Hindi na alam ni Seraphim kung saan siya pupunta at ano ang uunahin. Nananakit na rin kasi ang kaniyang tiyan at natatakot siyang baka ano ang mangyari sa bata sa kaniyang sinapupuna kaya naman dumaan siya sa isang hospital.
“Hi, miss. Saan dito ‘yong pagpa-ultrasound?” Tanong niya sa front desk at agad naman siya nitong tinuro papunta sa opisina raw ni doctor Marquez. “Dito po, ma'am. Hintay lang po kayo saglit at ikaw na ang susunod na papasok,” ngumiti sa kaniya ang babae kaya naman kahit punong-puno ng problema ay ginantihan niya ito ng ngiti. “Thank you,” sagot niya at tumalikod na ito. Hindi naman nagtagal ang paghihintay niya ng pinapasok na siya ng sekretarya ng doctor. Agad nanuot sa kaniyang ilong ang aroma ng kape at isang masuyong musika na parang dinuduyan siya sa antok. “Hi!” Bati sa kaniya ng magandang doktor at ang maliwanag nitong aura ay parang nakakahawa. Agad naman siyang umupo at iniwan ang maleta sa may munting sala ng opisina saka nagsimulang magkwento sa pakay niya. “Nag-pregnancy test po kasi ako doktora at positive po ang lumabas. May nangyari po sa amin ng asawa ko mga isang buwan na yata ang nakalipas. Hindi ko na kasi mabilang,” panimula niya na tinanguan naman nito. “At itatanong ko rin po sana kung p’wede ba akong bumiyahe sa malayo kahit buntis.” Kinusot niya ang mga kamay dahil sa kaba. “That explains the suitcase,” sabi nito at tinuro ang kaniyang maleta na tinanguan niya lang. “Halika dito, let's check your angel. Dapat talaga sa mga lalaking walang kwenta iniiwan eh,” bagulbol nito habang inaayos ang mga aparato na gagamitin nila. Hindi naman na siya pinagpalit pa ng damit at ipinataas na lang ang suot na blusa saka pinahiran ng malamig na gel ang kaniyang tiyan kaya hindi niya naiwasang mapalaton sa gulat ng kaunti. Nginitian naman siya nito. “First time?” Tanong ni doktora Marquez. “Opo, doc,” sagot niya. “Malaki ba? Okay lang ‘yang masaktan as long as malaki at sulit,” humagikhik pa ito bago itinapat ang parang scanner at pinaikot-ikot sa kaniyang tiyan. Napamulagat naman siya sa sinabi nito at hindi maiwasang pamulahan. Totoo namang malaki ang saging ng asawa niya kasi may lahi itong italian! Umaabot sa bahay-bata kaya siguro naka-score agad. Natahimik naman ang doktor at inilapit pa ang mukha sa parang monitor at napanganga ito. “Oh… my… god,” dahan-dahan nitong bulalas at nanlalaki ang matang napatingin sa kaniya. Agad naman gumapang ang pag-aalala sa kaniya dahil sa reaksiyon nito. “May nangyari po ba sa anak ko, dok?” Nag-aalala niyang tanong. “This is my first time. Oh my god!” Tumili pa ito at nagtatalon dahil sa hindi maipaliwanag na tuwa. “You see that three dots? You're carrying a triplets, mommy!” Pagbubunyag nito sa balitang talaga naman ay nagdulot sa kaniya ng pagkahilo. Hindi dahil sa lungkot, kundi dahil sa gulat! “Walang hiyang Philip na ‘yon! Nagpapakasaya sa babae niya pagkatapos ako maghihirap dahil sa kagagawan ng t****o niya!” Nangangalaiti niyang ani pagkatapos mahimasmasan sa gulat. “Wait.” Hinawakan ng doktora ang balikat niya, “you mean, Philip Callari?” Hindi na siya nagtaka kung bakit nito kilala ang asawa niya dahil sa yaman at dami ng koneksiyon nito tiyak na walang may hindi may nakakakilala rito. “Yep, the one and only,” pagsuko niya. “Mga hayop na magkakaibigang ‘yon. No’ng isang araw may namaga ang p**e kaya pinuntahan ko sa penthouse ni Thaddeus tapos ngayon buntis naman at iiwan,” napasinghal ito. Mukhan kilala ng doktor ang mga kaibigan ng lalaki at may mas malalim pa itong koneksiyon sa kanila. “I want to be friends with you. Gusto ko tutukan ang pagbubuntis mo since this is my first time holding a case with triplets babies. My name is Cathaliya Anne Marquez. You can call me Katya,” mahabang salaysay ng doktora at iniabot pa ang kamay nito para kamayan siya. “I'm Seraphim Anastasia Arandia— I mean Callari. Call me Phim at huwag ang Ana, nai-stress ako kapag naaalala ko si Philip,” at saka niya tinanggap ang pakikipagkamay nito. Binigyan siya ng tissue ni doktora Katya para ayusin ang sarili niya. Nagpaalam naman itong ipiprint daw ang sonogram ng kaniyang mga anghel at sinabihan pa siyang unahin na munang bayaran ang bill niya bago bumalik at pag-usapan ang mga kailangang gawin. Papunta na siya sa billing station ng isang pamilyar na pigura ang kaniyang nakita. “Fuck!” Mura niya na agad namang pinagsisihan dahil baka naririnig pala ito ng mga anak. Dali-dali siyang bumalik sa opisina ni Katya at nakita ni Phim ang doktora na kinakausap ang sekretarya. Napatingin ito sa kaniya at nagtatakang nagtanong. “What's wrong, Phim?” “Nasa labas si Philip! Mukhang sinusundan niya ako. Tulungan mo ako, doktora, please,” pagmamakaawa niya na wala nang halong hiya. “Calm down, calm down. I will help you.”Inutusan ng doktora na pauwiin na lang muna ang ibang pasyente niyang naghihintay sa labas ng kaniyang opisina at hinabilinan ang sekretarya na walang pagsasabihan sa nakita nito kung ayaw nitong mawalan ng trabaho.“Calm down, Phim. Baka kung anong mangyari sa mga anak mo. Stress is not on our bucket list and I'll do my best to eliminate that stress,” determinado nitong pahayag at hinawakan pa ang kaniyang balikat.Hindi na siya makasagot sa takot na nararamdaman. Ayaw niyang bumalik sa poder nito at baka ano pa ang mangyari sa kaniyang mga anak.“May fire exit sa dulo ng hilera ng opisina ko. I will call my driver to meet us there. Huwag mo dalhin ang maleta mo, mahahalata tayo ng mga tauhan ni Philip,” tuloy-tuloy nitong salita habang hinuhubad ang doctor's robe nito at stethoscope na nasa leeg.“Here, hold your babies. Sa kanila ka kumuha ng lakas. Listen, Phim.” Pagkabigay nito ng sonogram sa kaniya ay hinawakan nito ang pisngi niya at mariin siyang pinakatitigan.“Tuso ang asawa
Dahil sa pagod ay hindi na rin napigilan ni Seraphim na makatulog at nang magising siya ay nakahinto ang van sa isang parking space. Nakita niyang kumakain si Katya ang ang driver nito ng take out galing sa isang sikat na fast food chain.Napansin naman agad ni Katya na nagising na siya kaya mabilis nitong nilunok ang nginunguya at sumipsip sa hawak nitong baso.“Kamusta pakiramdam mo?” Tanong nito.Hindi naman napigilan ni Phim ang mag-inat at napahikab.*Sorry, inaantok pa kasi ako,” hinging paumanhin niya sa babae.“It's okay. Alam ko namang antukin ang mga buntis lalo nat nasa first trimester ka pa lang.”Namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan at ngayong lang siya ginapangan ng hiya nang ma-realize niya ang perwisyong naidulot sa doktora.“Pasensya ka na talaga, Katya. Malaking perwisyo na ang naibigay ko sa ‘yo,” muling paghingi niya ng pasensya dito na tinawanan lang ng babae.“Ano ka ba! Wala lang ‘yon noh! Sino pa ba ang tutulong sa babae kundi ang kapwa babae rin niya?”
Paliit nang paliit ang mga gusali sa baba habang sila ay pataas nang pataas sa himpapawid. Maganda ang tanawin sa kabuuan ng Manila. Hindi niya lang maiwasang malungkot sa isipang iiwan niya ang mga kapatid at hindi nagpapaalam sa mga ito.Kapag kasi ginawa niya ang bagay na iyon ay siguradong ang mga ito naman ang mapapahamak dahil pagbubuntungan ito ng galit ni Philip.Hindi niya lang maiwasang mapatanong kung bakit humingi it ng kalayaan tapos no’ng iniwan niya na ay saka siya nito hahabulin. “Nakabusangot ka na naman. Baka paglabas ng mga inaanak ko eh nakasimangot na rin mga ‘yan sige ka,” narinig niyang sabi ni Katya kaya napalingon siya rito.“Iniisip ko lang si Philip,” sagot niya at ibinalik ang tingin sa tanawin sa kanilang baba.“Sus,” rinig niyang palatak nito na hindi na sana niya papansinin.“Sa totoo lang, fiancé talaga ako ng kaibigan niyang si Aureus pero shit happened at ito nagtatago rin ako sa kaniya,” pagbubunyag nito kaya nakuha nito ang atensiyon niya.“Pero pa
Mabilis lumipas ang siyam na buwan simula nang makarating si Seraphim sa isla ng Leyte. Nakakapag-adjust na rin siya sa normal na kultura ng lugar kagaya na lang ng mga sigawan kahit umaga pa lang. Hindi sigawan ng pag-aaway kundi sigawan ng normal na pag-uusap.Likas na malalakas ang boses ng mga tao sa lugar at walang mahinhin ang hindi makukuha ang ugaling ito kapag matagal nang nakatira sa isla.“Uday,” pagtawag sa kaniya ni inang Salome. Uday ay para sa ija.“Ano po ‘yon, inang?” Sagot niya sa matanda. Nilapitan naman siya ni inang Salome ag hinimas-himas ang kalakihan ng kaniyang tiyan. Kabuwanan niya na ngayon at hinihintay na lang niya si Katya na dumating para i-check ang lagay ng kaniyang mga anak.“Naka-ano, nakahanda na an imo mga gamit?” (nakahanda na ‘yong mga gamit mo?) Tanong nito. May halong waray-waray pa rin ang pananagalog nito at ayos lang naman iyon sa kaniya dahil ginagawa naman nito ang lahat para magkaintindihan sila pati na rin ang ibang tao sa isla.“Opo, in
“A-Ano…” Nabitin ang itatanong niya nang pumasok na si Katya sa loob ng sasakyan at hinampas ang lalaking ngayon ay nakahawak na sa manibela.“Aray! Nakakadalawa ka na ngayong araw, mahal, ah! Ako naman dadalawa mamaya!” Reklamo nito pero may namumuong pilyong ngiti sa nga labi.“‘Tang ina mo talaga, Aureus,” nanggigil naman na sagot ni Katya bago siya binalingan.“Sorry about that, Phim. Ewan ko ba sa lalaking ito. Ang daming beses ko na pinagbantaan at tinaguan pero nahahanap pa rin ako,” binalingan nito ang nasa harap ng masamang tingin.Para namang sumusuko ito nang itaas nito ang dalawang kamay at binitiwan ang manibela kaya ang malakas na sigaw ni Katya ang umalingawngaw sa loob ng sasakyan.“Put your goddamn hands in the steering wheel or I'll be the one to put my hands on your neck until you turns blue!” Namumulang sigaw ni Katya sabayan pa ng lumalaging sakit na sa kaniyang tiyan.“Kapag nagkita na si Phim at Philip ay isusumbong kitang, putrages ka! Hindi ko na alam kung ano
“Ang tabachingching naman ng mga abebe na ‘yan!” Nagising si Phim sa boses ni Katya na may kinakausap.Nananakit pa ang katawan niya at mabigat pa ang kaniyang pakiramdam pero agad itong nawala nang makita ang tatlong baby stroller ng hospital at nasa loob ang kaniyang tatlong anghel.Gumalaw siya na parang uupo kaya napatingin sa kaniya ang doktora na tuwang tuwa na nakikipaglaro sa anak niyang sa tingin niya ay si Throne.“Hey, brave momma,” pagbati ni Katya kay Phim at inalalayan siyang makaupo at agad na binigyan ng maligamgam na tubig para makainom.“Kamusta ang mga anak ko?” Pagtatanong niya sa doktora na malawak ang ngiti.“Ayos na ayos! Ang tataba nila at ang sarap pisilin ng mga pisngi kung p’wede lang!” Umaksiyon pa itong nanggigigil saka nagpatuloy sa pagdaldal.“Ay siya nga pala! Kaya pala nandito ang mga babies mo at wala sa ward ay dahil breastfeeding time na. Kaya mo ba?” Nag-aalala nitong tanong.“Bakit hindi? Give me my boys,” ani niya at ngumiti kaya naman dali-dalin
Malaki-laki rin ang nagastos ni Phim no'ng siya ay manganak. Umaabot sa thirty million ang nabayad niya sa hospital dahil umabot pa sila ng dalawang linggo rito at nakaprivate room. Tatlo rin ang mino-monitor ng mga doktor at mga nurse kaya palong-palo talaga ang binayaran niya. Mabuti na lang at ligtas ang mga anak. Iyon ang mas importante.Nasa thirty million na lang ang natira sa ibinigay ng mga magulang sa kaniya ni Philip. Ang umaabot kasi sa twenty million ay ibinili niya ng lupa na parte ng isla Marquez sa Leyte dahil nakakahiya naman sa pamilya ni Katya na nakikitira lang siya. Mabuti na lang mababait ang mga magulang nito kaya kahit hindi ipinagbibili ay pumayag ang mga ito.Nagpatayo rin siya ng bahay at bumili ng sariling sasakyan para may service ang mga anak kung gusto niyang bumyahe papunta sa mansiyon ng mga Marquez.Minsan din ay dinadalaw siya ng mga magulang ni Katya dahil nag-e-enjoy ang mga ito sa paglalaro sa mga apo kuno nito.Paubos na ang pera nila at kailangan
Naalala ni Phim ang sinabi ng anak niyang si Throne tungkol kay Rios. ‘Adi na naman hi maadas’, hindi pa rin naman kasi siya makaintindi ng waray-waray kaya kailangan pa niya magtanong sa mga kakilala kung anong ibig sabihin ng sinabi ng anak niya para mapangaralan ito ng mabuti.“Inday, ano ang ibig sabihin ni Throne kanina?” Tanong niya sa katulong na abala sa pagluluto ng kanilang pananghalian.“An ano ma'am? Ay este, ‘yung ano po?” Napakamot ito sa ulo sa pag-aalala sa kung ano ba ang sinabi ng kaniyang makulit na bulinggit.Sa daldal ba naman kasi ni Throne, hindi niya alam kung kanino ito nagmana! Baka dahil sa kakasama nito kay Aureus ay nahawa na ang anak niya.“‘Yong nakita niya si Rios kanina. ‘Yong sinabi niyang maadas something.”Napasigaw naman si Inday dahil sa naalala. “Ay! Sabi niya maasim daw si sir Rios.”Napanganga na lang si Phim sa nalaman. Ang anak niya talagang iyon! Napakasutil! Hindi naman siya sutil noong bata pa siya. Hindi nga lang niya alam sa ama nito.“T
HIS ex-wife wore a single ponytail and the light blue parent-child sportswear made her look very young. Halatang walang retoke ang mukha and there was a beautiful and sparkling light in her eyes like motherhood suits her better.Iniwas ni Philip ang paningin sa dating asawa at ininat ang mga paa na nasisikipan sa economy class seat dahil sa taglay niyang tangkad. Ang kalmado niyang puso ay muli na namang nagising dahil sa babae pero hindi pa rin mawala sa isip niya ang anak na nasa tabi nito at nahihimlay.Alam niya kung saan ito namalagi sa loob ng dalawang taon. Hindi niya na ito muling hinayaang umalis sa kaniyang paningin pero hindi pa ito ang oras na muli silang magsasama. Marami pa siyang kailangan linisin.HINDI niya pinansin ang lalaki na parang hindi niya ito kilala at gano'n din naman ang ginawa ng dating asawa sa kaniya.Pagkalipas ng ilang oras ay may stewardess na lumapit sa kanila upang alukin ng tanghalian. May dala itong dining cart and asked them what the wanted.Tini
Tumaas naman ang kilay ng lalaki at nakita niya pang pumasada ang paningin nito sa gilid ng kaniyang labing may bakas pa ng putok galing sa sampal nito.“Why? Do you regret it?” Puno ng sarkasmo nitong tanong.Ilang libong patalim ang tilantumarak sa puso ni Phim sa tanong ng asawa— dating asawa. Pinipirapiraso nito ang puso niya pero patuloy pa ring tumitibok ang bawat piraso para sa lalaki.She looked straight ahead and said softly, “Kung maibabalik ko lang ang panahon, mas pipiliin ko pang mamatay na lang kaming magkakapatid kaysa nagdurusa ngayon dahil sa ‘yo.” Aalis siya hindi lang para sa kapakanan niya kundi para na rin sa kapakanan ng tatlo niyang anak. Kaya niyang buhayin ang mga bata nang wala ang ama ng mga ito. Kaya niyang tumayo sa dalawa niyang paa na walang hihinihinging tulong dito.Para sa anak niyang may sakit, kakalimutan niya ang bawat parte ng sirang puso niyang tumitibok pa rin para kay Philip. Handa niyang talikuran ang lahat mailigtas lang ang bunso niya.Hind
Hindi mapakali si Phim dahil sa kalagayan ng anak na si Throne. Ang sabi kasi ng mga doctor na tumingin dito ay may cardiomyopathy o problema sa muscle ng heart na raw ang anak at kailangan itong maagapan agad at madala sa hospital sa lalong madaling panahon.Wala na siyang ibang malalapitan para mapaatras ang utos ng asawa niya sa mga hospital! Sinubukan na rin gawan ng paraan ni Katya pero kahit gaano pa makapangyarihan ang babae ay wala pa rin itong magawa.Kahit ilabas niya ang milyong-milyong salapi pa niya ay hindi niya kakayanin bayaran ang mga hospital para baliin ang utos ni Philip.Kaya naman, ang naiisip na lang ni Phim na huling alas niya ay ang asawa niya mismo. Makikiusap siya. Lulunukin niya ang pride para lang maligtas ang anak.Si Serpahim na walang kain at inom pa sa araw na iyon ay muling bumalik sa kompanya ng asawa. Wala na siyang pakialam kahit nakayapak siya at diret-diretso lang na naglakad sa opisina nito na hindi naman pinigilan ng sekretaryang nakatingin sa
Nag-alarm pa si Philip para lang maabutan ang mga anak niyang pumasok sa eskwelahan. Alam na kasi niya na sa tigas ng ulo ni Phim ay hindi siya nito hihintayin kahit na sinabi niyang siya ang maghahatid sa mga ito papuntang eskwelahan.Pagkabukas ng elevator na sinasakyan niya ay nagkagulatan pa sila ng babae na parang guilty sa nagawa nitong krimen. Pero agad rin iyon naglaho nang magpatuloy itong pumasok at parang wala lang siya rito.Nagtagis ang mga bagang niya sa trato sa kaniya ni Phim. Ito na nga ang may ganang maglayas at magtago, ito pa ang may ganang umakto ng parang wala lang.“Did you plan to go to school without me?” Seryosong niyang tanong sa asawa pero nananatili lang ito na tahimik.“Phim…” Pagtawag niya dito pero ang magaling ay tinalikuran siya at hinarap ang mga anak na nakatingala sa kaniya at sa nanay ng mga ito. Gusto niya na magkunot-noo pero nakamasid sa kaniya si Tristian kaya pigil na pigil niya ang sarili at binigyan ito ng maliit na ngiti. “Give me that. L
Ang galit ni Phim kay Philip ay hindi kayang pasanin ni Satanas kahit magtulong-tulong pa ito ng mga alalay ng demonyo.Hindi na sakit ang nararamdaman ng babae kundi galit! Punong-puno siya ng galit para dito. “Inday!” Tawag niya sa dalagita na agad namang napatingala sa kaniyang namumutla at bumalik ang tingin nito sa walang sapin niyang paa.“M-ma'am, ma'am si Tron-tron, ma'am,” sunod-sunod ang paglandas ng luha nito sa pisngi habang hawak-hawak ang kamay ng walang malay na batang may suksok na karayom.Hinimas niya muna ang ulo ng dalawang anak na tahimik lang na nakayakap sa kaniya at saka nilapitan si Throne na parang mahimbing lang na natutulog at walang iniindang masakit.Lumuhod siya sa harap nito at hinaplos ang buhok ng anak. Hindi niya mapigilang umiyak dahil sa awa sa kalagayan nito. Ang galit niya ay tuluyang dumoble nang makitang dinadaan-daanan lang sila ng mga nurse at iba pang trabahante ng hospital. Nandidilim ang kaniyang paningin kaya nagawa niyang haklitin ang
Ilang ulit pinahiran ni Phim ang luha pati na rin ang namutok niyang labi. Walang ibang pumapasok sa isip niya kundi ang nag-uumapaw na pagkamuhi sa lalaki.Wala na talaga ang dating lalaking nakasama niya sa mailing panahon sa loob ng iisang bahay. Hindi pa rin makapaniwala si Phim na makukuha siya nitong saktan dahil lang sa pagbanggit sa babae nito.Gano'n na ba ito kaimportante sa lalaki na handa nitong ipagpalit siya na nanay ng mga anak nito.She scoffed in disbelief, ‘nanay’ lang pala siya ng mga anak nito at mag-asawa lang sila sa papel. Hindi dapat siya umaakto na parang nasasaktan siya dahil lang nakita niya itong may parang babasaging manika sa bisig nito.Pinagtiringinan siya ng mga empleyado ng lalaki ngunit hindi niya binigyang pansin ang mga ito. Isipin na nito ang isipin pero gusto na lang agad niya makarating sa kanilang bahay at magmukmok.Pinara agad niya ang nakitang paparating na taxi at agad na nagpahatid sa kanilang condo.Pagkarating ay agad siyang pumasok sa l
Na-corner na nga si Phim ni Philip at wala na siyang ibang matakbuhan pa dahil ang dalawang kamay nito ay nakadiin sa pader at siya naman ay nakakulong sa gitna ng mga ito.“You better tell me right now or you won't like the consequences of your actions,” banta nito pero matibay pa rin ang loob niya na hindi ito sundin.Matagal silang nagkatitigan ng lalaki bago ito ang kumawala at napipikong nagbuga ng hininga at binuksan ang unang tatlong butones ng suot nitong polo.Pinagmamasdan lang niya itong may kung anong hinahanap at ng hindi makita ay pinalis nito ang mga gamit sa sa ibabaw ng mesa nito.“Fucking bullshit. Where did I fucking put that goddamn cellphone,” malulutong at sunod-sunod nitong mura at nang makita itong nasa ibabaw ng cabinet ay ito naman ang napagdiskitahan nitong itumba pagkatpos kunin ang telepono.Kinalikot nito ang cellphone at maya-maya pa'y may tinawagan.“Block Seraphim Anastasia Arandia for going into any hospital including abroad… yes, do that. Okay.” Agad
(Dalawa po kasi ‘yong kabanata 12 hindi ko napansin kaya i-advance ko na rito ng isa, magkaiba naman po ang content no’n. pasensya na!)Tagaktak ang pawis ni Phim sa paglalakad at pagpapasa ng resume niya sa kada building na napalasukan. Pare-pareho ang sagot nito sa kaniya; tatawagan na lang daw siya o overqualified daw para sa position na ina-apply-an.“Naku, ma'am, pasensa na po at hindi pa po kami hiring ngayon,” sabi ng isang staff na nakausap at pasimple pa nitong binaba ang signage na ‘apply now for secretarial position’. Aba! Parang sinasadya na yata siya ah. Pati singit niya ay pinagpapawisan na sa pagod sa job hunting na ito. Noong sa mayor lang naman siya nagsecretary ay natanggap agad siya kahit walang experience at unang sabak niya sa trabaho para matustusan ang ang mga kapatid.Nanlulumo at bagsak ang balikat niya na lumabas sa building na iyon. Wala na siyang lakas para murahin ang mga harap-harapan nitong pagtanggi sa kaniya.Isang building na lang tuloy ang natitira
Abala siya sa pagsusuot ng bag sa mga anak at hindi na pinansin ni Phim ang malakas na tawa at pagkuda ng babaeng directress ng school.“Do you have any problem if she is my wife?” Rinig niyang pigil ang galit sa boses ni Philip nang sagutin nito ang kanina pa nagapasaling na babae.Hindi tuloy niya maiwasang mapatingin sa lalaki kasi ito ang unang beses na hindi siya nito itinanggi.“Ay hindi naman, Philip! Malayo kasi sa mga nali-link sa ‘yo na babae ‘yong aura ni ma'am!” Humagikhik pa ang bruha na parang may nakakatuwa sa sinabi nito.Agad naman napatikwas ang kilay niya sa narinig sa babae. First name basis na pala ang mga kupal. Hindi na nahiya na nakikita sila ng mga anak niya.“I don't like this school, mama,” malakas na sabi ni Virtue. “Why, baby? Akala ko ba ay excited ka na mag-school?” Tanong naman niya rito na puno ng pagtataka.“I just don't feel the vibes,” sagot ng anak na nagsusungit.“Me, too,” gatong pa ni Throne at sinundan naman ng pagtango ni Power.Sa sinabi ng