Share

Chapter 5

Author: LadyAva16
last update Last Updated: 2024-11-19 09:40:15

"Ramon, ba't ang tagal mo—"

Natigil sa pagpasok ang lalaki sa loob ng silid ko pagkakita sa nakahandusay na katawan ni Uncle Ramon.

"Shit! Anong ginawa mo bata? Tulong!" Nagsisisigaw na ito. Sunod-sunod namang nagsipasukan ang iba pang kalalakihan. Mabilis nilang dinaluhan si Uncle Ramon at binitbit palabas ng silid.

Hindi ko alam kung buhay pa ba ito pero hindi na ito gumagalaw. Yung dugo niya tumutulo sa sahig habang buhat sya ng mga kalalakihan palabas.

"Wag kang umalis dyan." Sigaw nung isa sa akin. Nanlilisik ang mga mata nyang tumingin sa akin. Siya yung lalaking nakikita kong madalas kausap ni Uncle Ramon. Yung palaging pumapasok sa silid niya para maghanda nung mga binebenta nila.

"Malalagot ka sa akin 'pag may nangyaring masama kay Boss." banta nya bago tuluyang lumabas.

Naiwan akong mag-isa. Nanginginig ako sa takot. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong pero walang boses ang gustong lumabas mula sa aking bibig.

Tiningnan ko ang aking kamay puno ito ng dugo. Marami ding dugo ang nasa aking higaan pati sa sahig.

"Selene!" Narinig kong tawag mula sa labas.

Di nagtagal sunod-sunod na nagsidatingan ang mga kapitbahay sa pangunguna ni Aling Narsing.

"Juskong bata ka anong ginawa mo?" Mabilis niya akong dinaluhan pero hindi natuloy ang paglapit nya sa akin pagkakita sa kutsilyong hawak ko. Agad ko naman itong binitawan saka pa lumapit sa akin si Aling Narsing.

Mabilis niya akong niyakap. Madami syang sinabi sa akin pero wala na akong naintindihan. Para na akong natulala. Parang nablangko ang utak ko. Nanginginig lang ang buong katawan ko at hindi alam kung ano ang gagawin.

Gusto kong umiyak pero walang lumalabas na luha sa mga mata ko. Para akong natuyo. Tahimik lang ako at patuloy na nanginginig. Sobrang lakas ng kaba ng aking dibdib, parang lalabas na ang aking puso. Nag-iinit ang batok ko, namamanhid ang aking mukha. Pakiramdam ko nahihirapan na akong huminga.

Si Aling Narsing ay yakap ako, umiiyak ang ginang. Pati ang ibang kapitbahay ay nakisilip na rin sa akin. Iba-ibang emosyon ang nakikita ko sa mga mata nila. Ang iba naawa, pero ang iba naman nanghuhusga.

Hindi nagtagal dumating na ang mga pulis .Diristo silang lumapit sa akin. Yung babaeng pulis ang kumuha sa akin mula kay Aling Narsing at sya na rin ang nagdala sa akin palabas.

Napuno ng tao ang bakuran namin, kahit sa labasan, madaming tao. Marami ang nakiusyuso. Nakatulala lang ako habang nakatingin sa kanila. Nakita kong nagbubulung-bulungan sila. Hindi pa man nila alam ang totoong nangyari dinig ko na ang panghuhusga nila. Lalo na ang makita nilaa ng kalagayan ko. Duguan pa ang mga kamay ko, pati ang aking damit. Wala din akong tsinelas.

Lalong dumami ang mga nakiusyuso ng palabas na kami. Halos wala na kaming madaanan. Nahawi lang ang mga ito ng pinalabas sila ng mga pulis. Ayaw pang magsilabasan, gusto pa ngang pumasok sa bahay. Mabuti nalang madami ang pulis na rumesponde. May nilagay na harang para wag silang makapasok sa bakuran namin. May mga pulis ding nakabantay sa gate.

"Ang bata pa, kriminal na!"

" Si Ramon na tumayong ama sa kanya, pinakain, binihisan pero nagawa nya pang saktan. Di na ako magtataka kung bakit iniwan yan ng nanay nya."

"May lahing kriminal. Mana siguro sa tatay!"

Narinig kong sabi ng mga nakiusyuso pero hindi ko na nakita ang mukha nila dahil pinayuko na ako ng babaeng pulis. May nilagay itong jacket sa ulo ko at niyakap ako palapit sa kanya habang naglalakad kami palabas.

Nanginginig ako sa takot na baka kuyugin akong ng mga kapitbahay. Kung ano-anong masasakit na salita pa ang aking narinig ko mula sa kanila. May nambato pa sa akin bago ako nakapasok sa sasakyan ng mga pulis kaya muntik pang magkagulo ang mga tao at ang mga pulis.

"May kamag-anak ka ba na pwedeng tawagan, Ineng?" Tanong ng pulis sa akin nang nasa sasakayan na kami. Iling lang ang naging sagot ko sa kanya. Hindi na rin ito nag-usisa pa. Sinabihan nya nalang ang kasamahan na umalis na kami.

Tahimik lang ako sa byahe. Nanginginig pa din ang buong katawan ko. Walang kapitbahay ang sumama sa akin. Si Aling Narsing ay hindi ko na rin nakita.

Sa pagkakataong ito, nararamdaman ko na naman ulit na mag-isa ako.

Kasalanan ba ang ginawa ko? Kasalanan bang ipagtanggol ko ang aking sarili?

Nanginginig ang mga paa ko sa bawat hakbang papasok ng presento. Takot ako mapunta sa lugar na 'to, takot ako sa mga pulis dahil ito ang palaging panakot ni Mama sa akin dati. Pero ngayon, heto ako, nandito sa presento para sa kasalanang di ko naman sinasadya.

"Andito na pala ang killer. Ilang taon na ba yan?"

Para akong nabingi sa aking narinig nang sinalubong kami ng isa pang pulis. Nakita ko pa ang panlalaki ng mata sa kanya nung pulis na kasama ko pero tila balewala lang ito sa kanya. Ngumisi pa ito sa akin tsaka umiling sabay patunog ng dila. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya pero marami pa itong sinabi.

"Madami na talagang bata ang napariwara ngayon. Tapos gobyerno ang sisisihin. Dapat sa mga ganyan—" pero di niya na tinuloy. Tinitigan ko sya pamilyar ang mukha nya sa akin.

Pagtigin ko sa paligid marami silang nakatingin sa akin. Nagbubulung-bulungan. Siguro alam na nila ang ginawa ko.

May narinig pa akong sumigaw dun sa unahan. Tinatanong kung ako ba yung killer.

Killer na ba ang tawag sa akin ngayon?

Napatay ko ba talaga si Uncle Ramon?

"Tumahimik kayong lahat kung ayaw niyong malagot kay Major Castillo. Pati bata pinapatulan niyo. Bwesit!"

Nilinisan muna ako ng babaeng pulis. Pinaligo niya ako sa banyo para mawala ang mga dugong dumikit sa akin tapos binigyan ako ng damit pamalit.

Pagkatapos dinala niya ako sa isang maliit na silid. May isang lalaking naghihintay sa amin doon. Dalawa na sila ngayon, ang babaeng pulis na kumuha sa akin sa bahay at isa pang pulis na tahimik lang pero seryoso ang mukha.

"You can start asking the kid, Sergeant Mendoza." Mahinang utos ng lalaking pulis sa babaeng kasama nya. Agad namang tumango ang babaeng pulis at umayos ng upo paharap sa akin.

"Be mindful of your words."

"Yes, Sir Nate." Magalang na sagot ng babae sa lalaki.

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. Inaantok na ako at para na akong nahihilo pero kailangan ko pa silang kausapin. Narinig ko kanina nung hindi pa dumating itong lalaking pulis na nasa harapan ko na ipapakulong daw ako bilang parusa sa kasalanang nagawa ko.

Natatakot ako pero kung yun ang kaparusahan sa ginawa kong pagdepensa sa sarili ko, wala akong magagawa kundi ang tanggapin ito. Siguro ito talaga ang nakatadhana sa akin.

"Wag kang kabahan, Ineng, magtatanong lang kami."Sabi ng babaeng pulis tapos may nilagay itong maliit na parang radyo sa harapan ko. Nadako ang tingin ko doon, "Recorder yan, lahat ng pag-uusapan natin ngayon ay mare-record dyan. Ibibigay natin sa abugado para sa depensa mo."

Madami pa syang sinabi sa akin pero wala akong naiintindihan kaya tumango na lang ako. Siguro sa madaling salita inayos nya lang ang kanyang imbestigasyon para mas madali ang pagpapakulong sa akin.

"Anong totoo mong pangalan, Ineng." Malumanay nyang tanong sa akin.

Dati sa telebisyon ko lang ito nakikita pero ngayon sa akin na mismo nangyayari. Matagal akong tumingin sa kanilang dalawa, parehas silang magaan lang ang tingin sa akin. Pero yung lalaking pulis natatakot ako sa kanya. May kung ano akong nakikita sa mga mata niya an hindi ko kayang ipaliwanag. Yung uri ng tingin nya sa akin ay magaan lang pero tila ba nagbabala ito na alam nya kapag nagsisinungaling ako.

"Mary Selene Monferrer po." Mahina kong sagot. Ang dalawang kamay ko ay magkasalikop sa aking harapan, pilit pinipigilan ang panginginig nito. Ewan ko lang kung napansin ba nila pero kanina pa ako nanginginig.

Kanina ginamot pa ng pulis ang sugat ko sa aking kamay. Hindi ko namalayan na nasugatan pala ako.

"Wag kang matakot, sabihin mo lang sa amin kung ano ang nagyari." Hinahawakan niya ang dalawang kamay ko, nanginginig na pala ako. Unti-unti na ring nababalot ang mga mata ko ng luha. "Tutulungan ka namin. Kaming bahala sayo."

Ganyan din ang sinabi sa akin ni Uncle Ramon noon, tutulungan nya ako at syang bahala sa akin pero anong nangyari ngayon. Siya din pala ang magpapahamak sa akin.

"Andito si Major Castillo, sya ang tutulong sayo. Magtiwala ka." Pagtingin ko sa lalaki doon ka na di mapigilan ang sariling lumuha.

Ayokong umiyak. Pagod na akong umiyak, palagi nalang akong umiiyak. Buong buhay ko ito nalang ata ang ginawa ko ang umiyak.

Paano na ako nito ngayon?

"Ipapakulong niyo po ba ako? Wala po akong kasalanan. Pinagtanggol ko lang ang aking sarili." umiiyak kong sabi. Malakas na ang mga hikbi ko.

Bakit ko ba kailangang maranasan 'to? Iniwan na nga ako ni Mama, ngayon makukulong pa ako.

Tuluyan nang kumawala ang emosyon ko. Tuluyan na akong umiyak habang nagkukwento sa kanila kung ano ang nangyari bakit ko nasaksak si Uncle Ramon.

"Wala akong kasalanan, natutulog lang ako tapos biglang pumasok si Uncle Ramon sa silid ko . Nagising ako dahil hinaplos nya ang binti ko. Pagkatapos tinutukan niya ako ng kutsilyo. Gusto kong sumigaw para humingi ng tulong pero tinakpan nya ang bibig ko. Sasaksakin nya daw ako kapag sumigaw ako."

" Nagmakaawa ako sa kanya. Sabi niya madali lang daw, hindi daw ako masasaktan. Hinalikan niya ako, dinilaan nya ako dito." Tinuro ko ang iba't ibang parte ng katawan kong dinilaan ni Uncle Ramon. Parang nararamdaman ko pa ang dila nya sa katawan ko, nandidiri ako. "Umiyak ako, nagmamakaawa pero hindi niya ako pinakinggan. Huhubarin nya na sana ang shorts ko pero malakas ko syang tinadyakan. Natamaan ko ang ari nya kaya nabitawan nya ang kutsilyo dahil nasaktan sya. Dadamputin nya sana ito para i*****k sa akin pero naunahan ko siya."

"Hindi ko na alam ang sunod na nangyari dahil nakapikit na ako. Ang alam ko lang ay mahigpit ang hawak ko sa kutsilyo. Pagdilat ko ng mga mata, duguan at hindi na gumagalaw si Uncle Ramon."

Lumakas ang mga iyak ko at halos hindi na ako makapagsalita. Naramdaman kong humigpit ang hawak ng babaeng pulis sa kamay ko.

"Hindi ko sinasadyang saksakin si Uncle Ramon. Maniwala kayo sa akin, hindi ko po sinadya. Hindi po ako mamamatay tao. Natakot lang po ako sa gagawin niya sa akin. Pero hindi ko po sinasadya, maniwala po kayo."

Matagal akong umiyak. Halos di na ako makahinga. Pinakalma muna ako ng mga pulis bago nagpatuloy ang mga tanong nila sa akin.

"Ayos na ba pakiramdam mo? Pwede na tayong magpatuloy?" Tumango ako sa kanya.

"Paano kayo nagkakilala nung lalaking kasama mo sa bahay? Kaano-ano mo siya?"

"Hindi ko sya kaano-ano. Nakilala ko lang sya dahil madalas syang napunta sa bahay namin. Uncle Ramon ang tawag ko sa kanya, kaibigan sya ni Mama. Kaya sya nakatira sa amin dahil umalis si Mama na may utang sa kanya. Sabi niya doon lang muna sya habang hinihintay namin na babalik si Mama."

"Saan ang Mama mo? Bakit ka nya iniwan sa kaibigan nya? Wala ka bang ibang kamag-anak na pwede nyang pag-iwanan sa 'yo? O di kaya sa Papa mo nalang?"

Sunod-sunod nyang tanong sa akin. Kinunutan pa sya ng noo ng lalaking pulis dahil sa mga tanong nya kaya humingi ito ng paumanhin sa akin.

"Iniwan po ako ni Mama." Yun palang ang nasabi ko pero naiiyak na naman ako. Yumuko ako para itago ang namumuong luha sa aking mga mata. Walang nagsalita mula sa kanila. Hinayaan muna nila akong kalmahin ang sarili ko.

"Hindi ko rin po kilala ang Papa ko. Wala din po kaming ibang kamag-anak na kilala ko. Nag-iisang anak lang po ako ni Mama. Sa totoo lang hindi ko po alam kung nasaan sya ngayon. Matagal na rin akong walang balita sa kanya. Pero ang sabi ni Uncle Ramon sa akin nakausap niya na daw si Mama, babalik daw ito galing Japan kapag nakapag-ipon na. Habang hinihintay niya si Mama, doon muna sya sa bahay para sa negosyo nya."

Nakita ko ang pagkunot ng kilay nung lalaking pulis. Nakita ko din ang pagkuyom ng kamao nya pero wala itong sinabi.

Nagkatinginan silang dalawa, walang sinasabi pero parang nagkakintindihan na sila sa tinginan pa lang.

"Alam mo ba kung anong klase ang negosyo ng Uncle Ramon mo?" Tanong ulit ng babaeng pulis at tumango ako.

"Opo."

"Pwede mo bang sabihin sa amin kung anong klase ang negosyo nya at anong ginagawa nya?"

"Opo. Nagbebenta po si Uncle Ramon nung maliliit na pakete ng asin."

"Asin?" Paninigurado nito sa akin at muli akong tumango.

"Opo, asin po. Ang sabi ni Uncle Ramon sa akin first class daw yung asin na yun kaya hindi basta saan nakukuha. Bawal din daw akong mag-ingay at baka mainggit daw ang mga kapitbahay. Madalas ako pa ang nagdadala nun sa mga suki niya. Nilalagay nya sa bag ko at ako ang naghahatid. Tapos nilalagay lang din nila ang bayad sa bag ko pero hindi ko pwedeng tingnan o hawakan. Dapat hindi ko galawin, yun ang bilin niya sa akin."

"Malakas po ang negosyo ni Uncle Ramon. Madami syang suki, ang iba kaparehas niyo din po, mga pulis. Yung iba naman mga mayayaman, may magagandang sasakyan. Kung sino-sino lang po, babae at lalaki, yung iba mga estudyante pa po."

"Yung iba naman pumupunta pa doon sa bahay. Mas maganda daw kasi sa bahay sila kumuha para walang problema. Minsan nga nakikita ko pa sila sa loob ng silid ni Uncle Ramon na sinisinghot nila ang asin. Hindi naman ako pwedeng magtanong kung anong klaseng asin ang binebenta niya dahil nung minsang nagtanong ako, nagalit sya sa akin. Kapag nagtanong daw ako ulit, hindi niya na kontakin ang mama ko at palalayasin niya na ako sa bahay."

"Mabait naman si Uncle Ramon sa akin, sya ang bumibili ng pagkain namin. Hindi niya na rin ako pinabalik sa pamamasura. Binibilhan niya din po ako ng laruan at mga damit. Ang sabi nya kapag naging masunurin ako sa kanya, pag-aaralin niya ako. At kapag mas lumaki pa daw ang negosyo nya ako ang gagawin nyang kanang kamay kapag malaki na ako."

"Kilala mo ba ang mga pupumunta sa bahay niyo? Kapag nakita mo ba sila maalala mo ang mga mukha nila? Pwede mo ba silang ituro sa amin?"

Sunod-sunod akong tumango sa mga tanong nya. Sa madalas na pag-uutos ni Uncle Ramon sa akin, madami na din akong kilalang mga suki nya at isa na doon yung pulis na sumalubong sa akin kanina.

Kaya pala pamilyar ang mukha nya sa akin. Naalala ko na kung saan ko sya nakita, sya yung dinalhan ko ng asin sa may likod ng simbahan. Meron ding maliit na envelope na laman ay pera ang pinabigay ni Uncle Ramon sa kanya.

"Nabanggit mo kanina may mga pulis na kaibigan ang Uncle Ramon mo? Natatandaan mo ba mga mukha nila?" Tumango ako ulit.

"Opo, yung iba po natatandaan ko po. Lalo na po yung linggohan na pinapadalhan ni Uncle Ramon. Yung iba po hindi ko nakikita ang mukha dahil may suot po silang mask at nakasumbrero po. Sa katanuyan po, meron pong kaibigan si Uncle Ramon dito po na kasamahan niyo."

Sabay na napaayos ng upo silang dalawa.

"Kasamahan namin?" Ulit ng babaeng pulis sa sinabi ko, tumango ako sa kanya bilang pagkumpirma.

"Opo, kasamahan niyo po. Nakita ko po sya kanina sa labas pagdating ko. Naalala niyo po yung lalaking unang sumalubong sa akin po? Yung tumawag po sa aking killer, sya po yun."

"What did he call you?" Sa unang pagkakataon nagsalita ang lalaking pulis. Tumingin ako sa kanya, hindi ako masyadong magaling sa ingles at mabilis ang pagkakasabi nya nun kaya hindi ko naintindihan.

"Anong tinawag nya sayo?" Sa pagkakataong ito, marahan at iba na ring ang tono ng pagkatanong nya sa akin pero dahil hindi ako sumagot yung babaeng pulis ang binalingan nya.

"Si Ismael Major, sya ang unang sumalubong sa amin kanina. Winarningan ko na pero hindi nakinig sa akin."

Nag-usap pa sila saglit bago nila ako muling hinarap.

"Selene, sigurado ka ba na yung pulis na nakita mo sa labas kanina ay kilala na Uncle Ramon mo?"

"Opo, sigurado po ako dahil ilang beses po akong nag-abot ng bag sa kanya. Hindi ko lang po sure kung natatandaan nya ba ako kasi mabilis lang naman po eh. Pagkaabot ko sa kanya, aalis din naman po ako agad. Basta sa pulis po, bawal po akong magtagal, tsaka bawal din po makipag-usap."

Sinabi ko sa kanila ang lahat ng mga nalaman ko tungkol sa negosyo ni Uncle Ramon. May mga pinakita silang larawan sa akin, yung iba nakila ko, yung iba naman hindi. Maliban doon sa isa pang pulis na sumalubong sa amin, tinuro ko din ang ibang kasamahan nila na inabutan ko din noon.

Tinanong ko sila kung bakit nila tinatanong yun pero wala namang silang sinabi kung para saan yun. Ang sabi lang nila sa akin gusto lang nila malaman kung sino ang mga suki at mga kaibigan ni Uncle Ramon.

Pagkatapos naming mag-usap dinala na ako ng babaeng pulis sa isa pang silid. Doon nya ako dinala dahil yun daw ang opisina nung lalaking kausap ko kanina. May malaking sofa doon, sabi niya doon daw muna ako matulog habang naghihintay ng umaga.

Narinig kong nagpaalam ang lalaking pulis kanina, may pupuntahan lang daw pero babalik agad. Nagbilin pa ito na siguraduhing walang sinunmang makakalapit sa akin hanggat sa di pa sya bumabalik.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog pero naalimpungatan ako ng may narinig akong nag-uusap sa labas ng aking silid. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Dahan-dahan akong bumangon at naglakad palapit sa may pintuan. Dinikit ko ang tenga ko doon at nabosesan ko ang babaeng nagtatanong sa akin kanina.

"Tanga mo naman Ismael. Paano mo malulusutan yan ngayon? Kasama ko si Major Castillo kanina nung in-interogate namin ang bata. Sa palagay mo makakatakas ka pa? Pasalamat ka nga at may emergency sa bahay nila si Major ngayon pero sigurado akong babalik yun agad.Dumagdag ka pa talaga sa problema niya ano?"

"Hindi ako pwedeng madawit dito. Magre-retire na ako, Mendoza, alam mo yun. Saan ang bata ngayon?"

"Sana nag-ingat ka. Nasa loob ang bata hindi pwedeng galawin kundi ako ang malilintikan kay Major. Kaya kung ako ikaw umal—"

Isang malakas na putok ng baril ang aking narinig na nasundan pa. Nagkabarilan sa labas.

Sa sobrang pagkataranta ko ni-lock ko ang pinto. Saktong pagka-lock ay gumalaw ang seradura. Pagkatapos ay may tumadyak mula sa labas.

"Bata! Buksan mo to! Alam kong andyan ka!"

Hindi ko man nakikita pero kilala ko ang may-ari ng boses. Yun yung lalaking kaibigan ni Uncle Ramon.

Muli niyang tinadyakan ang pintuan pero mabuksan dahil naka-lock ito. Nanginginig na ako sa takot. Tumakbo ako doon sa mesang nasa gitna at magtatago sana sa ilalim ng mesa pero nasagi ko ang computer nya. Bigla itong umilaw, pagtingin ko doon, parang namanhid ang buong katawan ko sa aking nakita.

Nakita ko ang babaeng nagtanong sa akin kanina nakahandusay sa labas na pintuan, ang dugo nya ay nagkalat sa sahig. Meron ding nakabulagta sa unahan pero yung lalaking tumatawag sa akin ay nandun pa rin, duguan pero hindi umaalis. May hawak syang baril.

Nanginginig na ako sa takot. Hindi ko na alam ang aking gagawin. Muli niyang tinadyakan ang pintuan at sa pagkakataong ito binaril niya na ang pintuan.

"Bata! Lumabas ka na dyan!" Muli niyang sigaw. Umiiyak na ako.

Hindi niya ako pwedeng makuha dahil sigurado akong papatayin nya ako. Inilibot ko ang tingin sa paligid. May nakita akong isang pintuan. Hindi ko alam kung saan yun papunta pero wala na akong ibang choice.

Nagmamadali akong tumakbo doon at nagbabasakali na mabuksan ko. Nabuksan ko pero kadiliman ang tumambad sa akin. Natatakot ako dahil wala akong makita pero mas natatakot ako dahil ilang sunod-sunod na putok na ang narinig ko. Pumasok ako sa pintuan na hindi ko alam kung anong nandun, pero nagulat ako pagkasarado ko sa pintuan biglang bumukas ang ilaw.

May ilaw pero walang tao. Maliit lang ang silid na meron pang isang pintuan. Walang pahitan, pindutan lang meron. Hindi ko alam kung paano bubuksan. Abot abot na ang kaba ko. Hindi ko na makontrol ang panginginig ng kamay ko. Pumindot lang ako ng pumindot at bigla nalang itong bumukas.

Kadiliman ang muling sumalubong sa akin. Hindi ko na alam ang aking gagawin. Desperado na akong makatakas. Sa nanginginig kong katawan pumasok ako sa silid kahit walang kasiguraduhan. Ilang minuto lang umandar ito. Hindi ko alam kung saan ito papunta hanggang sa bigla itong huminto at awtomatikong bumukas.

Pagtingin ko, nasa labas na ako. Hindi ko alam kung saang parte na ito ng presinto pero walang tao. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag, malapit ng lumabas ang araw. Inipon ko ang natitirang lakas ko at sa nanghihina kong katawan, tumakbo ako sa abot ng aking makakaya.

Takbo lang ako ng takbo. Hindi ko alam kung gaano kalayo ang inabot ko at kung gaano ako katagal tumakbo. Kung saan-saan ako nagsususuot hanggang sa natagpuan ko nalang ang aking sariling nakasakay na sa isang bus.

Nang malayo na kami doon ko naramdaman lahat ng pagod ko. Nanghihina ang katawan ko pero nilaban ko. Tahimik akong umiyak at sa pagkakataong ito pinangako ko sa aking sarili na wala ng ibang pwedeng manakit sa akin. Hinding hindi na ako papayag na masaktan ako ulit.

Sisikapin kung mabuhay mag-isa. Kakalimutan ko ang mga taong nang-iwan sa akin. Magiging malakas ako at kahit talikuranan ako ng lahat kaya kong alagaan ang sarili ko.

Tatalikuran man ako ng mga tao pero hindi ko tatalikuran ang sarili ko.

——————————————-

Related chapters

  • Sandoval Series #3 : Beneath the Moonlight Caleb Lexus Sando   Chapter 6

    "Kainin mo na yang burger mo, kundi, ibibigay ko yan sa batang katabi mo." Mahina pero may diing sabi ng babae sa batang katabi nya. Ako naman ay nabuhayan ng loob at tahimik na naghihintay na kalabitin niya para ibigay ang burger pero hindi ito nangyari. Ilang beses niya na itong inulit kanina pero hanggang ngayon di nya naman binibigay sa akin. Tinatakam nya lang ata ako.Paasa!Malayo na ang binyahe namin at sa totoo lang kanina pa ako nagugutom. Lalo pang kumakalam ang sikmura ko sa amoy ng burger na hawak nung bata. Ewan ko sa batang 'to kung anong trip nya at ayaw nyang kainin ang burger. Eh kung binigay nila yan sa akin, kanina pa yan ubos. Wala pang five minutes ubos na yan."Kainin mo na kasi yan Therese, wag na matigas ang ulo, kanina mo pa hawak yan. Last nalang talaga Therese, ibibigay ko na talaga yan sa bata, sige ka."Dumilat na ako sa kunwaring pagtutulug-tulugan pagkarinig ulit sa sinabi ng babae. Nag-inat ako at tumingin sa labas, mataas na ang araw. Hindi ko alam

    Last Updated : 2024-11-19
  • Sandoval Series #3 : Beneath the Moonlight Caleb Lexus Sando   Chapter 7

    "Naliligo ka ba?"Natigil ako sa pag-aayos ng nagulo kong buhok dahil sa maarteng tanong nung batang maldita dun sa batang maiksi ang buhok at hindi pantay ang gupit ng bangs.Nag-aayos din ito ng buhok niya. Ang kaninang buhok na maayos ang pagkatirintas ay magulo na rin ngayon. Nadumihan din ang damit nya dahil na nagpagulong-gulong kaming tatlo kanina sa lupa.Samantalang yung batang hindi pantay ang bangs ay walang pakialam na umupo sa karton na nakalatag sa lupa. Hindi din nito alintana kung magulo ang buhok niya. Wala lang, blangko lang ang tingin nito sa amin pero kalmado na ito ngayon."I'm asking you, naliligo ka ba?" Ulit nung batang maldita sabay tingin sa mga kuko nya. Siguro may nakapasok na mga lupa doon o baka libag nung batang hindi pantay ang bangs."Anong tingin mo sa akin 'di kilala ang tubig? Malamang naliligo."Pabalang na sagot nito at sumulyap sa akin. Wala akong reaksyon. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. Yung batang maldita ay lumapit sa kanya at umupo sa

    Last Updated : 2024-11-24
  • Sandoval Series #3 : Beneath the Moonlight Caleb Lexus Sando   Chapter 8

    Ang tahimik at payapa kong buhay ay naging magulo simula ng makilala ko ang pangit at palaaway na apo ni Lola Asunta. Wala itong nagawang matino sa akin simula ng magkita kami. Ginawa niya na atang libangan ang asarin ako. Daig niya pa si Milagring at Mariposa. Isip bata kahit ang tanda na. Hindi bagay sa kanya ang malaki niyang katawan dahil isip bata sya. Para syang bonjing!Ayaw ko na nga sanang magdeliver dito kay Lola Asun dahil naiinis ako sa apo niya pero pinahanap ako ni Lola sa palengke sa mga tauhan niya. Sa isip ko sayang din naman ang tip ni binibigay ni Lola sa akin. Malaking tulong din yun para sa aming tatlo. Lalo na kung minsan matumal ang bentahan ni Milagring at Mariposa. Kung si Lola Asun lang wala naman talagang problema. Ang ginawa ko nalang ay tinetyempohan ko na wala itong apo niyang pangit sa tuwing nahahatid ako ng mga pinapabili sa akin pero nitong mga nakaraan palagi itong nasa opisina ni Lola. Hindi ko nga alam kung nag-aaral pa ba ito. Ginawa niya na ata

    Last Updated : 2024-11-25
  • Sandoval Series #3 : Beneath the Moonlight Caleb Lexus Sando   Chapter 9

    Di mawala-wala ang ngiti ko habang naglalakad ako pauwi ng bahay. Patalon talon pa ako at may malawak na ngiti sa aking mga labi. Sobrang saya ko dahil hindi lang ako nanalo ng tsokolate, kundi higit sa lahat nainis ko pa si pangit. Nanalo ako sa kalokohan nya. Akala siguro ng pangit na yun maiisahan niya ako? Haha! Neknek nya.Kita ko yung inis niya kanina eh. Galit na galit si pangit dun sa sinabi ko. Ano kaya ibig sabihin nung pang-inis ni Kuya Ford sa kanya at galit na galit sya dun? Chura daw katsuri gamay pitoy? Pati ako gusto kong matawa sa reaksyon nya. Ano kaya ibig sabihin nun noh? Bahala nga sya sa buhay nya! Basta ako, may toblerone na ako.Ang isang toblerone na may tatlong pirasong tatsulok na tira ni pangit ay kinain ko na. Hindi ko na pinansin ang laway ni pangit na dumikit doon. Wala naman sigurong rabies ang pangit na yun. Tsaka mukhang malinis naman si pangit. Mukhang nag-toothbrush naman.Ewan ko kasi kung anong trip ng mamang yun. Apaka damot at talagang sinasadya

    Last Updated : 2024-11-27
  • Sandoval Series #3 : Beneath the Moonlight Caleb Lexus Sando   Chapter 10

    "Gusto mo maging Endyiner? Ako gusto ko maging titser.""Ako gusto ko maging doktor.""Gusto ko maging macho dancer.""Ako gusto ko maging snatcher.""Ako bold star.""Ako blager"Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot sa mga pangarap ng mga kasamahan kong bata dito sa lansangan. Endyiner, titser, doktor, snatcher, bold star, blager, ako kaya? Libre lang naman mangarap sabi nila. Pinapili ko pa nga si Ate Chichay kung gusto nya ba maging abugado, doktor, nars, titser, stewardes o di kaya yung mga nagtatrabaho sa opisina. Pero ako pala mismo walang maisip na pangarap para sa sarili ko. Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto ko. Mabuti pa nga itong mga batang kasama namin dito kahit papano may gusto silang marating sa buhay. Ako kaya, kapag tumanda ako, ano kaya ang mangyayari sa akin? Minsan napapatanong din ako sa sarili ko. Habang buhay na bang ganito ang buhay ko? Dito na kaya ako tatanda at mamamatay sa lansangan? Magagaya kaya ako sa iba na itong l

    Last Updated : 2024-11-28
  • Sandoval Series #3 : Beneath the Moonlight Caleb Lexus Sando   Chapter 11

    "How is she?" Hindi ko alam kung gaano ako katagal natulog pero pagkagising ko ang pamilyar na boses ng isang lalaki ang una kong narinig. Tatlong salita lang mula sa kanya pero tandang-tanda ko pa ang mapang-asar na boses na yun. Kahit limang taon na ang lumipas, naalala ko pa rin kung sino ang may-ari nun. Pero ang tanong bakit sya nandito? Saang ospital ba ako nadala nina Ate?Naalala ko may lalaking kumuha sa akin mula kay Ate Chichay bago ako nawalan ng malay, possible kayang sya yun? Natatandaan niya pa kaya ako? Hindi naman na siguro, limang taon na ang lumipas. Tsaka sino ba ako para maalala niya? "Hinihintay nalang po naming magising si Ningning, Sir. Na-check na po sya ng doktor kanina. Okay naman na daw po yung result ng laboratory test nya. Kailangan lang daw magpahinga ng ilang araw tapos pwede na kaming lumabas." Boses yun ni Ate Chichay."How old are you again, Chiara?""Sixteen po.""Oh! So that explains. Tsk! tsk! Anyway, don't call me, Sir. Kuya Gus won't like it

    Last Updated : 2024-11-29
  • Sandoval Series #3 : Beneath the Moonlight Caleb Lexus Sando   Chapter 12

    "Kuya!"Excited kong tawag kay Kuya Lexus pagkababa nya ng sasakyan. Ngayon ang unang araw ko para mabayaran ang utang ko sa kanya. Hindi ito dumating sa tamang oras kaya akala ko hindi na ito pupunta ngayon. Kumaway ako na may malawak na ngiti. Akala ko hindi nya ako makikila pero agad itong ngumiti pagkakita sa akin. "Sino yan? Artista ba yan? Ang gwapo ah!" Narinig kong komento nung mga babae na nag-aabang ng sasakyan. "Hindi ata artista, mukhang modelo. Gwapo. Mukhang masarap. Daks oh!""Kuya ko yan!" Maldita kong sabi ko sa kanila pero alam kong hindi naman nila pinaniwalaan. Tinaasan pa nga ako ng kilay nung isa. Maldita di naman pantay pagkaguhit ng kilay niya. "Assumera! Kuya your face! Feeling yern?" Sabi niya sa akin. Sasagot pa sana ako pero pinili ko nalang ang tumahimik. Sabagay tama naman sila. Sa ayos ko ba at sa porma ni Kuya Lexus, mapagkamalan kaming mag-kuya? Syempre hindi! Baka anak pa ng katulong kamo, pwede.Parang modelo si Kuya lexus sa porma nya. Nakaput

    Last Updated : 2024-11-30
  • Sandoval Series #3 : Beneath the Moonlight Caleb Lexus Sando   Chapter 13

    "Good day, Kuya Lexus! How is you today? Finish gym?"Maaga palang nandito na ako sa penthouse ni Kuya. Sabado ngayon at wala kaming pasok. Maaga ako pumunta dito dahil gusto ko maaga matapos ang mga gawain ko. Pero sa totoo lang halos wala naman talaga akong trabaho dito sa kanya, mas madami pa nga ang pahinga ko at nood ng tv kapag nandito ako sa penthouse ni Kuya. Pagdating ko kanina ay sya namang pag-alis ni Kuya dahil pumunta itong gym kaya ngayon lang talaga kami nakapag-usap. Tapos ko na ang mga gawaing bahay. Nakapaglaba na ako gamit ang washing machine niya at nakapaglinis na rin. Nakapagsaing na rin ako dahil si Kuya ang magluluto ng tanghalian.Ganito ang routine naming dalawa tuwing sabado. Ggawin niya ang mga kailangan nyang gawin at gagawin ko din ang trabaho ko. Magluluto sya ng ulam at sabay kaming managhalian, tuturuan nya ako sa mga assignments ko, pagkatapos papasok ito sa silid niya para magtrabaho habang ako naman ay gagawa ng mga bagong burloloy na binebenta k

    Last Updated : 2024-12-01

Latest chapter

  • Sandoval Series #3 : Beneath the Moonlight Caleb Lexus Sando   Epilogue- Part 1

    Caleb's POV"Kuya where are you?"One. "Kuya what time are you coming?"Two."Kuya si Princess niaaway ako. Ako daw pinakapangit sa ating lahat. Diba si Hunter yun, Kuya? Pagalitan mo nga si Cooper please?"Three."Kuya ang gwapo ko daw sabi nung nurse. Sabi ko sa kanya 'I know'. Maliit na bagay lang Kuya diba? Hindi ka makakarelate noh kasi second ka lang sa akin?"Four."Kuya did you buy the bread?"Five."Kuya!!!"Six. "Gamay ka pitoy!"Seven."Pangit kabonding ah waay ga reply! Wala ka load? Pasaload gusto mo?"I don't know when he'll gonna stop bombarding my inbox with his nonsense text messages. It's the nth time I received messages from my twin brother, Cairo Ford. Hindi ko alam kung anong trip niya ngayon. Kanina nya pa ako pinapadalhan ng mensahe na puro kalokohan lang. Hindi ko sinasagot ang mga mensahe niya sa akin dahil nasa meeting ako kanina at heto nga hindi na nakatiis, tumatawag na.Cairo DPG calling... DPG stands for 'Dako Pit*y Gwapo'. The fuck yeah? Sya ang nagr

  • Sandoval Series #3 : Beneath the Moonlight Caleb Lexus Sando   Chapter 47

    The saddest part. Finally another story has come to an end. We're in the last chapter of Sandoval Series 3: Beneath the Moon! Maraming salamat sa pagsama niyo sa akin, sa iyakan, tampuhan kiligan, condo tour, house tour at hacienda tour ni Lexus at Ningning!Sana may natutunan kayong aral sa kwentong pag-ibig nina Caleb Lexus at Mary Selene. Daghang Salamat sa inyong tanan!'Til my next story. Amping ta!_________________________________Forgiveness. It takes a lot of grace and courage to forgive the person who has wronged you but forgiving that person is not only freeing them but more so of yourself, from the pain, from the trauma, from all the emotional betrayal they caused. The deep cuts that go along with being hurt by someone else, emotionally or physically is so traumatizing. That it may take years to heal, to recover, to forget and to move forward. In my case, that someone else is my mother. It's an unimaginably hard task to choose to let go of past hurts and begin to heal

  • Sandoval Series #3 : Beneath the Moonlight Caleb Lexus Sando   Chapter 46

    Weeks passed and the hacienda tour went very well. Araw-araw sagana sa kain ang monay ko. Plus may extra cleaning at massage pa with hot bath and dilig every after kainan. Talagang maganda ang pagkaka-bake sa monay. Sakto lang ang pag-alsa at paghalo.Tinotoo ni Caleb ang sinabi nitong hindi niya ako titigalan at babawiin nya ang mga taong nagkalayo kaming dalawa. Umuuwi pa nga ito mula sa trabaho para lang kumain ng monay ko. Meryenda forda gow!Araw-araw na din kasi siyang kinukulit ni Wyatt tungkol sa mga kapatid niya. Kung bakit hanggang ngayon wala pa rin. The pressure is on for both of us. Naiinggit na ang anak namin sa mga pinsan niyang maraming kapatid. Si Kuya Gustavo at Ate Chichay may kambal na, si Hera at Athena, nasundan din agad ng isang lalaki si Brooks na apat na taong gulang na at kabuwanan na rin ni Ate Chichay ngayon sa kambal ulit. Si Kuya Gaston at Ate Camilla naman ay meron ng Castor at Pollux tapos buntis na naman ngayon si Ate Cam at kambal din. "Baka kasi

  • Sandoval Series #3 : Beneath the Moonlight Caleb Lexus Sando   Chapter 45

    "Diin na ang utod ko Daddy? Hambal mo gab-i buhatan mo ko. Ngaa waay pa?" [Saan na po ang kapatid ko Daddy? Sabi mo po sa akin kagabi gagawan mo po ako. Bakit wala pa?]Nagising ako dahil sa nauulinigan kong usapan ng mag-ama ko mula sa balcony. Si Wyatt buhat ni Caleb nakalaylay ang ulo sa balikat at marahang sinasayaw-sayaw ng ama nya. Ang gandang bungad para sa umaga. Parang may humaplos sa puso ko. Isang tingin palang sa mag-ama ko kita mo na talaga kung gaano ka-close silang dalawa at kung gaano ka hands-on si Caleb kay Wyatt.This is the sight I've been dreaming of. Yung paggising ko sa umaga makikita ko agad ang mag-ama ko. Medyo nahuli lang ako ng gising ngayon dahil ang tagal naming natapos ni Caleb kagabi. At kaninang madaling araw naman umisa pa ito ulit sa akin. Sinulit niya talaga ang unang gabi naming dalawa. Mabuti na nga lang at hindi nagising si Wyatt. "Gusto ko Daddy damo-damo gid ah. Tapos dalian mo man." Hindi muna ako bumangon, pinanood ko muna ang mag-ama ko.

  • Sandoval Series #3 : Beneath the Moonlight Caleb Lexus Sando   Chapter 44

    Warning: R-18. Minors at hindi open minded skip niyo na lang muna ang pa hacienda tour ni Caleb.___________________________First night that our family is complete. Walang paglagyan ang tuwang nadarama ko sa aking dibdib. Hindi mawala ang ngiti sa aking labi. Para bang nasa cloud nine pa ako. Parang hindi pa rin ako makapaniwala na kasama ko na ulit ang mag-ama ko. Si Caleb kanina pa nakayakap at ayaw humiwalay sa akin. Kahit ilang beses na itong tinawag ng mga kapatid niya para mag-inuman sila. Kinakantyawan na nga sya pero ayaw talagang umalis sa tabi ko. Hanggang umakyat na kami dito sa silid nya sa mansion nila. Lahat silang magkakapatid ay may sari-sariling mga silid dito sa bahay nila pero si Ate Chichay at Kuya Gustavo ay umuwi sa bahay nila. May pinagawa palang bahay si Kuya Gustavo, yung dati daw nila cabana, dito lang din sa malawak nilang hacienda. Si Kuya Gaston at Ate Camilla ay umuwi din. Malapit lang din naman daw ang bahay nila ni Kuya Gaston dito, babalik lang daw

  • Sandoval Series #3 : Beneath the Moonlight Caleb Lexus Sando   Chapter 43

    "I'm sorry, Lexus. I'm sorry Wyatt kung—"Ilang salita pala ang aking nabitawan parang mga bakang sabay na nag-iyakan ang mag-ama ko. Parehas na silang dalawa ngayong nakaluhod sa harapan ko, magkasalikop ang kamay, nakatingala sa akin na para bang dinadasalan ako.Sinubukan kong patayuin si Wyatt pero sunod-sunod itong umiling sa akin. Nakikisimpatya sa tatay niya na ngayon ay parang bata na rin kung umiyak. Pinatayo ko din si Caleb pero ganun din ang ginawa niya, umiling din ito at nagmamakaawang tumingin. Right now, I am looking at two versions of them. The younger Caleb Lexus through Wyatt and the future version of Wyatt Aegaeon through his dad. Both of them are crying miserably. Kulang nalang ay maglupasay sa sahig. Si Wyatt magkahalo ng ang sipon at luha at si Caleb naman ay di na rin maitsura ang mukha."Wait lang—" Saway ko sa kanila pero hindi ako makabwelo dahil lalong lumakas ang iyak ng bata."Nanay please, please love love nalang kamo liwat ni Daddy. Kalooy man si Daddy

  • Sandoval Series #3 : Beneath the Moonlight Caleb Lexus Sando   Chapter 42

    "You're already my wife, Mary Selene Monferrer Campbell - Sandoval."I was lost for words. Para bang nablangko ang utak ko ng ilang minuto. Nawalan ako ng gustong sabihin. All along I was married to him at hindi ko man lang alam? At hindi man lang niya sinabi sa akin o kay Daddy?Nakaluhod pa rin ito sa harapan ko, puno ng luha ang mga mata. Nagmamakaawa at humihingi ng paumanhin at pag-uuanawa pero iba ang naging reaksyon. Iba ang pagkatanggap ko. Pakiramdamn ko niloko niya ako.Sinubukan niya akong hawakan pero tinabig ko ang kamay nya. "You tricked me?" Puno ng hinanakit ang boses kong tanong sa kanya. Nanginginig ang labi ko at halos di ko na sya makita sa dami nang luhang namumuo sa mga mata ko. " Ganun ba ako kabobo sa tingin mo Lexus para isahan mo ako?"Nag-uunahan nang mahulog ang mga luha sa aking pisngi. "Alam mo naman ang pinanggalingan ko diba? Alam mo ang mga pinagdaanan ko. Alam mo kung ano ang mga takot ko pero ginawa mo pa rin ito? Pwede mo naman akong kausapin. P

  • Sandoval Series #3 : Beneath the Moonlight Caleb Lexus Sando   Chapter 41

    "I'm sorry Selene. I didn't know that it's you. Akala ko kasi isa ka lang sa mga babaeng humahabol sa pangit na yan. Gosh! Sabi ko nga that time ang ganda mong babae para maghabol kay Caleb."Nasa meeting room kaming lahat sila lang magkakapatid dahil pinagpahinga ni Kuya ang Mamá at Papá nila dahil bawal pa ma-stress and dalawa at kagagaling lang sa ospital. Ang mga bata naman ay pinapasok muna sa playroom at pinabatayan sa mga yaya.Hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak. Nagkahalong pagkapihaya at inis ang nararamdaman ko. Hindi lang para sa aking sarili kundi para na rin kay Caleb. Ito naman ay tahimik lang sa aking tabi. Sinubukan niya akong haplusin sa likod pero pumiksi ako. Ang mga kapatid niyang lalaki ay seryoso lang ding nakatingin sa amin. Samantalang si Ate Cleo ay busy sa pagpapak ng pagkain. Si Kuya Gaston naman ay parang mabait na bata na nakasuporta lang sa asawa niya. Camilla ang pangalan nung babae. Si Kuya Gustavo naman ay parang behave na bata na umupo sa tab

  • Sandoval Series #3 : Beneath the Moonlight Caleb Lexus Sando   Chapter 40

    "Daw monika ka, Nanay." Literal na kumikislap ang kulay asul na mga mata ng anak ko habang sinasabi ang mga katagang yun. Natingala ito sa akin na tila ba gandang-ganda talaga sya sa nanay nya. [Para ka pong manika Nanay.]Papunta na kami sa mansion ng mga Sandoval. Nakakandong sa akin si Wyatt at kanina pa niya ako pinupuri. Kaming tatlo ng Daddy niya ang nakaupo sa likuran ng sasakyan habang si Kuya Gustavo ang nagmamaneho at si Ate Chichay naman ang nasa harapan. "Gwapa gid si Nanay mo Wyatt?" Nakangiting tanong ni Ate Chichay. Ginaya pa nito ang tono ng pagsasalita ng bata bago makahulugang sumulyap kay Caleb na tahimik lang sa tabi ko. "Perti gid kagwapa bala Tita Andi. Si Nanay ku gid pinakagwapa sa tanan tanan ya!" Maingat nitong inabot ang mukha ko at nakangiting tumitig sa akin. [Sobrang ganda po Tita Andi. Si Nanay ko po ang pinaka maganda sa lahat.]"Kaya pala dead na dead yung kilala ko sa Nanay mo, Wyatt. Ang ganda naman kasi ng bunso na yan. Ningning namin yan eh. Dib

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status