"How does it taste, baby?" Mainit ang mga mata niyang nakatitig sa akin habang ibinabalik sa loob ang sandatang kanina lang ay nasa bibig ko. How does it taste? Nakakasuka! Gusto ko siyang sugurin, kalmutin, sabunutan, saksakin ng tinidor para makaganti pero hindi ko pwedeng gawin dahil tiyak na mapapabilis lang ang buhay ko kapag ginawa iyon. Isa pa, nanginginig din ang kalamnan ko kaya hindi ko pa makuhang tumayo. Napayuko na lang ako habang nagtatagis ang bagang, naiiyak sa galit dahil sa karahasang dinanas sa mga kamay niya. Sarili ko ngang ama ay hindi ako nagawang kurutin o pitikin, eh. Ano'ng karapatan niya para ganituhin ako? Sino ba siya sa inaakala niya? Pinagmamasdan ko ang sariling mga luha na bumabagsak sa sahig. Kumuyom ang aking palad. Nagngingitngit ang loob ko, nanggigigil. Hiling ko sana ay madulas si Lionzo at mabagok ang ulo, magka-brain hemorrhage hanggang sa mamatay! Abusado siya, psychopath, sadista! Ang lalaking kagaya niya ay nababagay lang sa impyerno
Last Updated : 2025-01-11 Read more