Home / Romance / TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART / TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 148

Share

TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 148

Author: MIKS DELOSO
last update Last Updated: 2025-03-28 22:44:05

Tinitigan siya ng matanda, tila sinusuri kung nagsasabi siya ng totoo. Ilang segundo ang lumipas bago ito tumango. "Hmm… mabuti kung gano'n. Bukas ng umaga, pumunta ka sa bahay. Kakain ka ng almusal kasama namin."

Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ni Sara. Alam niyang pagsubok ito para kay Adrian, dahil si Tatay Romero ang nagsilbing gabay at tagapagtanggol niya mula nang mawalan siya ng alaala.

Ngunit sa halip na matakot, ngumiti si Adrian at tumango. "Salamat po, Tay Romero. Maghanda na po kayo ng maraming pagkain, dahil malakas po akong kumain."

Napairap si Sara, pero hindi niya maitago ang ngiti sa labi.

"Tingnan natin kung malakas ka rin sumagot sa mga tanong ko," sagot ni Tatay Romero, saka naglakad pabalik sa bahay.

Naiwang magkasama sina Sara at Adrian, kapwa hindi alam kung paano tatapusin ang gabing iyon.

Napakamot si Adrian sa ulo at tumingin kay Sara. "Mukhang malaki-laking pagsubok ang haharapin ko bukas, ah."

Napangiti si Sara, pero agad ding itinago ito sa pamamagitan
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 149

    Maagang nagising si Adrian kinabukasan, handang-handa para sa hamon ni Tatay Romero. Nakaayos siya—naka-puting polo, maong na pantalon, at dala ang isang kahon ng ensaymada na binili pa niya sa bayan.Huminga siya ng malalim bago kumatok sa pintuan nina Nanay Glenda at Tatay Romero."Tuloy ka, hijo," bungad ni Nanay Glenda, nakangiti pero may aliwalas sa mata na tila nanonood ng isang eksena sa telenobela.Sa loob, naroon si Tatay Romero, nakaupo sa hapag-kainan habang humihigop ng kape. Ang tingin nito kay Adrian ay parang isang sundalong naghihintay sa kanyang kalaban.Napalunok si Adrian. "Magandang umaga po.""Hmm… umupo ka," utos ni Tatay Romero, hindi inaalis ang tingin sa kanya.Umupo si Adrian, at sa hindi kalayuan, nakita niyang sumilip si Sara mula sa kusina. May bahagyang ngiti ito, pero halatang may kaba rin sa mata."Kumain ka," sabi ni Tatay Romero. "Pero habang kumakain ka, may ilang tanong lang ako."Adrian nodded. "Sige po, Tay. Wala po akong problema diyan."Napangit

    Last Updated : 2025-03-29
  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 150

    Ang patuloy na pagpapanggap ni Belle bilang Ana.“Ana, kailan ka huling nagpacheck-up sa akin?” tanong ni Dra. Villamor habang tinititigan ang ultrasound monitor. Ang noo niya ay bahagyang nakakunot, halatang may bumabagabag sa kanya.Nakaupo si Belle sa examination table, pilit na pinapanatili ang kanyang composure kahit ramdam niya ang kaba na gumagapang sa kanyang dibdib.“Noong ipinagbubuntis ko si Anabella, doktora. Alam mo naman ‘yon,” sagot niya, pinipilit ang boses na huwag manginig.Tumingin si Dra. Villamor sa kanya, tapos ay muling ibinalik ang tingin sa screen. “Ana, may gusto akong itanong sa’yo, pero gusto ko sanang sagutin mo nang tapat.”Kinabahan si Belle. “Ano po ‘yon?”Huminga nang malalim ang doktora bago nagsalita. “Noong chineck ko ang ultrasound reading mo kanina, parang una akong nagkamali ng basa. Akala ko, second pregnancy mo ito. Pero…”Napalunok si Belle. “Pero ano, doktora?”“Ana, sa lahat ng panganganak na na-assist ko, kabisado ko na kung ano ang hitsura

    Last Updated : 2025-03-30
  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 151

    Gusto niyang isipin na matatanggap siya nito kahit anong mangyari, pero alam niyang hindi ganoon kasimple ang lahat. Mahal ni Luke si Ana. Ang pagkatao ni Ana ang minahal nito.“At kung malaman niyang hindi ako ang tunay niyang asawa…”Napapikit siya. Hindi niya kayang isipin ang posibilidad na mawala ang lahat sa kanya—si Luke, si Anabella, at ang batang nasa sinapupunan niya.Isang bagay ang sigurado niya—hindi siya maaaring mabuko. Hindi siya maaaring matalo sa labanang ito.Naramdaman niyang gumalaw si Anabella sa tabi niya. “Mama…” bulong ng bata, nakayakap sa kanya.Napayakap si Belle nang mahigpit kay Anabella, pilit na pinapakalma ang sariling puso na tila gustong kumawala sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung paano niya kakayanin ang mga susunod na araw—lalo na’t mukhang nagsisimula nang maghinala ang kanyang OB."Andito lang si Mama, baby. Hindi kita iiwan," bulong niya, hinahalikan ang malambot na noo ng bata.Napasinghap siya nang maramdaman ang marahang paggalaw ng sang

    Last Updated : 2025-03-30
  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 152

    "Ayos lang, naiintindihan ko," sagot niya, pilit na pinapakalma ang sarili. "Alam kong abala ka sa kompanya." Narinig niya ang mahinang buntong-hininga nito. "Ana, alam kong sinasabi mong okay lang, pero gusto ko sanang bumawi. Alam kong malapit na ang birthday ni Anabella. Ayokong wala ako sa araw na 'yon." Bahagyang lumuwag ang pagkakahawak ni Belle sa manibela. Kahit papaano, may bahaging gumaan ang pakiramdam niya. "Talaga, Luke? Mag-la-lie low ka muna sa trabaho?" "Oo naman," sagot nito. "Gusto ko rin namang makasama ang anak natin."Nakatitig si Belle sa cellphone niya matapos ang tawag ni Luke. Kahit paano, gumaan ang loob niya sa pangakong hindi siya iiwan nito sa espesyal na araw ni Anabella. Pero kasabay ng saya, may bumibigat na pangamba sa kanyang dibdib.Hindi niya kayang isipin kung paano haharapin ang hinaharap kapag nalaman ni Luke ang totoo.Kinabukasan, abala si Belle sa pag-aasikaso ng party ni Anabella. Gusto niyang maging perpekto ang lahat—mula sa dekorasyo

    Last Updated : 2025-03-30
  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 153

    “But what if Luke finds out the truth? What if one day, he realizes that you are not Ana?” tanong ni Mom, puno ng pag-aalala.Pumikit ako nang mariin. “Then I will deal with it when the time comes. But for now… I just want to hold on to this happiness.”Mahabang katahimikan ang bumalot sa amin. Alam kong hindi sila sang-ayon sa ginagawa ko, pero alam din nilang wala silang magagawa para pigilan ako.Napahigpit ang hawak ko sa cellphone habang ang boses ni Dad ay patuloy na naglalaro sa aking isipan.“Belle, anak… kahit anong mangyari, we will always be here for you. But please, be prepared for the consequences of your actions. At ngayon, buntis ka… I don’t know what to say and what your mom will say about this.”Sa likod ng kanyang mahinahong tinig, ramdam ko ang bigat ng kanyang nadarama—pag-aalala, takot, at pangamba sa hinaharap na kahihinatnan ng kasinungalingang ito.Napakagat ako sa labi, pinipigilan ang mga luhang gustong kumawala. “Dad, I know this is wrong, but I can’t turn b

    Last Updated : 2025-03-30
  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 154

    Samantala, sa kabilang dako, sa tunay na Ana.Maagang gumising si Sara kinabukasan, pero nang bumaba siya mula sa kwarto, nagulat siya nang makita si Nanay Glenda sa hapag-kainan na tila aliw na aliw habang nagkakape.“Nay, bakit parang ang saya-saya niyo?” tanong niya habang nagbubuntong-hininga.“Eh kasi naman, anak…” Humigop ng kape si Nanay Glenda at ngumiti nang makahulugan. “Nasa labas si Adrian.”Nanlaki ang mata ni Sara. “Ha?! Anong ginagawa niya rito?”Sakto namang lumabas si Tatay Romero mula sa kusina, may bitbit pang tinapay. “Aba eh, ewan ko ba sa lalaking ‘yon. Alas-sais pa lang ng umaga, nariyan na. Para daw siguraduhin na ligtas kang makakapunta sa palengke.”“Ano?! Alas-sais?!”Mabilis siyang lumapit sa bintana at sumilip. At doon nga niya nakita si Adrian—nakasandal sa poste sa labas ng bahay, suot ang isang simpleng puting polo at maong pants. Mukhang fresh at handang-handa sa kung anuman ang pinaplano nito.Parang gusto niyang magtago.“Ano bang iniisip ng lalaking

    Last Updated : 2025-03-30
  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 155

    “Basta.”Muling nagtagpo ang mga mata nila. At sa unang pagkakataon, walang biruan, walang pang-aasar.Tanging katotohanan lang.“Sara, hindi kita mamadaliin. Hindi kita pipilitin.” Hinawakan niya ang kamay nito. “Pero gusto kong malaman mo, hindi ako titigil hangga’t hindi kita napapatunayan na ako ang tamang tao para sa’yo.”Saglit na natahimik si Sara. “Paano kung hindi kita maalala?”“Eh ‘di pasasayahin na lang kita ngayon, para kapag dumating ang oras na ‘yon, hindi mo na kailangang balikan ang nakaraan—dahil sapat na ang kasalukuyan.”Halos maduwal si Sara sa sobrang cheesy ng sinabi nito, pero hindi niya maitatanggi…Masarap sa pakiramdam ang iniwan nitong pangako.Kinabukasan.Maaga pa lang ay abala na si Sara sa pagtulong sa palengke. Nakaayos na ang mga paninda nila ni Nanay Glenda, at tulad ng dati, maingay at masigla ang paligid. Ang amoy ng sariwang gulay at isda ay humahalo sa tunog ng mga taong tumatawad, naghahanap ng pinakamurang bilihin.Pero hindi pa man nag-iinit a

    Last Updated : 2025-03-30
  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 156

    Habang paalis si Sara, narinig niya ang boses ni Adrian. "Okay lang ‘yan, Sara! Kahit ilang beses mo akong talikuran, nandito lang ako! Lagi kang haharapin!"Napatingin si Sara kay Adrian, hindi alam kung matutuwa ba siya o maiinis."Alam mo naman na wala pa akong maalala, Adrian." Malumanay niyang sinabi, pero ramdam ang bigat ng emosyon sa kanyang boses.Pero imbes na sumuko, lalong tumindi ang determinasyon sa mga mata ni Adrian. "Maghihintay ako, Sara. Hanggat sa maalala mo, hindi ako susuko."Nagpantig ang tenga ni Sara. "Eh paano kung hindi ko maalala?""Wala akong pakialam sa nakaraan mo, Sara!" madiing sagot ni Adrian. "Ang mahalaga, ikaw ngayon. Hindi ang kahapon, hindi ang alaala, kundi ang kasalukuyang ikaw!"Nanahimik si Sara. Hindi niya alam kung paano pipigilan ang bilis ng tibok ng kanyang puso.Pero syempre, hindi pwedeng matapos ang eksenang ito na walang nang-iinis."Wooooohhh!" sigaw ng isang tindera. "Grabe! Sara, kung ako sa’yo, sasagutin ko na ‘yan! Bihira ang la

    Last Updated : 2025-03-30

Latest chapter

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 165

    Naramdaman niyang may malambot na kamay na humawak sa kanyang palda. Nang ibaba niya ang tingin, nakita niyang nakangiti sa kanya si Anabella."Mommy, can I have another slice of cake?"Napapikit siya ng mariin.Mommy.Pinilit niyang ngumiti at hinaplos ang buhok ng bata. "Sige, baby. Pero huwag masyadong marami, ha?"Tuwang-tuwang tumakbo si Anabella pabalik sa mesa kung nasaan ang mga bata.Nagtagpo muli ang mga mata nila ni Luke. Tahimik ito, pero sa titig pa lang, ramdam niya ang dami nitong gustong itanong."Ana," seryosong sabi ni Philip, "sigurado ka bang wala kang gustong sabihin sa amin?"Napabilis ang tibok ng kanyang puso."A-ano pong ibig n'yong sabihin?"Seryoso ang tingin ni Philip. "Wala lang. Parang iba ka lang nitong mga nakaraang buwan. Hindi ko maipaliwanag pero… hindi ko alam, Ana. May bumabagabag sa akin."Muling napalunok si Belle."Wala po, Papa. Wala po kayong kailangang ipag-alala."Pinagmasdan siya ni Philip nang matagal, bago tumango. "Kung gano'n, mabuti. B

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 164

    Hinawakan ni Nenita ang magkabilang balikat niya at malambing siyang tinitigan. "Kumusta ka na, hija? Kumusta ang pagbubuntis mo?"Napalunok siya. Ang init ng palad ni Nenita sa kanyang balikat ay tila apoy na gumuguhit sa balat niya, pinapaalalahanan siya ng kasinungalingang patuloy niyang pinaninindigan."M-maayos naman po, Mama," sagot niya, pilit pinapalambot ang boses. "Medyo mahirap lang minsan, pero kaya naman.""Mabuti naman, hija. Dapat inaalagaan mo ang sarili mo, lalo na't anim na buwan ka nang buntis," sabat ni Philip habang nakangiti. "Laking tuwa namin nang sinabi sa amin ni Luke na magkakaroon na ng kapatid si Anabella."Napatingin siya kay Luke na tahimik lamang na nakamasid sa kanila."Aba, dapat talaga pinapahinga mo ang sarili mo," saad ni Nenita. "Hindi ka ba masyadong napapagod sa pag-aalaga kay Anabella?""Hindi naman po," pilit niyang sagot. "Sanay naman po ako."Hinawakan ni Nenita ang kamay niya at bahagyang pinisil iyon. "Iba ka talaga, Ana. Simula pa lang no

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 163

    "Hindi na, kaya ko namang mag-isa," sagot niya at agad na naglakad palayo.Habang naglalakad siya papunta sa dalampasigan, ramdam niya ang bigat sa dibdib niya. Ayaw niyang aminin, pero nasasaktan siya. At hindi niya alam kung paano iyon haharapin.Nakaupo siya sa isang malaking bato malapit sa tubig nang biglang may lumapit sa kanya."Mukhang may iniisip ka."Napatingala siya at nakita niyang si Vanessa pala iyon."Anong ginagawa mo rito?" tanong niya.Ngumiti si Vanessa at umupo sa tabi niya. "Gusto lang kitang makausap. Mukhang hindi mo nagustuhan ang sinabi ko kanina.""Talagang hindi," diretsong sagot niya.Tumawa si Vanessa. "Ang tapang mo rin, ano?"Hindi siya sumagot.Nagpatuloy si Vanessa. "Alam mo, Sara, hindi mo ako kilala, at hindi rin kita kilala. Pero alam ko kung paano tumingin ang isang lalaki sa babaeng mahal niya."Napaangat ang kilay ni Sara. "Ano ang gusto mong sabihin?"Tumingin si Vanessa sa malayo, saka ngumiti. "Gusto kita, Sara."Nanlaki ang mata niya. "Ha?"T

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 162

    Tumingin si Tatay Romero sa kanya. "Eh ilang taon mo na bang nililigawan ang anak ko?"Napakamot si Adrian sa batok. "Matagal-tagal na po.""Aba eh, kung matagal na, e bakit hindi pa nagkaka-sagot? Ano bang problema mo, hija?" nakataas ang kilay ni Nanay Glenda.Napalunok si Sara. "Nay, huwag niyo akong isali diyan!"Tumingin si Tatay Romero kay Adrian. "Eh ikaw, Adrian, sigurado ka ba sa anak ko? Baka naman mainip ka at mapunta ka nga sa beauty queen?"Tumayo si Adrian nang tuwid at seryosong tumingin kay Tatay Romero. "Tay, sigurado po ako. Kahit ilang beauty queen pa ang dumaan, si Sara pa rin ang gusto ko. Siya lang."Natigilan si Sara. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o matatakot sa sobrang kaseryosohan ni Adrian.Nakangiti si Nanay Glenda. "O siya, hija, bahala ka na diyan. Pero tandaan mo, bihira ang lalaking ganyan."Tumingin si Sara kay Adrian, na hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya."Tingnan natin kung kaya mong panindigan ‘yan," mahina niyang sabi.Ngumiti si Adri

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 161

    KinabukasanMaagang nagising si Sara, pero hindi niya alam kung bakit. Parang may kung anong bumabagabag sa kanya. Habang nag-aayos ng mesa, napansin niya si Nanay Glenda na nakamasid sa kanya, nakangiti."Ano, hija? Magpapaganda ka na ba para sa bisita mo?" tanong ni Nanay Glenda habang pinipigil ang ngiti.Napataas ang kilay ni Sara. "Ano pong bisita?""Aba eh, sino pa? E ‘di ‘yung masugid mong manliligaw!" sagot ni Tatay Romero na nagkakape sa tabi.Napaawang ang bibig ni Sara. "Tay! Wala akong bisita!""Hmp! Sige ka, baka may beauty queen na ang kasama niya ngayon!" sabat ni Nanay Glenda habang abala sa pagtutupi ng mga damit.Napakunot ang noo ni Sara. "Edi mabuti! Kung may gusto siyang beauty queen, wala akong pakialam!"Tumingin si Tatay Romero sa kanya nang makahulugan. "Aba, parang ang taas ng boses mo, hija. Parang—""Parang ano?" mabilis na putol ni Sara, sabay tingin sa kanyang ama."Parang nagseselos!" sagot ni Nanay Glenda na parang may tuksong ngiti."Nay naman! Hindi a

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 160

    Saglit na natahimik si Adrian. Nagpukol siya ng tingin sa pool, pinagmamasdan ang kislap ng tubig sa ilalim ng buwan.Adrian: “Masakit ‘yun. Pero kung hindi niya ako pipiliin… tatanggapin ko.”Paul: “Wow. Sobrang lalim na ng tama mo, boss. Pero alam mo, feeling ko… ikaw pa rin ang pipiliin niya.”Napangiti si Adrian. “Sana nga.”Paul: “Kaya bukas, punta mo na agad! Baka naman isang beauty queen pa ang maunang umeksena diyan sa buhay mo.”Adrian: “Kahit sampung beauty queen pa ‘yan, si Sara lang ang gusto ko.”Paul: “O siya, sige na! Mukhang wala na akong magagawa sa’yo. Magpahinga ka na, para may energy kang mangulit bukas.”Tumayo si Adrian at tinapik sa balikat si Paul. “Salamat, bro.”Paul: “Walang anuman. Basta siguruhin mong hindi ka tatanggap ng ‘basted’ bilang sagot.”Natawa si Adrian. “Wala ‘yun sa vocabulary ko.”At sa isip niya, buo na ang pasya niya—bukas, babalik siya kay Sara. KinabukasanMaagang nagising si Sara, pero hindi niya alam kung bakit. Parang may kung anong bu

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 159

    Muling bumigat ang dibdib ni Sara. Tumayo siya nang mariin ang pagtapak sa sahig. “Hindi ko alam,” sagot niya bago lumabas ng bahay.Naiwan sina Nanay Glenda at Tatay Romero na nagkakatinginan. Napangiti si Nanay Glenda. “Mukhang may nahulog na talaga.”Sa Crystal Clear J ResortNapapaligiran si Adrian ng naggagandahang babae pero ni isa sa kanila, hindi niya magawang pagtuunan ng pansin.Lumapit sa kanya si Jas, ang matalik niyang kaibigan at kasosyo sa resort. “Boss, sigurado ka bang hindi ka pupunta kay Sara ngayon? Parang ang bigat ng loob mo.”Umiling siya. “Busy tayo ngayon, ‘di ba? Tsaka hindi naman ako pwedeng mawala sa event na ‘to.”Ngumiti si Jasendo at palihim na tinapik ang balikat niya. “O baka naman gusto mong marinig na hinanap ka niya?”Mabilis siyang tumingin sa kaibigan. “Hayup ka talaga, Jasendo.”Napatawa ito. “Aba, kita mo? Ikaw na nga ang nagsabi.”Pumikit si Adrian at marahang bumuntong-hininga. Kahapon lang, hawak niya ang kamay ni Sara, tila may pag-asa siyan

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 158

    Bahagyang lumapit si Adrian kay Sara. "Handa akong tanggapin ang desisyon niya, basta alam kong nagawa ko ang lahat.""Parang pasado ka naman," sabi ni Tatay Romero na parang may iniisip.Ngumiti si Nanay Glenda. "Oo nga, parang gusto ko na ngang ipaubaya sa’yo ang anak namin.""Ano ba kayo, Nay, Tay! Parang ibinibigay n’yo na ako!" sigaw ni Sara, halatang nahiya.Tumawa si Adrian. "Salamat po, Nay, Tay. Pero si Sara pa rin ang magde-desisyon. Hindi ko siya mamadaliin. Handa akong maghintay."Tahimik lang si Sara. Hindi niya alam kung paano tatanggapin ang mga sinabi nito. Pero sa unang pagkakataon, hindi siya nakaramdam ng kaba. Sa halip, parang may mainit at komportableng pakiramdam na bumabalot sa kanya."Aba, mukhang wala nang matutulog sa gabi sa kakaisip nito," sabi ni Tatay Romero habang natatawa."Oo nga," segunda ni Nanay Glenda. "Baka mapuyat na naman ‘tong anak natin.""Tay, Nay, tama na nga!" reklamo ni Sara.Tumingin sa kanya si Adrian at ngumiti. "O siya, aalis na ako. S

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 157

    "Weh?""Oo, Sara. At kung hindi man ngayon… okay lang. Hindi ako nagmamadali." Tumikhim si Adrian at inilahad ang kamay sa kanya. "Pero pwede bang simulan natin bilang magkaibigan ulit?"Napatitig si Sara sa kamay ni Adrian. Simpleng kilos lang, pero parang ang bigat ng ibig sabihin.Magkaibigan.Pwede namang walang ligawan. Walang expectations. Walang pressure.Pero handa na ba siyang tanggapin iyon?Maya-maya, narinig niya ang boses ni Tatay Romero mula sa likuran nila. "Ano, Sara? Abutin mo na ‘yan bago pa magdilim."Nagtinginan ang mga tindera at sabay-sabay na nag-cheer. "Sige na, Sara! Para matapos na ‘tong teleserye sa palengke!"Napahinga nang malalim si Sara. Tinapunan niya ng masamang tingin ang mga chismosang tindera, pero sa loob-loob niya… natatawa na rin siya.At sa dulo, wala naman sigurong mawawala kung ipagkakaloob niya kay Adrian ang isang bagay.Hindi muna pag-ibig.Pero isang pagkakataon.Kaya dahan-dahan niyang inabot ang kamay ni Adrian."Sige. Magkaibigan muna."

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status