Ang planong pag-iyak ni Phim ay hindi natuloy ng maabutan niya ang kaniyang mga magulang na nagpapakalasing na naman.
Maraming baseyo ng alak ang nagkalat sa kanilang kusina pati na rin sa lamesita ng kanilang sala. Kaya naman kahit hindi pa siya nakakapagbihis at nabibitawan ang kaniyang bag ay inisa-isa niyang pulutin ang mga kalat ng mga ito. Hawak ang mga bote at hugasing mga plato sa magkabilang kamay ay dumaan siya papunta sa kusina at planong dahan-dahanin na ang mga hugasing nakatambak. “Putangina kasi ng mga kamag-anak ng Callari na ‘yon,” rinig niyang angil ng ina sa lalasing-lasing na boses. Hindi na sana niya ito papansinin dahil dala na rin ng pagod at sakit na dinulot ng araw na ito ay gusto niya nang mahimlay sa kaniyang higaan at pansamantalang kalimutan ang linya-linyang mga problema mula sa bayarin ng kaniyang mga kapatid sa eskwelahan hanggang sa pagtataksil ng kaniyang dating nobyong si Art. Akmang lalakad na palayo ay tinawag siya ng ina sa galit na boses, “hoy, Phim! Halika nga dito!” “Po?” Magalang na sagot niya kahit ayaw niya na itong pansinin at talikuran na lamang. “Nakikita mo ba yan, Ben? Imbes na ang negosyo natin ang ibigay natin sa pesteng Callari na ‘yon, bakit hindi na lang ‘tong walang kwentang anak natin?” Parang demonyong nakangisi ang ina at unti-unti naman ay isang nakakakilabot na ngisi ang gumuhit sa labi ng kaniyang ama. “Tama ka, Rosita. Maganda naman si Phim, matangkad, maputi, matangos ang ilong. Aba! Hindi na lugi si Callari sa anak natin. Magaganda na ang magiging produkto nilang dalawa,” sulsol pa ng ama na halatang wala na sa sariling katinuan. Pinag-uusapan siya ng mga ito na parang ibebentang baboy lamang sa palengke. Ni-hindi muna siya tinanong kung papayag ba siya o kung ano ang mararadaman niya ngayong gagawin siyang pantubos ng mga magulang sa negosyo nila! “Ma! Pa! Ano ba naman ‘yan?!” Hindi na mapigilan ni Seraphim ang sigaw na kumawala sa kaniyang bibig. Sigaw ng naguguluhan at ayaw tanggapin ang pumapasok na ideya sa kaniyang isip sa ibig sabihin ng mga ito “‘Wag mo ako masigaw-sigawan! Pumasok ka sa silid mo at mag-ayos. Pupunta tayo kay Callari at ikaw ang gagawin naming pangtubos sa nakasangla nating negosyo!” Nanlilisik ang mga mata ng ina. Halatang lulong na naman ito sa masamang gamot. Napailing-iling siya at napaatras. “Ano?! Hindi niyo p’wedeng basta na lang akong ipamigay! Ni-hindi ko nga kilala ang Callari na ‘yan!” Pagtututol niya na nakatanggap lang ng magkasunod na sampal ni Rosita at paghampas ng lamesa ni Ben. “Tangina mo talagang bata ka! Kung ayaw mo, si Althea na lang ang dadalhin namin tutal desinuwebe na rin naman ang batang ‘yon!” Sigaw ng kaniyang ama at tumayo, akmang pupuntahan ang babaeng nakababatang kapatid. Agad na nanlamig ang buong katawan niya. Hindi maaari na ang kapatid niya ang pagbuntungan ng mga ito! Hinding-hindi siya makakapayag! “Papa, huwag po!” Sa kakamadaling mahabol niya ang kaniyang ama ay natisod pa siya at pasalampak na nahawakan ang paa nito. “Inggrata!” Tinadyakan siya nito at patuloy na naglakad papunta sa kwarto ng mga kapatid. “Oo na! Oo na! Susundin ko na ang mga gusto niyo! Tigilan niyo lang si Althea at Robin!” Pagsuko niya dahil alam naman niyang gagawin nito ang mga gusto kahit umiyak siya ng dugo at maglupasay sa sariling luha. Dumura si Rosita at sinindihan ang hawak na yosi. “‘Yun naman pala eh. Ano pa nginangawa mo? Mag-ayos ka na putrages nang mabawi na namin ‘yung titulo ng kumpanya!” Singhal nito habang lumalabas ang usok ng sigarilyo sa ilong at bibig. Kahit ayaw niya ay gagawin niya ito para sa mga kapatid. Kahit maubos siya ay pipiliin pa rin niya isakripisyo ang sarili para sa mga ito. Si Althea at Robin na lang ang meron siya at hindi niya hahayaan na may mangyaring masama sa mga ito. Mabilis dumaloy ang oras. Inihatid siya ng mga magulang sa mismong lungga ng lalaking ni-pangalan ay hindi niya alam. Halos lumabas na ang puso niya sa kaba dahil na rin naririnig niya ang usapan nina Rosita at Ben sa tiyak na agad na pagyaman daw nila. Kaya naman ngayon, suot ang puting bestida na may kaunting kolorete sa mukha at mga burloloy sa buhok ay pinagpapawisan ng todo ang kaniyang mga palad lalo na ng tumigil ang sinasakyan sa labas ng mataas na gusali. Gabi na at tila nakikisama ang langit dahil ni-isang bituin ay wala. Malamig rin ang ihip ng hangin baka maya-maya pa ay bumuhos ang ulan gaya na rin ng pagbuhos ulit ng kaniyang mga luha. Libu-libong masasamang eksena na ang naglalaro sa isip ni Seraphim, kung anong klaseng tao ba ang papakasalan niya, kung namimisikal ba ito o ang higit sa lahat kung mahilig ba ito sa seksuwal na mga aktibidad. Malabo na sa kay Seraphim ang sumunod na mga pangyayari. Namalayan na lamang niya na nasa loob na sila ng isang opisina. Hinablot siya ng ina papunta sa upuan katabi pang lalaking makalaglag panga ang tindig at pustura. Marahas ang tangos ng ilong nito at halatang may lahing banyaga at ang magkaibang kulay ng mata nito na asul at berde ay kumikinang sa tuwing natatamaan ng liwanag. Malayo sa naiisip niyang matandang lalaking uugo-ugod na may malaking tiyan at pandak. “Is that how you deliver your parcel?” Baritono ang boses nito. Buong-buo, walang bahid ng banayad. Iba rin ang bukas ng mukha. Para lang talaga siyang gamit na ipagbibili para sa pera at kasunduan na hindi niya alam. “Hindi naman Philip! Baka kasi pumalag pa. Mahirap na hulihin ulit ang isda kapag nakabalik na naman sa tubig!” Maligayang sagot ni Ben at hindi mapakali sa kinauupuan nang makita ang dalawang attaché case ang inilapag ng sekretarya nito at ang ilang papel na iniabot sa kanila. Agad dumiretso ang mga mata niya sa pangalan na katabi ng kaniya. Philip Kahili Callari—ang pangalan ng kaniyang mapapangasawa. Tunog mabangis at hindi papalinlang. May halong kilabot at angas ang tunog nito sa isip niya. Mabilis ang naging proseso, nagpalitan sila ng pirma hanggang sa inutos na ng lalaki ang paglilipat bahay niya sa penthouse nito. “Make sure to bring all of her belongings kasi hindi na siya babalik. She is sold to me. A deal is a deal,” may pagbabanta ang boses nito. Gumapang ang panlalamig sa likod niya dahil sa narinig at hindi niya na nagawang manlaban pa.Namamanhid ang buo niyang katawan. Pinipigilan lang ni Seraphim ang muling pag-iyak dahil alam niya na hindi ito makakabuti sa kaniyang dinadala.Hindi niya inaakala na ang isang beses na nagpadala siya sa init ng katawan dahil lamang sa mabait at maalaga ang lalaki ay magbubunga agad.Alam niya na hindi nito sinasadya na mabuntis siya pero mas hindi niya alam na pagkatapos pala nito makuha ang kaniyang pagkababae ay babalik ito sa una nitong minahal kaya ngayon ay nagdurugo ang kaniyang pusong muling sumubok sa pag-ibig.Kasalukuyan niyang inilalabas ang malaking maleta at kinukuha ang mga lumang damit na dala niya galing sa kanila. Iniwan ni Seraphim ang mga bagay na bigay sa kaniya ni Philip. Wala siyang dadalhin na makapagpapaalala dito kundi ang kaniyang anghel lamang.Kahit takot siyang iwan ang nga kapatid at putulin din ang koneksiyon sa mga ito ay wala siyang magagawa. Sapat na siguro ang naipadala niyang pera para gawin ni Althea ang mga dapat gawin. Sana lamang ay nakabukod
He grab his tie and unlock the first two button of his suit. Umaakyat na naman ang dugo ni Philip sa ulo dahil sa pagmamatigas ng mag-asawang Arandia. Kahit nasa kaniya na ang titulo ng kumpanya ng mga ito ay nanggugulo pa rin ang mga gago.Tutunggain na sana niya ang alak ng mag-ring ang telepono na konektado sa kaniyang sekretarya kaya naman sinagot niya ito.“Sir, nandito po sila Mr. Arandia sa kabilang linya. May sasabihin daw sila sa ‘yo.” Ang dugo niya na umaakyat pa lang sa kaniyang ulo ay tuluyan na ngang nakaakyat at parang sasabog pa siya sa galit.“What the fuck do they need? Connect them to me!” Sigaw niya at rinig sa kabilang linya na nagmamadali ang sekretarya.“What do you need?” Mariing tanong niya at napahilot sa sintidong pumipintig sa galit.“Huwag kang magalit, Callari. Tiyak ko namang magugustuhan mo ang sasabihin ko,” nakakairitang sabi nito na dinugtungan pa ng malademonyong tawa.Isa ang pamilya Arandia sa dapat mawala sa mundo, hindi lamang sa parte ito sa mg
Hindi na alam ni Seraphim kung saan siya pupunta at ano ang uunahin. Nananakit na rin kasi ang kaniyang tiyan at natatakot siyang baka ano ang mangyari sa bata sa kaniyang sinapupuna kaya naman dumaan siya sa isang hospital.“Hi, miss. Saan dito ‘yong pagpa-ultrasound?” Tanong niya sa front desk at agad naman siya nitong tinuro papunta sa opisina raw ni doctor Marquez.“Dito po, ma'am. Hintay lang po kayo saglit at ikaw na ang susunod na papasok,” ngumiti sa kaniya ang babae kaya naman kahit punong-puno ng problema ay ginantihan niya ito ng ngiti.“Thank you,” sagot niya at tumalikod na ito. Hindi naman nagtagal ang paghihintay niya ng pinapasok na siya ng sekretarya ng doctor. Agad nanuot sa kaniyang ilong ang aroma ng kape at isang masuyong musika na parang dinuduyan siya sa antok.“Hi!” Bati sa kaniya ng magandang doktor at ang maliwanag nitong aura ay parang nakakahawa.Agad naman siyang umupo at iniwan ang maleta sa may munting sala ng opisina saka nagsimulang magkwento sa pakay
Inutusan ng doktora na pauwiin na lang muna ang ibang pasyente niyang naghihintay sa labas ng kaniyang opisina at hinabilinan ang sekretarya na walang pagsasabihan sa nakita nito kung ayaw nitong mawalan ng trabaho.“Calm down, Phim. Baka kung anong mangyari sa mga anak mo. Stress is not on our bucket list and I'll do my best to eliminate that stress,” determinado nitong pahayag at hinawakan pa ang kaniyang balikat.Hindi na siya makasagot sa takot na nararamdaman. Ayaw niyang bumalik sa poder nito at baka ano pa ang mangyari sa kaniyang mga anak.“May fire exit sa dulo ng hilera ng opisina ko. I will call my driver to meet us there. Huwag mo dalhin ang maleta mo, mahahalata tayo ng mga tauhan ni Philip,” tuloy-tuloy nitong salita habang hinuhubad ang doctor's robe nito at stethoscope na nasa leeg.“Here, hold your babies. Sa kanila ka kumuha ng lakas. Listen, Phim.” Pagkabigay nito ng sonogram sa kaniya ay hinawakan nito ang pisngi niya at mariin siyang pinakatitigan.“Tuso ang asawa
Dahil sa pagod ay hindi na rin napigilan ni Seraphim na makatulog at nang magising siya ay nakahinto ang van sa isang parking space. Nakita niyang kumakain si Katya ang ang driver nito ng take out galing sa isang sikat na fast food chain.Napansin naman agad ni Katya na nagising na siya kaya mabilis nitong nilunok ang nginunguya at sumipsip sa hawak nitong baso.“Kamusta pakiramdam mo?” Tanong nito.Hindi naman napigilan ni Phim ang mag-inat at napahikab.*Sorry, inaantok pa kasi ako,” hinging paumanhin niya sa babae.“It's okay. Alam ko namang antukin ang mga buntis lalo nat nasa first trimester ka pa lang.”Namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan at ngayong lang siya ginapangan ng hiya nang ma-realize niya ang perwisyong naidulot sa doktora.“Pasensya ka na talaga, Katya. Malaking perwisyo na ang naibigay ko sa ‘yo,” muling paghingi niya ng pasensya dito na tinawanan lang ng babae.“Ano ka ba! Wala lang ‘yon noh! Sino pa ba ang tutulong sa babae kundi ang kapwa babae rin niya?”
Paliit nang paliit ang mga gusali sa baba habang sila ay pataas nang pataas sa himpapawid. Maganda ang tanawin sa kabuuan ng Manila. Hindi niya lang maiwasang malungkot sa isipang iiwan niya ang mga kapatid at hindi nagpapaalam sa mga ito.Kapag kasi ginawa niya ang bagay na iyon ay siguradong ang mga ito naman ang mapapahamak dahil pagbubuntungan ito ng galit ni Philip.Hindi niya lang maiwasang mapatanong kung bakit humingi it ng kalayaan tapos no’ng iniwan niya na ay saka siya nito hahabulin. “Nakabusangot ka na naman. Baka paglabas ng mga inaanak ko eh nakasimangot na rin mga ‘yan sige ka,” narinig niyang sabi ni Katya kaya napalingon siya rito.“Iniisip ko lang si Philip,” sagot niya at ibinalik ang tingin sa tanawin sa kanilang baba.“Sus,” rinig niyang palatak nito na hindi na sana niya papansinin.“Sa totoo lang, fiancé talaga ako ng kaibigan niyang si Aureus pero shit happened at ito nagtatago rin ako sa kaniya,” pagbubunyag nito kaya nakuha nito ang atensiyon niya.“Pero pa
Mabilis lumipas ang siyam na buwan simula nang makarating si Seraphim sa isla ng Leyte. Nakakapag-adjust na rin siya sa normal na kultura ng lugar kagaya na lang ng mga sigawan kahit umaga pa lang. Hindi sigawan ng pag-aaway kundi sigawan ng normal na pag-uusap.Likas na malalakas ang boses ng mga tao sa lugar at walang mahinhin ang hindi makukuha ang ugaling ito kapag matagal nang nakatira sa isla.“Uday,” pagtawag sa kaniya ni inang Salome. Uday ay para sa ija.“Ano po ‘yon, inang?” Sagot niya sa matanda. Nilapitan naman siya ni inang Salome ag hinimas-himas ang kalakihan ng kaniyang tiyan. Kabuwanan niya na ngayon at hinihintay na lang niya si Katya na dumating para i-check ang lagay ng kaniyang mga anak.“Naka-ano, nakahanda na an imo mga gamit?” (nakahanda na ‘yong mga gamit mo?) Tanong nito. May halong waray-waray pa rin ang pananagalog nito at ayos lang naman iyon sa kaniya dahil ginagawa naman nito ang lahat para magkaintindihan sila pati na rin ang ibang tao sa isla.“Opo, in
“A-Ano…” Nabitin ang itatanong niya nang pumasok na si Katya sa loob ng sasakyan at hinampas ang lalaking ngayon ay nakahawak na sa manibela.“Aray! Nakakadalawa ka na ngayong araw, mahal, ah! Ako naman dadalawa mamaya!” Reklamo nito pero may namumuong pilyong ngiti sa nga labi.“‘Tang ina mo talaga, Aureus,” nanggigil naman na sagot ni Katya bago siya binalingan.“Sorry about that, Phim. Ewan ko ba sa lalaking ito. Ang daming beses ko na pinagbantaan at tinaguan pero nahahanap pa rin ako,” binalingan nito ang nasa harap ng masamang tingin.Para namang sumusuko ito nang itaas nito ang dalawang kamay at binitiwan ang manibela kaya ang malakas na sigaw ni Katya ang umalingawngaw sa loob ng sasakyan.“Put your goddamn hands in the steering wheel or I'll be the one to put my hands on your neck until you turns blue!” Namumulang sigaw ni Katya sabayan pa ng lumalaging sakit na sa kaniyang tiyan.“Kapag nagkita na si Phim at Philip ay isusumbong kitang, putrages ka! Hindi ko na alam kung ano
HIS ex-wife wore a single ponytail and the light blue parent-child sportswear made her look very young. Halatang walang retoke ang mukha and there was a beautiful and sparkling light in her eyes like motherhood suits her better.Iniwas ni Philip ang paningin sa dating asawa at ininat ang mga paa na nasisikipan sa economy class seat dahil sa taglay niyang tangkad. Ang kalmado niyang puso ay muli na namang nagising dahil sa babae pero hindi pa rin mawala sa isip niya ang anak na nasa tabi nito at nahihimlay.Alam niya kung saan ito namalagi sa loob ng dalawang taon. Hindi niya na ito muling hinayaang umalis sa kaniyang paningin pero hindi pa ito ang oras na muli silang magsasama. Marami pa siyang kailangan linisin.HINDI niya pinansin ang lalaki na parang hindi niya ito kilala at gano'n din naman ang ginawa ng dating asawa sa kaniya.Pagkalipas ng ilang oras ay may stewardess na lumapit sa kanila upang alukin ng tanghalian. May dala itong dining cart and asked them what the wanted.Tini
Tumaas naman ang kilay ng lalaki at nakita niya pang pumasada ang paningin nito sa gilid ng kaniyang labing may bakas pa ng putok galing sa sampal nito.“Why? Do you regret it?” Puno ng sarkasmo nitong tanong.Ilang libong patalim ang tilantumarak sa puso ni Phim sa tanong ng asawa— dating asawa. Pinipirapiraso nito ang puso niya pero patuloy pa ring tumitibok ang bawat piraso para sa lalaki.She looked straight ahead and said softly, “Kung maibabalik ko lang ang panahon, mas pipiliin ko pang mamatay na lang kaming magkakapatid kaysa nagdurusa ngayon dahil sa ‘yo.” Aalis siya hindi lang para sa kapakanan niya kundi para na rin sa kapakanan ng tatlo niyang anak. Kaya niyang buhayin ang mga bata nang wala ang ama ng mga ito. Kaya niyang tumayo sa dalawa niyang paa na walang hihinihinging tulong dito.Para sa anak niyang may sakit, kakalimutan niya ang bawat parte ng sirang puso niyang tumitibok pa rin para kay Philip. Handa niyang talikuran ang lahat mailigtas lang ang bunso niya.Hind
Hindi mapakali si Phim dahil sa kalagayan ng anak na si Throne. Ang sabi kasi ng mga doctor na tumingin dito ay may cardiomyopathy o problema sa muscle ng heart na raw ang anak at kailangan itong maagapan agad at madala sa hospital sa lalong madaling panahon.Wala na siyang ibang malalapitan para mapaatras ang utos ng asawa niya sa mga hospital! Sinubukan na rin gawan ng paraan ni Katya pero kahit gaano pa makapangyarihan ang babae ay wala pa rin itong magawa.Kahit ilabas niya ang milyong-milyong salapi pa niya ay hindi niya kakayanin bayaran ang mga hospital para baliin ang utos ni Philip.Kaya naman, ang naiisip na lang ni Phim na huling alas niya ay ang asawa niya mismo. Makikiusap siya. Lulunukin niya ang pride para lang maligtas ang anak.Si Serpahim na walang kain at inom pa sa araw na iyon ay muling bumalik sa kompanya ng asawa. Wala na siyang pakialam kahit nakayapak siya at diret-diretso lang na naglakad sa opisina nito na hindi naman pinigilan ng sekretaryang nakatingin sa
Nag-alarm pa si Philip para lang maabutan ang mga anak niyang pumasok sa eskwelahan. Alam na kasi niya na sa tigas ng ulo ni Phim ay hindi siya nito hihintayin kahit na sinabi niyang siya ang maghahatid sa mga ito papuntang eskwelahan.Pagkabukas ng elevator na sinasakyan niya ay nagkagulatan pa sila ng babae na parang guilty sa nagawa nitong krimen. Pero agad rin iyon naglaho nang magpatuloy itong pumasok at parang wala lang siya rito.Nagtagis ang mga bagang niya sa trato sa kaniya ni Phim. Ito na nga ang may ganang maglayas at magtago, ito pa ang may ganang umakto ng parang wala lang.“Did you plan to go to school without me?” Seryosong niyang tanong sa asawa pero nananatili lang ito na tahimik.“Phim…” Pagtawag niya dito pero ang magaling ay tinalikuran siya at hinarap ang mga anak na nakatingala sa kaniya at sa nanay ng mga ito. Gusto niya na magkunot-noo pero nakamasid sa kaniya si Tristian kaya pigil na pigil niya ang sarili at binigyan ito ng maliit na ngiti. “Give me that. L
Ang galit ni Phim kay Philip ay hindi kayang pasanin ni Satanas kahit magtulong-tulong pa ito ng mga alalay ng demonyo.Hindi na sakit ang nararamdaman ng babae kundi galit! Punong-puno siya ng galit para dito. “Inday!” Tawag niya sa dalagita na agad namang napatingala sa kaniyang namumutla at bumalik ang tingin nito sa walang sapin niyang paa.“M-ma'am, ma'am si Tron-tron, ma'am,” sunod-sunod ang paglandas ng luha nito sa pisngi habang hawak-hawak ang kamay ng walang malay na batang may suksok na karayom.Hinimas niya muna ang ulo ng dalawang anak na tahimik lang na nakayakap sa kaniya at saka nilapitan si Throne na parang mahimbing lang na natutulog at walang iniindang masakit.Lumuhod siya sa harap nito at hinaplos ang buhok ng anak. Hindi niya mapigilang umiyak dahil sa awa sa kalagayan nito. Ang galit niya ay tuluyang dumoble nang makitang dinadaan-daanan lang sila ng mga nurse at iba pang trabahante ng hospital. Nandidilim ang kaniyang paningin kaya nagawa niyang haklitin ang
Ilang ulit pinahiran ni Phim ang luha pati na rin ang namutok niyang labi. Walang ibang pumapasok sa isip niya kundi ang nag-uumapaw na pagkamuhi sa lalaki.Wala na talaga ang dating lalaking nakasama niya sa mailing panahon sa loob ng iisang bahay. Hindi pa rin makapaniwala si Phim na makukuha siya nitong saktan dahil lang sa pagbanggit sa babae nito.Gano'n na ba ito kaimportante sa lalaki na handa nitong ipagpalit siya na nanay ng mga anak nito.She scoffed in disbelief, ‘nanay’ lang pala siya ng mga anak nito at mag-asawa lang sila sa papel. Hindi dapat siya umaakto na parang nasasaktan siya dahil lang nakita niya itong may parang babasaging manika sa bisig nito.Pinagtiringinan siya ng mga empleyado ng lalaki ngunit hindi niya binigyang pansin ang mga ito. Isipin na nito ang isipin pero gusto na lang agad niya makarating sa kanilang bahay at magmukmok.Pinara agad niya ang nakitang paparating na taxi at agad na nagpahatid sa kanilang condo.Pagkarating ay agad siyang pumasok sa l
Na-corner na nga si Phim ni Philip at wala na siyang ibang matakbuhan pa dahil ang dalawang kamay nito ay nakadiin sa pader at siya naman ay nakakulong sa gitna ng mga ito.“You better tell me right now or you won't like the consequences of your actions,” banta nito pero matibay pa rin ang loob niya na hindi ito sundin.Matagal silang nagkatitigan ng lalaki bago ito ang kumawala at napipikong nagbuga ng hininga at binuksan ang unang tatlong butones ng suot nitong polo.Pinagmamasdan lang niya itong may kung anong hinahanap at ng hindi makita ay pinalis nito ang mga gamit sa sa ibabaw ng mesa nito.“Fucking bullshit. Where did I fucking put that goddamn cellphone,” malulutong at sunod-sunod nitong mura at nang makita itong nasa ibabaw ng cabinet ay ito naman ang napagdiskitahan nitong itumba pagkatpos kunin ang telepono.Kinalikot nito ang cellphone at maya-maya pa'y may tinawagan.“Block Seraphim Anastasia Arandia for going into any hospital including abroad… yes, do that. Okay.” Agad
(Dalawa po kasi ‘yong kabanata 12 hindi ko napansin kaya i-advance ko na rito ng isa, magkaiba naman po ang content no’n. pasensya na!)Tagaktak ang pawis ni Phim sa paglalakad at pagpapasa ng resume niya sa kada building na napalasukan. Pare-pareho ang sagot nito sa kaniya; tatawagan na lang daw siya o overqualified daw para sa position na ina-apply-an.“Naku, ma'am, pasensa na po at hindi pa po kami hiring ngayon,” sabi ng isang staff na nakausap at pasimple pa nitong binaba ang signage na ‘apply now for secretarial position’. Aba! Parang sinasadya na yata siya ah. Pati singit niya ay pinagpapawisan na sa pagod sa job hunting na ito. Noong sa mayor lang naman siya nagsecretary ay natanggap agad siya kahit walang experience at unang sabak niya sa trabaho para matustusan ang ang mga kapatid.Nanlulumo at bagsak ang balikat niya na lumabas sa building na iyon. Wala na siyang lakas para murahin ang mga harap-harapan nitong pagtanggi sa kaniya.Isang building na lang tuloy ang natitira
Abala siya sa pagsusuot ng bag sa mga anak at hindi na pinansin ni Phim ang malakas na tawa at pagkuda ng babaeng directress ng school.“Do you have any problem if she is my wife?” Rinig niyang pigil ang galit sa boses ni Philip nang sagutin nito ang kanina pa nagapasaling na babae.Hindi tuloy niya maiwasang mapatingin sa lalaki kasi ito ang unang beses na hindi siya nito itinanggi.“Ay hindi naman, Philip! Malayo kasi sa mga nali-link sa ‘yo na babae ‘yong aura ni ma'am!” Humagikhik pa ang bruha na parang may nakakatuwa sa sinabi nito.Agad naman napatikwas ang kilay niya sa narinig sa babae. First name basis na pala ang mga kupal. Hindi na nahiya na nakikita sila ng mga anak niya.“I don't like this school, mama,” malakas na sabi ni Virtue. “Why, baby? Akala ko ba ay excited ka na mag-school?” Tanong naman niya rito na puno ng pagtataka.“I just don't feel the vibes,” sagot ng anak na nagsusungit.“Me, too,” gatong pa ni Throne at sinundan naman ng pagtango ni Power.Sa sinabi ng