Share

KABANATA 11

“Ang tabachingching naman ng mga abebe na ‘yan!” Nagising si Phim sa boses ni Katya na may kinakausap.

Nananakit pa ang katawan niya at mabigat pa ang kaniyang pakiramdam pero agad itong nawala nang makita ang tatlong baby stroller ng hospital at nasa loob ang kaniyang tatlong anghel.

Gumalaw siya na parang uupo kaya napatingin sa kaniya ang doktora na tuwang tuwa na nakikipaglaro sa anak niyang sa tingin niya ay si Throne.

“Hey, brave momma,” pagbati ni Katya kay Phim at inalalayan siyang makaupo at agad na binigyan ng maligamgam na tubig para makainom.

“Kamusta ang mga anak ko?” Pagtatanong niya sa doktora na malawak ang ngiti.

“Ayos na ayos! Ang tataba nila at ang sarap pisilin ng mga pisngi kung p’wede lang!” Umaksiyon pa itong nanggigigil saka nagpatuloy sa pagdaldal.

“Ay siya nga pala! Kaya pala nandito ang mga babies mo at wala sa ward ay dahil breastfeeding time na. Kaya mo ba?” Nag-aalala nitong tanong.

“Bakit hindi? Give me my boys,” ani niya at ngumiti kaya naman dali-dalin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status