Share

Chapter 2

"Wag kang mag-alala kami ang bahala sa 'yo. Wag kang umiyak."

Umiyak?

Inabot ko ang aking pisngi, namamasa ito. Saka ko pa nalaman na umiiyak na pala ako. 

"Alam po ba ni Mama na nandito pa ako, Dok? Bakit po sya umuwi?"

Wala akong nakuhang sagot mula sa kanila kayo lalo akong naiyak. Paano na ako ngayon? Anong gagawin ko?

"Wala po kasi akong pambayad dito sa ospital. Hindi ko din alam kung may pera ba si Mama. Siya lang po ang pag-asa ko pero umuwi na pala sya. " Sunod-sunod na ang pag-uunahan ng mga luha sa aking pisngi. Gusto ko mang pigilan ang mga luha ko ayaw naman nitong paawat. 

"Wala po akong pera, Dok. Wala akong pambayad sa inyo. Nagsabi po ba si Mama kung babalikan niya ako dito?"

Hindi ko na mapigilan ang mga hikbi ko. Lumapit sa akin ang doktora at niyakap ako. 

"Shh. It's okay. Stop crying. You don't need to pay akong bahala."

Pero lalo lang lumakas ang mga hikbi ko. Nahihiya ako. Hindi ko naman sila kilala pero magkakautang pa ako. 

"Hindi ko po alam kung paano ko po kayo mababayaran, Dok. Sigurado akong mahal ang bayad dito at baka matagalan po bago ko kayo mabayaran."

Bahagya siyang lumayo sa akin at maingat na pinunasan ang pisngi ko. Sa bawat palit nya ng mga luha ko ay sunod-sunod naman itong naglalaglagan sa aking pisngi. 

"Pagtatrabahuan ko nalang po—"

"Shh. It's okay. Wag mong isipin ang tungkol sa bayad. Ang mahalaga ngayon ay maging maayos ang kalagayan mo at mapangot kung sino man ang may gawa nito sayo. Andito ang mga pulis, sila ang tutulong sa 'yo. Andito naman ang taga munisipyo, kami ang mag-aalaga sayo."

Tahimik lang akong humihikbi. Sa mga sandaling 'to nakaramdam ako ng hinanakit kay Mama. Pakiramdam ko inabandona nya ako. Hindi nya man lang hinintay na magising ako. Mabuti pa ang ibang tao handa akong alagaan. 

Sabagay sabi niya pagod na daw sya sa akin. Di ba nga gusto nya na akong mawala sa buhay nya?

Anong nangyari bakit hindi niya tinuloy?

Hinayaan nila akong umiyak hanggang sa kumalma ako. Nang medyo magaan na ang pakiramdam ko, doon na ako simulang kausapin ng mga pulis. 

"Pwede mo bang sabihin sa amin kung saan mo nakuha itong mga galos at pasa sa braso mo?" Panimulang tanong ng pulis sa akin.

Tiningnan ko ang maliliit kong mga braso. Kaunti nalang ang mga pasa na naiwan nung huling binubog ako ni Mama pero nadagdagan na naman kanina. Ang mga kalmot naman ay nakuha din sa kanya. 

"Sa palengke po. Nagbubuhat po kasi ako ng mga gulay kapag nagbebenta po ako." Pagsisinungaling ko. Totoong nagbubuhat ako ng mga gulay pero hindi yun ang dahilan kung bakit may mga pasa ako. 

Hindi ko pwedeng sabihin na si Mama ang may gawa nito sa akin. Una dahil ikukulong nila si Mama, gaya ng narinig kong sinabi ng taga munisipyo kanina. Pangalawa kapag ginawa ko yun, maiiwan akong mag-isa. Wala na nga akong Papa, kukunin pa din ba nila pati si Mama?

"Nung dinala ka dito kanina, wala kang malay. May sugat at putok ang labi mo. Meron ka din kalmot at bukol sa ulo. May mga bagong pasa din sa iyong pisngi. Pwede mo bang sabihin kong bakit meron ka nun?"

Natigilan ako. Tumingin ako sa mga mata nung lalaking nagtatanong sa akin. Kapag nagsinungaling ako, malalaman niya kaya? Kung sasabihin ko naman na si Mama ang gumawa nun—

"Wag kang matakot. Si Mama mo ba ang may gawa nun sa  'yo?"

Mabilis akong umiling. "Hindi po." Halos pabulong kong sagot sa kanya. Sa sobrang hina ng sagot ko hindi ako sigurado kung narinig nya ba ako. 

Malakas syang nagbuntong hininga. Ang doktora na nakatayo sa tabi ko ay marahang hinaplos ang aking likod. 

"Saan mo nakuha itong mga pasa mo?" Mahinahon pa rin ang boses nya. "May nakapagsabi sa aming sinasaktan ka daw ng Mama mo. Pero kailangan naming marinig mula sayo. Wag kang matakot. Andito kami, tutulungan ka namin."

Gusto ko nang magsabi ng totoo pero natatakot ako sa maaring gawin nila kay Mama. Si mama nalang ang meron ako. Kahit na sinasaktan nya ako, ayoko pa rin syang makulong. Ayokong iwan nya ako. Natatakot akong mag-isa. Ayokong lumaki na hindi ko sya kasama. 

Ayoko ring ako ang maging dahilan para tuluyang masira ang buhay niya. Hindi ko kaya. Ayoko. 

"Ineng—"

"Hindi po totoo ang bintang nila kay Mama, Sir. hindi niya po ako sinasaktan. May pasa ako dahil may nang-away po sa akin kanina sa palengke. Nagalit po sila dahil pumasok ako sa balwarte nila sa pamamasura." Nagbaba ako ng tingin. Hindi ko kayang salubungin ang mga tingin nila sa akin. Natatakot akong makita nila sa mga mata ko na nagsisinungaling lang ako. 

"Wala pong kasalanan si Mama. Wag niyo po syang ikulong. Siya na lang po ang kasama ko sa buhay. Wala po akong Papa. Kung napalo man ako ni Mama dahil po matigas ang ulo ko. Hindi ko kasi sinunod ang utos nya. Hindi ako nagsaing at naglinis ng bahay kaya sya nagalit sa akin. Pero hindi nya po ako sinaktan."

Hindi ko na alam kung anong kasinungalingan ang lumabas sa aking bibig. Handa akong magsinungaling wag lang nilang ilayo sa akin si Mama. 

Hindi ko kayang mag-isa. Natatakot ako. 

"Wala kang malay nung dinala ka dito? May ginawa ba ang Mama mo sayo bago ito nangyari? "

Natulala ako. 

Bumalik sa utak ko ang mga katagang sinabi ni Mama sa akin. 

"Tapusin na natin 'to Selene. Tama na. Pagod na pagod na ako." 

"Wag kang matakot Ineng, hindi ka namin sasaktan. Tutulungan ka namin, magsabi ka lang ng totoo."

"N-nagsasabi po ako ng totoo, Sir. Wala pong kasalanan ang Mama ko. Hindi niya po ako sinaktan. Nawalan lang po ako ng malay dahil nakita ko po ang dugo sa kamay ni Mama. Yun lang po." 

Madami pang tanong ang pulis sa akin pati ang taga munsipyo pero hindi ko na sila sumagot. Wala silang nagawa kundi ang iwan muna ako dahil na rin sa pakiusap ko kay doktora. Gusto ko munang mapag-isa. 

Ang mga pulis ay umalis na rin pero ang sabi ay babalik sila para ipagpatuloy ang imbestigasyon.

Sinamahan pa ako ni doktora Marfori sa silid. Siya ang nagpakain sa akin. Siya na rin ang nagpainon ng gamot. Nagkwentuhan kami saglit. Tinanong ko siya kung paano ko babayaran ang utang ko dito sa ospital sabi niya siya na daw ang bahala. Siya pala ang may-ari ng ospital. 

"Pwede ko ba matanong kung saan ang Papa mo?" 

Natigilan ako sa tanong ni doktora pero agad din naman akong nakabawi. Malungkot akong ngumiti sa kanya bago sumagot. 

"Hindi ko po kilala ang Papa ko eh. Si Mama lang po ang nakalakhan kong magulang. Pero ang alam ko po si Papa ang nagbigay ng pangalan ko. Wag niyo lang po sabihin Dok ha? Secret lang po natin. Hindi kasi alam ni Mama na alam ko na. Baka po magalit sya sa akin."

 Nung minsan nalasing si Mama narinig kong nabanggit niya dun sa mga kainuman nya na si Papa daw ang nagbigay ng pangalan ko. Kung sya lang daw, wala syang pakialam kung anong pangalan ibigay sa akin nang kumadrona. Gusto nya nga sana akong ipamigay kaso wala daw gustong tumanggap sa akin. Kung hindi lang daw dahil sa perang padala ni Papa sa kanya dati baka daw tinapon nya na ako sa basurahan. 

"You have a nice name you know." Nakangiti nitong sabi. Pati ako ay ngumiti din. Hindi ko man nakilala si Papa masaya na ako na sya ang nagbigay sa akin ng pangalan ko. 

"Mary Selene. Such a beautiful name for a pretty girl like you." Ngumiti lang ako. Hindi ako sanay na pinupuri ako. Sabi ni Mama, walang kapuri-puri sa akin . Wag daw ako magpapaniwala sa mga papuri dahil hindi ito totoo. Binobola lang ako para makuha ang loob ko. 

"If you want I can help you find your father." Kapagkway sabi ni Doktora.

"Find my father po?" Naguguluhan kong tanong. Paano nya hahanapin si Papa eh hindi niya naman ito kilala.

"Kung gusto mo tulungan kitang hanapin ang Papa mo. Yun ay kung gusto mo lang."

Hindi ako nakasagot. Parang nablangko ang utak ko. 

Kung hahanapin namin si Papa lalong madagdagan ang galit ni Mama. At kapag nagalit si Mama baka pati ako madamay. Sinusumpa nya si Papa, ni ang pagbanggit sa pangalan nito di nya magawa. 

Demonyo. Yun ang tawag ni Mama kay Papa. Hindi ko alam ang pangalan ni Papa.

"Gusto mo ba—"

Sasagot pa sana ako pero may nurse na sumilip sa pintuan. "Doc Marforri, schedule na po ng rounds nyo." 

Nanghihinayang na tumingin ang doktora sa akin pero ngumiti ako sa kanya.Higit isang oras nya na rin akong sinamahan dito sa silid ko. 

"Ayos lang po ako, Dok. Matutulog na din po ako mamaya. Salamat po sa pagsama niyo sa akin dito. Baka bukas po pwede na akong uuwi. Magaling naman na po ako. Mahal po ang aircon dito sa ospital, nakakahiya po sa inyo."

"Hey don't say that. Sabi ko naman sayo diba akong bahala? Kailangan namin makasiguro na ligats ka bago ka namin pauwiin sa inyo."

"Si Mama po?" Pero nabitin ang tanong ko sa ere ng sumilip ang ulo ni Mama doon. 

"Selene." Tawag nito sa akin. Pumasok ito at tipid na tinanguan ang doktora pagkatapos nadako na ang tingin nito sa akin. 

Lahat ng hinanakit na naramdaman ko kanina ay biglang napawi. Parang gusto kong umiyak. 

Sa wakas binalikan ako ni Mama. 

Nagpaalam na ang doktora sa amin. Nang kaming dalawa nalang ang naiwan agad kong binaling ang tingin kay Mama. Walang emosyon ang mga mata nitong tumingin sa akin. 

"M-Mama..." tawag ko sa kanya pero inangat nya ang kamay para pigilan ako. 

"Wag mong isipin na pumunta ako dito para alagaan ka. Dumaan lang ako para sabihin sayong iiwan na kita."

Ang kaninang sayang naramdaman ko sa aking puso ay biglang napalitan ng panghihina. Unti-unting nanlabo ang aking paningin dahil sa mga luhang bumalot sa aking mga mata. 

"Hindi ko na kayang makita ka pa. Araw-araw sa tuwing nakikita kita, naalala ko ang pambababoy sa akin ng demonyo mong ama. Araw-araw kapag nakikita ko ang mukha mo bumabalik sa akin ang lahat ng sakit. Hindi ko ginustong umabot tayo sa ganito. Kung pwede ko lang balikan ang nakaraan, sana noon palang nalaman kong nabuntis ako, hindi ko na tinuloy."

Hindi ko na napigilan ang pangingilid ng mga luha ko. Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang mga hikbing gustong kumawala sa akin. Pagtingin ko kay Mama, ganun pa rin ang ekspresyon ng mukha nya. 

"Ayaw na kitang makita. Ayoko nang marinig ang boses mo. Ayoko na makita kahit ang anino mo. Wala ka nang babalikan. Binenta ko na ang bahay. Simula ngayon, tinatapos ko na ang ugnayan natin.."

"Ma—"

" Mula ngayon kalimutan mo na ako. Kalimutan mong  ina mo ako dahil ako hindi naman kita tinuring na anak. Hindi kita anak at kailanman hindi kita matatanggap na anak ko."

"Wag po Mama. Wag mo po akong iwan. Magpapakabait na po ako. Hindi na po ako magpapasaway sa inyo. Promise po." 

Humahagulhol na ako at nagmmaakaawa sa kanya pero hindi pa rin ito natinag. Si ubukan kong abutin ang kamay nya pero umtaras ito palayo sa akin. 

"Mama please. Nagmamakaawa ako. Maging mabuti po akong anak sa inyo pangako po"

Sunod-sunod itong umiling sa akin. Nagmamakaawa pa ako pero humakbang na ito palayo. 

"Ma..." Muling  tawag ko sa kanya pero hindi niya na ako pinakinggan. Sa hali walang emosyon itong tumingin  sa mga mata ko sabay sabi.

 "Hindi kita matatanggap sa buhay ko. Wala akong anak sa demonyo. "

———————————————————-

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status