หน้าหลัก / Romance / TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART / TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 144

แชร์

TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 144

ผู้เขียน: MIKS DELOSO
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-03-27 22:57:30

Maliwanag ang buong mansyon ng pamilya Villa. Ang hardin ay napuno ng masasayang dekorasyon—mga lobo, bulaklak, at iba’t ibang stuffed toys na paborito ni Anabella. Isang engrandeng selebrasyon ang inihanda ni Luke para sa kanilang anak. Pero sa kabila ng kasayahan, may isang taong hindi mapakali.

Si Belle.

Tatlong taon na ang lumipas simula nang mawala si Ana. Tatlong taon na rin siyang nagpapanggap bilang ang kakambal niya. At ngayon, anim na buwan na siyang nagdadalang-tao sa anak nila ni Luke. Pero sa kabila ng lahat ng ito, patuloy siyang nabubuhay sa takot—takot na mahuli, takot na malaman ang totoo, at higit sa lahat, takot na mawala si Luke at Anabella sa kanya.

“Mama!” Masayang lumapit sa kanya si Anabella, bitbit ang hawak na bagong laruan. “Tingnan mo! May bago akong teddy bear!”

Pinilit niyang ngumiti habang hinahaplos ang malambot na buhok ng bata. “Ang ganda, baby. Sinong nagbigay sa’yo niyan?”

“Si Daddy!” sagot ng bata, sabay turo kay Luke na abala sa pakikipag-usap sa
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทที่เกี่ยวข้อง

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 145

    Napapikit si Belle. Alam niyang tama ang sinasabi ng kanyang adoptive parents. Alam niyang hindi panghabambuhay ang kasinungalingan. Pero paano kung mawala si Luke at Anabella sa kanya kapag inamin na niya ang totoo?“I don’t know…” mahina niyang sagot. “I don’t know what to do anymore.”Makalipas ang ilang oras, natapos na rin ang engrandeng selebrasyon. Isa-isang nagpaalam ang mga bisita, at naiwan na lang sila sa loob ng mansyon.Nasa kwarto na si Anabella, mahimbing na natutulog matapos ang nakakapagod na pagdiriwang. Tahimik na inayos ni Belle ang mga laruan sa gilid ng kama ng bata, pero natigil siya nang maramdaman ang presensya ni Luke sa likuran niya.“Ana…” Mahinang tawag nito.Dahan-dahan siyang humarap. Nakatayo si Luke sa harapan niya, seryoso ang ekspresyon. Parang may gusto itong itanong—isang bagay na matagal nang bumabagabag dito.“May gusto akong itanong sa’yo.”Napalunok si Belle. “Ano ‘yon?”Nagtagpo ang kanilang mga mata. Tahimik. Mabigat ang atmospera sa pagitan

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-27
  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 146

    Samantala sa dako pa roonNaramdaman ni Sara ang malamig na hangin na dumampi sa kanyang balat. Napayakap siya sa sarili, hindi dahil sa ginaw, kundi dahil sa bigat ng nararamdaman niya. Hindi niya maalala ang nakaraan, pero ngayon, isang bagong kwento ang sinusubukang buuin ni Adrian kasama siya."Sara."Napatingin siya kay Adrian, na tahimik lang siyang pinagmamasdan. May lambing sa mata nito, may tapang, pero higit sa lahat—may tiyaga."Hindi kita minamadali. Kahit ano pa ang piliin mo sa dulo, gusto ko lang na maramdaman mo na hindi kita iiwan."May kung anong init na bumalot sa puso ni Sara. Hindi niya maintindihan, pero parang isang panatag na pakiramdam ang bumalot sa kanya."Bakit ka ganyan, Adrian?" tanong niya, pinipilit na gawing magaan ang tono. "Hindi mo naman ako kilala noon, pero parang alam mo na ang lahat tungkol sa akin.""Kasi kahit hindi mo ako maalala, ako… hindi kita nakalimutan."Saglit na natahimik si Sara. Naramdaman niyang bumilis ang tibok ng puso niya. Hind

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-28
  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 147

    Pagdating nila sa palengke, agad silang sinalubong ng maiingay na tawaran, halakhakan, at amoy ng sariwang isda at gulay. Nakisalamuha si Sara kay Aling Glenda habang pumipili ng kamatis. Habang abala siya sa pagpili, biglang may narinig siyang kakaibang tunog.Teka… parang may musika?Napakunot-noo siya at tumingin sa paligid. Maya-maya, nagkaroon ng mas malakas na tunog ng gitara."Ikaw ang gusto ko…"Nag-freeze si Sara.Hindi siya pwedeng magkamali."Ikaw ang hanap ko…"Unti-unti niyang nilingon ang pinanggagalingan ng boses. At doon niya nakita ang isang grupo ng musikero—may gitara, violin, at isang maliit na tambol.At sa gitna nila, may isang lalaking may hawak ng mikropono…Si Adrian.Nakasuot ito ng puting polo at itim na pantalon, may sunglasses pa kahit hindi naman tirik ang araw. Nakangiti ito habang nakatutok sa kanya ang tingin."Di ko kayang mawala ka sa piling ko…"Sa puntong iyon, halos mahulog na ang kamatis sa kamay ni Sara."Adrian?! Ano na namang kalokohan 'to?!"

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-28
  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 148

    Tinitigan siya ng matanda, tila sinusuri kung nagsasabi siya ng totoo. Ilang segundo ang lumipas bago ito tumango. "Hmm… mabuti kung gano'n. Bukas ng umaga, pumunta ka sa bahay. Kakain ka ng almusal kasama namin."Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ni Sara. Alam niyang pagsubok ito para kay Adrian, dahil si Tatay Romero ang nagsilbing gabay at tagapagtanggol niya mula nang mawalan siya ng alaala.Ngunit sa halip na matakot, ngumiti si Adrian at tumango. "Salamat po, Tay Romero. Maghanda na po kayo ng maraming pagkain, dahil malakas po akong kumain."Napairap si Sara, pero hindi niya maitago ang ngiti sa labi."Tingnan natin kung malakas ka rin sumagot sa mga tanong ko," sagot ni Tatay Romero, saka naglakad pabalik sa bahay.Naiwang magkasama sina Sara at Adrian, kapwa hindi alam kung paano tatapusin ang gabing iyon.Napakamot si Adrian sa ulo at tumingin kay Sara. "Mukhang malaki-laking pagsubok ang haharapin ko bukas, ah."Napangiti si Sara, pero agad ding itinago ito sa pamamagitan

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-28
  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 149

    Maagang nagising si Adrian kinabukasan, handang-handa para sa hamon ni Tatay Romero. Nakaayos siya—naka-puting polo, maong na pantalon, at dala ang isang kahon ng ensaymada na binili pa niya sa bayan.Huminga siya ng malalim bago kumatok sa pintuan nina Nanay Glenda at Tatay Romero."Tuloy ka, hijo," bungad ni Nanay Glenda, nakangiti pero may aliwalas sa mata na tila nanonood ng isang eksena sa telenobela.Sa loob, naroon si Tatay Romero, nakaupo sa hapag-kainan habang humihigop ng kape. Ang tingin nito kay Adrian ay parang isang sundalong naghihintay sa kanyang kalaban.Napalunok si Adrian. "Magandang umaga po.""Hmm… umupo ka," utos ni Tatay Romero, hindi inaalis ang tingin sa kanya.Umupo si Adrian, at sa hindi kalayuan, nakita niyang sumilip si Sara mula sa kusina. May bahagyang ngiti ito, pero halatang may kaba rin sa mata."Kumain ka," sabi ni Tatay Romero. "Pero habang kumakain ka, may ilang tanong lang ako."Adrian nodded. "Sige po, Tay. Wala po akong problema diyan."Napangit

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-29
  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 150

    Ang patuloy na pagpapanggap ni Belle bilang Ana.“Ana, kailan ka huling nagpacheck-up sa akin?” tanong ni Dra. Villamor habang tinititigan ang ultrasound monitor. Ang noo niya ay bahagyang nakakunot, halatang may bumabagabag sa kanya.Nakaupo si Belle sa examination table, pilit na pinapanatili ang kanyang composure kahit ramdam niya ang kaba na gumagapang sa kanyang dibdib.“Noong ipinagbubuntis ko si Anabella, doktora. Alam mo naman ‘yon,” sagot niya, pinipilit ang boses na huwag manginig.Tumingin si Dra. Villamor sa kanya, tapos ay muling ibinalik ang tingin sa screen. “Ana, may gusto akong itanong sa’yo, pero gusto ko sanang sagutin mo nang tapat.”Kinabahan si Belle. “Ano po ‘yon?”Huminga nang malalim ang doktora bago nagsalita. “Noong chineck ko ang ultrasound reading mo kanina, parang una akong nagkamali ng basa. Akala ko, second pregnancy mo ito. Pero…”Napalunok si Belle. “Pero ano, doktora?”“Ana, sa lahat ng panganganak na na-assist ko, kabisado ko na kung ano ang hitsura

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-30
  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 151

    Gusto niyang isipin na matatanggap siya nito kahit anong mangyari, pero alam niyang hindi ganoon kasimple ang lahat. Mahal ni Luke si Ana. Ang pagkatao ni Ana ang minahal nito.“At kung malaman niyang hindi ako ang tunay niyang asawa…”Napapikit siya. Hindi niya kayang isipin ang posibilidad na mawala ang lahat sa kanya—si Luke, si Anabella, at ang batang nasa sinapupunan niya.Isang bagay ang sigurado niya—hindi siya maaaring mabuko. Hindi siya maaaring matalo sa labanang ito.Naramdaman niyang gumalaw si Anabella sa tabi niya. “Mama…” bulong ng bata, nakayakap sa kanya.Napayakap si Belle nang mahigpit kay Anabella, pilit na pinapakalma ang sariling puso na tila gustong kumawala sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung paano niya kakayanin ang mga susunod na araw—lalo na’t mukhang nagsisimula nang maghinala ang kanyang OB."Andito lang si Mama, baby. Hindi kita iiwan," bulong niya, hinahalikan ang malambot na noo ng bata.Napasinghap siya nang maramdaman ang marahang paggalaw ng sang

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-30
  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 152

    "Ayos lang, naiintindihan ko," sagot niya, pilit na pinapakalma ang sarili. "Alam kong abala ka sa kompanya." Narinig niya ang mahinang buntong-hininga nito. "Ana, alam kong sinasabi mong okay lang, pero gusto ko sanang bumawi. Alam kong malapit na ang birthday ni Anabella. Ayokong wala ako sa araw na 'yon." Bahagyang lumuwag ang pagkakahawak ni Belle sa manibela. Kahit papaano, may bahaging gumaan ang pakiramdam niya. "Talaga, Luke? Mag-la-lie low ka muna sa trabaho?" "Oo naman," sagot nito. "Gusto ko rin namang makasama ang anak natin."Nakatitig si Belle sa cellphone niya matapos ang tawag ni Luke. Kahit paano, gumaan ang loob niya sa pangakong hindi siya iiwan nito sa espesyal na araw ni Anabella. Pero kasabay ng saya, may bumibigat na pangamba sa kanyang dibdib.Hindi niya kayang isipin kung paano haharapin ang hinaharap kapag nalaman ni Luke ang totoo.Kinabukasan, abala si Belle sa pag-aasikaso ng party ni Anabella. Gusto niyang maging perpekto ang lahat—mula sa dekorasyo

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-30

บทล่าสุด

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 178

    Sa isang maliit na coffee shop sa tabi ng parke, tila sandaling tumigil ang mundo para kina Sara at Adrian.Magkaakbay silang nakaupo, parehong tahimik ngunit puno ng damdamin ang mga mata. Sa gitna ng lahat ng pinagdaanan nila, heto sila ngayon—magkasama pa rin, pinipilit buuin ang mga pirasong minsang naghiwalay.Ngunit isang matinis na tunog ng kampana mula sa pinto ang bumasag sa katahimikan. Pumasok si Vanessa, taas-noo, matikas ang tindig, at halatang puno ng hinanakit ang mga mata."Aba, ang sweet niyo naman," aniya, sabay tingin sa dalawa. "Para kayong eksena sa huling episode ng isang teleserye. Kaso may problema lang… Hindi pa tapos ang kwento."Napatayo si Adrian, halatang nabigla sa pagdating ng babae."Vanessa, hindi ito ang tamang lugar para sa mga ganito," mahinahong sabi niya."Tamang lugar?" Tumawa si Vanessa nang mapait. "Kailan pa naging mali ang ipaglaban ang nararapat para sa’yo? Ikaw ang nangakong babalik, Adrian. Ikaw ang nangakong ako ang pipiliin mo. At ngayon

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 177

    Sa loob ng madilim na silid, habang bumubuhos ang ulan sa labas, nanatiling nakaupo si Vanessa sa sahig. Hawak niya ang isang lumang litrato — litrato nila ni Adrian noong high school."Adrian..." bulong niya, habang dahan-dahang tumutulo ang luha sa kanyang pisngi. "Bakit mo ako iniwan?"Nagngangalit ang damdamin niya. Gulo. Lungkot. Galit. Lahat-lahat na. Habang unti-unti niyang pinipiga ang litrato sa kanyang palad, tila ba sinisiksik din niya ang sakit sa kanyang dibdib."Ako ang una mong minahal. Ako ang kasama mo sa lahat ng pangarap natin. Ako ang naghintay. At ngayon na bumalik ka... may ibang babae ka na."Dumating ang kaibigan niyang si Lianne, basang-basa ang buhok at damit sa ulan. Humahangos, agad siyang lumapit kay Vanessa."Vanessa, tama na. Hindi mo dapat sirain ang sarili mo dahil lang sa lalaking pinili nang magmahal ng iba," pakiusap ni Lianne.Tumayo si Vanessa. Namumugto ang mga mata at nanginginig ang boses."Hindi mo 'to naiintindihan, Lianne. Hindi ikaw ang nai

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 176

    Samantala sa tunay na ana sa may maliit na baryo..Isang pangungusap na hindi niya malilimutan—dahil iyon na ang salitang pinatay ang natitira pa nilang pag-asa."Kung totoong mahal mo ako..."Paulit-ulit itong umuugong sa utak ni Adrian habang nakatayo pa rin siya sa lugar kung saan siya iniwan ni Sara. Wala nang katao-tao. Tahimik ang paligid, ngunit sa loob niya ay may isang unos na hindi matahimik."Sara..." bulong niya, pero huli na.Biglang napaupo si Adrian sa bangketa, hawak ang ulo, habang tuluyang bumigay ang luha niyang kanina pa niya pinipigilan."Bakit ganito? Bakit ngayon ko lang narealize na ikaw na pala ang tahanan ko? Bakit ako natakot, kung sa’yo lang naman ako ligtas?" Nanginginig ang kanyang tinig. Wala nang pakialam kung marinig siya ng mundo. Ang kirot ay masyadong malalim para pigilan.Habang lumalayo si Sara, ang bawat hakbang niya ay parang pagsaksak sa sariling dibdib. Hindi niya alam kung tama ang ginawa. Hindi niya alam kung kaya niyang hindi lumingon. Pero

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 175

    Tumunog ang cellphone ni Belle. Nasa sala siya, nakaupo sa lumang sofa habang hawak ang isang tasa ng mainit na tsaa. Nakaalalay ang siko niya sa armrest at ang mga mata’y malalim ang iniisip. Ngunit nang makita niya kung sino ang tumatawag, nanlaki ang mga mata niya. Napalunok siya ng hangin habang nakatitig sa pangalan sa screen: “Mom & Dad.”"Oh no," mahina niyang bulong. "Sila."Kinabahan siya. Napahigpit ang hawak sa cellphone habang mabilis ang tibok ng puso. Parang may matinding bagyong darating.Huminga siya nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili bago sinagot ang tawag."Hello, Mom? Dad?""Belle, anak!" halos sigaw ng boses ni Sophia sa kabilang linya. May halong galak at pangungulila."Salamat at sinagot mo, anak. Kamusta ka na?""We’ve been trying to reach you for weeks," sabi naman ni Clyde, mababa ang tinig ngunit bakas ang inis at pag-aalala. "Hindi ka sumasagot sa tawag. Hindi mo binabasa ang mga mensahe. Anak, we were so worried."Pasubali ang tono ni Belle, parang

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 179

    Habang binabaybay ni Vanessa ang madilim na kalsada, tumigil siya sa harap ng isang simbahan. Hindi siya pumasok, ngunit tumayo siya sa labas. May mga sagot na hindi kayang matagpuan sa sarili lamang. Ang puso niya ay puno ng galit, ngunit may mga tanong na hindi na niya kayang itago.“Bakit ako? Bakit siya? Paano ko haharapin ang lahat ng ito?” tanong ni Vanessa sa kanyang sarili habang pinagmamasdan ang mga simbahan na nakatayo sa dilim. Wala siyang sagot. Bawat saglit ay patuloy na sumasakit, at ang bawat galit ay tumatagos sa kanya. Tahimik na umihip ang hangin sa malamlam na gabi. Sa ilalim ng dilim, tila nagmukhang malabo ang bawat hakbang ni Sara patungo kay Adrian. Ang kanyang puso ay puno ng takot at kalituhan, ngunit naglakad pa rin siya, umaasa, naglalakad sa isang landas na puno ng hindi siguradong hakbang.Nakatayo si Adrian sa harap ng mga mata ni Sara, ang mga mata niyang puno ng kalungkutan at mga tanong. Wala na silang ibang naririnig kundi ang huni ng hangin at ang t

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 178

    Ang hangin ay malamig, pero hindi ito ang dahilan kung bakit nanginginig ang katawan ni Vanessa. Hindi ang malamig na simoy ng hangin ang nagpasakit sa kanya. Sa bawat paghagulgol ng kanyang puso, iniisip niya kung paano niya magagampanan ang laban na tila natapos na. Si Adrian, ang kanyang mundo, ay umalis. Ipinili niya si Sara, at iniiwan siya sa dilim, walang kalaban-laban.Sa ilalim ng malamlam na buwan, tumayo si Vanessa at nagsimulang maglakad. Hindi siya tumingin pabalik kay Sara. Wala siyang lakas para tignan ang babaeng kumuha sa kanya ng lahat—ang pagmamahal ni Adrian, ang mga pangarap nila. Hindi na siya maghahanap ng pag-asa. Wala nang kwenta.Pero sa kanyang puso, isang bagay ang nagpatuloy: ang galit. Galit na galit siya. Hindi kayang tanggapin ng kanyang puso na ang taong matagal niyang iniwasan, ang babaeng hindi niya inaasahan, ang naging dahilan ng lahat ng ito.Samantalang si Sara, naglalakad palayo kay Adrian, ay hindi maiwasang mag-isip. Hindi niya maiwasang mag-a

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 177

    Madilim ang gabi. Walang bituin. Ang hangin ay malamig at tila may dalang bagyo. Sa ilalim ng maulap na langit, nagtagpo ang dalawang pusong naglalaban para sa iisang lalaking mahal nila—si Adrian.Nakatayo si Vanessa sa harap ni Sara, ang mukha niya ay puno ng galit, ang mga mata’y naglalagablab sa selos. Hindi na niya kayang magpigil pa. Matagal na niyang kinikimkim ang sakit, ang pait, ang pagkasuklam sa babaeng ito na bigla na lang dumating at tila ninakaw ang mundong matagal na niyang inaasam."Anong meron sa’yo, ha?" pasigaw na tanong ni Vanessa, nanginginig ang tinig.Nagulat si Sara. Hindi niya inaasahan ang ganitong klaseng pagtanggap. Dahan-dahan siyang humakbang palapit pero nanatili ang distansya."Vanessa, hindi ko alam kung bakit mo ‘to ginagawa," mahinahong sagot niya."‘Hindi mo alam?’" Tumawa si Vanessa, mapait. "Hindi mo alam? Ikaw ang dahilan kung bakit nasasaktan ako. Ikaw ang dahilan kung bakit lumayo si Adrian sa akin."Umiling si Sara. "Vanessa, hindi ko ginusto

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 174

    Sa loob ng kanilang bahay, ang katahimikan ay tila alingawngaw ng mga tanong na walang kasagutan.Ang mahinang tik-tak ng orasan sa dingding ang tanging musika sa umagang iyon. Isang malamig na simoy ng hangin ang pumasok sa bahagyang nakabukas na bintana, animo’y paalala ng isang bagay na matagal nang hindi pinapansin—ang katotohanang may nababago sa pagitan nila.Nakasalampak si Luke sa sofa, nakasandal, mga kamay ay magkasalikop sa harapan habang ang mga mata'y nakatingin sa kawalan. Parang may gustong sabihin, ngunit hindi alam kung paano sisimulan. Samantalang si Belle, nakatayo sa harap ng isang malaking salamin, tahimik na nag-aayos ng buhok, pilit na iniiwasang tumingin sa kanya.Ang bawat galaw ni Belle ay maingat, parang may kinatatakutan. Parang anumang maling kilos ay puwedeng magbunyag ng lihim na matagal na niyang ikinukubli."Ana..." basag ni Luke sa katahimikan, mababa ang boses pero may lalim. "May kailangan tayong pag-usapan."Napahinto si Belle. Marahan siyang humin

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 176

    “Dahil… minahal mo ako kahit hindi mo kailanman nalaman kung sino talaga ako.”“Ang mahalaga, ikaw si Sara. At ako si Adrian. At tayo ay… tayo.”Nagyakap silang muli. Sa ilalim ng buwan at mga bituin, ang kanilang puso ay naging isa. Walang nakaraan. Walang bukas. Ang ngayon lang ang mahalaga.At sa gabing iyon, hindi sila muling naging magkaibang tao.Makalipas ang ilang araw mula sa masayang gabi nina Adrian at Sara sa dalampasigan, bumalik ang katahimikan sa resort. Ngunit sa likod ng mga ngiti at katahimikan, may pusong naglalagablab sa selos at galit.Si Vanessa, na matagal nang nagtatago ng kanyang tunay na damdamin, ay hindi na makapigil sa kanyang nararamdaman. Sa kanyang silid, habang nakaupo sa harap ng salamin, pinagmamasdan niya ang kanyang repleksyon. Ang dating mapagkumbabang ngiti ay napalitan ng mapait na ngisi."Si Sara... siya na lang palagi," bulong niya sa sarili. "Ako ang nauna. Ako ang nararapat."Sa mga sumunod na araw, sinimulan ni Vanessa ang kanyang plano. Lu

สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status