Namamanhid ang buo niyang katawan. Pinipigilan lang ni Seraphim ang muling pag-iyak dahil alam niya na hindi ito makakabuti sa kaniyang dinadala.
Hindi niya inaakala na ang isang beses na nagpadala siya sa init ng katawan dahil lamang sa mabait at maalaga ang lalaki ay magbubunga agad. Alam niya na hindi nito sinasadya na mabuntis siya pero mas hindi niya alam na pagkatapos pala nito makuha ang kaniyang pagkababae ay babalik ito sa una nitong minahal kaya ngayon ay nagdurugo ang kaniyang pusong muling sumubok sa pag-ibig. Kasalukuyan niyang inilalabas ang malaking maleta at kinukuha ang mga lumang damit na dala niya galing sa kanila. Iniwan ni Seraphim ang mga bagay na bigay sa kaniya ni Philip. Wala siyang dadalhin na makapagpapaalala dito kundi ang kaniyang anghel lamang. Kahit takot siyang iwan ang nga kapatid at putulin din ang koneksiyon sa mga ito ay wala siyang magagawa. Sapat na siguro ang naipadala niyang pera para gawin ni Althea ang mga dapat gawin. Sana lamang ay nakabukod na ang dalawa sa mga magulang. Kaya na ng mga ito tustusan ang pag-aaral dahil ibinibigay niya ang lahat ng allowance na ibinibigay sa kaniya ni Philip sa mga ito. Nasa limampung milyon na rin iyon. Ito pala ang kapalit ng pagiging mabait at responsable nitong asawa. Ito pala ang kapalit kung bakit hindi siya nito pinagbubuhatan ng masama. Ang sakit-sakit! Dahil alam niya kung sino ang pipiliin nito sa araw-araw. Masakit lumaban sa unang pag-ibig dahil alam ni Seraphim sa kaniyang sarili na hindi pa nga nagsisimula ay talo na siya kaya siya na mismo ang susuko at ibibigay ang kalayaan na gusto nito. Sa gitna ng kaniyang pag-eempake ay ang pagtunog ng doorbell sa kanilang pinto. Nagtataka man ay nilapitan niya ito at binuksan. Gayon na lamang ang gulat niya ng mabungaran ang pinatanda at pinaghalong bersiyon ng kaniyang asawa. Walang iba kundi si Contessa at Frederick Callari. Kita ang gulat sa mukha ni Seraphim at wala pa nga siyang sinasabi ay pumasok na ang mga ito sa loob. “Ano po ang kailanga nila?” Tanong niya sa mga ito na tinaasan lang ng kilay ni Contessa. “You won't offer us a seat or a drink?” Mataray ang bukas ng mukha nito samantala si Frederick ay dumiretso lang ng upo sa sofa. Hindi niya alam kung bakit napabisita ang dalawa sa kaniya. Wala siyang kaide-ideya dahil ito pa lamang ang unang pagkikita nila ng mga magulang ng kaniyang asawa. Natataranta siya, hindi niya na alam ang gagawin kung iiwan niya ba ang mga ito o haharapin sa kabila ng nararamdaman. “A-ano po ang gusto niyo? Upo p-po kayo,” utal-utal na siya at hinawak pa niya ang ginang para alalayang umupo pero winisik lang nito ang kamay niya at bumunot ng alcohol pad sa dala nitong bag at pinunasan ang kamay. Sa gawi pa lang nito ay alam niya na ang pakay ng mga magulang ni Philip. Mas lalong gumapang ang lamig sa kaniyang likod at tumayo ang kaniyang mga balahibo sa nerbyos. “Wala nga talagang class ang piniling pakasalan ni Philip. Sure ka na ba, honey, na legal ang mga papel na iyon?” Tanong nito sa asawa na hindi na siya tinapunan ng tingin. “Oo, I had my lawyer check it twice and it's legal,” sagot ni Frederick kay Contessa. “Oh my,” parang naghihina pa itong napaupo sa tabi ng asawa at inilapag ang bag sa tabi bago bumunot ng makakapal na lilibuhin. “Ten, twenty, thirty, hmmm is this enough? Should I add more?” Mataray nitong ani habang iniisa-isa ang bungkos ng mga libong pera. “Make it a hundred, honey, siguradong hindi na ‘yan babalik pa,” dugtong naman ni Frederick. Naguguluhan na siya kaya nagtanong siya sa mga ito. “Mawalang galang na ho pero para saan po ang mga pera na iyan?” Tanong niya na pinagpapawisan ang mga palad sa kaba. Hindi siya pinansin ng mga ito at itinapon lang ang sampung bungkos ng pera sa kaniya. “That’s one hundred million pesos, layuan mo ang anak namin. Wala kang dulot sa kaniya. Pucho-pucho nga lang ang kumpanya ng mga magulang mo pero hindi ko alam sa anak ko kung bakit ka pa niya pinatulan. Hindi nga kita kayang ipagmalaki sa mga amiga ko.” Mahabang salaysay ng babae. “And what? Bachelor of Secondary Education major in Science lang ang tinapusan mo? Hah! Not even a classy course for rich people like us.” Tumayo na ang mga ito at nilagpasan siya. “Next time we came here, make sure na wala ng dumi ang bahay na ‘to.” Hindi niya na nagawa pang sumagot at lumaban. Gano’n na lang ba siya kababa para sa lalaki? Ayaw na nga ng tadhana na magsama sila, pati ba naman ang pamilya nito? Hindi na naman niya mapigilan ang umiyak. Lagi na lang siyang umiiyak kahit hindi niya gustuhin! Napakahina niya na hindi niya makuhang ipaglaban ang sarili. Kahit masakit sa pride niya, pinulot niya ang mga pera. Alam niyang sa pag-alis niya ay wala na siyang mapupuntahan at malalapitang iba kaya malaking tulong na rin ang perang iyon para sa kaniya at kaniyang anak. Pagkatapos niya magligpit ng mga dadalhin ay nilingon niya muna sa huling pagkakataon ang nagsilbing tahanan niya sa loob ng tatlong buwan. Sa pagtalikod niya ay tuluyang pagbitaw na rin sa mga alaalang pinagsaluhan nila ng asawa. Pinapangako niya sa sarili na hinding-hindi siya lalapit at hihingi ng tulong dito.He grab his tie and unlock the first two button of his suit. Umaakyat na naman ang dugo ni Philip sa ulo dahil sa pagmamatigas ng mag-asawang Arandia. Kahit nasa kaniya na ang titulo ng kumpanya ng mga ito ay nanggugulo pa rin ang mga gago.Tutunggain na sana niya ang alak ng mag-ring ang telepono na konektado sa kaniyang sekretarya kaya naman sinagot niya ito.“Sir, nandito po sila Mr. Arandia sa kabilang linya. May sasabihin daw sila sa ‘yo.” Ang dugo niya na umaakyat pa lang sa kaniyang ulo ay tuluyan na ngang nakaakyat at parang sasabog pa siya sa galit.“What the fuck do they need? Connect them to me!” Sigaw niya at rinig sa kabilang linya na nagmamadali ang sekretarya.“What do you need?” Mariing tanong niya at napahilot sa sintidong pumipintig sa galit.“Huwag kang magalit, Callari. Tiyak ko namang magugustuhan mo ang sasabihin ko,” nakakairitang sabi nito na dinugtungan pa ng malademonyong tawa.Isa ang pamilya Arandia sa dapat mawala sa mundo, hindi lamang sa parte ito sa mg
Hindi na alam ni Seraphim kung saan siya pupunta at ano ang uunahin. Nananakit na rin kasi ang kaniyang tiyan at natatakot siyang baka ano ang mangyari sa bata sa kaniyang sinapupuna kaya naman dumaan siya sa isang hospital.“Hi, miss. Saan dito ‘yong pagpa-ultrasound?” Tanong niya sa front desk at agad naman siya nitong tinuro papunta sa opisina raw ni doctor Marquez.“Dito po, ma'am. Hintay lang po kayo saglit at ikaw na ang susunod na papasok,” ngumiti sa kaniya ang babae kaya naman kahit punong-puno ng problema ay ginantihan niya ito ng ngiti.“Thank you,” sagot niya at tumalikod na ito. Hindi naman nagtagal ang paghihintay niya ng pinapasok na siya ng sekretarya ng doctor. Agad nanuot sa kaniyang ilong ang aroma ng kape at isang masuyong musika na parang dinuduyan siya sa antok.“Hi!” Bati sa kaniya ng magandang doktor at ang maliwanag nitong aura ay parang nakakahawa.Agad naman siyang umupo at iniwan ang maleta sa may munting sala ng opisina saka nagsimulang magkwento sa pakay
Inutusan ng doktora na pauwiin na lang muna ang ibang pasyente niyang naghihintay sa labas ng kaniyang opisina at hinabilinan ang sekretarya na walang pagsasabihan sa nakita nito kung ayaw nitong mawalan ng trabaho.“Calm down, Phim. Baka kung anong mangyari sa mga anak mo. Stress is not on our bucket list and I'll do my best to eliminate that stress,” determinado nitong pahayag at hinawakan pa ang kaniyang balikat.Hindi na siya makasagot sa takot na nararamdaman. Ayaw niyang bumalik sa poder nito at baka ano pa ang mangyari sa kaniyang mga anak.“May fire exit sa dulo ng hilera ng opisina ko. I will call my driver to meet us there. Huwag mo dalhin ang maleta mo, mahahalata tayo ng mga tauhan ni Philip,” tuloy-tuloy nitong salita habang hinuhubad ang doctor's robe nito at stethoscope na nasa leeg.“Here, hold your babies. Sa kanila ka kumuha ng lakas. Listen, Phim.” Pagkabigay nito ng sonogram sa kaniya ay hinawakan nito ang pisngi niya at mariin siyang pinakatitigan.“Tuso ang asawa
Dahil sa pagod ay hindi na rin napigilan ni Seraphim na makatulog at nang magising siya ay nakahinto ang van sa isang parking space. Nakita niyang kumakain si Katya ang ang driver nito ng take out galing sa isang sikat na fast food chain.Napansin naman agad ni Katya na nagising na siya kaya mabilis nitong nilunok ang nginunguya at sumipsip sa hawak nitong baso.“Kamusta pakiramdam mo?” Tanong nito.Hindi naman napigilan ni Phim ang mag-inat at napahikab.*Sorry, inaantok pa kasi ako,” hinging paumanhin niya sa babae.“It's okay. Alam ko namang antukin ang mga buntis lalo nat nasa first trimester ka pa lang.”Namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan at ngayong lang siya ginapangan ng hiya nang ma-realize niya ang perwisyong naidulot sa doktora.“Pasensya ka na talaga, Katya. Malaking perwisyo na ang naibigay ko sa ‘yo,” muling paghingi niya ng pasensya dito na tinawanan lang ng babae.“Ano ka ba! Wala lang ‘yon noh! Sino pa ba ang tutulong sa babae kundi ang kapwa babae rin niya?”
Paliit nang paliit ang mga gusali sa baba habang sila ay pataas nang pataas sa himpapawid. Maganda ang tanawin sa kabuuan ng Manila. Hindi niya lang maiwasang malungkot sa isipang iiwan niya ang mga kapatid at hindi nagpapaalam sa mga ito.Kapag kasi ginawa niya ang bagay na iyon ay siguradong ang mga ito naman ang mapapahamak dahil pagbubuntungan ito ng galit ni Philip.Hindi niya lang maiwasang mapatanong kung bakit humingi it ng kalayaan tapos no’ng iniwan niya na ay saka siya nito hahabulin. “Nakabusangot ka na naman. Baka paglabas ng mga inaanak ko eh nakasimangot na rin mga ‘yan sige ka,” narinig niyang sabi ni Katya kaya napalingon siya rito.“Iniisip ko lang si Philip,” sagot niya at ibinalik ang tingin sa tanawin sa kanilang baba.“Sus,” rinig niyang palatak nito na hindi na sana niya papansinin.“Sa totoo lang, fiancé talaga ako ng kaibigan niyang si Aureus pero shit happened at ito nagtatago rin ako sa kaniya,” pagbubunyag nito kaya nakuha nito ang atensiyon niya.“Pero pa
Mabilis lumipas ang siyam na buwan simula nang makarating si Seraphim sa isla ng Leyte. Nakakapag-adjust na rin siya sa normal na kultura ng lugar kagaya na lang ng mga sigawan kahit umaga pa lang. Hindi sigawan ng pag-aaway kundi sigawan ng normal na pag-uusap.Likas na malalakas ang boses ng mga tao sa lugar at walang mahinhin ang hindi makukuha ang ugaling ito kapag matagal nang nakatira sa isla.“Uday,” pagtawag sa kaniya ni inang Salome. Uday ay para sa ija.“Ano po ‘yon, inang?” Sagot niya sa matanda. Nilapitan naman siya ni inang Salome ag hinimas-himas ang kalakihan ng kaniyang tiyan. Kabuwanan niya na ngayon at hinihintay na lang niya si Katya na dumating para i-check ang lagay ng kaniyang mga anak.“Naka-ano, nakahanda na an imo mga gamit?” (nakahanda na ‘yong mga gamit mo?) Tanong nito. May halong waray-waray pa rin ang pananagalog nito at ayos lang naman iyon sa kaniya dahil ginagawa naman nito ang lahat para magkaintindihan sila pati na rin ang ibang tao sa isla.“Opo, in
“A-Ano…” Nabitin ang itatanong niya nang pumasok na si Katya sa loob ng sasakyan at hinampas ang lalaking ngayon ay nakahawak na sa manibela.“Aray! Nakakadalawa ka na ngayong araw, mahal, ah! Ako naman dadalawa mamaya!” Reklamo nito pero may namumuong pilyong ngiti sa nga labi.“‘Tang ina mo talaga, Aureus,” nanggigil naman na sagot ni Katya bago siya binalingan.“Sorry about that, Phim. Ewan ko ba sa lalaking ito. Ang daming beses ko na pinagbantaan at tinaguan pero nahahanap pa rin ako,” binalingan nito ang nasa harap ng masamang tingin.Para namang sumusuko ito nang itaas nito ang dalawang kamay at binitiwan ang manibela kaya ang malakas na sigaw ni Katya ang umalingawngaw sa loob ng sasakyan.“Put your goddamn hands in the steering wheel or I'll be the one to put my hands on your neck until you turns blue!” Namumulang sigaw ni Katya sabayan pa ng lumalaging sakit na sa kaniyang tiyan.“Kapag nagkita na si Phim at Philip ay isusumbong kitang, putrages ka! Hindi ko na alam kung ano
“Ang tabachingching naman ng mga abebe na ‘yan!” Nagising si Phim sa boses ni Katya na may kinakausap.Nananakit pa ang katawan niya at mabigat pa ang kaniyang pakiramdam pero agad itong nawala nang makita ang tatlong baby stroller ng hospital at nasa loob ang kaniyang tatlong anghel.Gumalaw siya na parang uupo kaya napatingin sa kaniya ang doktora na tuwang tuwa na nakikipaglaro sa anak niyang sa tingin niya ay si Throne.“Hey, brave momma,” pagbati ni Katya kay Phim at inalalayan siyang makaupo at agad na binigyan ng maligamgam na tubig para makainom.“Kamusta ang mga anak ko?” Pagtatanong niya sa doktora na malawak ang ngiti.“Ayos na ayos! Ang tataba nila at ang sarap pisilin ng mga pisngi kung p’wede lang!” Umaksiyon pa itong nanggigigil saka nagpatuloy sa pagdaldal.“Ay siya nga pala! Kaya pala nandito ang mga babies mo at wala sa ward ay dahil breastfeeding time na. Kaya mo ba?” Nag-aalala nitong tanong.“Bakit hindi? Give me my boys,” ani niya at ngumiti kaya naman dali-dalin