Share

KABANATA 7

Inutusan ng doktora na pauwiin na lang muna ang ibang pasyente niyang naghihintay sa labas ng kaniyang opisina at hinabilinan ang sekretarya na walang pagsasabihan sa nakita nito kung ayaw nitong mawalan ng trabaho.

“Calm down, Phim. Baka kung anong mangyari sa mga anak mo. Stress is not on our bucket list and I'll do my best to eliminate that stress,” determinado nitong pahayag at hinawakan pa ang kaniyang balikat.

Hindi na siya makasagot sa takot na nararamdaman. Ayaw niyang bumalik sa poder nito at baka ano pa ang mangyari sa kaniyang mga anak.

“May fire exit sa dulo ng hilera ng opisina ko. I will call my driver to meet us there. Huwag mo dalhin ang maleta mo, mahahalata tayo ng mga tauhan ni Philip,” tuloy-tuloy nitong salita habang hinuhubad ang doctor's robe nito at stethoscope na nasa leeg.

“Here, hold your babies. Sa kanila ka kumuha ng lakas. Listen, Phim.” Pagkabigay nito ng sonogram sa kaniya ay hinawakan nito ang pisngi niya at mariin siyang pinakatitigan.

“Tuso ang asawa mo. We're on the same circle kaya alam ko kung paano ang pamamalakad niya sa mga posesyon niya at isa ka na ro’n. Kaya kung gusto mong mailigtas ang ‘yong mga anak, sumunod ka sa ‘kin.”

Sunod-sunod siyang tumango sa sinabi nito at hinayaan lang itong isuot sa kaniya ang doctor's robe nito at ipinuyos ang buhok.

Mabilisan ang kilos ng doktor. Naipasok na nito ang kaniyang maleta sa isang kabinet at akmang kukunin din ang kaniyang bag nang pigilan niya ito.

“Sandali, dok—”

“Katya, call me Katya ‘coz we're friends now,” utos nito.

“Katya. Nandiyan ang pera ko. Hindi ko ‘yan p’wedeng iwan.”

Bumuntong-hininga ito at agad hinulbot ang isa pang bag na nakataga sa aparador nito.

“Hindi tayo magdadala ng bagay na makakapagturo kung nasaan ka kaya ililipat natin ang lamang ng bag na ito sa iba—, what the fuck?” Napamura ito nang makita ang libu-libong salapi na nasa loob ng bag.

“Mahabang usapan ‘yan at hindi ko ‘yan ninakaw kay Philip,” inunahan na agad niya ito.

“That's a lot,” mahinang usal nito bago isa-isang pinasok ang mga salapi sa bagong bag. Pagkatapos ng ginagawa nito ay saka siya hinila papalabas ng opisina at dire-diretso silang naglakad papunta sa isang fire exit.

“Act fool. Act fool. Act fool,” paulit-ulit nitong bulong kaya napahawak siya sa panghuling saplot na ibinalot sa kaniya ni Katya— ang malong.

Kahit naninigas na ang mga paa niya ay pinilit niya itong ihakbang sa pag-asang natanaw niya dahil malapit na sa kanila ang fire exit.

“Doc!” Pasigaw na tawag ng isang lalaki.

“Shit.”

“Tangina.”

Sabay silang napamura ng doktor. Halos mahulog ang puso niya sa kaba dahil may humawak sa balikat niya. Ang pagdarasal niya na sana may pumigil dito ay lumalampas na sa langit. Mabuti na lang at iwinaksi ng doktora ang kamay ng lalaki na nakahawak sa kaniya.

“Hindi ka ba tinuruan ng good manners ang right conduct plus ang religion na subject?” Sarkastikong tanong ni Katya.

Hindi siya magkakamaling lumingon at tingnan kung sino ito. Alam naman kasi niyang tauhan ito ng asawa.

“Sorry, doktora. Napag-utusan lang,” puno ng kalyo ang boses nito. Delikado. Ayan ang nakatatak sa kaniyang isipan.

“Bawal mo hawakan ang babaeng muslim kapag hindi ka niya asawa. Bawal mo ring tingnan. At kapag nanganak ang pasyente namin na wala pa kami, ako mismo ang puputol sa ari mong makati,” pananakot ni Katya at rinig niya ang pag-alis ng lalaki.

“Shit, bilisan natin pero dahan-dahan ka lang.” Magulo pero naintindihan niya ang ibig sabihin nito lalo na at galing sila sa third floor at bababa gamit lang ang hagdanan.

“Baka makatunog si Philip na tinatakas kita. Buti na lang bobo ‘yong tauhan niya,” patuloy lang sila sa paglakad at maya-maya pa'y may nakita silang itim na van kaya napakapit siya kay Katya sa takot na baka sa asaw aniya ito.

“Sa ‘yo ba ‘yan?” Natatakot niyang tanong.

“Don't worry, it's mine. Halika bilis, pasok na.”

Pumasok na nga siya at itinapon nito ang bag sa likod at saka pumasok at hinila ang pinto ng van pasara.

Agad humarurot ang sinasakyan nila at nakita niya pa sa likod ang paghabol ng iilang sasakyan sa kanilang likuran.

“Aray!” Napahawak siya sa tiyan nang manigas na naman ito at sumakit.

“Anong nangyayari?” Nag-aalalang tanong ni Katya sa kaniya.

“Naninigas na naman ang tiyan ko,” reklamo niya dito at may binunot naman ang babaeng gamit sa bulsa nito bago ibinigay sa kaniya at ang isang hindi pa bukas na bottle water.

“Inumin mo ‘yan, pampakalma at aantukin ka. Don't worry, hindi kita hahayaan sa kapahamakan.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status