Home / Romance / Sincerely yours, Leonardo / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of Sincerely yours, Leonardo : Chapter 21 - Chapter 30

40 Chapters

KABANATA 21

"Ako ho si Elmer. Anak ko po si Summer, 'yong heart patient ninyo sa ward."Muling tumango si Leigh nang lubos na maalala ang kaharap na matanda. Si Summer, ang pitong taong gulang na bata at kasalukuyang under observation para sa heat transplant."Natatandaan ko na po, Mang Elmer.""Pasensiya na po," paghingi niya ng despensa sa hindi pagkaalala agad dito."Ayos lang ho 'yon, Doktora.""Nasaan ho ang kotse ninyo?""At bakit kayo naglalakad?" usisa nito sa kaniya habang pinagmamasdan siya."Wala po e. Mag-ta-taxi lang po ako," Ngumiti si Legh, at tumingkayad sandali para tanawin kung may sasakyan parating.Lumingon naman doon ang matanda. Bago binalikan siya ng tingin."Walang dumadaan na taxi rito, Doktora.""Ganoon po ba?" pagkadismaya niya, at napakamot sa bandang leeg.Wala siyang choice, kung 'di ang maglakad-lakad. Malapit na rin siya sa daan kung saan may mga sasakyang dumadaan. For sure, may masasakyan na siya roon. Sinalubong ni Leigh ang tingin ni Elmer."Sige po, salamat. M
last updateLast Updated : 2025-02-14
Read more

KABANATA 22

"Umuwi ka ba ng bahay?""Kumain ka ba?" mga tanong nito habang nagmamaneho.Saglit na luminga sa kaniya ang binata nang hindi siya sumagot sa mga itinatanong nito."Hey, are you okay?" bumalik na naman ang tono nito sa pag-aalala."Ye-yeah," nagbara pa yata ang lalamunan ni Leigh nang gumaralgal ang boses.Nang maradaman niya ang mabilis na pagmamaneho nito ay kusa nang kumapit ang magkabila niyang kamay sa bewang nito.Napayakap siya kay Leonardo!Pumikit pa siya nang dumausdos sa kinauupuan, at napadikit siya sa likod ng binata. Ganoon na rin ang nakahilig na mukha, nakadikit din ang ulo niya rito."It's okay."Namulat si Leigh nang dahan-dahang nang maramdaman ang paghawak ni Leonardo sa mga kamay niyang nasa tiyan nito.Napayuko ang binata sa mga kamay na nasa tiyan niya. Hindi niya napigilan ang ngumiti, at siguradong napangiti din ang puso niya.Agad na kumalas si Leigh sa pagkakayakap. Bigla na lamang niya hinabol ang hininga habang nakatitig sa likod nito sa hindi makapaniwal
last updateLast Updated : 2025-02-14
Read more

KABANATA 23

"For you this is non-sense, but for me this is something I really look forward to, when I get home."Isang makahulugang tingin ang nabasa niya sa mga mata nito nang bitawan ang huling salita."I thought you will still here-" pinigilan niLeonardong pumiyok kahit na naramdaman ang pagbara ng lalamunan dahil sa mabigat na emosyon.Tuluyan ng lumuha ang mga mata ni Leigh nang maalala ang nangyari sa tagal ng panahon. Kung paano sila magpaalam noon sa isa't-isa para sari-sariling gustong gawin sa buhay."If I ever tried to asked you to wait for me-""Enough," awat niya agad, at ibinaling sa iba ang mga matang nag-iipon pa ng maraming luha.Naitikom ni Leonardo ang mga labi. Hirap siyang humugot ng hininga. Umaalon ang kaniyang malapad na dibdib. Sandaling binato ng tingin ang nakatigild na si Leigh. Bago lumipad sa ilog na tila ba nakikinig sa kanila."W-we are young then.""We made a choice. Pinili lang natin 'yong parehong alam natin na kailangan.""You want to continue your life in you
last updateLast Updated : 2025-02-14
Read more

KABANATA 24

Dire-diretsong pumasok si Leigh sa silid. Kinontrol niya ang mga luhang parang isang kurap lamang ng mga mata ay maglaglagan na. Binuksan niya ang cabinet, at nagmamadaling nagsilid ng mga damit.Hanggang sa matigilan siya. Nanghihinang napaluhod. Hindi na rin napigil ang kaniyang sangkaterbang mga luha.Kahit ilang minuto na ang nakalipas matapos ang usapan nila ni Leonardo ay nasa memorya pa rin niya ang masuyo, at nagmamakaawang mukha ng binata.Hindi nito alam kung anong pagkokontrol ang ginagawa niya para hindi tuluyang umamin sa totoong nararamdaman.Bakit ang daya ng tadhana?Bakit ngayon pa ulit sila nagkita?Ngayon na nakatali na siya sa iba?Ang tagal niyang naghintay noong dalaga pa siya kay Leonardo. Alam niyang babalik ito pero bakit ngayon lang?"Leigh!"Alerto niyang pinunasan ang mga luha. Rinig niya ang boses ng biyenan mula sa likod ng pinto."Ma."Nang bumukas ang pinto ay nakita ni Leigh na natigilan si Maricel. Pasimple pa siyang suminghot. Umaasang hindi nito maa
last updateLast Updated : 2025-02-14
Read more

KABANATA 25

"Guys!""Long time!" Maluwag ang ngiti sa labi ni Leonardo nang salubungin ang mga kaibigan.Isa-isa niyang niyakap ang mga kaibigan na sina Brent, Dylan, at Yvo. Kasama rin nito ang iba nilang kaibigang babae. Hindi na niya matandaan ang mga pangalan, pero sa mukha ay pamilyar naman."Grabe! Mas lalo ka yatang nagmukhang amerikano!" biro ni Brent nang akbayan siya."I am not buying it," natatawa niyang sagot dito.Nagtanguan ang nga binata habang hindi pa rin umuupo sa sofa. Kaninang umaga ay tinawagan niya ang mga ito para mag-catch up. Ilang taon din kasing hindi sila nagkita-kita magkakaibigan."Have a sit," Tinuro ni Leonardo ang silya sa mga babaeng parang nahiya sa kaniya bigla."Hold on girls, pakilala ko lang kayo sa pinakagwapong kabigan namin fresh from United States of America."Natawa siya nang itaas nila Yvo, at Dylan ang braso. Napatakip siya sa bibig dahil mas lumutong pa ang tawa niya nang igalaw-galaw ng mga kaibigan ang daliri na para bang mag-pe-perfrom siya."Leon
last updateLast Updated : 2025-02-14
Read more

KABANATA 26

Ipinaling-paling ni Leigh ang leeg habang naglalakad sa hallway ng condominium. Sumakit yata ang batok niya sa biglaang pagtaas ng presyon dahil sa naabutang halikan.Nanipis ang labi niya kasabay nang pag-ikom nang mariin ng mga palad. Kung puwede lamang siyang mag-teleport para mabilis na makaalis sa lugar na ito.Tinungo niya ang elevator. Sunod-sunod na pinindot ang button hanggang sa magbukas. Pumasok siyang makulimlim ang anyo. Nang pasarado, na at maliit na lamang ang siwang ay napatingin siya roon."Hold on!" Hinarang mismo ni Leonardo ang sariling katawan sa pagitan ng pasarang pinto ng elevator.Wala siyang pagpilian kung 'di pindutin ang button para hindi maipit ang binata. Hanggang sa makapasok nang tuluyan ito.Walang reaksyong pinagmasdan ni Leigh ang hingal na hingal, at naasiwang si Leonardo. Mata sa mata, naaninag niya na biglang na-conscious ito. Sandaling hinawi ang buhok at ang suot na t-shirt.Sa pagkakataong ito ay hindi siya nahiya o kinabahan na makipaglabanan
last updateLast Updated : 2025-02-16
Read more

KABANATA 27

"Ihatid na kita," alok ni Leonardo nang ihatid siya hanggang sa labas ng condominium building."Huwag na.""Where's your car?" tanong nito, at naghanap ang mga mata sa mga nakaparadang sasakyan."Hindi ko dala. Mag-ta-taxi na lang ako," Bumaba na siya ng ilang hakbang na hagdan."Wait me here, I'll just get the key-"Pero matulin siyang umakyat muli, at pinigilan sa braso ang binata na nakapagpahinto rito."H-huwag na," seryosong aniya niya habang may pangamba ang mga mata.Nakuha naman ni Leonardo ang nais iparating ng tingin nito. Banayad lang siyang tumango habang may lungkot."Leonardo!"Maagap na bumitaw si Leigh nang marinig ang tawag mula sa babae. Nang tingnan niya ay palapit ito sa kanila. Muling nagkasalubong ang mga mata nila ni Leonardo."Pina-che-check ka ni Tita."Itinuon niya ang atensyon sa pag-abrisyete ng babae sa maugat na braso ng binata. Isang apak pababa ng hagdan ang ginawa niya kasabay nang pagkurap ng mga mata."You can go back. I'll just make sure she gets a
last updateLast Updated : 2025-02-16
Read more

KABANATA 28

Natigilan si Leigh nang makasalubong si Hunter sa entrada ng kanilang bahay. Didiretso sana siya nang matapat siya sa asawa, at nagsalita ito."Maaga kang umalis ng hospital para kumuha ng gamit. And yet, muntikan ka ng ma-late sa operation mo," malalim, at nakatatakot na bungad nito sa kaniya.Doon siya napalunok nang tensyonado. Kasabay nang paghugot nang marahas na hininga."Bakit ka na-late?" parehong tono nitong dagdag bago itinuon ang mga mata.Hindi man niya salubungin iyon ay alam niyang puwede siyang masugat dahil sa talim ng mga tingin na iyon.Suminghap si Leigh nang hablutin ni Hunter ang braso niya. Mariin, at may galit ang daliri nito nang bumaon sa balat niya.Nang tingnan ito ay halos magtama ang tungki ng kanilang ilong. Ganoon kalapit, napakurap ang mga mata niyang agad na natakot sa anyo ng asawa."Saan ka nagpunta?" bawat kataga ay mabagal, at naninigurado."Answer me, you shit!"Napapikit siya kasabay nang paghila pa nito sa kaniyang braso. Parang taling mapuputol
last updateLast Updated : 2025-02-16
Read more

KABANATA 29

Inihinto ni Leonardo ang sinasakyang motor nang may madaanan sa daan na isang lalake. Sigurado siyang nasiraan ang kotseng nitong sinisipat-sipat ng tingin."Hi!" bati niya nang hubarin ang helmet, at lumapit.Binato niya ng mga mata sa kotse bago sa mukha ng may-edad na lalake."May problema po ba?" usisa niya."Nasira yata ang makina," hindi nito siguradong sagot.Lumapit si Leonardo sa unahan ng kotse. Nagtulong sila ng matanda na buksan iyon, at usok ang sumalubong sa kanilang dalawa."Tumawag na lang po tayo nang makatutulong sa atin," suhestiyon ng binata dahil wala siyang alam sa mga ganitong problema ng kotse."Puwede ko bang mahiram ang cellphone mo. Tatawagan ko lang ang anak ko?" pabor nito."Surely," Nakangiting tugon niya, at hinugot ang cellphone bago inabot sa matanda."Thank you, iho," mas maluwag ang ngiti sa labi ni Benjamin nang kunin ang inaabot ng binata.Napatingin si Leigh sa cellphone. Kasalukuyan niyang hinhintay ang ama sa bahay dahil tumawag ito na dadalawin
last updateLast Updated : 2025-02-16
Read more

KABANATA 30

"Hunter," mahina man ay gigil ang tinig ni Leigh.Dahil hindi nagalaw si Hunter, ang hawak niyang polo ang hinampas niya malapit dito."Why?" singhal nito."Nakita mo ba si Papa?""Oo.""Nakita mo naman pala. Bakit hindi mo man lang binati?" bwisit niyang tanong."For God sake! Iyon lang ba?" pambabalewala ng asawa sa tanong niya bago ibinalik ang mukha sa pagkakasubsob sa unan.Napahagod si Leigh ng buhok. Hindi siya makapaniwala sa sagot nito. Imbes na magpaliwanag sa kaniya ng maayos. Umaasta pa itong hindi big-deal ang pambabastos sa kaniyang ama."Iyon lang?""You were rude to my Dad last night!" sigaw na niya.Nagulat siya nang bumangon ito habang bwisit na bwisit ang anyo. Sinalubong nito ang tingin niya nang walang alinlangan."Bakit?""Kailangan ko bang batiin lagi ang Papa mo!" mas malakas na sigaw nito.Doon nag-arko ang kilay ni Leigh. Hindi niya alam na kayang lumabas sa bibig ni Hunter ang mga ganitong klaseng salita.Never niya na-imagined dahil noong hindi pa sila mag-
last updateLast Updated : 2025-02-16
Read more
PREV
1234
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status