Share

KABANATA 8

Dahil sa pagod ay hindi na rin napigilan ni Seraphim na makatulog at nang magising siya ay nakahinto ang van sa isang parking space. Nakita niyang kumakain si Katya ang ang driver nito ng take out galing sa isang sikat na fast food chain.

Napansin naman agad ni Katya na nagising na siya kaya mabilis nitong nilunok ang nginunguya at sumipsip sa hawak nitong baso.

“Kamusta pakiramdam mo?” Tanong nito.

Hindi naman napigilan ni Phim ang mag-inat at napahikab.

*Sorry, inaantok pa kasi ako,” hinging paumanhin niya sa babae.

“It's okay. Alam ko namang antukin ang mga buntis lalo nat nasa first trimester ka pa lang.”

Namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan at ngayong lang siya ginapangan ng hiya nang ma-realize niya ang perwisyong naidulot sa doktora.

“Pasensya ka na talaga, Katya. Malaking perwisyo na ang naibigay ko sa ‘yo,” muling paghingi niya ng pasensya dito na tinawanan lang ng babae.

“Ano ka ba! Wala lang ‘yon noh! Sino pa ba ang tutulong sa babae kundi ang kapwa babae rin niya?”
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status