Share

KABANATA 18

Nakatulala lang si Philip kaharap si Power na tulog pa rin sa higaan.

Hindi na nagpumilit pa si Phim na palabasin at pauwiin ang lalaki dahil parang bingi lang naman ito sa mga sinasabi niya at parang magigising ang anak kapag titigan lang nito.

Lumabas na lang siya at nakita niya si Inday na karga ang natutulog na ring si Throne dala ng pagod.

“Kaya pala ang popogi ng mga makukulit na bata.”

Narinig niyang komento ni Inday kaya napatingin siya rito.

“Eto naman si ma'am! Parang mananakmal agad. Hindi ko ano… hindi ko agawin… agagawin… basta! Agawin ‘yang husbandors mo!” Sigaw nito kaya napagalaw si Throne sa gulat na agad naman nitong tinapik.

“Aagawin,” pagtatama niya, “at saka, ex-husband. Baka mag-file na ‘yon ng divorce kasi nandito na ako para makapagpapirma siya.

“Sus! Baka nga nakakaamoy na ‘yon siya,” ingos naman ni Inday kaya sabay sila napabuntong-huninga. Siya dahil sa kabang nagkatawang tao na nasa kwarto ng anak, at si Inday naman ay dahil hindi na makahinga sa bigat ng
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status