หน้าหลัก / Romance / TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART / TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 150

แชร์

TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 150

ผู้เขียน: MIKS DELOSO
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-03-30 22:42:04

Ang patuloy na pagpapanggap ni Belle bilang Ana.

“Ana, kailan ka huling nagpacheck-up sa akin?” tanong ni Dra. Villamor habang tinititigan ang ultrasound monitor. Ang noo niya ay bahagyang nakakunot, halatang may bumabagabag sa kanya.

Nakaupo si Belle sa examination table, pilit na pinapanatili ang kanyang composure kahit ramdam niya ang kaba na gumagapang sa kanyang dibdib.

“Noong ipinagbubuntis ko si Anabella, doktora. Alam mo naman ‘yon,” sagot niya, pinipilit ang boses na huwag manginig.

Tumingin si Dra. Villamor sa kanya, tapos ay muling ibinalik ang tingin sa screen. “Ana, may gusto akong itanong sa’yo, pero gusto ko sanang sagutin mo nang tapat.”

Kinabahan si Belle. “Ano po ‘yon?”

Huminga nang malalim ang doktora bago nagsalita. “Noong chineck ko ang ultrasound reading mo kanina, parang una akong nagkamali ng basa. Akala ko, second pregnancy mo ito. Pero…”

Napalunok si Belle. “Pero ano, doktora?”

“Ana, sa lahat ng panganganak na na-assist ko, kabisado ko na kung ano ang hitsura
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทที่เกี่ยวข้อง

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 151

    Gusto niyang isipin na matatanggap siya nito kahit anong mangyari, pero alam niyang hindi ganoon kasimple ang lahat. Mahal ni Luke si Ana. Ang pagkatao ni Ana ang minahal nito.“At kung malaman niyang hindi ako ang tunay niyang asawa…”Napapikit siya. Hindi niya kayang isipin ang posibilidad na mawala ang lahat sa kanya—si Luke, si Anabella, at ang batang nasa sinapupunan niya.Isang bagay ang sigurado niya—hindi siya maaaring mabuko. Hindi siya maaaring matalo sa labanang ito.Naramdaman niyang gumalaw si Anabella sa tabi niya. “Mama…” bulong ng bata, nakayakap sa kanya.Napayakap si Belle nang mahigpit kay Anabella, pilit na pinapakalma ang sariling puso na tila gustong kumawala sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung paano niya kakayanin ang mga susunod na araw—lalo na’t mukhang nagsisimula nang maghinala ang kanyang OB."Andito lang si Mama, baby. Hindi kita iiwan," bulong niya, hinahalikan ang malambot na noo ng bata.Napasinghap siya nang maramdaman ang marahang paggalaw ng sang

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-30
  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 152

    "Ayos lang, naiintindihan ko," sagot niya, pilit na pinapakalma ang sarili. "Alam kong abala ka sa kompanya." Narinig niya ang mahinang buntong-hininga nito. "Ana, alam kong sinasabi mong okay lang, pero gusto ko sanang bumawi. Alam kong malapit na ang birthday ni Anabella. Ayokong wala ako sa araw na 'yon." Bahagyang lumuwag ang pagkakahawak ni Belle sa manibela. Kahit papaano, may bahaging gumaan ang pakiramdam niya. "Talaga, Luke? Mag-la-lie low ka muna sa trabaho?" "Oo naman," sagot nito. "Gusto ko rin namang makasama ang anak natin."Nakatitig si Belle sa cellphone niya matapos ang tawag ni Luke. Kahit paano, gumaan ang loob niya sa pangakong hindi siya iiwan nito sa espesyal na araw ni Anabella. Pero kasabay ng saya, may bumibigat na pangamba sa kanyang dibdib.Hindi niya kayang isipin kung paano haharapin ang hinaharap kapag nalaman ni Luke ang totoo.Kinabukasan, abala si Belle sa pag-aasikaso ng party ni Anabella. Gusto niyang maging perpekto ang lahat—mula sa dekorasyo

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-30
  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 153

    “But what if Luke finds out the truth? What if one day, he realizes that you are not Ana?” tanong ni Mom, puno ng pag-aalala.Pumikit ako nang mariin. “Then I will deal with it when the time comes. But for now… I just want to hold on to this happiness.”Mahabang katahimikan ang bumalot sa amin. Alam kong hindi sila sang-ayon sa ginagawa ko, pero alam din nilang wala silang magagawa para pigilan ako.Napahigpit ang hawak ko sa cellphone habang ang boses ni Dad ay patuloy na naglalaro sa aking isipan.“Belle, anak… kahit anong mangyari, we will always be here for you. But please, be prepared for the consequences of your actions. At ngayon, buntis ka… I don’t know what to say and what your mom will say about this.”Sa likod ng kanyang mahinahong tinig, ramdam ko ang bigat ng kanyang nadarama—pag-aalala, takot, at pangamba sa hinaharap na kahihinatnan ng kasinungalingang ito.Napakagat ako sa labi, pinipigilan ang mga luhang gustong kumawala. “Dad, I know this is wrong, but I can’t turn b

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-30
  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 154

    Samantala, sa kabilang dako, sa tunay na Ana.Maagang gumising si Sara kinabukasan, pero nang bumaba siya mula sa kwarto, nagulat siya nang makita si Nanay Glenda sa hapag-kainan na tila aliw na aliw habang nagkakape.“Nay, bakit parang ang saya-saya niyo?” tanong niya habang nagbubuntong-hininga.“Eh kasi naman, anak…” Humigop ng kape si Nanay Glenda at ngumiti nang makahulugan. “Nasa labas si Adrian.”Nanlaki ang mata ni Sara. “Ha?! Anong ginagawa niya rito?”Sakto namang lumabas si Tatay Romero mula sa kusina, may bitbit pang tinapay. “Aba eh, ewan ko ba sa lalaking ‘yon. Alas-sais pa lang ng umaga, nariyan na. Para daw siguraduhin na ligtas kang makakapunta sa palengke.”“Ano?! Alas-sais?!”Mabilis siyang lumapit sa bintana at sumilip. At doon nga niya nakita si Adrian—nakasandal sa poste sa labas ng bahay, suot ang isang simpleng puting polo at maong pants. Mukhang fresh at handang-handa sa kung anuman ang pinaplano nito.Parang gusto niyang magtago.“Ano bang iniisip ng lalaking

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-30
  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 155

    “Basta.”Muling nagtagpo ang mga mata nila. At sa unang pagkakataon, walang biruan, walang pang-aasar.Tanging katotohanan lang.“Sara, hindi kita mamadaliin. Hindi kita pipilitin.” Hinawakan niya ang kamay nito. “Pero gusto kong malaman mo, hindi ako titigil hangga’t hindi kita napapatunayan na ako ang tamang tao para sa’yo.”Saglit na natahimik si Sara. “Paano kung hindi kita maalala?”“Eh ‘di pasasayahin na lang kita ngayon, para kapag dumating ang oras na ‘yon, hindi mo na kailangang balikan ang nakaraan—dahil sapat na ang kasalukuyan.”Halos maduwal si Sara sa sobrang cheesy ng sinabi nito, pero hindi niya maitatanggi…Masarap sa pakiramdam ang iniwan nitong pangako.Kinabukasan.Maaga pa lang ay abala na si Sara sa pagtulong sa palengke. Nakaayos na ang mga paninda nila ni Nanay Glenda, at tulad ng dati, maingay at masigla ang paligid. Ang amoy ng sariwang gulay at isda ay humahalo sa tunog ng mga taong tumatawad, naghahanap ng pinakamurang bilihin.Pero hindi pa man nag-iinit a

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-30
  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 156

    Habang paalis si Sara, narinig niya ang boses ni Adrian. "Okay lang ‘yan, Sara! Kahit ilang beses mo akong talikuran, nandito lang ako! Lagi kang haharapin!"Napatingin si Sara kay Adrian, hindi alam kung matutuwa ba siya o maiinis."Alam mo naman na wala pa akong maalala, Adrian." Malumanay niyang sinabi, pero ramdam ang bigat ng emosyon sa kanyang boses.Pero imbes na sumuko, lalong tumindi ang determinasyon sa mga mata ni Adrian. "Maghihintay ako, Sara. Hanggat sa maalala mo, hindi ako susuko."Nagpantig ang tenga ni Sara. "Eh paano kung hindi ko maalala?""Wala akong pakialam sa nakaraan mo, Sara!" madiing sagot ni Adrian. "Ang mahalaga, ikaw ngayon. Hindi ang kahapon, hindi ang alaala, kundi ang kasalukuyang ikaw!"Nanahimik si Sara. Hindi niya alam kung paano pipigilan ang bilis ng tibok ng kanyang puso.Pero syempre, hindi pwedeng matapos ang eksenang ito na walang nang-iinis."Wooooohhh!" sigaw ng isang tindera. "Grabe! Sara, kung ako sa’yo, sasagutin ko na ‘yan! Bihira ang la

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-30
  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 157

    "Weh?""Oo, Sara. At kung hindi man ngayon… okay lang. Hindi ako nagmamadali." Tumikhim si Adrian at inilahad ang kamay sa kanya. "Pero pwede bang simulan natin bilang magkaibigan ulit?"Napatitig si Sara sa kamay ni Adrian. Simpleng kilos lang, pero parang ang bigat ng ibig sabihin.Magkaibigan.Pwede namang walang ligawan. Walang expectations. Walang pressure.Pero handa na ba siyang tanggapin iyon?Maya-maya, narinig niya ang boses ni Tatay Romero mula sa likuran nila. "Ano, Sara? Abutin mo na ‘yan bago pa magdilim."Nagtinginan ang mga tindera at sabay-sabay na nag-cheer. "Sige na, Sara! Para matapos na ‘tong teleserye sa palengke!"Napahinga nang malalim si Sara. Tinapunan niya ng masamang tingin ang mga chismosang tindera, pero sa loob-loob niya… natatawa na rin siya.At sa dulo, wala naman sigurong mawawala kung ipagkakaloob niya kay Adrian ang isang bagay.Hindi muna pag-ibig.Pero isang pagkakataon.Kaya dahan-dahan niyang inabot ang kamay ni Adrian."Sige. Magkaibigan muna."

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-30
  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 158

    Bahagyang lumapit si Adrian kay Sara. "Handa akong tanggapin ang desisyon niya, basta alam kong nagawa ko ang lahat.""Parang pasado ka naman," sabi ni Tatay Romero na parang may iniisip.Ngumiti si Nanay Glenda. "Oo nga, parang gusto ko na ngang ipaubaya sa’yo ang anak namin.""Ano ba kayo, Nay, Tay! Parang ibinibigay n’yo na ako!" sigaw ni Sara, halatang nahiya.Tumawa si Adrian. "Salamat po, Nay, Tay. Pero si Sara pa rin ang magde-desisyon. Hindi ko siya mamadaliin. Handa akong maghintay."Tahimik lang si Sara. Hindi niya alam kung paano tatanggapin ang mga sinabi nito. Pero sa unang pagkakataon, hindi siya nakaramdam ng kaba. Sa halip, parang may mainit at komportableng pakiramdam na bumabalot sa kanya."Aba, mukhang wala nang matutulog sa gabi sa kakaisip nito," sabi ni Tatay Romero habang natatawa."Oo nga," segunda ni Nanay Glenda. "Baka mapuyat na naman ‘tong anak natin.""Tay, Nay, tama na nga!" reklamo ni Sara.Tumingin sa kanya si Adrian at ngumiti. "O siya, aalis na ako. S

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-30

บทล่าสุด

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 178

    Sa isang maliit na coffee shop sa tabi ng parke, tila sandaling tumigil ang mundo para kina Sara at Adrian.Magkaakbay silang nakaupo, parehong tahimik ngunit puno ng damdamin ang mga mata. Sa gitna ng lahat ng pinagdaanan nila, heto sila ngayon—magkasama pa rin, pinipilit buuin ang mga pirasong minsang naghiwalay.Ngunit isang matinis na tunog ng kampana mula sa pinto ang bumasag sa katahimikan. Pumasok si Vanessa, taas-noo, matikas ang tindig, at halatang puno ng hinanakit ang mga mata."Aba, ang sweet niyo naman," aniya, sabay tingin sa dalawa. "Para kayong eksena sa huling episode ng isang teleserye. Kaso may problema lang… Hindi pa tapos ang kwento."Napatayo si Adrian, halatang nabigla sa pagdating ng babae."Vanessa, hindi ito ang tamang lugar para sa mga ganito," mahinahong sabi niya."Tamang lugar?" Tumawa si Vanessa nang mapait. "Kailan pa naging mali ang ipaglaban ang nararapat para sa’yo? Ikaw ang nangakong babalik, Adrian. Ikaw ang nangakong ako ang pipiliin mo. At ngayon

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 177

    Sa loob ng madilim na silid, habang bumubuhos ang ulan sa labas, nanatiling nakaupo si Vanessa sa sahig. Hawak niya ang isang lumang litrato — litrato nila ni Adrian noong high school."Adrian..." bulong niya, habang dahan-dahang tumutulo ang luha sa kanyang pisngi. "Bakit mo ako iniwan?"Nagngangalit ang damdamin niya. Gulo. Lungkot. Galit. Lahat-lahat na. Habang unti-unti niyang pinipiga ang litrato sa kanyang palad, tila ba sinisiksik din niya ang sakit sa kanyang dibdib."Ako ang una mong minahal. Ako ang kasama mo sa lahat ng pangarap natin. Ako ang naghintay. At ngayon na bumalik ka... may ibang babae ka na."Dumating ang kaibigan niyang si Lianne, basang-basa ang buhok at damit sa ulan. Humahangos, agad siyang lumapit kay Vanessa."Vanessa, tama na. Hindi mo dapat sirain ang sarili mo dahil lang sa lalaking pinili nang magmahal ng iba," pakiusap ni Lianne.Tumayo si Vanessa. Namumugto ang mga mata at nanginginig ang boses."Hindi mo 'to naiintindihan, Lianne. Hindi ikaw ang nai

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 176

    Samantala sa tunay na ana sa may maliit na baryo..Isang pangungusap na hindi niya malilimutan—dahil iyon na ang salitang pinatay ang natitira pa nilang pag-asa."Kung totoong mahal mo ako..."Paulit-ulit itong umuugong sa utak ni Adrian habang nakatayo pa rin siya sa lugar kung saan siya iniwan ni Sara. Wala nang katao-tao. Tahimik ang paligid, ngunit sa loob niya ay may isang unos na hindi matahimik."Sara..." bulong niya, pero huli na.Biglang napaupo si Adrian sa bangketa, hawak ang ulo, habang tuluyang bumigay ang luha niyang kanina pa niya pinipigilan."Bakit ganito? Bakit ngayon ko lang narealize na ikaw na pala ang tahanan ko? Bakit ako natakot, kung sa’yo lang naman ako ligtas?" Nanginginig ang kanyang tinig. Wala nang pakialam kung marinig siya ng mundo. Ang kirot ay masyadong malalim para pigilan.Habang lumalayo si Sara, ang bawat hakbang niya ay parang pagsaksak sa sariling dibdib. Hindi niya alam kung tama ang ginawa. Hindi niya alam kung kaya niyang hindi lumingon. Pero

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 175

    Tumunog ang cellphone ni Belle. Nasa sala siya, nakaupo sa lumang sofa habang hawak ang isang tasa ng mainit na tsaa. Nakaalalay ang siko niya sa armrest at ang mga mata’y malalim ang iniisip. Ngunit nang makita niya kung sino ang tumatawag, nanlaki ang mga mata niya. Napalunok siya ng hangin habang nakatitig sa pangalan sa screen: “Mom & Dad.”"Oh no," mahina niyang bulong. "Sila."Kinabahan siya. Napahigpit ang hawak sa cellphone habang mabilis ang tibok ng puso. Parang may matinding bagyong darating.Huminga siya nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili bago sinagot ang tawag."Hello, Mom? Dad?""Belle, anak!" halos sigaw ng boses ni Sophia sa kabilang linya. May halong galak at pangungulila."Salamat at sinagot mo, anak. Kamusta ka na?""We’ve been trying to reach you for weeks," sabi naman ni Clyde, mababa ang tinig ngunit bakas ang inis at pag-aalala. "Hindi ka sumasagot sa tawag. Hindi mo binabasa ang mga mensahe. Anak, we were so worried."Pasubali ang tono ni Belle, parang

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 179

    Habang binabaybay ni Vanessa ang madilim na kalsada, tumigil siya sa harap ng isang simbahan. Hindi siya pumasok, ngunit tumayo siya sa labas. May mga sagot na hindi kayang matagpuan sa sarili lamang. Ang puso niya ay puno ng galit, ngunit may mga tanong na hindi na niya kayang itago.“Bakit ako? Bakit siya? Paano ko haharapin ang lahat ng ito?” tanong ni Vanessa sa kanyang sarili habang pinagmamasdan ang mga simbahan na nakatayo sa dilim. Wala siyang sagot. Bawat saglit ay patuloy na sumasakit, at ang bawat galit ay tumatagos sa kanya. Tahimik na umihip ang hangin sa malamlam na gabi. Sa ilalim ng dilim, tila nagmukhang malabo ang bawat hakbang ni Sara patungo kay Adrian. Ang kanyang puso ay puno ng takot at kalituhan, ngunit naglakad pa rin siya, umaasa, naglalakad sa isang landas na puno ng hindi siguradong hakbang.Nakatayo si Adrian sa harap ng mga mata ni Sara, ang mga mata niyang puno ng kalungkutan at mga tanong. Wala na silang ibang naririnig kundi ang huni ng hangin at ang t

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 178

    Ang hangin ay malamig, pero hindi ito ang dahilan kung bakit nanginginig ang katawan ni Vanessa. Hindi ang malamig na simoy ng hangin ang nagpasakit sa kanya. Sa bawat paghagulgol ng kanyang puso, iniisip niya kung paano niya magagampanan ang laban na tila natapos na. Si Adrian, ang kanyang mundo, ay umalis. Ipinili niya si Sara, at iniiwan siya sa dilim, walang kalaban-laban.Sa ilalim ng malamlam na buwan, tumayo si Vanessa at nagsimulang maglakad. Hindi siya tumingin pabalik kay Sara. Wala siyang lakas para tignan ang babaeng kumuha sa kanya ng lahat—ang pagmamahal ni Adrian, ang mga pangarap nila. Hindi na siya maghahanap ng pag-asa. Wala nang kwenta.Pero sa kanyang puso, isang bagay ang nagpatuloy: ang galit. Galit na galit siya. Hindi kayang tanggapin ng kanyang puso na ang taong matagal niyang iniwasan, ang babaeng hindi niya inaasahan, ang naging dahilan ng lahat ng ito.Samantalang si Sara, naglalakad palayo kay Adrian, ay hindi maiwasang mag-isip. Hindi niya maiwasang mag-a

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 177

    Madilim ang gabi. Walang bituin. Ang hangin ay malamig at tila may dalang bagyo. Sa ilalim ng maulap na langit, nagtagpo ang dalawang pusong naglalaban para sa iisang lalaking mahal nila—si Adrian.Nakatayo si Vanessa sa harap ni Sara, ang mukha niya ay puno ng galit, ang mga mata’y naglalagablab sa selos. Hindi na niya kayang magpigil pa. Matagal na niyang kinikimkim ang sakit, ang pait, ang pagkasuklam sa babaeng ito na bigla na lang dumating at tila ninakaw ang mundong matagal na niyang inaasam."Anong meron sa’yo, ha?" pasigaw na tanong ni Vanessa, nanginginig ang tinig.Nagulat si Sara. Hindi niya inaasahan ang ganitong klaseng pagtanggap. Dahan-dahan siyang humakbang palapit pero nanatili ang distansya."Vanessa, hindi ko alam kung bakit mo ‘to ginagawa," mahinahong sagot niya."‘Hindi mo alam?’" Tumawa si Vanessa, mapait. "Hindi mo alam? Ikaw ang dahilan kung bakit nasasaktan ako. Ikaw ang dahilan kung bakit lumayo si Adrian sa akin."Umiling si Sara. "Vanessa, hindi ko ginusto

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 174

    Sa loob ng kanilang bahay, ang katahimikan ay tila alingawngaw ng mga tanong na walang kasagutan.Ang mahinang tik-tak ng orasan sa dingding ang tanging musika sa umagang iyon. Isang malamig na simoy ng hangin ang pumasok sa bahagyang nakabukas na bintana, animo’y paalala ng isang bagay na matagal nang hindi pinapansin—ang katotohanang may nababago sa pagitan nila.Nakasalampak si Luke sa sofa, nakasandal, mga kamay ay magkasalikop sa harapan habang ang mga mata'y nakatingin sa kawalan. Parang may gustong sabihin, ngunit hindi alam kung paano sisimulan. Samantalang si Belle, nakatayo sa harap ng isang malaking salamin, tahimik na nag-aayos ng buhok, pilit na iniiwasang tumingin sa kanya.Ang bawat galaw ni Belle ay maingat, parang may kinatatakutan. Parang anumang maling kilos ay puwedeng magbunyag ng lihim na matagal na niyang ikinukubli."Ana..." basag ni Luke sa katahimikan, mababa ang boses pero may lalim. "May kailangan tayong pag-usapan."Napahinto si Belle. Marahan siyang humin

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 176

    “Dahil… minahal mo ako kahit hindi mo kailanman nalaman kung sino talaga ako.”“Ang mahalaga, ikaw si Sara. At ako si Adrian. At tayo ay… tayo.”Nagyakap silang muli. Sa ilalim ng buwan at mga bituin, ang kanilang puso ay naging isa. Walang nakaraan. Walang bukas. Ang ngayon lang ang mahalaga.At sa gabing iyon, hindi sila muling naging magkaibang tao.Makalipas ang ilang araw mula sa masayang gabi nina Adrian at Sara sa dalampasigan, bumalik ang katahimikan sa resort. Ngunit sa likod ng mga ngiti at katahimikan, may pusong naglalagablab sa selos at galit.Si Vanessa, na matagal nang nagtatago ng kanyang tunay na damdamin, ay hindi na makapigil sa kanyang nararamdaman. Sa kanyang silid, habang nakaupo sa harap ng salamin, pinagmamasdan niya ang kanyang repleksyon. Ang dating mapagkumbabang ngiti ay napalitan ng mapait na ngisi."Si Sara... siya na lang palagi," bulong niya sa sarili. "Ako ang nauna. Ako ang nararapat."Sa mga sumunod na araw, sinimulan ni Vanessa ang kanyang plano. Lu

สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status