Maagang nagising si Adrian kinabukasan, handang-handa para sa hamon ni Tatay Romero. Nakaayos siya—naka-puting polo, maong na pantalon, at dala ang isang kahon ng ensaymada na binili pa niya sa bayan.Huminga siya ng malalim bago kumatok sa pintuan nina Nanay Glenda at Tatay Romero."Tuloy ka, hijo," bungad ni Nanay Glenda, nakangiti pero may aliwalas sa mata na tila nanonood ng isang eksena sa telenobela.Sa loob, naroon si Tatay Romero, nakaupo sa hapag-kainan habang humihigop ng kape. Ang tingin nito kay Adrian ay parang isang sundalong naghihintay sa kanyang kalaban.Napalunok si Adrian. "Magandang umaga po.""Hmm… umupo ka," utos ni Tatay Romero, hindi inaalis ang tingin sa kanya.Umupo si Adrian, at sa hindi kalayuan, nakita niyang sumilip si Sara mula sa kusina. May bahagyang ngiti ito, pero halatang may kaba rin sa mata."Kumain ka," sabi ni Tatay Romero. "Pero habang kumakain ka, may ilang tanong lang ako."Adrian nodded. "Sige po, Tay. Wala po akong problema diyan."Napangit
Последнее обновление : 2025-03-29 Читайте больше