“A-Ano…” Nabitin ang itatanong niya nang pumasok na si Katya sa loob ng sasakyan at hinampas ang lalaking ngayon ay nakahawak na sa manibela.“Aray! Nakakadalawa ka na ngayong araw, mahal, ah! Ako naman dadalawa mamaya!” Reklamo nito pero may namumuong pilyong ngiti sa nga labi.“‘Tang ina mo talaga, Aureus,” nanggigil naman na sagot ni Katya bago siya binalingan.“Sorry about that, Phim. Ewan ko ba sa lalaking ito. Ang daming beses ko na pinagbantaan at tinaguan pero nahahanap pa rin ako,” binalingan nito ang nasa harap ng masamang tingin.Para namang sumusuko ito nang itaas nito ang dalawang kamay at binitiwan ang manibela kaya ang malakas na sigaw ni Katya ang umalingawngaw sa loob ng sasakyan.“Put your goddamn hands in the steering wheel or I'll be the one to put my hands on your neck until you turns blue!” Namumulang sigaw ni Katya sabayan pa ng lumalaging sakit na sa kaniyang tiyan.“Kapag nagkita na si Phim at Philip ay isusumbong kitang, putrages ka! Hindi ko na alam kung ano
“Ang tabachingching naman ng mga abebe na ‘yan!” Nagising si Phim sa boses ni Katya na may kinakausap.Nananakit pa ang katawan niya at mabigat pa ang kaniyang pakiramdam pero agad itong nawala nang makita ang tatlong baby stroller ng hospital at nasa loob ang kaniyang tatlong anghel.Gumalaw siya na parang uupo kaya napatingin sa kaniya ang doktora na tuwang tuwa na nakikipaglaro sa anak niyang sa tingin niya ay si Throne.“Hey, brave momma,” pagbati ni Katya kay Phim at inalalayan siyang makaupo at agad na binigyan ng maligamgam na tubig para makainom.“Kamusta ang mga anak ko?” Pagtatanong niya sa doktora na malawak ang ngiti.“Ayos na ayos! Ang tataba nila at ang sarap pisilin ng mga pisngi kung p’wede lang!” Umaksiyon pa itong nanggigigil saka nagpatuloy sa pagdaldal.“Ay siya nga pala! Kaya pala nandito ang mga babies mo at wala sa ward ay dahil breastfeeding time na. Kaya mo ba?” Nag-aalala nitong tanong.“Bakit hindi? Give me my boys,” ani niya at ngumiti kaya naman dali-dalin
Malaki-laki rin ang nagastos ni Phim no'ng siya ay manganak. Umaabot sa thirty million ang nabayad niya sa hospital dahil umabot pa sila ng dalawang linggo rito at nakaprivate room. Tatlo rin ang mino-monitor ng mga doktor at mga nurse kaya palong-palo talaga ang binayaran niya. Mabuti na lang at ligtas ang mga anak. Iyon ang mas importante.Nasa thirty million na lang ang natira sa ibinigay ng mga magulang sa kaniya ni Philip. Ang umaabot kasi sa twenty million ay ibinili niya ng lupa na parte ng isla Marquez sa Leyte dahil nakakahiya naman sa pamilya ni Katya na nakikitira lang siya. Mabuti na lang mababait ang mga magulang nito kaya kahit hindi ipinagbibili ay pumayag ang mga ito.Nagpatayo rin siya ng bahay at bumili ng sariling sasakyan para may service ang mga anak kung gusto niyang bumyahe papunta sa mansiyon ng mga Marquez.Minsan din ay dinadalaw siya ng mga magulang ni Katya dahil nag-e-enjoy ang mga ito sa paglalaro sa mga apo kuno nito.Paubos na ang pera nila at kailangan
Naalala ni Phim ang sinabi ng anak niyang si Throne tungkol kay Rios. ‘Adi na naman hi maadas’, hindi pa rin naman kasi siya makaintindi ng waray-waray kaya kailangan pa niya magtanong sa mga kakilala kung anong ibig sabihin ng sinabi ng anak niya para mapangaralan ito ng mabuti.“Inday, ano ang ibig sabihin ni Throne kanina?” Tanong niya sa katulong na abala sa pagluluto ng kanilang pananghalian.“An ano ma'am? Ay este, ‘yung ano po?” Napakamot ito sa ulo sa pag-aalala sa kung ano ba ang sinabi ng kaniyang makulit na bulinggit.Sa daldal ba naman kasi ni Throne, hindi niya alam kung kanino ito nagmana! Baka dahil sa kakasama nito kay Aureus ay nahawa na ang anak niya.“‘Yong nakita niya si Rios kanina. ‘Yong sinabi niyang maadas something.”Napasigaw naman si Inday dahil sa naalala. “Ay! Sabi niya maasim daw si sir Rios.”Napanganga na lang si Phim sa nalaman. Ang anak niya talagang iyon! Napakasutil! Hindi naman siya sutil noong bata pa siya. Hindi nga lang niya alam sa ama nito.“T
“Mama, iiwan na talaga natin sila Inang Salome?” Nakatingala sa kaniya si Power habang nanananghalian sila.“Oo, anak, eh. Wala kasing mahanap na teacher si mama rito sa isla na kaya kayong turuan. Ang tatalino kasi ng mga babies ko,” sagot niya rito at sinalinan ng kaunting kanin at sabaw ang plato ng mga bata.Tinuturuan na kasi niya ang mga ito na kumain na lang ng kanila pero umaalalay pa rin naman sila ni Inday sa mga ito dahil madudungis pa ring kumain liban na lang kay Power na ayaw na nadudumihan.“Yes! Can we leave ate Inday here?” Nagni-ningning naman ang mata ni Virtue at sumabay pang tumango si Throne.Sa sinabi ni Virtue ay tinawanan lang ito ni Inday at mas lalong inasar.“Aba! Hindi niyo na ako p’wedeng iwan kasi ano… kasi pamili na tayo!” Humalaklak pa ang babae na nagpabusangot sa dalawa.“Pangit mo, ate Inday,” naaasar na sabi ni Virtue.“Why can't we leave ate Inday here mama?” Pikon na baling sa kaniya ni Throne.“Kasi nakaimpake na ang mga damit ko!” Dagdag pang p
Ang malditang iyon! Kaya pala hindi na nagagawi sa kanila no'ng mga nakaraang anim na buwan kasi nagpupunla na pala ito! Napailing na lang siya habang nakatanaw kay Aureus na nagprisintang magbubuhat daw ng nga gamit nila sa pagluwas sa Manila. “Kung hindi lang ako guilty sa kaibigan ko hindi ko ‘to gagawin! Ang magandang pagkalalaki ko ay inaalipin lang!” Rinig niyang pagmamaktol nito habang buhat-buhat ang dalawang malalaking maleta habang nasa paa nito si Throne at nakakapit at nagpapabuhat sa tito-ninong nito na minsan ay tawag ng mga bata ay daddy A.Tawa nang tawa naman ang anak niya hahang nakatingala at tinatanaw ang lalaking nahihirapan na.“Inday, kunin mo nga si Throne. Kawawa naman si Aureus,” utos niya sa babaeng katabi at nakatunganga lang dahil sa muscle na nagfe-flex ng lalaki “Etong si ser ba ma'am, kung hindi lang jowa ni ma'am Katya eh pinatos ko na ‘to,” kwento ni Inday na tinawanan niya lang.“Ang tanong, kung papatulan ka ba?” Pang-aasar niya.“Malain tim bata
Nagising si Philip dahil sa sunod-sunod na pagtunog ng tawag sa kaniyang telepono. kaya naiinis niya itong pinulot at sinagot kahit hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.“What do you fucking need?” Naiinis niyang tanong.Malakas at nakakairitang tawa ni Aureus ang bumungad sa kaniya kaya mas lalong umasim ang umaga ni Philip.“Good morning din, loverboy! ‘Wag mo kakalimutan ang sinabi ko sa ‘yo ha! ‘Pag hindi ka pumunta ikaw rin ang magsisisi,” nakakairita nitong sabi kaya walang paalam niyang pinutol ang tawag.Fuck. It's fucking today. That motherfucker just told him to attend an opening of an school for special children, specially for advance and genius kids.It's an school opened by some illegal group that exploits children. Natatakot ang kumag na baka raw makakuha ang mga kalaban ng batang matalino na gagamitin para mapabagsak ang grupo nila kaya pinapa-attend siya nito bilang isang largest investor para mag-espiya.“Fucking stupid.” Palatak niya bago nag-umpisang maghanda p
Kalalabas lang ni Phim galing sa opisina ng directress ng school ng mga anak. Inasikaso kasi niya ang mga papeles ng mga ito habamg ang tatlo ay naiwan kay Inday dahil pinapag-take na ang mga ito ng assessment.Nagulat naman siya nang sumalubong ang tatlo sa kaniya ng yakap habang tuwang-tuwa ang mga ito.“Ma'am!” Hinihingal na tawag sa kaniya ni Inday kaya napakunot siya ng noo.“Oh? Ba’t parang inararo ka ng imaginary boyfie mo?” Takang tanong niya rito nang makitang nagkakalat ang buhok nito at pawis na pawis.“Iyan kasing tatlo! Pagkatapos ng assessment nila eh natipuhan na naman magtakbo-takbo sa gawas, este sa labas,” sumbong nito kaya natawa na lang siya.Hindi kasi makaganti ang mga ito sa salita sa ate Inday ng mga ito dahil pinapagalitan niya agad kapag nagiging sutil ang pananalita kaya naman ay nakakaisip ang mga bulilit ng ibang paraan para gumanti at ito nga ay pagpapahabol.Alam kasi ng mga ito na mas mahirap silang habulin dahil tatlo sila at malaki si Throne. Kahit ka
HIS ex-wife wore a single ponytail and the light blue parent-child sportswear made her look very young. Halatang walang retoke ang mukha and there was a beautiful and sparkling light in her eyes like motherhood suits her better.Iniwas ni Philip ang paningin sa dating asawa at ininat ang mga paa na nasisikipan sa economy class seat dahil sa taglay niyang tangkad. Ang kalmado niyang puso ay muli na namang nagising dahil sa babae pero hindi pa rin mawala sa isip niya ang anak na nasa tabi nito at nahihimlay.Alam niya kung saan ito namalagi sa loob ng dalawang taon. Hindi niya na ito muling hinayaang umalis sa kaniyang paningin pero hindi pa ito ang oras na muli silang magsasama. Marami pa siyang kailangan linisin.HINDI niya pinansin ang lalaki na parang hindi niya ito kilala at gano'n din naman ang ginawa ng dating asawa sa kaniya.Pagkalipas ng ilang oras ay may stewardess na lumapit sa kanila upang alukin ng tanghalian. May dala itong dining cart and asked them what the wanted.Tini
Tumaas naman ang kilay ng lalaki at nakita niya pang pumasada ang paningin nito sa gilid ng kaniyang labing may bakas pa ng putok galing sa sampal nito.“Why? Do you regret it?” Puno ng sarkasmo nitong tanong.Ilang libong patalim ang tilantumarak sa puso ni Phim sa tanong ng asawa— dating asawa. Pinipirapiraso nito ang puso niya pero patuloy pa ring tumitibok ang bawat piraso para sa lalaki.She looked straight ahead and said softly, “Kung maibabalik ko lang ang panahon, mas pipiliin ko pang mamatay na lang kaming magkakapatid kaysa nagdurusa ngayon dahil sa ‘yo.” Aalis siya hindi lang para sa kapakanan niya kundi para na rin sa kapakanan ng tatlo niyang anak. Kaya niyang buhayin ang mga bata nang wala ang ama ng mga ito. Kaya niyang tumayo sa dalawa niyang paa na walang hihinihinging tulong dito.Para sa anak niyang may sakit, kakalimutan niya ang bawat parte ng sirang puso niyang tumitibok pa rin para kay Philip. Handa niyang talikuran ang lahat mailigtas lang ang bunso niya.Hind
Hindi mapakali si Phim dahil sa kalagayan ng anak na si Throne. Ang sabi kasi ng mga doctor na tumingin dito ay may cardiomyopathy o problema sa muscle ng heart na raw ang anak at kailangan itong maagapan agad at madala sa hospital sa lalong madaling panahon.Wala na siyang ibang malalapitan para mapaatras ang utos ng asawa niya sa mga hospital! Sinubukan na rin gawan ng paraan ni Katya pero kahit gaano pa makapangyarihan ang babae ay wala pa rin itong magawa.Kahit ilabas niya ang milyong-milyong salapi pa niya ay hindi niya kakayanin bayaran ang mga hospital para baliin ang utos ni Philip.Kaya naman, ang naiisip na lang ni Phim na huling alas niya ay ang asawa niya mismo. Makikiusap siya. Lulunukin niya ang pride para lang maligtas ang anak.Si Serpahim na walang kain at inom pa sa araw na iyon ay muling bumalik sa kompanya ng asawa. Wala na siyang pakialam kahit nakayapak siya at diret-diretso lang na naglakad sa opisina nito na hindi naman pinigilan ng sekretaryang nakatingin sa
Nag-alarm pa si Philip para lang maabutan ang mga anak niyang pumasok sa eskwelahan. Alam na kasi niya na sa tigas ng ulo ni Phim ay hindi siya nito hihintayin kahit na sinabi niyang siya ang maghahatid sa mga ito papuntang eskwelahan.Pagkabukas ng elevator na sinasakyan niya ay nagkagulatan pa sila ng babae na parang guilty sa nagawa nitong krimen. Pero agad rin iyon naglaho nang magpatuloy itong pumasok at parang wala lang siya rito.Nagtagis ang mga bagang niya sa trato sa kaniya ni Phim. Ito na nga ang may ganang maglayas at magtago, ito pa ang may ganang umakto ng parang wala lang.“Did you plan to go to school without me?” Seryosong niyang tanong sa asawa pero nananatili lang ito na tahimik.“Phim…” Pagtawag niya dito pero ang magaling ay tinalikuran siya at hinarap ang mga anak na nakatingala sa kaniya at sa nanay ng mga ito. Gusto niya na magkunot-noo pero nakamasid sa kaniya si Tristian kaya pigil na pigil niya ang sarili at binigyan ito ng maliit na ngiti. “Give me that. L
Ang galit ni Phim kay Philip ay hindi kayang pasanin ni Satanas kahit magtulong-tulong pa ito ng mga alalay ng demonyo.Hindi na sakit ang nararamdaman ng babae kundi galit! Punong-puno siya ng galit para dito. “Inday!” Tawag niya sa dalagita na agad namang napatingala sa kaniyang namumutla at bumalik ang tingin nito sa walang sapin niyang paa.“M-ma'am, ma'am si Tron-tron, ma'am,” sunod-sunod ang paglandas ng luha nito sa pisngi habang hawak-hawak ang kamay ng walang malay na batang may suksok na karayom.Hinimas niya muna ang ulo ng dalawang anak na tahimik lang na nakayakap sa kaniya at saka nilapitan si Throne na parang mahimbing lang na natutulog at walang iniindang masakit.Lumuhod siya sa harap nito at hinaplos ang buhok ng anak. Hindi niya mapigilang umiyak dahil sa awa sa kalagayan nito. Ang galit niya ay tuluyang dumoble nang makitang dinadaan-daanan lang sila ng mga nurse at iba pang trabahante ng hospital. Nandidilim ang kaniyang paningin kaya nagawa niyang haklitin ang
Ilang ulit pinahiran ni Phim ang luha pati na rin ang namutok niyang labi. Walang ibang pumapasok sa isip niya kundi ang nag-uumapaw na pagkamuhi sa lalaki.Wala na talaga ang dating lalaking nakasama niya sa mailing panahon sa loob ng iisang bahay. Hindi pa rin makapaniwala si Phim na makukuha siya nitong saktan dahil lang sa pagbanggit sa babae nito.Gano'n na ba ito kaimportante sa lalaki na handa nitong ipagpalit siya na nanay ng mga anak nito.She scoffed in disbelief, ‘nanay’ lang pala siya ng mga anak nito at mag-asawa lang sila sa papel. Hindi dapat siya umaakto na parang nasasaktan siya dahil lang nakita niya itong may parang babasaging manika sa bisig nito.Pinagtiringinan siya ng mga empleyado ng lalaki ngunit hindi niya binigyang pansin ang mga ito. Isipin na nito ang isipin pero gusto na lang agad niya makarating sa kanilang bahay at magmukmok.Pinara agad niya ang nakitang paparating na taxi at agad na nagpahatid sa kanilang condo.Pagkarating ay agad siyang pumasok sa l
Na-corner na nga si Phim ni Philip at wala na siyang ibang matakbuhan pa dahil ang dalawang kamay nito ay nakadiin sa pader at siya naman ay nakakulong sa gitna ng mga ito.“You better tell me right now or you won't like the consequences of your actions,” banta nito pero matibay pa rin ang loob niya na hindi ito sundin.Matagal silang nagkatitigan ng lalaki bago ito ang kumawala at napipikong nagbuga ng hininga at binuksan ang unang tatlong butones ng suot nitong polo.Pinagmamasdan lang niya itong may kung anong hinahanap at ng hindi makita ay pinalis nito ang mga gamit sa sa ibabaw ng mesa nito.“Fucking bullshit. Where did I fucking put that goddamn cellphone,” malulutong at sunod-sunod nitong mura at nang makita itong nasa ibabaw ng cabinet ay ito naman ang napagdiskitahan nitong itumba pagkatpos kunin ang telepono.Kinalikot nito ang cellphone at maya-maya pa'y may tinawagan.“Block Seraphim Anastasia Arandia for going into any hospital including abroad… yes, do that. Okay.” Agad
(Dalawa po kasi ‘yong kabanata 12 hindi ko napansin kaya i-advance ko na rito ng isa, magkaiba naman po ang content no’n. pasensya na!)Tagaktak ang pawis ni Phim sa paglalakad at pagpapasa ng resume niya sa kada building na napalasukan. Pare-pareho ang sagot nito sa kaniya; tatawagan na lang daw siya o overqualified daw para sa position na ina-apply-an.“Naku, ma'am, pasensa na po at hindi pa po kami hiring ngayon,” sabi ng isang staff na nakausap at pasimple pa nitong binaba ang signage na ‘apply now for secretarial position’. Aba! Parang sinasadya na yata siya ah. Pati singit niya ay pinagpapawisan na sa pagod sa job hunting na ito. Noong sa mayor lang naman siya nagsecretary ay natanggap agad siya kahit walang experience at unang sabak niya sa trabaho para matustusan ang ang mga kapatid.Nanlulumo at bagsak ang balikat niya na lumabas sa building na iyon. Wala na siyang lakas para murahin ang mga harap-harapan nitong pagtanggi sa kaniya.Isang building na lang tuloy ang natitira
Abala siya sa pagsusuot ng bag sa mga anak at hindi na pinansin ni Phim ang malakas na tawa at pagkuda ng babaeng directress ng school.“Do you have any problem if she is my wife?” Rinig niyang pigil ang galit sa boses ni Philip nang sagutin nito ang kanina pa nagapasaling na babae.Hindi tuloy niya maiwasang mapatingin sa lalaki kasi ito ang unang beses na hindi siya nito itinanggi.“Ay hindi naman, Philip! Malayo kasi sa mga nali-link sa ‘yo na babae ‘yong aura ni ma'am!” Humagikhik pa ang bruha na parang may nakakatuwa sa sinabi nito.Agad naman napatikwas ang kilay niya sa narinig sa babae. First name basis na pala ang mga kupal. Hindi na nahiya na nakikita sila ng mga anak niya.“I don't like this school, mama,” malakas na sabi ni Virtue. “Why, baby? Akala ko ba ay excited ka na mag-school?” Tanong naman niya rito na puno ng pagtataka.“I just don't feel the vibes,” sagot ng anak na nagsusungit.“Me, too,” gatong pa ni Throne at sinundan naman ng pagtango ni Power.Sa sinabi ng