Share

Sandoval Series #3 : Beneath the Moonlight Caleb Lexus Sando
Sandoval Series #3 : Beneath the Moonlight Caleb Lexus Sando
Author: LadyAva16

Prologue

WARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY

Life has knocked her down so many times. Made her experience failures, sadness and frustrations. But one thing she always make sure, whatever those problems she may face, she will always get up

At a very young age Selene, fell in love and gave her all but the man who promised her forever broke up with her without telling her his reasons.

She was left with nothing but heartaches. She begged for him but he never gave her a chance. 

He dumped her, said words that hurt her to the core.

The man who once adored her just robbed her innocence and threw her like a garbage, disgusted by her presence.  

*********

"Hoy lampayatot! Bat andito ka na naman? Ang baho-baho mo! Hindi ka ba naliligo?"

Hindi ko pinansin ang pasaring nga mga kapitbahay namin na kaedaran ko lang. Naglalaro sila ngayon at dumaan lang ako. Ayoko silang patulan dahil totoo naman kasing mabaho ako. Hindi pa kasi ako naliligo.

"Yuck kadiri! Doon ka nga! Amoy basura ka!" Tinulak pa ako pero di ako lumaban. Pagkatapos nagtawanan sila. Hindi ako pumalag. Okay lang, sanay na ako. Tiningnan ko lang sila. Mas malaki sila sa akin at kung lalaban ako, ako pa ang mabubugbog pagdating sa bahay. 

Hindi rin ako kumontra dahil totoo naman ang sinabi nilang mabaho ako. Hindi pa ako naliligo dahil kanina pagkagising ko diritso na ako sa palengke para magtinda ng kung ano-ano. Pagkatapos ko naman sa palengke diritso na ako sa pamumulot ng  bote at bakal at kung anong pwede kong e-benta.

Sa edad kong pito, sana ay naglalaro ako kasama ng mga kaedaran ko pero hindi ito maari. Kailangan kong maghanapbuhay. Sa mura kong edad natuto na akong maghanap ng pera. Kung anong trabaho na kaya ko ay pinasok ko na. Pamamasura, pagtitinda sa palengke, pangongolekta ng darak ng baboy, kahit ano basta may pera. Kailangan, dahil kung hindi ko gagawin parehas kaming magugutuman ni Mama.

"Anong yang dala mo? Siguro ninakaw mo yan ano?"

Tiningnan ko ang maliit na cake na bigay sa akin nung may-ari ng bakery pagkatapos maingat ko itong nilayo sa kanila. 

Binigyan ako ng cake dahil patingin-tingin ako sa mga cake na paninda dun sa bakery kanina gusto ko sanang bumili. Birthday ko ngayong araw pero kulang ang pera ko. Mabuti nalang at may mabait na Kuya doon kanina, binilhan niya ako. 

Nagmamadali akong umalis bago pa nila maisipang kunin sa akin ang cake ko. Ito lang ang handa ko ngayong kaarawan ko pero masaya na ako. Pagsasaluhan namin ito ni Mama, yun ay kung hindi sya lasing ngayon. 

Kaunti lang ang kalakal na nai-benta ko at kaunti lang ang naitinda kong mga rekado. Sapat lang ang perang kinita ko pambili ng pagkain namin ni Mama ngayong araw at para bukas ng umaga.

Seventy pesos ang kinita ko.  Bukas hindi ko alam kung saan na naman ako maghahanap ng pera. Ayaw na daw akong pagtindahin ni Aling Bebang dahil mali-mali daw ang sukli ko. Malulugi daw sila kapag nagbigay pa sila ulit ng paninda sa akin.

Pitong taong gulang na ako pero hindi pa ako marunong magbasa at magsulat. Hindi ako pinag-aral ni Mama dahil sabi niya kapag lumaki na ako magpapabuntis lang din daw naman ako. Wala daw silbi na mag-aral ako dahil sa bahay lang naman daw ako mag-aalalaga ng mga bata. 

Sa totoo lang naiinggit ako sa mga kaedaran kong pumapasok sa paaralan. Gusto ko din sanang matutong magbasa at magsulat. Gusto ko din sanang masubukang gumising ng maaga, magsuot ng uniporme at kumanta ng bayang magiliw. 

Pero okay lang, hindi ako pwedeng magrereklamo dahil magagalit si Mama sa akin.  Ang mahalaga lang naman sa akin ay masunod ko ang gusto ni Mama para hindi sya magalit. Hindi niya ako bugbugin. 

Ayokong nagagalit si Mama sa akin. Ayokong iwan niya ako. Ayokong mag-isa. Kaming dalawa lang ang magkasama sa buhay.

Lumaki akong walang nakilalang ama. Galit si Mama sa papa ko ni ayaw nyang banggitin ang pangalan nito. 

Hindi ko rin alam kung taga saan si Papa at kung bakit hindi namin sya kasama. Ang alam ko lang galit na galit si Mama sa kanya. Demonyo ang tawag ni Mama kay Papa. 

At dahil anak ako ni Papa, anak ng demoyo ang tawag ni Mama sa akin. 

"Ma!" Sa labas pa lang tinawag ko na si Mama. Maingay ang loob ng bahay, malakas ang music na sinasabayan nila ng kanta. 

Andito na naman sila. Lalong hindi kakasya ang bigas na binili ko para sa amin ni Mama. 

"Oh, Chona andito na ang anak mo." Narinig kong sabi ng kainuman ni Mama, nasa pintuan palang ako.

"Ano yang dala mo, Neng? Pagkain ba yan? Kanina pa kami nagugutom." Tanong sa akin nung may pinakamalaking tyan. Sa kanilang lahat ito ang palaging kainuman ni Mama.

Hindi ako sumagot. Tumingin lang ako sa kanila pero ang lalaki tumayo at kinuha ang cake na hawak ko. Yung isa naman kinuha ang bigas at sardinas na binili ko at dumiritso sa kusina. "Ako na ang bahala dito, Neng. Maligo ka muna at nangangamoy basura ka."

Para akong natulala habang nakatingin sa kanila. Yung lalaking kumuha ng bigas ay nagsimula nang magsaing at yung isa naman kumuha ng cake ay nagsimula nang kainin ang cake ko. 

Naiiya ako pero pinipigilan ko ang aking sarili. Hindi sa nagdadamot ako pero cake ko yun. Bigay sa akin yun. Hindi ko kinain dahil gusto ko paghatian namin ni Mama pero basta nalang nila kinuha sa akin. Ni hindi ko nga tinikman yun kahit konti. 

"San ka nanggaling bat ngayon ka lang?"

Natigil ako sa pagpasok ko dahil sa tanong ni Mama.  Halos hindi niya na maidilat ang mata sa sobrang kalasingan. Madaming bote ng alak ang nagkalat sa sahig,  mga balat ng chitchirya at meron pang suka.

Araw-araw ganito ang eksenang nadadatnan ko dito sa bahay. Iba-ibang lalaki ang kainuman ni Mama. Minsan ang iba nakikitulog pa sa silid niya. 

"Yan na ba ang anak mo Chona? Ang laki na ah ilang taon na yan?" Tanong nung lalaking katabi ni Mama. Ngayon ko lang ito nakita dito sa bahay. Pinasadahan niya ako ng tingin at hindi ko alam pero bigla akong kinilabutan sa uri ng tinging pinukol niya sa akin. Pakiramdam ko nagsitayuana ang mga balahibo ko. Nakakatakot ang mata niya, namumula. 

"Ang ganda pala ng anak mo, Chona." Dagdag nito pagkatapos nagbuga ito ng usok mula sa sigarilyo nya. 

Kinuha ni Mama ang sigarilyo sa kamay niya at humithit doon. Pagkatapos matalim ang mga mata nitong tumingin sa akin. 

"Tumahimik ka Ramon. Hindi ko anak yan, anak yan ng demonyo." Pasinghal nitong sabi. Nanlilisik ang mga mata ni Mama. Galit na naman sya sa akin. At kapag ganitong lasing sya natatakot ako sa kanya kapag sya ang nagalit. Baka sasaktan na naman nya ako. Hindi pa gumaling ang mga paso ng sigarilyo sa likod ko. 

 "Bakit di ka pa namatay? Sana hindi na kita binuhay."

Natigilan ako. Parang may kumurot sa puso ko. Araw-araw ko naman itong naririnig kay Mama pero hanggang ngayon hindi pa rin ako nasasanay. Sumasakit pa rin ang puso ko. 

"Sabagay mana ka sa Tatay mong demonyo. Ang tagal mamatay!"

Ilang beses akong kumurap para mawala ang luhang namumuo sa mga mata ko. Lasing lang si Mama kaya niya nasasabi yan. Alam kong mahal niya ako dahil kung hindi, matagal niya na akong iniwan. 

"Anong dala mo? May pera ka ba dyan?"

Hindi muna ako sumagot sa kanya. Limang peso nalang ang naiwan sa akin, pambili ko ito bukas ng kape nya para mahimasmasan sya. 

Humakbang ako palapit kay Mama para sana magmano pero malakas na sampal ang  lumagapak sa aking pisngi. Natigagal ako. Para akong nabingi sa lakas ng pagkakasampal niya. Kahit ang mga kainuman nya ay nagulat din sa ginawa ni Mama pero walang tumulong sa akin. 

Hawak ko ang aking pisngi at tumutulo ang mga luhang tumingin sa mga mata nya. Pero kagaya ng dati, wala akong makikitang emosyon sa mga mata ni Mama maliban sa galit at pagkamuhi. 

"Ikaw ang dahilan kung bakit nasira ang buhay ko! Dahil sayo nawala ang lahat sa akin. Ikaw at ang demonyo mong ama. Hanggat nabubuhay ako hindi ka magiging masaya. Sana mamatay ka na." Malakas niyang sigaw sa akin. 

Hindi pa ito nakuntento sa isang sampal niya sa akin, sinundan niya pa sa kabila. Nawalan ako ng balanse at natumba ako. Akala ko itatayo niya ako pero malakas niya akong sinabunutan at nginudngod sa sahig. Sa sobrang lakas ng pagkakahawak nya sa buhok ko pakiramdam ko matatanggal na ito sa anit ko. 

Inaawat sya ng mga kasama niya pero ayaw paawat ni Mama. Ayokong umiyak pero sobrang lakas ng pagkakasabunot nya sa akin. Mahapdi ang anit ko at pakiramdam ko namamanhid na ang ulo ko.

"Tama na po Ma..." Humihikbi kong sabi.

"Kulang pa yan sa kamalasang dala mo sa buhay ko! Mamatay ka na sana! Kelan ka ba mawala sa buhay ko para makalimutan ko na ang ginawa ng demonyo mong ama! Demonya ka! Parehas kayong demonyo ng tatay mo!"

Kung ano-anong masasakit na salita pa ang aking narinig mula kay Mama. Ilang sampal at sabunot pa ang kanyang ginawa bago ito nagpaawat sa mga kainuman nya. 

Tinulungan ako nung lalaking nagngangalang Ramon. Inalalayan niya akong tumayo at nilayo ako kay Mama. 

Tumakbo ako sa aking silid at doon umiyak. Naririnig ko ang pagwawala ni Mama sa labas. Kung ano-anong mga bagay ang tinatapon nito. Narinig ko ang mga boteng nabasag.

Umiiyak din si Mama habang minumura kami ng papa ko. Dapat masanay na ako, dapat hindi na ako nasasaktan.

Pero hindi ko maintindihan kung bakit sya nagagalit sa akin. Wala naman akong kasalanan sa kanya. Hindi ko kasalanan ang kasalanan ni Papa.

Hindi ko kasalanan ang maging bunga ng panggagahasa ni Papa. 

 Alam kong hindi madali ang mga pinagdaanan ni Mama. Yung araw-araw, sa tuwing nakikita nya ako pinapaalala ko sa kanya ang pambababoy ni Papa. Pero hanggang kailan ko paghihirapan ang kasalanang hindi ko naman ginawa? Habang buhay nalang ba akong magdurusa?

Kung ganito lang naman pala, sana hindi niya nalang ako binuhay. Sana hinayaan niya nalang akong mamatay. 

"Selene!"

Isang malakas ng tadyak ang nabukas sa pintuan sa aking silid. Pagtingin ko doon ang magulo at miserableng anyo ni Mama ang bumungad sa akin. Nanlilisik ang mga mga mata nya. May hawak itong kutsilyo at tumutulo ang dugo sa kamay nya. 

Kung noon, natatakot ako sa tuwing may hawak syang kutsilyo, ngayon tila ba wala na akong maramdaman. Wala na akong maramdamang takot, parang namanhid na ang puso at isip ko.

"Tapusin na natin 'to Selene. Tama na. Pagod na pagod na ako." 

Dahan-dahan itong humakbang palapit sa akin. Hindi niya inalis ang tingin sa mga mata ko.Sa bawat hakbang nya nakikita ko ang mga luhang isa-isang nag-uunahan sa kanyang pisngi. Gusto kong umiyak pero pakiramdam ko natuyo na lahat ng luha ko. Wala nang luhang gustong umaagos sa mga mata ko. 

Tinaas niya ang kutsilyong kawak niya nang hindi inaalis ang tingin sa akin. Sinalubong ko ang mga mata niyat at malungkot akong ngumiti sa kanya. 

Siguro hanggang dito nalang talaga kami ni Mama. Tama na rin siguro ito. Matatapos na lahat ng paghihirap niya. 

"Sige na Ma, para makapagpahinga ka na." Sabi ko sa kanya sabay pikit ng aking mga mata. 

________________________

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status