He grab his tie and unlock the first two button of his suit. Umaakyat na naman ang dugo ni Philip sa ulo dahil sa pagmamatigas ng mag-asawang Arandia. Kahit nasa kaniya na ang titulo ng kumpanya ng mga ito ay nanggugulo pa rin ang mga gago.
Tutunggain na sana niya ang alak ng mag-ring ang telepono na konektado sa kaniyang sekretarya kaya naman sinagot niya ito. “Sir, nandito po sila Mr. Arandia sa kabilang linya. May sasabihin daw sila sa ‘yo.” Ang dugo niya na umaakyat pa lang sa kaniyang ulo ay tuluyan na ngang nakaakyat at parang sasabog pa siya sa galit. “What the fuck do they need? Connect them to me!” Sigaw niya at rinig sa kabilang linya na nagmamadali ang sekretarya. “What do you need?” Mariing tanong niya at napahilot sa sintidong pumipintig sa galit. “Huwag kang magalit, Callari. Tiyak ko namang magugustuhan mo ang sasabihin ko,” nakakairitang sabi nito na dinugtungan pa ng malademonyong tawa. Isa ang pamilya Arandia sa dapat mawala sa mundo, hindi lamang sa parte ito sa mga ilegal na transaksiyon ay maaring maging mitya rin ito ng pagkakadiskubre ng kanilang organisasyon dahil sa pagiging magulo ng mga ito. “It's better be useful, motherfucker,” he grit his teeth in annoyance. “Kapalit ng kompanya namin ay ibibigay namin ang aming anak na si Seraphim,” ani ni Ben sa kabilang linya na nagpakunot sa noo niya. “I just fucking told you that I want something fucking useful, idot,” mas lalong nandilim ang paningin niya rito. Kung malapit lang ito ay tiyak na pinaputukan niya na agad ng kaniyang baril na nakahimlay sa kaniyang mesa. “Aba! Useful naman ang panganay ko! Maganda, sexy, maputi, matalino, mabait. Ano pa ang hahanapin mo?” Tanong nitong parang nagtitinda lang ng baboy sa palengke. Napamulagat siya ng mabanggit nito na panganay ng mga ito ang ibibigay. “Did you just say your eldest daughter?” Usisa niya pa rito. “Oo, pumapayag ka na ba?” Hambog nitong balik. Napangisi muna si Philip bago bitawan ang katagang pagsisisihan ng dalawang Arandia sa susunod na mga panahon. “Yes, it's a deal. Bring me your daughter in an instant. I want to meet her.” Gusto niya itong sigawan ng ‘mga bobo!’ pero baka mawala ang pagkakataon niyang masira ang pamilya ng mga ito. Hindi alam ni Rosita at Ben Arandia na ang unang apo ng yumaong Arandia ang legal na tagapagmana ng yaman nito sa legal o ilegal man na negosyo. Sa oras na mapakasalan niya ang babae ay sigurado agad ang pag-akyat niya sa tuktok at mapoprotektahan niya na ang unang babaeng kaniyang minamahal — si Hyacinth Herrera, na ngayo'y nasa bisig na ng kaniyang kaibigan. Ngunit sa unang pagkikita nila ng babaeng Arandia ay parang may kurot na naramdaman si Philip sa kaniyang dibdib nang makitang parang basahan lang itong hinahablot-hablot ni Rosita. Puno rin ng pasa ang gilid ng mata nito at sugat sa baba ng labi. Hindi niya akalain na dito pala niya ulit mararamdaman ang awa kaya hindi siya nag-alinlangan na palipatin ito sa penthouse niya. Maganda nga si Seraphim Anastasia. Namana nito ang aristokratong mukha ng yumaong Arandia na lolo nito. Matangos ang maliit na ilong habang malambot ang asul na may pagkakulay abo nitong mata at ang kulay lila na umiilaw sa gitna ng mata nito sa tuwing natatamaan ng araw. Mahaba rin ang alon-alon nitong buhok at maputi ang mapapayat na mga braso at higit sa lahat ang walang pintas nitong manipis at mapupulang labi. Hindi niya akalain na guguluhin nito ang sistema niya. Tinuring ni Philip si Seraphim na isang tunay at babasaging asawa. Hindi niya ipinaramdam dito na sa papel lang sila kasal. Gulong-gulo siya at hindi naiwasang magpakalasing ng makita niya si Hyacinth na kayakap ni Thaddeus pero wala na siyang maramdamang sakit o selos pa. Ang tanging nasa isip na lang niya ay ang magagandang ngiti ng asawa. Sa sobrang ganda nito ay doon niya nagawa ang pagkakamaling hindi niya pagsisisihan— ang makasiping ito. Pero dahil masyadong magulo ang mundo ni Philip at parang pinaparusahan siya ng kalawakan, halos isang buwan siyang hindi umuwi sa bahay nila sa pagmamadaling matapos ang gulo na ginawa na naman ng mga Arandia. Miyembro ang mga ito sa child trafficking at sextortion. Gusto niya agad matapos ang gusot na iyon para makauwi na siya kay Phim pero isang mas malaking organisasyon naman ang kumakalaban sa kaniya kaya kailangan niyang protektahan ang asawa sa pamamagitan ng pagtulak dito palayo. Ang plano niyang ibigay kay Seraphim ang kaniyang penthouse ay hindi nangyari. Hindi niya akalain na labis itong masasaktan sa ginawa niya sa puntong aalis ito at iwan siya. “Sir, nagpunta po ang mga magulang niyo sa penthouse ninyo,” ulat sa kaniya ng guard na nasa building. Sa takot na baka ano ang gawin ng mga magulang sa asawa ay nagmamadali siyang umuwi ngunit ang tahimik at malinis lang na bahay ang nadatnan niya. “Phim!” Pagtawag niya sa asawa. Nilibot pa niya ang buong bahay at inisa-isa ang mga kwarto pero walang anino ni Seraphim ang nakita ni Philip. Agad siyang pumunta sa bahay ng mga magulang para tanungin kung ano ang ginawa at sinabi ng mga ito sa asawa. Naabutan pa niya ang dalawa na magkatabing namamahinga sa reclining chair sa harap ng kanilang hardin. “Ma, pa,” pagtawag niya sa mga ito. “Oh my darling! Bakit napabisita ang anak namin hmm?” Malambing na tanong ng ina pero wala siyang pagmamahal na nararamdaman sa ngayon sa mga magulang. “Nassan ang asawa ko?” Nagpipigil sa galit niyang tanong. “Baby, we just did what needs to be done and tada! Iniwan ka niya para sa pera. Edi lumabas din ang tunay na kulay ng babaeng ‘yon?” Hindi niya na mapigilan ang galit at binunot ang baril na nakasuksok sa tagiliran at pinaputok ito ng ilang beses. Napatili ang ina at galit na boses ng kaniyang ama ang kaniyang narinig. “If something happens to my wife, consider yourself childless. I won't consider you as my parents anymore,” huling sabi niya rito at tumalikod para ang kaniyang private investigator naman ang tawagan. “Find my wife. I'll pay you triple.” Hindi siya makakapayag na makaalis ang babae sa piling niya. Matapos nitong guluhin ang sistema niya ay bigla na lang itong maglalaho? P’wes susundan niya ito kahit saang butas pa ito lumusot at sisiguraduhin niyang sa kaniya lang ang babae uuwi at uuwi.Hindi na alam ni Seraphim kung saan siya pupunta at ano ang uunahin. Nananakit na rin kasi ang kaniyang tiyan at natatakot siyang baka ano ang mangyari sa bata sa kaniyang sinapupuna kaya naman dumaan siya sa isang hospital.“Hi, miss. Saan dito ‘yong pagpa-ultrasound?” Tanong niya sa front desk at agad naman siya nitong tinuro papunta sa opisina raw ni doctor Marquez.“Dito po, ma'am. Hintay lang po kayo saglit at ikaw na ang susunod na papasok,” ngumiti sa kaniya ang babae kaya naman kahit punong-puno ng problema ay ginantihan niya ito ng ngiti.“Thank you,” sagot niya at tumalikod na ito. Hindi naman nagtagal ang paghihintay niya ng pinapasok na siya ng sekretarya ng doctor. Agad nanuot sa kaniyang ilong ang aroma ng kape at isang masuyong musika na parang dinuduyan siya sa antok.“Hi!” Bati sa kaniya ng magandang doktor at ang maliwanag nitong aura ay parang nakakahawa.Agad naman siyang umupo at iniwan ang maleta sa may munting sala ng opisina saka nagsimulang magkwento sa pakay
Inutusan ng doktora na pauwiin na lang muna ang ibang pasyente niyang naghihintay sa labas ng kaniyang opisina at hinabilinan ang sekretarya na walang pagsasabihan sa nakita nito kung ayaw nitong mawalan ng trabaho.“Calm down, Phim. Baka kung anong mangyari sa mga anak mo. Stress is not on our bucket list and I'll do my best to eliminate that stress,” determinado nitong pahayag at hinawakan pa ang kaniyang balikat.Hindi na siya makasagot sa takot na nararamdaman. Ayaw niyang bumalik sa poder nito at baka ano pa ang mangyari sa kaniyang mga anak.“May fire exit sa dulo ng hilera ng opisina ko. I will call my driver to meet us there. Huwag mo dalhin ang maleta mo, mahahalata tayo ng mga tauhan ni Philip,” tuloy-tuloy nitong salita habang hinuhubad ang doctor's robe nito at stethoscope na nasa leeg.“Here, hold your babies. Sa kanila ka kumuha ng lakas. Listen, Phim.” Pagkabigay nito ng sonogram sa kaniya ay hinawakan nito ang pisngi niya at mariin siyang pinakatitigan.“Tuso ang asawa
Dahil sa pagod ay hindi na rin napigilan ni Seraphim na makatulog at nang magising siya ay nakahinto ang van sa isang parking space. Nakita niyang kumakain si Katya ang ang driver nito ng take out galing sa isang sikat na fast food chain.Napansin naman agad ni Katya na nagising na siya kaya mabilis nitong nilunok ang nginunguya at sumipsip sa hawak nitong baso.“Kamusta pakiramdam mo?” Tanong nito.Hindi naman napigilan ni Phim ang mag-inat at napahikab.*Sorry, inaantok pa kasi ako,” hinging paumanhin niya sa babae.“It's okay. Alam ko namang antukin ang mga buntis lalo nat nasa first trimester ka pa lang.”Namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan at ngayong lang siya ginapangan ng hiya nang ma-realize niya ang perwisyong naidulot sa doktora.“Pasensya ka na talaga, Katya. Malaking perwisyo na ang naibigay ko sa ‘yo,” muling paghingi niya ng pasensya dito na tinawanan lang ng babae.“Ano ka ba! Wala lang ‘yon noh! Sino pa ba ang tutulong sa babae kundi ang kapwa babae rin niya?”
Paliit nang paliit ang mga gusali sa baba habang sila ay pataas nang pataas sa himpapawid. Maganda ang tanawin sa kabuuan ng Manila. Hindi niya lang maiwasang malungkot sa isipang iiwan niya ang mga kapatid at hindi nagpapaalam sa mga ito.Kapag kasi ginawa niya ang bagay na iyon ay siguradong ang mga ito naman ang mapapahamak dahil pagbubuntungan ito ng galit ni Philip.Hindi niya lang maiwasang mapatanong kung bakit humingi it ng kalayaan tapos no’ng iniwan niya na ay saka siya nito hahabulin. “Nakabusangot ka na naman. Baka paglabas ng mga inaanak ko eh nakasimangot na rin mga ‘yan sige ka,” narinig niyang sabi ni Katya kaya napalingon siya rito.“Iniisip ko lang si Philip,” sagot niya at ibinalik ang tingin sa tanawin sa kanilang baba.“Sus,” rinig niyang palatak nito na hindi na sana niya papansinin.“Sa totoo lang, fiancé talaga ako ng kaibigan niyang si Aureus pero shit happened at ito nagtatago rin ako sa kaniya,” pagbubunyag nito kaya nakuha nito ang atensiyon niya.“Pero pa
Mabilis lumipas ang siyam na buwan simula nang makarating si Seraphim sa isla ng Leyte. Nakakapag-adjust na rin siya sa normal na kultura ng lugar kagaya na lang ng mga sigawan kahit umaga pa lang. Hindi sigawan ng pag-aaway kundi sigawan ng normal na pag-uusap.Likas na malalakas ang boses ng mga tao sa lugar at walang mahinhin ang hindi makukuha ang ugaling ito kapag matagal nang nakatira sa isla.“Uday,” pagtawag sa kaniya ni inang Salome. Uday ay para sa ija.“Ano po ‘yon, inang?” Sagot niya sa matanda. Nilapitan naman siya ni inang Salome ag hinimas-himas ang kalakihan ng kaniyang tiyan. Kabuwanan niya na ngayon at hinihintay na lang niya si Katya na dumating para i-check ang lagay ng kaniyang mga anak.“Naka-ano, nakahanda na an imo mga gamit?” (nakahanda na ‘yong mga gamit mo?) Tanong nito. May halong waray-waray pa rin ang pananagalog nito at ayos lang naman iyon sa kaniya dahil ginagawa naman nito ang lahat para magkaintindihan sila pati na rin ang ibang tao sa isla.“Opo, in
“A-Ano…” Nabitin ang itatanong niya nang pumasok na si Katya sa loob ng sasakyan at hinampas ang lalaking ngayon ay nakahawak na sa manibela.“Aray! Nakakadalawa ka na ngayong araw, mahal, ah! Ako naman dadalawa mamaya!” Reklamo nito pero may namumuong pilyong ngiti sa nga labi.“‘Tang ina mo talaga, Aureus,” nanggigil naman na sagot ni Katya bago siya binalingan.“Sorry about that, Phim. Ewan ko ba sa lalaking ito. Ang daming beses ko na pinagbantaan at tinaguan pero nahahanap pa rin ako,” binalingan nito ang nasa harap ng masamang tingin.Para namang sumusuko ito nang itaas nito ang dalawang kamay at binitiwan ang manibela kaya ang malakas na sigaw ni Katya ang umalingawngaw sa loob ng sasakyan.“Put your goddamn hands in the steering wheel or I'll be the one to put my hands on your neck until you turns blue!” Namumulang sigaw ni Katya sabayan pa ng lumalaging sakit na sa kaniyang tiyan.“Kapag nagkita na si Phim at Philip ay isusumbong kitang, putrages ka! Hindi ko na alam kung ano
“Ang tabachingching naman ng mga abebe na ‘yan!” Nagising si Phim sa boses ni Katya na may kinakausap.Nananakit pa ang katawan niya at mabigat pa ang kaniyang pakiramdam pero agad itong nawala nang makita ang tatlong baby stroller ng hospital at nasa loob ang kaniyang tatlong anghel.Gumalaw siya na parang uupo kaya napatingin sa kaniya ang doktora na tuwang tuwa na nakikipaglaro sa anak niyang sa tingin niya ay si Throne.“Hey, brave momma,” pagbati ni Katya kay Phim at inalalayan siyang makaupo at agad na binigyan ng maligamgam na tubig para makainom.“Kamusta ang mga anak ko?” Pagtatanong niya sa doktora na malawak ang ngiti.“Ayos na ayos! Ang tataba nila at ang sarap pisilin ng mga pisngi kung p’wede lang!” Umaksiyon pa itong nanggigigil saka nagpatuloy sa pagdaldal.“Ay siya nga pala! Kaya pala nandito ang mga babies mo at wala sa ward ay dahil breastfeeding time na. Kaya mo ba?” Nag-aalala nitong tanong.“Bakit hindi? Give me my boys,” ani niya at ngumiti kaya naman dali-dalin
Malaki-laki rin ang nagastos ni Phim no'ng siya ay manganak. Umaabot sa thirty million ang nabayad niya sa hospital dahil umabot pa sila ng dalawang linggo rito at nakaprivate room. Tatlo rin ang mino-monitor ng mga doktor at mga nurse kaya palong-palo talaga ang binayaran niya. Mabuti na lang at ligtas ang mga anak. Iyon ang mas importante.Nasa thirty million na lang ang natira sa ibinigay ng mga magulang sa kaniya ni Philip. Ang umaabot kasi sa twenty million ay ibinili niya ng lupa na parte ng isla Marquez sa Leyte dahil nakakahiya naman sa pamilya ni Katya na nakikitira lang siya. Mabuti na lang mababait ang mga magulang nito kaya kahit hindi ipinagbibili ay pumayag ang mga ito.Nagpatayo rin siya ng bahay at bumili ng sariling sasakyan para may service ang mga anak kung gusto niyang bumyahe papunta sa mansiyon ng mga Marquez.Minsan din ay dinadalaw siya ng mga magulang ni Katya dahil nag-e-enjoy ang mga ito sa paglalaro sa mga apo kuno nito.Paubos na ang pera nila at kailangan
HIS ex-wife wore a single ponytail and the light blue parent-child sportswear made her look very young. Halatang walang retoke ang mukha and there was a beautiful and sparkling light in her eyes like motherhood suits her better.Iniwas ni Philip ang paningin sa dating asawa at ininat ang mga paa na nasisikipan sa economy class seat dahil sa taglay niyang tangkad. Ang kalmado niyang puso ay muli na namang nagising dahil sa babae pero hindi pa rin mawala sa isip niya ang anak na nasa tabi nito at nahihimlay.Alam niya kung saan ito namalagi sa loob ng dalawang taon. Hindi niya na ito muling hinayaang umalis sa kaniyang paningin pero hindi pa ito ang oras na muli silang magsasama. Marami pa siyang kailangan linisin.HINDI niya pinansin ang lalaki na parang hindi niya ito kilala at gano'n din naman ang ginawa ng dating asawa sa kaniya.Pagkalipas ng ilang oras ay may stewardess na lumapit sa kanila upang alukin ng tanghalian. May dala itong dining cart and asked them what the wanted.Tini
Tumaas naman ang kilay ng lalaki at nakita niya pang pumasada ang paningin nito sa gilid ng kaniyang labing may bakas pa ng putok galing sa sampal nito.“Why? Do you regret it?” Puno ng sarkasmo nitong tanong.Ilang libong patalim ang tilantumarak sa puso ni Phim sa tanong ng asawa— dating asawa. Pinipirapiraso nito ang puso niya pero patuloy pa ring tumitibok ang bawat piraso para sa lalaki.She looked straight ahead and said softly, “Kung maibabalik ko lang ang panahon, mas pipiliin ko pang mamatay na lang kaming magkakapatid kaysa nagdurusa ngayon dahil sa ‘yo.” Aalis siya hindi lang para sa kapakanan niya kundi para na rin sa kapakanan ng tatlo niyang anak. Kaya niyang buhayin ang mga bata nang wala ang ama ng mga ito. Kaya niyang tumayo sa dalawa niyang paa na walang hihinihinging tulong dito.Para sa anak niyang may sakit, kakalimutan niya ang bawat parte ng sirang puso niyang tumitibok pa rin para kay Philip. Handa niyang talikuran ang lahat mailigtas lang ang bunso niya.Hind
Hindi mapakali si Phim dahil sa kalagayan ng anak na si Throne. Ang sabi kasi ng mga doctor na tumingin dito ay may cardiomyopathy o problema sa muscle ng heart na raw ang anak at kailangan itong maagapan agad at madala sa hospital sa lalong madaling panahon.Wala na siyang ibang malalapitan para mapaatras ang utos ng asawa niya sa mga hospital! Sinubukan na rin gawan ng paraan ni Katya pero kahit gaano pa makapangyarihan ang babae ay wala pa rin itong magawa.Kahit ilabas niya ang milyong-milyong salapi pa niya ay hindi niya kakayanin bayaran ang mga hospital para baliin ang utos ni Philip.Kaya naman, ang naiisip na lang ni Phim na huling alas niya ay ang asawa niya mismo. Makikiusap siya. Lulunukin niya ang pride para lang maligtas ang anak.Si Serpahim na walang kain at inom pa sa araw na iyon ay muling bumalik sa kompanya ng asawa. Wala na siyang pakialam kahit nakayapak siya at diret-diretso lang na naglakad sa opisina nito na hindi naman pinigilan ng sekretaryang nakatingin sa
Nag-alarm pa si Philip para lang maabutan ang mga anak niyang pumasok sa eskwelahan. Alam na kasi niya na sa tigas ng ulo ni Phim ay hindi siya nito hihintayin kahit na sinabi niyang siya ang maghahatid sa mga ito papuntang eskwelahan.Pagkabukas ng elevator na sinasakyan niya ay nagkagulatan pa sila ng babae na parang guilty sa nagawa nitong krimen. Pero agad rin iyon naglaho nang magpatuloy itong pumasok at parang wala lang siya rito.Nagtagis ang mga bagang niya sa trato sa kaniya ni Phim. Ito na nga ang may ganang maglayas at magtago, ito pa ang may ganang umakto ng parang wala lang.“Did you plan to go to school without me?” Seryosong niyang tanong sa asawa pero nananatili lang ito na tahimik.“Phim…” Pagtawag niya dito pero ang magaling ay tinalikuran siya at hinarap ang mga anak na nakatingala sa kaniya at sa nanay ng mga ito. Gusto niya na magkunot-noo pero nakamasid sa kaniya si Tristian kaya pigil na pigil niya ang sarili at binigyan ito ng maliit na ngiti. “Give me that. L
Ang galit ni Phim kay Philip ay hindi kayang pasanin ni Satanas kahit magtulong-tulong pa ito ng mga alalay ng demonyo.Hindi na sakit ang nararamdaman ng babae kundi galit! Punong-puno siya ng galit para dito. “Inday!” Tawag niya sa dalagita na agad namang napatingala sa kaniyang namumutla at bumalik ang tingin nito sa walang sapin niyang paa.“M-ma'am, ma'am si Tron-tron, ma'am,” sunod-sunod ang paglandas ng luha nito sa pisngi habang hawak-hawak ang kamay ng walang malay na batang may suksok na karayom.Hinimas niya muna ang ulo ng dalawang anak na tahimik lang na nakayakap sa kaniya at saka nilapitan si Throne na parang mahimbing lang na natutulog at walang iniindang masakit.Lumuhod siya sa harap nito at hinaplos ang buhok ng anak. Hindi niya mapigilang umiyak dahil sa awa sa kalagayan nito. Ang galit niya ay tuluyang dumoble nang makitang dinadaan-daanan lang sila ng mga nurse at iba pang trabahante ng hospital. Nandidilim ang kaniyang paningin kaya nagawa niyang haklitin ang
Ilang ulit pinahiran ni Phim ang luha pati na rin ang namutok niyang labi. Walang ibang pumapasok sa isip niya kundi ang nag-uumapaw na pagkamuhi sa lalaki.Wala na talaga ang dating lalaking nakasama niya sa mailing panahon sa loob ng iisang bahay. Hindi pa rin makapaniwala si Phim na makukuha siya nitong saktan dahil lang sa pagbanggit sa babae nito.Gano'n na ba ito kaimportante sa lalaki na handa nitong ipagpalit siya na nanay ng mga anak nito.She scoffed in disbelief, ‘nanay’ lang pala siya ng mga anak nito at mag-asawa lang sila sa papel. Hindi dapat siya umaakto na parang nasasaktan siya dahil lang nakita niya itong may parang babasaging manika sa bisig nito.Pinagtiringinan siya ng mga empleyado ng lalaki ngunit hindi niya binigyang pansin ang mga ito. Isipin na nito ang isipin pero gusto na lang agad niya makarating sa kanilang bahay at magmukmok.Pinara agad niya ang nakitang paparating na taxi at agad na nagpahatid sa kanilang condo.Pagkarating ay agad siyang pumasok sa l
Na-corner na nga si Phim ni Philip at wala na siyang ibang matakbuhan pa dahil ang dalawang kamay nito ay nakadiin sa pader at siya naman ay nakakulong sa gitna ng mga ito.“You better tell me right now or you won't like the consequences of your actions,” banta nito pero matibay pa rin ang loob niya na hindi ito sundin.Matagal silang nagkatitigan ng lalaki bago ito ang kumawala at napipikong nagbuga ng hininga at binuksan ang unang tatlong butones ng suot nitong polo.Pinagmamasdan lang niya itong may kung anong hinahanap at ng hindi makita ay pinalis nito ang mga gamit sa sa ibabaw ng mesa nito.“Fucking bullshit. Where did I fucking put that goddamn cellphone,” malulutong at sunod-sunod nitong mura at nang makita itong nasa ibabaw ng cabinet ay ito naman ang napagdiskitahan nitong itumba pagkatpos kunin ang telepono.Kinalikot nito ang cellphone at maya-maya pa'y may tinawagan.“Block Seraphim Anastasia Arandia for going into any hospital including abroad… yes, do that. Okay.” Agad
(Dalawa po kasi ‘yong kabanata 12 hindi ko napansin kaya i-advance ko na rito ng isa, magkaiba naman po ang content no’n. pasensya na!)Tagaktak ang pawis ni Phim sa paglalakad at pagpapasa ng resume niya sa kada building na napalasukan. Pare-pareho ang sagot nito sa kaniya; tatawagan na lang daw siya o overqualified daw para sa position na ina-apply-an.“Naku, ma'am, pasensa na po at hindi pa po kami hiring ngayon,” sabi ng isang staff na nakausap at pasimple pa nitong binaba ang signage na ‘apply now for secretarial position’. Aba! Parang sinasadya na yata siya ah. Pati singit niya ay pinagpapawisan na sa pagod sa job hunting na ito. Noong sa mayor lang naman siya nagsecretary ay natanggap agad siya kahit walang experience at unang sabak niya sa trabaho para matustusan ang ang mga kapatid.Nanlulumo at bagsak ang balikat niya na lumabas sa building na iyon. Wala na siyang lakas para murahin ang mga harap-harapan nitong pagtanggi sa kaniya.Isang building na lang tuloy ang natitira
Abala siya sa pagsusuot ng bag sa mga anak at hindi na pinansin ni Phim ang malakas na tawa at pagkuda ng babaeng directress ng school.“Do you have any problem if she is my wife?” Rinig niyang pigil ang galit sa boses ni Philip nang sagutin nito ang kanina pa nagapasaling na babae.Hindi tuloy niya maiwasang mapatingin sa lalaki kasi ito ang unang beses na hindi siya nito itinanggi.“Ay hindi naman, Philip! Malayo kasi sa mga nali-link sa ‘yo na babae ‘yong aura ni ma'am!” Humagikhik pa ang bruha na parang may nakakatuwa sa sinabi nito.Agad naman napatikwas ang kilay niya sa narinig sa babae. First name basis na pala ang mga kupal. Hindi na nahiya na nakikita sila ng mga anak niya.“I don't like this school, mama,” malakas na sabi ni Virtue. “Why, baby? Akala ko ba ay excited ka na mag-school?” Tanong naman niya rito na puno ng pagtataka.“I just don't feel the vibes,” sagot ng anak na nagsusungit.“Me, too,” gatong pa ni Throne at sinundan naman ng pagtango ni Power.Sa sinabi ng