All Chapters of Dark Boss 2: Hiding the Mafia Billionaire's Heirs: Chapter 1 - Chapter 10

30 Chapters

KABANATA 1

Dalawang pulang linya ang nakita ni Seraphim Anastasia Arandia sa tatlong pregnancy test kit na sinubukan niya.Samu’t saring emosyon ang kanyang nararamdaman. Takot. Kaba. Saya.Hindi niya na maipaliwanag ang mga nasa dibdib niya ngayon at isang butil ng luha ang naglandas sa mga mata niya at nagsunod-sunod pa ng maalala niya na halos mag-iisang buwan na ring nanlalamig ang kanyang asawang si Philip Kahili Callari.Laman ng chismis ngayon na dumating na ang kababata nitong gusto raw ng lalaki pero martyr na kung martyr, ayaw niyang maniwala sa mga chismis hanggat hindi nakikita ng mismong mga mata niya.Pinunasan ni Phim ang kaniyang luha at tumayo upang mag-ayos ng sarili. Walang mangyayari kung magmumukmok at iiyak lang siya sa loob ng banyo, baka makasama pa sa batang nasa sinapupunanan niya. Pupuntahan na lang niya si Philip at sasabihin dito ang kalagayan. Karapatan din naman nitong malaman na may nabuo sa gabing hindi nila sinasadyang magsiping.Hindi na siya nag-ayos ng maran
last updateLast Updated : 2024-10-16
Read more

KABANATA 2: Flashback

Malakas na sampal ang natamo ni Seraphim matapos maling mangkok ang naibigay niya kay Rosita na kaniyang nanay.“Wala ka talagang kwentang bata ka! Puke lang gamit sa ’yo ng asawa mo!” nanggigigil nitong ani sa kaniya kaya ‘di niya napagilang tingnan ito ng masama ng kaparehas pa rin namang mangkok ang kinuha nito. “Ang sama ng tingin, Rosita, bigyan mo nga ng sampol,” sulsol naman ng ama niyang si Ben sa nanay niyang supukado ang isipan. Kaya imbes na magpatuloy na itong tumalikod ay bumalik ito na nanglilisik ang mga mata. Nakatanggap siya ng sunod-sunod na suntok na tumama sa iba’t-ibang parte ng kaniyang katawan at sabunot.“Napaka-inggrata mong hayop ka! Sana hindi na lang kita inire!” galit na galit na sigaw nito. Tanging pag-iyak na lamang ang kaniyang nagawa nang kaladkarin pa siya nito sa buhok papunta sa kanilang sala.“Ma! Tama na po ‘yan!” dinig niyang sigaw ng nakababatang kapatid.“Itigil niyo na po ‘yan, mama!” boses naman ng lalaking kapatid. Halo-halo na ang kaniyan
last updateLast Updated : 2024-10-16
Read more

KABANATA 3: Flashback

Ang planong pag-iyak ni Phim ay hindi natuloy ng maabutan niya ang kaniyang mga magulang na nagpapakalasing na naman.Maraming baseyo ng alak ang nagkalat sa kanilang kusina pati na rin sa lamesita ng kanilang sala. Kaya naman kahit hindi pa siya nakakapagbihis at nabibitawan ang kaniyang bag ay inisa-isa niyang pulutin ang mga kalat ng mga ito.Hawak ang mga bote at hugasing mga plato sa magkabilang kamay ay dumaan siya papunta sa kusina at planong dahan-dahanin na ang mga hugasing nakatambak.“Putangina kasi ng mga kamag-anak ng Callari na ‘yon,” rinig niyang angil ng ina sa lalasing-lasing na boses.Hindi na sana niya ito papansinin dahil dala na rin ng pagod at sakit na dinulot ng araw na ito ay gusto niya nang mahimlay sa kaniyang higaan at pansamantalang kalimutan ang linya-linyang mga problema mula sa bayarin ng kaniyang mga kapatid sa eskwelahan hanggang sa pagtataksil ng kaniyang dating nobyong si Art. Akmang lalakad na palayo ay tinawag siya ng ina sa galit na boses, “hoy,
last updateLast Updated : 2024-10-16
Read more

KABANATA 4

Namamanhid ang buo niyang katawan. Pinipigilan lang ni Seraphim ang muling pag-iyak dahil alam niya na hindi ito makakabuti sa kaniyang dinadala.Hindi niya inaakala na ang isang beses na nagpadala siya sa init ng katawan dahil lamang sa mabait at maalaga ang lalaki ay magbubunga agad.Alam niya na hindi nito sinasadya na mabuntis siya pero mas hindi niya alam na pagkatapos pala nito makuha ang kaniyang pagkababae ay babalik ito sa una nitong minahal kaya ngayon ay nagdurugo ang kaniyang pusong muling sumubok sa pag-ibig.Kasalukuyan niyang inilalabas ang malaking maleta at kinukuha ang mga lumang damit na dala niya galing sa kanila. Iniwan ni Seraphim ang mga bagay na bigay sa kaniya ni Philip. Wala siyang dadalhin na makapagpapaalala dito kundi ang kaniyang anghel lamang.Kahit takot siyang iwan ang nga kapatid at putulin din ang koneksiyon sa mga ito ay wala siyang magagawa. Sapat na siguro ang naipadala niyang pera para gawin ni Althea ang mga dapat gawin. Sana lamang ay nakabukod
last updateLast Updated : 2024-10-16
Read more

KABANATA 5: PHILIP KAHILI CALLARI’S POV

He grab his tie and unlock the first two button of his suit. Umaakyat na naman ang dugo ni Philip sa ulo dahil sa pagmamatigas ng mag-asawang Arandia. Kahit nasa kaniya na ang titulo ng kumpanya ng mga ito ay nanggugulo pa rin ang mga gago.Tutunggain na sana niya ang alak ng mag-ring ang telepono na konektado sa kaniyang sekretarya kaya naman sinagot niya ito.“Sir, nandito po sila Mr. Arandia sa kabilang linya. May sasabihin daw sila sa ‘yo.” Ang dugo niya na umaakyat pa lang sa kaniyang ulo ay tuluyan na ngang nakaakyat at parang sasabog pa siya sa galit.“What the fuck do they need? Connect them to me!” Sigaw niya at rinig sa kabilang linya na nagmamadali ang sekretarya.“What do you need?” Mariing tanong niya at napahilot sa sintidong pumipintig sa galit.“Huwag kang magalit, Callari. Tiyak ko namang magugustuhan mo ang sasabihin ko,” nakakairitang sabi nito na dinugtungan pa ng malademonyong tawa.Isa ang pamilya Arandia sa dapat mawala sa mundo, hindi lamang sa parte ito sa mg
last updateLast Updated : 2024-10-16
Read more

KABANATA 6

Hindi na alam ni Seraphim kung saan siya pupunta at ano ang uunahin. Nananakit na rin kasi ang kaniyang tiyan at natatakot siyang baka ano ang mangyari sa bata sa kaniyang sinapupuna kaya naman dumaan siya sa isang hospital.“Hi, miss. Saan dito ‘yong pagpa-ultrasound?” Tanong niya sa front desk at agad naman siya nitong tinuro papunta sa opisina raw ni doctor Marquez.“Dito po, ma'am. Hintay lang po kayo saglit at ikaw na ang susunod na papasok,” ngumiti sa kaniya ang babae kaya naman kahit punong-puno ng problema ay ginantihan niya ito ng ngiti.“Thank you,” sagot niya at tumalikod na ito. Hindi naman nagtagal ang paghihintay niya ng pinapasok na siya ng sekretarya ng doctor. Agad nanuot sa kaniyang ilong ang aroma ng kape at isang masuyong musika na parang dinuduyan siya sa antok.“Hi!” Bati sa kaniya ng magandang doktor at ang maliwanag nitong aura ay parang nakakahawa.Agad naman siyang umupo at iniwan ang maleta sa may munting sala ng opisina saka nagsimulang magkwento sa pakay
last updateLast Updated : 2024-10-17
Read more

KABANATA 7

Inutusan ng doktora na pauwiin na lang muna ang ibang pasyente niyang naghihintay sa labas ng kaniyang opisina at hinabilinan ang sekretarya na walang pagsasabihan sa nakita nito kung ayaw nitong mawalan ng trabaho.“Calm down, Phim. Baka kung anong mangyari sa mga anak mo. Stress is not on our bucket list and I'll do my best to eliminate that stress,” determinado nitong pahayag at hinawakan pa ang kaniyang balikat.Hindi na siya makasagot sa takot na nararamdaman. Ayaw niyang bumalik sa poder nito at baka ano pa ang mangyari sa kaniyang mga anak.“May fire exit sa dulo ng hilera ng opisina ko. I will call my driver to meet us there. Huwag mo dalhin ang maleta mo, mahahalata tayo ng mga tauhan ni Philip,” tuloy-tuloy nitong salita habang hinuhubad ang doctor's robe nito at stethoscope na nasa leeg.“Here, hold your babies. Sa kanila ka kumuha ng lakas. Listen, Phim.” Pagkabigay nito ng sonogram sa kaniya ay hinawakan nito ang pisngi niya at mariin siyang pinakatitigan.“Tuso ang asawa
last updateLast Updated : 2024-10-17
Read more

KABANATA 8

Dahil sa pagod ay hindi na rin napigilan ni Seraphim na makatulog at nang magising siya ay nakahinto ang van sa isang parking space. Nakita niyang kumakain si Katya ang ang driver nito ng take out galing sa isang sikat na fast food chain.Napansin naman agad ni Katya na nagising na siya kaya mabilis nitong nilunok ang nginunguya at sumipsip sa hawak nitong baso.“Kamusta pakiramdam mo?” Tanong nito.Hindi naman napigilan ni Phim ang mag-inat at napahikab.*Sorry, inaantok pa kasi ako,” hinging paumanhin niya sa babae.“It's okay. Alam ko namang antukin ang mga buntis lalo nat nasa first trimester ka pa lang.”Namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan at ngayong lang siya ginapangan ng hiya nang ma-realize niya ang perwisyong naidulot sa doktora.“Pasensya ka na talaga, Katya. Malaking perwisyo na ang naibigay ko sa ‘yo,” muling paghingi niya ng pasensya dito na tinawanan lang ng babae.“Ano ka ba! Wala lang ‘yon noh! Sino pa ba ang tutulong sa babae kundi ang kapwa babae rin niya?”
last updateLast Updated : 2024-10-18
Read more

KABANATA 9

Paliit nang paliit ang mga gusali sa baba habang sila ay pataas nang pataas sa himpapawid. Maganda ang tanawin sa kabuuan ng Manila. Hindi niya lang maiwasang malungkot sa isipang iiwan niya ang mga kapatid at hindi nagpapaalam sa mga ito.Kapag kasi ginawa niya ang bagay na iyon ay siguradong ang mga ito naman ang mapapahamak dahil pagbubuntungan ito ng galit ni Philip.Hindi niya lang maiwasang mapatanong kung bakit humingi it ng kalayaan tapos no’ng iniwan niya na ay saka siya nito hahabulin. “Nakabusangot ka na naman. Baka paglabas ng mga inaanak ko eh nakasimangot na rin mga ‘yan sige ka,” narinig niyang sabi ni Katya kaya napalingon siya rito.“Iniisip ko lang si Philip,” sagot niya at ibinalik ang tingin sa tanawin sa kanilang baba.“Sus,” rinig niyang palatak nito na hindi na sana niya papansinin.“Sa totoo lang, fiancé talaga ako ng kaibigan niyang si Aureus pero shit happened at ito nagtatago rin ako sa kaniya,” pagbubunyag nito kaya nakuha nito ang atensiyon niya.“Pero pa
last updateLast Updated : 2024-10-18
Read more

KABANATA 9

Mabilis lumipas ang siyam na buwan simula nang makarating si Seraphim sa isla ng Leyte. Nakakapag-adjust na rin siya sa normal na kultura ng lugar kagaya na lang ng mga sigawan kahit umaga pa lang. Hindi sigawan ng pag-aaway kundi sigawan ng normal na pag-uusap.Likas na malalakas ang boses ng mga tao sa lugar at walang mahinhin ang hindi makukuha ang ugaling ito kapag matagal nang nakatira sa isla.“Uday,” pagtawag sa kaniya ni inang Salome. Uday ay para sa ija.“Ano po ‘yon, inang?” Sagot niya sa matanda. Nilapitan naman siya ni inang Salome ag hinimas-himas ang kalakihan ng kaniyang tiyan. Kabuwanan niya na ngayon at hinihintay na lang niya si Katya na dumating para i-check ang lagay ng kaniyang mga anak.“Naka-ano, nakahanda na an imo mga gamit?” (nakahanda na ‘yong mga gamit mo?) Tanong nito. May halong waray-waray pa rin ang pananagalog nito at ayos lang naman iyon sa kaniya dahil ginagawa naman nito ang lahat para magkaintindihan sila pati na rin ang ibang tao sa isla.“Opo, in
last updateLast Updated : 2024-10-19
Read more
PREV
123
DMCA.com Protection Status