All Chapters of Sandoval Series #3 : Beneath the Moonlight Caleb Lexus Sando: Chapter 1 - Chapter 10

49 Chapters

Prologue

WARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLYLife has knocked her down so many times. Made her experience failures, sadness and frustrations. But one thing she always make sure, whatever those problems she may face, she will always get upAt a very young age Selene, fell in love and gave her all but the man who promised her forever broke up with her without telling her his reasons.She was left with nothing but heartaches. She begged for him but he never gave her a chance. He dumped her, said words that hurt her to the core.The man who once adored her just robbed her innocence and threw her like a garbage, disgusted by her presence. *********"Hoy lampayatot! Bat andito ka na naman? Ang baho-baho mo! Hindi ka ba naliligo?"Hindi ko pinansin ang pasaring nga mga kapitbahay namin na kaedaran ko lang. Naglalaro sila ngayon at dumaan lang ako. Ayoko silang patulan dahil totoo naman kasing mabaho ako. Hindi pa kasi ako naliligo."Yuck kadiri! Doon ka nga! Amoy
last updateLast Updated : 2024-11-05
Read more

Chapter 1

"Kawawa naman ang bata. Jusko! Sinong walang awa ang gumawa nyan sa kanya?""Oo nga kawawa. Walang malay nung nadatnan namin. Wala ding makapagsabi. Silang dalawa lang daw ng nanay ang nakatira sa bahay nila. Saan kaya ang tatay niya?"Nagising ako dahil sa mga naulinigan kong boses. Pagdilat ko ng mga mata at puting kisame ang bumungad sa akin.Nasa langit na ba ako?Ay! Mali pala. Hindi pala dapat ganun ang tanong ko. Demonyo nga pala ako sabi ni Mama at ang mga demonyo ay hindi pwede sa langit. Ang mga demonyo daw ay sa impyerno napupunta. Si Mama, saan kaya siya ngayon? Bakit hindi ko naririnig ang boses nya? "Ang sabi ng kapitbahay baka nanay niya daw ang may gawa nyan. Madalas daw yan sinasaktan eh."Swerte na ang isang araw sa buong linggo na hindi dumadapo ang kamay ni Mama sa akin. Pero sabi nila ganun daw talaga kapag mahal ka ng isang tao, dinidisiplina. Siguro yun ang paraan ni Mama ng pagdidisiplina sa akin para hindi ako lumaking katulad nya. Sige lang ayos lang sa a
last updateLast Updated : 2024-11-05
Read more

Chapter 2

"Wag kang mag-alala kami ang bahala sa 'yo. Wag kang umiyak."Umiyak?Inabot ko ang aking pisngi, namamasa ito. Saka ko pa nalaman na umiiyak na pala ako. "Alam po ba ni Mama na nandito pa ako, Dok? Bakit po sya umuwi?"Wala akong nakuhang sagot mula sa kanila kayo lalo akong naiyak. Paano na ako ngayon? Anong gagawin ko?"Wala po kasi akong pambayad dito sa ospital. Hindi ko din alam kung may pera ba si Mama. Siya lang po ang pag-asa ko pero umuwi na pala sya. " Sunod-sunod na ang pag-uunahan ng mga luha sa aking pisngi. Gusto ko mang pigilan ang mga luha ko ayaw naman nitong paawat. "Wala po akong pera, Dok. Wala akong pambayad sa inyo. Nagsabi po ba si Mama kung babalikan niya ako dito?"Hindi ko na mapigilan ang mga hikbi ko. Lumapit sa akin ang doktora at niyakap ako. "Shh. It's okay. Stop crying. You don't need to pay akong bahala."Pero lalo lang lumakas ang mga hikbi ko. Nahihiya ako. Hindi ko naman sila kilala pero magkakautang pa ako. "Hindi ko po alam kung paano ko po k
last updateLast Updated : 2024-11-05
Read more

Chapter 3

Kahit na hindi pa ako pwedeng lumabas ng ospital sinundan ko si Mama. Pinakiusapan ko lang ang nurse na tanggalin ang mga nakakabit sa akin pagkatapos mabilis na akong tumakbo palabas.Sinubukan pa akong pigilan ng mga nurse pero dahil maliit ako, mabilis ko silang nalusutan. Hindi ako pwedeng magpaiwan sa ospital. Kailangan kong masundan si Mama. Hindi niya ako pwedeng iiwan. Kahit na magmakaawa ako gagawin ko. Pagkalabas ko ng gusali sakto namang paghinto ng taxi napinara ni Mama."Mamaaaaa!" Malakas kong sigaw pero nagmamadali syang pumasok sa taxi."Mamaaaaaa! Please sama ako. Wag mo akong iiwan sama ako, Ma." Nagmamakaawa kong sigaw pero hindi niya ako pinakinggang.Alam kong narinig niya ako dahil nakita kong tumingin sya sa akin. Nagpang-abot ang mga mata namin. Tumakbo ako palapit sa kanya pero iniwas nya ang tingin sa akin. Pagktapos nagsimula nang tumakbo ang taxi na sinasakyan niya.Umiiyak akong tumakbo habang humahabol sa kanya. Kahit na nanginginig at nanghihina ang mga
last updateLast Updated : 2024-11-16
Read more

Chapter 4

Kahit nanghihina, pinilit kong tumayo at pumasok sa loob ng bahay. Naiwan pa ang lalaki doon para makipag-usap sa mga kapitbahay. Diritso ako sa kusina para uminom ng tubig pero may nakita akong tinakpan na pagkain sa mesa. Pritong tuyo pero ulo na lang at pritong itlog na kalahati nalang din. May kaunting kanin na matigas na dahil basta na lang tinakpan doon. Hindi na ako nag-inarte pa, tinggal ko lang ang tinik nung tuyo, sinabay ang itlog at kanin at inisang subo ko lahat. Halos hindi ako makapagsalita dahil sa pagkaing pinasak ko sa aking bibig. Ngayon ko naramdaman na gutom na gutom ako. Hindi ko na maalala kung anong oras ang huling kain ko kanina. Pagkatapos kong kainin ang pagkaing nasa mesa ay uminom na ako ng tubig. Nagugutom pa ako pero wala ng pagkain.Dinamihan ko nalang ang pag-inom ng tubig. Pagkatapos pumunta na ako sa aking silid. Magulo at may tuyong dugo pa sa sahig pero hindi ko na ito pinansin. Sinarado ko lang ang sirang pintuan at dumiritso na ako sa kama. Di
last updateLast Updated : 2024-11-18
Read more

Chapter 5

"Ramon, ba't ang tagal mo—" Natigil sa pagpasok ang lalaki sa loob ng silid ko pagkakita sa nakahandusay na katawan ni Uncle Ramon. "Shit! Anong ginawa mo bata? Tulong!" Nagsisisigaw na ito. Sunod-sunod namang nagsipasukan ang iba pang kalalakihan. Mabilis nilang dinaluhan si Uncle Ramon at binitbit palabas ng silid. Hindi ko alam kung buhay pa ba ito pero hindi na ito gumagalaw. Yung dugo niya tumutulo sa sahig habang buhat sya ng mga kalalakihan palabas. "Wag kang umalis dyan." Sigaw nung isa sa akin. Nanlilisik ang mga mata nyang tumingin sa akin. Siya yung lalaking nakikita kong madalas kausap ni Uncle Ramon. Yung palaging pumapasok sa silid niya para maghanda nung mga binebenta nila. "Malalagot ka sa akin 'pag may nangyaring masama kay Boss." banta nya bago tuluyang lumabas. Naiwan akong mag-isa. Nanginginig ako sa takot. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong pero walang boses ang gustong lumabas mula sa aking bibig. Tiningnan ko
last updateLast Updated : 2024-11-19
Read more

Chapter 6

"Kainin mo na yang burger mo, kundi, ibibigay ko yan sa batang katabi mo." Mahina pero may diing sabi ng babae sa batang katabi nya. Ako naman ay nabuhayan ng loob at tahimik na naghihintay na kalabitin niya para ibigay ang burger pero hindi ito nangyari. Ilang beses niya na itong inulit kanina pero hanggang ngayon di nya naman binibigay sa akin. Tinatakam nya lang ata ako.Paasa!Malayo na ang binyahe namin at sa totoo lang kanina pa ako nagugutom. Lalo pang kumakalam ang sikmura ko sa amoy ng burger na hawak nung bata. Ewan ko sa batang 'to kung anong trip nya at ayaw nyang kainin ang burger. Eh kung binigay nila yan sa akin, kanina pa yan ubos. Wala pang five minutes ubos na yan."Kainin mo na kasi yan Therese, wag na matigas ang ulo, kanina mo pa hawak yan. Last nalang talaga Therese, ibibigay ko na talaga yan sa bata, sige ka."Dumilat na ako sa kunwaring pagtutulug-tulugan pagkarinig ulit sa sinabi ng babae. Nag-inat ako at tumingin sa labas, mataas na ang araw. Hindi ko alam
last updateLast Updated : 2024-11-19
Read more

Chapter 7

"Naliligo ka ba?"Natigil ako sa pag-aayos ng nagulo kong buhok dahil sa maarteng tanong nung batang maldita dun sa batang maiksi ang buhok at hindi pantay ang gupit ng bangs.Nag-aayos din ito ng buhok niya. Ang kaninang buhok na maayos ang pagkatirintas ay magulo na rin ngayon. Nadumihan din ang damit nya dahil na nagpagulong-gulong kaming tatlo kanina sa lupa.Samantalang yung batang hindi pantay ang bangs ay walang pakialam na umupo sa karton na nakalatag sa lupa. Hindi din nito alintana kung magulo ang buhok niya. Wala lang, blangko lang ang tingin nito sa amin pero kalmado na ito ngayon."I'm asking you, naliligo ka ba?" Ulit nung batang maldita sabay tingin sa mga kuko nya. Siguro may nakapasok na mga lupa doon o baka libag nung batang hindi pantay ang bangs."Anong tingin mo sa akin 'di kilala ang tubig? Malamang naliligo."Pabalang na sagot nito at sumulyap sa akin. Wala akong reaksyon. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. Yung batang maldita ay lumapit sa kanya at umupo sa
last updateLast Updated : 2024-11-24
Read more

Chapter 8

Ang tahimik at payapa kong buhay ay naging magulo simula ng makilala ko ang pangit at palaaway na apo ni Lola Asunta. Wala itong nagawang matino sa akin simula ng magkita kami. Ginawa niya na atang libangan ang asarin ako. Daig niya pa si Milagring at Mariposa. Isip bata kahit ang tanda na. Hindi bagay sa kanya ang malaki niyang katawan dahil isip bata sya. Para syang bonjing!Ayaw ko na nga sanang magdeliver dito kay Lola Asun dahil naiinis ako sa apo niya pero pinahanap ako ni Lola sa palengke sa mga tauhan niya. Sa isip ko sayang din naman ang tip ni binibigay ni Lola sa akin. Malaking tulong din yun para sa aming tatlo. Lalo na kung minsan matumal ang bentahan ni Milagring at Mariposa. Kung si Lola Asun lang wala naman talagang problema. Ang ginawa ko nalang ay tinetyempohan ko na wala itong apo niyang pangit sa tuwing nahahatid ako ng mga pinapabili sa akin pero nitong mga nakaraan palagi itong nasa opisina ni Lola. Hindi ko nga alam kung nag-aaral pa ba ito. Ginawa niya na ata
last updateLast Updated : 2024-11-25
Read more

Chapter 9

Di mawala-wala ang ngiti ko habang naglalakad ako pauwi ng bahay. Patalon talon pa ako at may malawak na ngiti sa aking mga labi. Sobrang saya ko dahil hindi lang ako nanalo ng tsokolate, kundi higit sa lahat nainis ko pa si pangit. Nanalo ako sa kalokohan nya. Akala siguro ng pangit na yun maiisahan niya ako? Haha! Neknek nya.Kita ko yung inis niya kanina eh. Galit na galit si pangit dun sa sinabi ko. Ano kaya ibig sabihin nung pang-inis ni Kuya Ford sa kanya at galit na galit sya dun? Chura daw katsuri gamay pitoy? Pati ako gusto kong matawa sa reaksyon nya. Ano kaya ibig sabihin nun noh? Bahala nga sya sa buhay nya! Basta ako, may toblerone na ako.Ang isang toblerone na may tatlong pirasong tatsulok na tira ni pangit ay kinain ko na. Hindi ko na pinansin ang laway ni pangit na dumikit doon. Wala naman sigurong rabies ang pangit na yun. Tsaka mukhang malinis naman si pangit. Mukhang nag-toothbrush naman.Ewan ko kasi kung anong trip ng mamang yun. Apaka damot at talagang sinasadya
last updateLast Updated : 2024-11-27
Read more
PREV
12345
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status