit? Ano ba'ng nagawa ko?" nalilitong usisa nito, at hahawakan siya sa siko.Pero mabilis niyang inigkas iyon, at parang surang-surang iniwanan ito ng tingin. Bago muling tumanaw sa malayo para mag-abang ng kahit anong klaseng sasakyan para lamang umalis dito."About pa rin ba ito sa pagpapadala ko ng pagkain at messages sa iyo?" naging mas mahina ang boses ni Leonardo habang nakayuko."No!" inis niyang tugon, at pinaling ang mukha na bwisit ang histura."Then, why?" naging mas mataas ang tono ng binata habang bakas na walang ideya sa inaarte niya.Nakipapagtitigan si Leigh kay Leonardo.Inosente, at hindi talaga nito alam ang rason kung bakit ganito ang inaasta niya."I'm sorry," bawi nito nang mapansin ang pagtaas ng kaniyang boses."But can you just tell me why?""Honestly, I don't know what to think. I thought we're okay,"
last updateLast Updated : 2025-03-08
Read more

KABANATA 48

Nang huminto ang motor sa harap ng Fanivey condominium building ay agad na bumaba si Leigh. Hinintay niya rin na makababa si Leonardo.Awtomatikong hinawakan siya nito sa kamay bago sabay na tumakbo papasok sa building."Wait."Dahil nga magkahawak ang kamay nila ay huminto na rin siya nang tumigil si Leonardo. Basang-basa itong humarap sa kaniya, at marahang bumitaw."Alisin natin ang helmet mo."Nang matanggal ay mas kitang-kita sa loob kung gaano kabasa si Leigh. Nilalamig na rin siya dahil sa naka-todong aircon ng condominium."Tara, pumaosk na tayo sa loob," nahalata yata ng binata ang panginginig niya.Sumakay sila sa elevator, nasa isang sulok lamang si Leigh habang yakap ang sarili. Nanunuot sa buto ang gumuhit na lamig sa katawan niya. Gusto na lamang niyang tumkabo sa kama, at magtalakbong ng kumot."You're freezing, sweetie."Lumapit si Leonardo, at inakbayan siya. Hindi na siya nakatanggi dahil sa nararamdamang lamig. Dumaiti siya rito, na akala mo ay hindi pa basa ang suo
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

KABANATA 49

Nang hindi umimik, at gumalaw si Leigh ay napangiti si Leonardo. Mas hinapit niya ito palapit, at inabot ang gas stove para patayin na nang tuluyan.Wala siyang naririnig sa doktora. Tuwid lamang ang tingin nito. Huminga siya nang malalim.Ang tagal na niya gustong yakapin si Leigh.Noong nakita niyo ito noong gabi ng kasal. Doon pa lang sabik na sabik na siya sa kaniyang ex-lover.At ngayon, hindi na niya palalagpasin ang chance. Pumikit si Leonardo, inihilig ang ulo sa mabangong leeg ni Leigh, at doon nagsumiksik.Nakapakapit si Leigh sa mga kamay ng binata na nasa ibabaw ng tiyan niya. Mas humihigpit, at mas nagkikiskisan ang kanilang mga katawan.Gusto man niya kumalas ay traydor naman ang kaniyang sarili at puso.Ayaw gumalaw ng kamay, at mga paa niya para kumalas, at lumayo sa binata.Hindi manalo ang kaniyang utak sa kaniyang puso ngayong gabi.Perpektong gawin ang 'back hug' kapag nagluluto. Katulad ng mga napapanood niyang eksena sa mga pelikula. Kung 'di ang babae yayakap, '
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

KABANATA 50

"Mahal na mahal kita, Leigh."Iyon ang bulong ni Leonardo habang nakaunan sa braso niya si Leigh, at nakayakap. Kapwa sila walang saplot, matapos pagsaluhan ang gabing hindi niya makakalimutan.Wala siyang narinig na sagot mula rito. Hindi niya alam kung tulog na ba ito o hindi. Basta niyakap lamang siya ni Leigh nang mas mahigpit.May luha sa sulok ng mga mata si Leonardo nang halikan sa ulo ang doktora.Masaya siya, oo. Wala siyang pagsidlan.Hindi lang dahil sa nangyari.Hindi lang naman katawan ang habol niya rito. Hindi lang basta, pagnanasa ang nararamdaman niya kay Leigh.Leigh is his greatest love.His one that got away.Lumipas man ang taon, hindi nawala sa puso niya ang unang babaeng sineryoso niya.Mahal niya si Leigh, iyon ang totoo.Pero hindi lingid kay Leonardo ang kasalanan ginagawa niya ngayon.Sa kapatid, sa ina at sa Diyos.Pero masyadong mahal niya ang kayakap na babae ngayon para isipin na kasalanan kung ano'ng namamagitan sa kanila.Para sa kaniya, hindi ito kasa
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more
PREV
1234567
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status