"Guys!""Long time!" Maluwag ang ngiti sa labi ni Leonardo nang salubungin ang mga kaibigan.Isa-isa niyang niyakap ang mga kaibigan na sina Brent, Dylan, at Yvo. Kasama rin nito ang iba nilang kaibigang babae. Hindi na niya matandaan ang mga pangalan, pero sa mukha ay pamilyar naman."Grabe! Mas lalo ka yatang nagmukhang amerikano!" biro ni Brent nang akbayan siya."I am not buying it," natatawa niyang sagot dito.Nagtanguan ang nga binata habang hindi pa rin umuupo sa sofa. Kaninang umaga ay tinawagan niya ang mga ito para mag-catch up. Ilang taon din kasing hindi sila nagkita-kita magkakaibigan."Have a sit," Tinuro ni Leonardo ang silya sa mga babaeng parang nahiya sa kaniya bigla."Hold on girls, pakilala ko lang kayo sa pinakagwapong kabigan namin fresh from United States of America."Natawa siya nang itaas nila Yvo, at Dylan ang braso. Napatakip siya sa bibig dahil mas lumutong pa ang tawa niya nang igalaw-galaw ng mga kaibigan ang daliri na para bang mag-pe-perfrom siya."Leon
Ipinaling-paling ni Leigh ang leeg habang naglalakad sa hallway ng condominium. Sumakit yata ang batok niya sa biglaang pagtaas ng presyon dahil sa naabutang halikan.Nanipis ang labi niya kasabay nang pag-ikom nang mariin ng mga palad. Kung puwede lamang siyang mag-teleport para mabilis na makaalis sa lugar na ito.Tinungo niya ang elevator. Sunod-sunod na pinindot ang button hanggang sa magbukas. Pumasok siyang makulimlim ang anyo. Nang pasarado, na at maliit na lamang ang siwang ay napatingin siya roon."Hold on!" Hinarang mismo ni Leonardo ang sariling katawan sa pagitan ng pasarang pinto ng elevator.Wala siyang pagpilian kung 'di pindutin ang button para hindi maipit ang binata. Hanggang sa makapasok nang tuluyan ito.Walang reaksyong pinagmasdan ni Leigh ang hingal na hingal, at naasiwang si Leonardo. Mata sa mata, naaninag niya na biglang na-conscious ito. Sandaling hinawi ang buhok at ang suot na t-shirt.Sa pagkakataong ito ay hindi siya nahiya o kinabahan na makipaglabanan
"Ihatid na kita," alok ni Leonardo nang ihatid siya hanggang sa labas ng condominium building."Huwag na.""Where's your car?" tanong nito, at naghanap ang mga mata sa mga nakaparadang sasakyan."Hindi ko dala. Mag-ta-taxi na lang ako," Bumaba na siya ng ilang hakbang na hagdan."Wait me here, I'll just get the key-"Pero matulin siyang umakyat muli, at pinigilan sa braso ang binata na nakapagpahinto rito."H-huwag na," seryosong aniya niya habang may pangamba ang mga mata.Nakuha naman ni Leonardo ang nais iparating ng tingin nito. Banayad lang siyang tumango habang may lungkot."Leonardo!"Maagap na bumitaw si Leigh nang marinig ang tawag mula sa babae. Nang tingnan niya ay palapit ito sa kanila. Muling nagkasalubong ang mga mata nila ni Leonardo."Pina-che-check ka ni Tita."Itinuon niya ang atensyon sa pag-abrisyete ng babae sa maugat na braso ng binata. Isang apak pababa ng hagdan ang ginawa niya kasabay nang pagkurap ng mga mata."You can go back. I'll just make sure she gets a
Natigilan si Leigh nang makasalubong si Hunter sa entrada ng kanilang bahay. Didiretso sana siya nang matapat siya sa asawa, at nagsalita ito."Maaga kang umalis ng hospital para kumuha ng gamit. And yet, muntikan ka ng ma-late sa operation mo," malalim, at nakatatakot na bungad nito sa kaniya.Doon siya napalunok nang tensyonado. Kasabay nang paghugot nang marahas na hininga."Bakit ka na-late?" parehong tono nitong dagdag bago itinuon ang mga mata.Hindi man niya salubungin iyon ay alam niyang puwede siyang masugat dahil sa talim ng mga tingin na iyon.Suminghap si Leigh nang hablutin ni Hunter ang braso niya. Mariin, at may galit ang daliri nito nang bumaon sa balat niya.Nang tingnan ito ay halos magtama ang tungki ng kanilang ilong. Ganoon kalapit, napakurap ang mga mata niyang agad na natakot sa anyo ng asawa."Saan ka nagpunta?" bawat kataga ay mabagal, at naninigurado."Answer me, you shit!"Napapikit siya kasabay nang paghila pa nito sa kaniyang braso. Parang taling mapuputol
Inihinto ni Leonardo ang sinasakyang motor nang may madaanan sa daan na isang lalake. Sigurado siyang nasiraan ang kotseng nitong sinisipat-sipat ng tingin."Hi!" bati niya nang hubarin ang helmet, at lumapit.Binato niya ng mga mata sa kotse bago sa mukha ng may-edad na lalake."May problema po ba?" usisa niya."Nasira yata ang makina," hindi nito siguradong sagot.Lumapit si Leonardo sa unahan ng kotse. Nagtulong sila ng matanda na buksan iyon, at usok ang sumalubong sa kanilang dalawa."Tumawag na lang po tayo nang makatutulong sa atin," suhestiyon ng binata dahil wala siyang alam sa mga ganitong problema ng kotse."Puwede ko bang mahiram ang cellphone mo. Tatawagan ko lang ang anak ko?" pabor nito."Surely," Nakangiting tugon niya, at hinugot ang cellphone bago inabot sa matanda."Thank you, iho," mas maluwag ang ngiti sa labi ni Benjamin nang kunin ang inaabot ng binata.Napatingin si Leigh sa cellphone. Kasalukuyan niyang hinhintay ang ama sa bahay dahil tumawag ito na dadalawin
"Hunter," mahina man ay gigil ang tinig ni Leigh.Dahil hindi nagalaw si Hunter, ang hawak niyang polo ang hinampas niya malapit dito."Why?" singhal nito."Nakita mo ba si Papa?""Oo.""Nakita mo naman pala. Bakit hindi mo man lang binati?" bwisit niyang tanong."For God sake! Iyon lang ba?" pambabalewala ng asawa sa tanong niya bago ibinalik ang mukha sa pagkakasubsob sa unan.Napahagod si Leigh ng buhok. Hindi siya makapaniwala sa sagot nito. Imbes na magpaliwanag sa kaniya ng maayos. Umaasta pa itong hindi big-deal ang pambabastos sa kaniyang ama."Iyon lang?""You were rude to my Dad last night!" sigaw na niya.Nagulat siya nang bumangon ito habang bwisit na bwisit ang anyo. Sinalubong nito ang tingin niya nang walang alinlangan."Bakit?""Kailangan ko bang batiin lagi ang Papa mo!" mas malakas na sigaw nito.Doon nag-arko ang kilay ni Leigh. Hindi niya alam na kayang lumabas sa bibig ni Hunter ang mga ganitong klaseng salita.Never niya na-imagined dahil noong hindi pa sila mag-
"Sir, ito po."Nakakunotnoong ibinaba ni Leonardo ang mga mata sa ibinabalik ng janitress na breakfast bag. Muli niyang inangat ang tingin sa matandang inutusan niya na iabot iyon kay Leigh."Pinababalik po ni Doktora, at sabi niya po, huwag na raw po kayong magbibigay ng kahit ano sa kaniya.""What?" tanging na bulalas niya."Mauna na po ako, Sir, at may trabaho pa ako."Naiwang tulala ang binata. Ang pagkakaalam niya naman ay maayos na sila nang maghiwalay sa condominium building. Napataltak siya, at muling sinulyapan ang pagkain na siya mismo ang nagluto at naghanda."Bakit pinabalik mo 'yong ibinibigay ni Nanay?" mahinang usisa ni Grace kay Leigh habang sabay silang naglalakad sa hallway."Paano mo naman nalaman?" tanong niya habang nasa may binabasa sa hawak na clipboard."Nakita ko si Nanay, atsaka nasagap ko na, araw-araw kang binibigyan no'n," Binangga siya ng kaibigan sa balikat na ikinahinto niya."Sino ba 'yon ha?""Secret admirer ba?" naging mas mahina ang boses nito, at m
"Ano pa ba'ng ginagawa mo rito?" Mabilis na lumapit si Leigh sa binatang nasa parking lot."Leigh," bulalas nito, at umaliwalas ang mukha nang magtagpo ang mga mata nila.Masungit ang mukha niya habang nasa bulsa ng gown ang mga kamay. Inilihis niya ang mga mata, at umarte ng kaswal."Ano'ng sasabihin mo?""Magsalita ka na," aniya niya habang hindi makatingin dito.Napatingin sa paligid si Leonardo. Kahit mga sasakyan lang ang nasa parking lot ay mas gusto niyang makasigurado.Huli na para makapagreklamo si Leigh dahil hawak na siya ng binata sa braso, at hinatak kung saan.Sa isang may kadiliman na sulok siya nito dinala. Sa walang makakita, agad niyang galit na tiningala si Leonardo."Ba-bakit mo ba ako dinala rito?" pagmamatapang niya kahit na sa totoo lang ay nanghihina na.Lalo na sa nakikita niyang nasisinagan nang konti ang maamong mukha ng binata. Doon niya maliwanag na nakikita ang mahabang nitong pilikmata, na isa sa mga nagustuhan niya rito."Let's talk?""We are already ta
"Anyway, going back to your question."Umayos sa kinauupuan si Amber habang tila hindi nga nito nararamdaman ang tunay niyang pakay."I can say, she has a heart of gold.""She's good to all patients, and hospital employees. She's a caring doctor, iyong tipong alam mong hindi niya lang tinitingan na trabaho 'yong pagiging doktor.""Nasa puso niya rin. What I like her the most, is 'yong pagiging generous. Lagi akong nagpapapalit sa kaniya, at nagpapasalo ng ilang operations.""No second thought niyang tatanggapin iyon."Napangiti si Leonardo.Naku, kawawa na talaga ang puso niya. Hindi na niya na mahabol ang mas labis pa nitong pagkahulog."Leigh is a very outstanding doctor. She has a lot of free medical missions. Dahil d'on, she even got an award. Sa operation naman, all praises to her, sa mga crucial heart transplant.""Her relationship with Hunter?""Matagal na ba sila?" dagdag pa niya."What's weird, alam ko hindi type ni Leigh ang brother mo-"Napatingin sila sa isa't-isa. Tila na
Malalim ang iniisip ni Leigh nang bumaba ng kotse. In fact, wala nga siya sa sarili habang nagmamaneho. Ilang beses siyang binusinhan dahil sa hindi paggalaw.Masyadong inokupohan ni Hunter, at ng misteryosong babae na iyon ang utak niya. Dumagdag pa ang damit nito, dati-dati naman ay sinasabay ng asawa ang damit na lalabhan sa kaniyang mga damit.Bakit naman no'n pinauna ang sinuot kahapon?Iyong babae, ano'ng tinutukoy na part 4?"Doktora!"Bumalik lamang si Leigh sa hintatao nang marinig ang pagtawag ng maliit na boses. At nang magbaling ay nagulat pa siya dahil wala na siya sa sa sasakyan, at nasa entrada na ng hospital."Doktora Guanez," nahihiyang anang ni Elmer."Summer, Mang Elmer!" ganting bati niya rito, at lumapit."Wow! Ang ganda mo ngayon Summer ha?" masayang puna niya sa bata, at hinawakan pa ang buhok ng pasyente."Doktora, salamat po sa lahat. Dahil sa inyo makalalabas na ang anak ko," seryosong pahayag ng ama ng ni Summer.Tinapunan ni Leigh ng tingin ang matandang la
"Hindi ko kayang walang gawin para sa kaniya.""Gusto ko siyang ilayo sa taong sinasaktan siya. She doesn't deserve that, no woman deserves that.""Leigh is a precious one."Sumandal si Yvo, at napatingala sa kisame. Para bang kinuha nito ang kalahati ng bigat na mayroon siya sa kalooban."Ang sabi niya, matutulungan ko siya. Kung lalayo ako, that's why I am doing this.""Pero mas lalo lang akong nag-aalala. Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari sa kaniya," buong sakit na pahayag ni Leonardo bago sinaid ang alak sa baso.Palabas ng hospital si Leigh nang tumunog ang kaniyang cellphone. Rumehistro ang pangalan ng kaniyang ama."Hello, Papa?""Anak, busy ka ba?""Pauwi na po ako, katatapos lang ng duty ko.""Ganoon ba? Yayain sana kitang mag-dinner."Napangiti si Leigh dahil sa narinig sa ama. Sa maghapong trabaho ay bahagyang gumaan ang loob niya dahil sa pag-aya nito."Babe, let's go?" Sumulpot si Hunter sa kaniyang tagiliran."Sandali lang, Papa," Tinakpan niya ang speaker ng cellphon
"It is none of your business-""Shit! Just tell me the truth, Leigh!"Napaigtad siya sa lakas ng boses ng binata. Bumitaw ito sa kaniya bago tumalikod. Kitang-kita niya sa likuran nito ang paghinga nang mabilis."He's an asshole," iyon ang narinig niya kay Leonardo.Pinilit niyang huwag magpakita ang mga luha rito. Kahit hinahabol ang hininga ay sinubukan pa rin niyang magsalita."U-umuwi ka na.""Since when?" Maliksing lumapit si Leonardo kay Leigh."Dati pa ba?""Puwede ba?!" singhal niya rito, at sinalubong ang madilim na madilim gwapong mukha ni Leonardo.Sinikap maging kalmado ng binata. Lalo na nang matitigan ang may mga luhang mata ni Leigh.Nanginginig ang mga laman niya dahil sa galit, nang hawakan ang dalawang balikat nito."I want to help you-"Piniksi ni Leigh ang mga balikat, at pilit na nilalaban ang mga masusuyong mata ni Leonardo."Gusto mo talagang tumulong?" pag-uulit niya.Hindi ito kumibo. Tuwid siyang tumindig habang pigil-pigil ang mga luha."Then, stay away from
"Mama!"Sinalubong ni Leigh ang umiiyak, at ninenerbiyos na biyenan. Hinawakan niya agad ito sa magkabilang kamay."Ma, huwag kayong umiyak.""Ayos na po siya," pakalma niya rito habang hinihimas ang likod para patahanin si Maricel dahil nakakuha na rin ng atensyon ang ginang."Nasaan na siya? Nasaan na ang brother-in-law mo?" patuloy na iyak nito."Dito po, Mama."Hinawakan ni Leigh sa bewang si Maricel. Iginaya niya sa kwartong inuukopahan ng binata."Leon!""Ma!" bahagyang nagulantang pa si Leonardo nang masilayan ang ina.Nang yumakap ito ay napatingin siya kay Leigh na nasa likuran nito."Ma, stop crying. I am alive and still kicking," biro niya.Agad siyang hinampas ni Marcel sa braso. Galit ang anyo nitong humarap sa kaniya."Panay kasi ang inom mo!" sermon ng ina."I'm sorry," mapagkumababa na sagot niya, at nagkamot pa ng ulo.May ngiting sumilay sa labi ni Leigh habang pinanonood ang mag-ina. Hamak na mas magalang, at maganda ang trato ng binata sa kaniyang ina, kumpara kay
Napatingin si Leonardo sa darating nang marinig ang pagbukas ng kaniyang kwarto. Inip na inip siyang nakaupo, at nakasandal sa headboard ng kama.Ilang minuto na rin ang nagdaan nang ilipat siya ng silid. May ibang doktor din ang bumisita sa kaniya. Ang huling bisita ni Leigh ay 'yong kanina pa sa ward."Umuwi kaya siya?" tanong niya sa sarili.Itinuon niya ang mga mata na nasa ibabaw ng mga hita. Siguradong nurse lang ang lalapit sa kaniya kaya hindi na niya pinagkaabahalan iyon tingnan."It's already 12, ba't gising ka pa rin?"Buhat sa narinig na malumanay na boses ay awtomatikong nagtaas siya ng mukha. Ilang beses niyang kinurap ang mga mata para makasiguradong totoo ang nakikita niya.Nagtungo si Leigh sa swero ng binata. Sinundan lang siya ng tingin nang nakatunghay na si Leonardo."You should go to sleep right now," baling niya rito na bahagya pang nagulat nang magtama ang mga mata nila."I, I thought umuwi ka na.""I'm on duty, nakalimutan mo ba?"Tumango naman si Leonardo hab
"Doktora?"Napatingin si Leigh habang naglalakad pabalik-balik sa tapat ng ward. Nang lumapit si Grace sa kaniya."Hindi ka ba uuwi?"Napakurap siya, ilang minuto na nasa loob si Amber at tinitingnan na ang binata. Pero narito pa rin siya sa labas. Habang ang babaeng kasama ni Leonardo ay nasa silya, at naghihintay.Lumingon si Grace sa kurtinang nakasarado. Siguro kahit hindi niya sagutin ang tanong nito ay alam na ng kaibigan ang nararamdaman."Okay, I'll stay. Sasamahan kita.""Grace-""Mag-duty na tayo. Kukunin ko na 'yong gown mo," akmang tatalikod ito nang hawakan niya sa kamay."Grace, you don't have to do this.""It's okay. Para walang masyadong makahalata. Kapag nag-off na si Doktora San Juan, ako ang papalit. Pero, ikaw ang maghahawak sa kaniya," seryoso, at mahinang pahayag ni Grace.Napangiti siya habang nanunubig ang mga mata.Naging mahigpit din ang pagkakapit niya sa kamay ng kaibigan."T-thank you," tanging na sambit ni Leigh dahil sa malaking pabor na gagawin nito.Na
"Leon!" tawag ni Rhianne habang walang hinto sa pagtipa ng doorbell ng condo unit ng binata.Pabato na hinagis ni Leonardo ang hawak na cellphone. Kasalukuyan siyang nakahiga sa sofa habang hawak ang tiyan. Kaninang umaga pa masakit ang tiyan niya nang makauwi galing sa bar.Inumaga na siya roon, kasa-kasama ang mga kaibigan at doon na rin nagpalipas ng gabi. Siguro ay nalaman ni Rhianne na hindi naka-aatend, dahil all boys lang sila roon kaya nangungulit na sa kaniya."Hi, Leon!" masiglang bati nito nang buksan niya ang pinto.Nakayuko, at nakaipit ang tiyan niyang mas sumasakit pa ng husto nang buksan ang pinto.Sinipat siya ng tingin ng dalaga."What's wrong?" takang tanong ni Rhianne.Nang akmang kakapit si Leonardo sa pader para makapagbalanse dahil sa pananakit ng tiyan ay maagap siyang inalalayan nito."Bae, ano ba'ng masakit sa iyo?" nag-aalalang tanong ng babae habang ala-laay siya.Nakapikit siya, at pilit na kinokondisyon ang sarili na kaya pa niyang tiisin ang pananakit ng
"Ano pa ba'ng ginagawa mo rito?" Mabilis na lumapit si Leigh sa binatang nasa parking lot."Leigh," bulalas nito, at umaliwalas ang mukha nang magtagpo ang mga mata nila.Masungit ang mukha niya habang nasa bulsa ng gown ang mga kamay. Inilihis niya ang mga mata, at umarte ng kaswal."Ano'ng sasabihin mo?""Magsalita ka na," aniya niya habang hindi makatingin dito.Napatingin sa paligid si Leonardo. Kahit mga sasakyan lang ang nasa parking lot ay mas gusto niyang makasigurado.Huli na para makapagreklamo si Leigh dahil hawak na siya ng binata sa braso, at hinatak kung saan.Sa isang may kadiliman na sulok siya nito dinala. Sa walang makakita, agad niyang galit na tiningala si Leonardo."Ba-bakit mo ba ako dinala rito?" pagmamatapang niya kahit na sa totoo lang ay nanghihina na.Lalo na sa nakikita niyang nasisinagan nang konti ang maamong mukha ng binata. Doon niya maliwanag na nakikita ang mahabang nitong pilikmata, na isa sa mga nagustuhan niya rito."Let's talk?""We are already ta