Semua Bab Sincerely yours, Leonardo : Bab 11 - Bab 20

40 Bab

KABANATA 11

Naninigas ang bawat parte ng katawan ni Leigh habang nakaupo, sa stage at nakaharap sa maraming bisita. Naglalaro ang ilang ilaw sa mga mata niya.Engrande ang reception area, may nakasabit na libo-libong fairy light, iba pa ang naglalakihang chandeliers. May mga long table na punong-puno ng babasagin na kubyertos, plato, wine glass at lahat ng klase ng mamahaling pagkain ay nasa ibabaw nito.Dapat walang pagsidlan ang saya sa kaniyang puso pero daig pa ng pakiramdam niya ang animo'y pinagbagsakan ng langit at lupa.Namumuo ang luha sa sulok ng mga mata ni Leigh. Pakiramdam niya ay kahit na bumagsak iyon ay walang makapapansin dahil madilim sa kanilang puwesto.Ang spotlight ay nasa isang lalakeng kumakanta ng love song sa gilid para i-entertain ang mga bisita.Aksidenteng napatingin si Leigh sa kaliwang parte ng reception area. Nahigit niya ang paghinga, nang magsalubong ang mga mata nila ng binata. Matiim itong nakatitig sa kaniya, sa tantiya niya ay kaninang-kanina pa ito nakatitig
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-12
Baca selengkapnya

KABANATA 12

Kumalap ng kahit konting lakas si Leigh bago hinawakan ang laylayan ng suot na puting bestida bago muling itinapak ang mga paa."Wait."Napako ang dulo ng heels niya nang pigilan siya ni Leonardo. Dahil kailangan niya muling pagtagpuin ang mga mata nila ay huminga muna siya na para bang lulubog siya sa tubig."Y-yes?" nabubulol pero kaswal niyang sagot.Sinalubong ni Leigh ang mga mata ng binata na para bang wala siyang nararamdamang kahit anong nerbiyos. Na lubos taliwas sa nararamdaman niya.Saglit na binasa ni Leonardo ang ibabang bahagi ng labi. Itinungo ang ulo bago muling matapang na pinagtagpo ang mga tingin nila ng kaharap."I didn't expect to see you here," matabang aniya niya."Sa-same here," kapirasong bukas ng bibig ni Leigh habang hindi alam kung tatango ba o kukurap ang mga tensyonadong mga mata.Tinapunan nang tingin ni Leonardo ang kapatid na si Hunter sa malayo. Kausap, at nagpapaalam pa rin ito sa mga kaibigan. Kanina pa siya humahanap ng pagkakataon para kausapin na
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-12
Baca selengkapnya

KABANATA 13

Halos patayin na ni Leonardo sa pamamagitan nang matalim na pagtitig ang kaharap na si Hunter.Nanginginig dahil sa galit ang buo niyang katawan. Ang mga kamao niya ay lihim na nakayukom.Oo, handa na siyang makipagpisikalan dito. Kahit na ngayon lamang sila muling nagkita magkapatid makalipas ang ilang taon."Stop it," Nagsumiksik si Leigh sa gitna ng binata, at kapatid nito dahilan para siya ang tingnan ni Leonardo, mata sa mata.Nakaramdam siya ng ilang pero hindi niya iyon hinayaang manaig sa kaniyang katauhan. Matapang siyang nakipagtitigan dito kahit na ang totoo ay parang unti-unting nalulusaw ang kaniyang mga binti.Humihinga nang mabilis si Leonardo kasabay nang paggalaw ng butas ng kaniyang matangos na ilong dahil sa poot na nararamdaman.Hinagip ni Hunter ang braso ni Leigh sa pangalawang pagkakataon para iharap, at ilayo sa binata."Bakit hawak ka niya kanina?!""Ano'ng pinag-uusapan ninyo?!" singhal nito habang halos kainin siya ng mga mata nang buhay.Kitang-kita niya an
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-12
Baca selengkapnya

KABANATA 14

"Anak, hindi naman puwede iyon," nakikiusap, at pagpipilitan ni Janice sa panganay na anak."Bakit, hindi?""Anak ninyo naman siya sa labas?" walang alinlangang anas nito habang nagdudugtong ang mga kilay.Napakurap naman si Leigh, at itinuon ang mga mata sa ibang dako. Kung ganoon ay half brother ni Hunter ang binata. At sa inaasta ngayon ng asawa niya ay mukhang hindi maganda ang relasyon ng mga ito."Huwag ka namang magsalita ng ganiyan sa kapatid mo. Atsaka, isang buwan lang naman kami rito. Pagkatapos no'n ay babalik na kami sa America."Muling tiningnan ni Leigh ang biyenan. Bumabaha ang labis na pakikiusap nito. Bumigat ang loob niya dahil doon. Tiningala niya sa pangalawang pagkakataon si Hunter. Sa tantiya niya ay hindi ito papayag sa pagtira kasama nila ang kapatid nito.Pasado ala-una na sila lumabas ng reception area. Habang naglalakad patungo sa kotse ay nakita niya ang biyenan at si Leonardo.Magkaharap ang mga ito habang hawak ng binata ang dalawang kamay ng ina.Bawat
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-12
Baca selengkapnya

KABANATA 15

"No, babe."Luminga si Leigh sa pabalik na si Hunter. Nagpatiunang pumasok ito kanina kaya't akala niya ay nasa taas na ito ng bahay."Mama can handle herself."Saglit siyang tinitigan bago ibinato ang walang emosyong mata sa ina. Napipilitang tumango ang ginang, may nabasa siyang iba sa imahe ng panganay."I'll just accompany Mama to her room," pakikipagpilitan naman ni Leigh."I said, she can handle herself, Leigh."Tensyonadong napalunok siya sa tigas nang bawat pagkakabigkas ng kaharap na asawa. Napansin niya rin ang pagkiskisan ng panga nito habang nakikipagsukatan nang titigan sa kaniya."Go ahead, Leigh. Go and rest, ayos lamang ako.""Magpapatulong na lang ako sa mga kasambahay," singit ni Janice para lamang mamatay na agad ang bagang nag-uumpisang umapoy kay Hunter."Follow to our room, now."Pagkatapos ng maawtoridad na utos na iyon ay tinalikuran sila ni Hunter. Napakurap si Leigh habang nakatitig ang mga nababahalang mga mata sa likod ng asawa.Napalingon siya nang abutin,
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-12
Baca selengkapnya

KABANATA 16

Isang oras nagtagal si Leigh sa loob ng bathroom. Kulang na lamang ay bumaha ng tubig ang loob n'on. Gusto niyang magpakalunod para tuluyang na siyang mamatay.Daig pa ng kamatayan ang nararamdaman niya ngayon.Siniguro niyang mahimbing na ang tulog ni Hunter nang lumabas siya ng bathroom. Maingat niyang kinuha ang cellphone, at nagtungo sa veranda."He-hello, Pa?" mangiyak-iyak na bungad ni Leigh, at itinapon ang tingin sa malawak na swimming pool sa ibaba."O, iha, bakit gising ka pa?" sagot sa kaniya ng ama sa kabilang linya."E, kayo po?""Bakit gising pa rin kayo?" pinigilan niyang marinig ng ama ang pagiging emosyonal ng kaniyang tinig."I can't sleep," rinig niya ang bigat sa tono ni Benjamin.Humawak si Leigh sa veranda, at tumingala sa langit para hindi bumagsak ang mga luha."Ikaw? Bakit gising ka pa?" usisa nito sa kaniya."Hindi rin po ako makatulog.""What about Hunter?"Pinunasan niya ang mga luha na nasa pisngi. Ibinaba niya rin ang mukha, tinakpan niya ang speaker ng c
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-12
Baca selengkapnya

KABANATA 17

Wala sa katauhan si Leigh nang bumaba sa hagdan. Ilang beses niyang hinawi ang buhok na nalalaglag sa bawat pagtapak niya. Namamanhid pa rin ang buong katawan, lalo na ang mga binti dahil sa nabungarang nerbiyos.Napatda si Leonardo habang walang kakurap-kurap na pinanonood ang asawa ng kapatid pababa ng hagdan. Kung paano nito natural na hawiin ang mahaba, at kulay brown nitong buhok.Her beauty is effortless and natural!Bawat pagtapak ng mapula-pula nitong mga paa ay sinusundan niya. May pagkakataon pang tumaas ang suot nitong satin sa bandang ibaba para sumilip ang maputi, at makinis nitong mga hita.Pero mas ibinigay niya ang atensyon sa mukha nito. Walang ka-ayos-ayos at ang mata nitong halatang kagigising lamang.Hanggang sa makarating si Leigh sa baba ay hindi siya nito pinagtutuunan ng pansin. Hindi niya nga alam kung nakita siya nito, at nagpapanggap lamang na hindi.Halos mabali ang leeg ng binata nang sundan ng tingin ito hanggang makapasok sa kusina.Napakunotnoo tuloy si
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-12
Baca selengkapnya

KABANATA 18

"Bakit nandito 'to?" nanunuyang anas ni Hunter, at itinuro ang binata bago binaling ang mukhang lukot na lukot sa kapatid.Huminga muna si Leonardo bago sinalubong ang nanlilisik na tingin ni Hunter. Lumapit naman agad si Janice sa panganay."I invited him for breakfast, para naman sabay-sabay na tayo."Takot na ngumiti ang ginang habang pilit na hinaharap si Hunter. Nang lumingon ito ay natakot ang ginang sa naging reaksyon ng anak."And you think, I would love to have breakfast with your bastardo?"Natahimik silang lahat dahil sa pagpapahiya nito sa bunsong kapatid. Siniglayan ni Hunter si Leigh bago hinagod ng tingin ang kabuuan."Lumabas ka ng kwarto ng ganiyang hitsura?" seryoso pero matiim nitong asik.Napalunok siya, at bumukas ang bibig. Napakurap din siya ng sunod-sunod habang nakikipagtitigan sa asawa na may mga matang nag-aapoy.Napasinghap si Leigh nang hablutin siya sa braso ni Hunter. Hinatak, palakad pero hinawakan siya ng biyenan. Natigilan silang mag-asawa."Anak, huw
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-12
Baca selengkapnya

KABANATA 19

Nahahapong umupo si Leigh kasabay nang pagpikit ng mga matang pagod na rin. Galing siya sa rounds at hinarap ang ibang pastenye."I'm worn out," hinang-hina niyang wika habang nakalapat na ang masakit na likod sa silya."Dr. Guanez!"Iminulat niya nang maliit ang mga mata niya, at ituon sa pinto kung saan nangagaling ang pagtawag."Come in," napilitan na umupo si Leigh nang maayos, at hinintay itong makapasok."Hello, Doktora!" bati sa kaniya ni Layla, ang isa sa mga janitress ng hospital habang nahihiyang lumapit sa kaniya."Nanay Layla, ano po 'yon?" magalang niyang tanong.Naging nanay-nanayan niya na ito dahil simula intern ay nakasasama, at nakauusap na niya ang matanda. Nasa edad na nga ito para magretiro pero hindi nito ginagawa dahil daw sa hirap ng buhay."Heto po."Nadako ang atensyon ni Leigh sa inilapag nitong brown na paperbag. Nagkaroon ng ilang linya ang noo niya. Wala siyang matandaang nagpabili siya sa matanda. Kahit na kanina pa nagugutom ay hindi na niya napansin, a
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-12
Baca selengkapnya

KABANATA 20

Isang beses kumatok si Leigh sa pinto ng opisina ng kanilang Director. Narinig niya ang sagot mula sa loob kaya pinihit na niya na ang seradura."Director," bati niya nang tuluyang makapasok.Nilingon siya ni Hunter na nakatayo, at tila inihahanda na ang sarili sa pag-uwi. Naglakad siya palapit dito."Babe.""Sabay na ba tayo umuwi?" tanong nito habang ibinubulsa ang cellphone."That's why I came here, I might not be able to go home," hindi pa man nabubuo ni Leigh ang mga sasabihin ay kitang-kita na niya ang pag-aarko ng mga kilay ni Hunter.Kahit mayroon namumuong kaba sa dibdib ay ginawa niya ang lahat para makumpleto ang sasabihin habang nakatitig ng tuwid sa mga mata nito."Because I have to take over Dr. Perez's operation-""Maraming surgeon dito, Leigh," katwiran nito sa matatag na tinig habang unti-unting naniningkit ang mga mata habang nakatitig sa kaniya."Walang puwedeng mag-take over no'n. Atsaka nag-usap na kami, schedule na ng operation mamaya.""I will lead the operation
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-12
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1234
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status