Dalawang pulang linya ang nakita ni Seraphim Anastasia Arandia sa tatlong pregnancy test kit na sinubukan niya.
Samu’t saring emosyon ang kanyang nararamdaman. Takot. Kaba. Saya. Hindi niya na maipaliwanag ang mga nasa dibdib niya ngayon at isang butil ng luha ang naglandas sa mga mata niya at nagsunod-sunod pa ng maalala niya na halos mag-iisang buwan na ring nanlalamig ang kanyang asawang si Philip Kahili Callari. Laman ng chismis ngayon na dumating na ang kababata nitong gusto raw ng lalaki pero martyr na kung martyr, ayaw niyang maniwala sa mga chismis hanggat hindi nakikita ng mismong mga mata niya. Pinunasan ni Phim ang kaniyang luha at tumayo upang mag-ayos ng sarili. Walang mangyayari kung magmumukmok at iiyak lang siya sa loob ng banyo, baka makasama pa sa batang nasa sinapupunanan niya. Pupuntahan na lang niya si Philip at sasabihin dito ang kalagayan. Karapatan din naman nitong malaman na may nabuo sa gabing hindi nila sinasadyang magsiping. Hindi na siya nag-ayos ng marangya at naghilamos nalang pagkatapos naglagay ng kaunting kolorete sa mukha bago kinuha ang susi ng isa sa mga sasakyan nito bago dahan-dahang tinahak ang kahabaan ng daan papunta sa opisina ni lalaki. Dire-diretso lang siya sa elevator papunta sa opisina nito at kahit isang matang nakatingin sa kaniya ay hindi niya sinulyapan at patuloy lang sa kaniyang destinasyon pero pinigil siya ng sekretarya ng lalaki ng akmang bigla niyang pipihitin pabukas ang pinto opisina ng asawa. “May appointment po ba kayo, ma'am?” tanong nito na nagpataas ng kilay niya. “Bakit kailangan ko ng appointment para makausap ang asawa ko?” Hindi niya na pinansin kung pa’no ito matigilan at diretsong binuksan ang pinto. Ang kaninang takot, kaba at saya na nararamdaman niya ay biglang naglaho nang mahulog ang puso niya sa nakita. Ang magaling niyang asawa ay may yakap na babae sa bisig nito habang nakapikit at nakalapat ang labi sa noo ng babaeng laman ng chisimis— si Hyacinth Herrera, ang unang pag-ibig ng kaniyang asawa. Iba ang sakit sa dibdib niya. Iba ang sakit kumpara nuong nakita niyang nakapatong ang dating nobyo sa kabit nito kaysa ngayong nakayakap lang ang asawa sa babaeng pinapangarap nito. Mas masakit kung alam mong hindi pa nga kayo nag-uumpisa pero talo ka na. Mas masakit kapag alam mo na hindi mo matutumbasan ang babaeng unang minahal ng lalaking mahal mo. Oo, mahal niya na ang asawa kahit sa papel lang sila kinasal. Mas pipiliin na lang yata niya na may kasiping itong iba kaysa sa malambot nitong pagkakayakap sa babae na parang takot itong mabasag. “Ang sama mo naman,” mahinang ani niya sa gitna ng mga hikbing hindi niya na namalayang kumawala na sa kaniyang nanghihinang mga labi. Napatingin naman sa kaniya ang dalawa at kita niya ang gulat sa mukha ni Philip na agad napalitan ng blangko at malamig na tingin sa kaniya. “Matapos mo… ipa… iparamdaman sa aking parang ako lang… pagkatapos… pagkatapos ngayon may iba ka nang kayakap,” sumisinok-sinok niyang sabi dito. Nag-uumapaw ang emosyon at samu't-saring pangyayari na ang naglalakabay sa kaniyang isipan. Mas lalo pang sumakit ang puso niya nang imbes na pakawalan ang babae ay mas lalo pa nito itong nilapit sa bisig nito na parang takot na susugurin niya ang mahal nito. “Philip… ginawa mo akong tanga eh. Dapat… dapat no’ng una pa lang… no’ng una pa lang dapat sinabi mo na hanggang sa papel lang tayo.” Pinunasan niya ang luhang nagpapalabo sa kaniyang paningin at nagpatuloy. “Pero… pero trinato mo ako nang tama eh. Umasa ako! Umasa ako na kahit minsan lang sasaya ako sa buhay ko! Mas masakit… masakit, Philip,” patuloy ang paghikbi niya. Pahina nang pahina ang kaniyang boses at parang tatakasan siya nito. “Philip, who is she?” Narinig niyang tanong ni Hyaicnth sa asawa. Matagal bago ito makatugon. Ayaw niya ring sagutin ang tamong ng babae dahil gusto niya marinig mismo sa bibig na lalaki na asawa siya nito. Gusto niya marinig na kahit minsan may nagtatanggol sa kaniya. ‘Ipaglaban mo kami ng anak mo, Philip,’ piping hiling niya sa kaniyang isip. Pero kulang nalang ang mundo niya ang mabasag sa matatalas na salitang taliwas sa hinihiling niyang marinig dito. “Nevermind her. Isa lang ‘yan sa mga nangangarap na maging asawa ako,” dinugtungan pa nito ng tawa ang sinabi kaya mas lalong nadurog ang puso niya sa sakit. Parang kutsilyong umuukit sa isip niya anh mga katagang binitawan nito. ‘Nangangarap na maging asawa.’ ‘Nangangarap na maging asawa.’ ‘Nangangarap na maging asawa.’ Nabingi siya at parang wala ng mukhang ihaharap sa mga taong nasa loob ng silid na iyon kabilang na ang sekretaryang puno ng awa ang mga matang nakatingin sa kaniya. Ano pa ang sasabihin niya? Kung ito na mismo ang nagsawalang-bahala sa kaniya? Gago! Hindi nga siya umiyak noong naabutan niya si Art na may kakantutan na iba, tapos itong may kayakap lang parang mamamatay na siya sa sakit. Hindi pa nag-iisang taon ang lumipas noong niloko siya, ngayon heto na naman siya sa parehong sitwasyon pero sa mas mabigat dahil dala-dala niya ang anak nitong nasa sinapupunan niya. Napatalikod nalang siya at walang salitang lalabas na sana sa opisina nito nang may maalala. Hindi siya nagpapaapi liban sa mga magulang kaya hindi niya hahayaang makita nitong madurog siya. “Sorry kung nangangarap lang akong maging asawa ka.” Sa pagkakataong ito ay walang hikbi at may paninindigan na ang kaniyang boses. Tutal manhid na ang kaniyang katawan, paninindigan niya na ang sakit at galit na halos sa buong pagkatao niya nananalaytay. “Kapag may malaman ka sa mga susunod na panahon hanggang mangarap ka na lang din.” Huling sabi niya at tumalikod. Wala na siyang plano na sabihin dito ang pinagbubuntis niya. Kung kaya siya nitong itanggi, pa’no pa kaya ang anak nito? Baka sabihin lang ng lalaki na nangangarap lang ang anak niyang maging tatay ito at hindi siya makakakapayag na ang mismong anak pa niya ang mamamalimos sa atensyon dito. Nasa harapan na siya ng elevator nang may humawak sa kaniyang braso at agad siyang napaatras ng makitang si Philip pala ito. “L-look, Ana, hindi ko sinasadya ang sinabi ko pero sana bigyan mo ako ng kalayaan na piliin kung sino ang mahal ko kasi sa papel lang naman tayo mag-asawa,” mahinahon ang boses nito at walang halong pagsisisi sa ginawa. Napaingos siya at hindi makapaniwalang nakatingin sa lalaki. “Hindi Ana ang pangalan ko at kalayaan ba ang hinihingi mo? Dapat nu’ng una pa lang sinabi mo na para hindi ako mukhang tangang naghihintay sa asawa kong umuwi gabi-gabi dahil pinaramdam niyang importante ako! Iyon pala ay nasa piling na ng iba,” dire-diretso niyang sabi at dinuro ang dibdib ng lalaking tahimik na nakatingin na lang ngayon sa mukha niya. “Sa susunod— hah! Wala na palang susunod kasi hindi ako ‘yong babaeng ipinagsisiksikan ang sarili sa mga taong ayaw sa kaniya.” Pagkatapos niyang magsalita ay saktong tumunog at nagbukas ang elevator at walang-lingon na siyang pumasok sa loob at napasalampak sa sahig dahil sa biglang pagragasa ng panghihina sa mga tuhod niya. Sisiguraduhin niyang makukuha ni Philip ang kalayaang hinihingi nito at papalakihin niya ang bata nang mag-isa malayo sa malupit na mundo ng asawa niya. Ang lahat ng pagod at paghihirap na dinanas niya simula sa kamay ng mga magulang hanggang sa kamay ng asawa ay parang tubig na umaapaw na ngayon sa kaniyang memorya...Malakas na sampal ang natamo ni Seraphim matapos maling mangkok ang naibigay niya kay Rosita na kaniyang nanay.“Wala ka talagang kwentang bata ka! Puke lang gamit sa ’yo ng asawa mo!” nanggigigil nitong ani sa kaniya kaya ‘di niya napagilang tingnan ito ng masama ng kaparehas pa rin namang mangkok ang kinuha nito. “Ang sama ng tingin, Rosita, bigyan mo nga ng sampol,” sulsol naman ng ama niyang si Ben sa nanay niyang supukado ang isipan. Kaya imbes na magpatuloy na itong tumalikod ay bumalik ito na nanglilisik ang mga mata. Nakatanggap siya ng sunod-sunod na suntok na tumama sa iba’t-ibang parte ng kaniyang katawan at sabunot.“Napaka-inggrata mong hayop ka! Sana hindi na lang kita inire!” galit na galit na sigaw nito. Tanging pag-iyak na lamang ang kaniyang nagawa nang kaladkarin pa siya nito sa buhok papunta sa kanilang sala.“Ma! Tama na po ‘yan!” dinig niyang sigaw ng nakababatang kapatid.“Itigil niyo na po ‘yan, mama!” boses naman ng lalaking kapatid. Halo-halo na ang kaniyan
Ang planong pag-iyak ni Phim ay hindi natuloy ng maabutan niya ang kaniyang mga magulang na nagpapakalasing na naman.Maraming baseyo ng alak ang nagkalat sa kanilang kusina pati na rin sa lamesita ng kanilang sala. Kaya naman kahit hindi pa siya nakakapagbihis at nabibitawan ang kaniyang bag ay inisa-isa niyang pulutin ang mga kalat ng mga ito.Hawak ang mga bote at hugasing mga plato sa magkabilang kamay ay dumaan siya papunta sa kusina at planong dahan-dahanin na ang mga hugasing nakatambak.“Putangina kasi ng mga kamag-anak ng Callari na ‘yon,” rinig niyang angil ng ina sa lalasing-lasing na boses.Hindi na sana niya ito papansinin dahil dala na rin ng pagod at sakit na dinulot ng araw na ito ay gusto niya nang mahimlay sa kaniyang higaan at pansamantalang kalimutan ang linya-linyang mga problema mula sa bayarin ng kaniyang mga kapatid sa eskwelahan hanggang sa pagtataksil ng kaniyang dating nobyong si Art. Akmang lalakad na palayo ay tinawag siya ng ina sa galit na boses, “hoy,
Namamanhid ang buo niyang katawan. Pinipigilan lang ni Seraphim ang muling pag-iyak dahil alam niya na hindi ito makakabuti sa kaniyang dinadala.Hindi niya inaakala na ang isang beses na nagpadala siya sa init ng katawan dahil lamang sa mabait at maalaga ang lalaki ay magbubunga agad.Alam niya na hindi nito sinasadya na mabuntis siya pero mas hindi niya alam na pagkatapos pala nito makuha ang kaniyang pagkababae ay babalik ito sa una nitong minahal kaya ngayon ay nagdurugo ang kaniyang pusong muling sumubok sa pag-ibig.Kasalukuyan niyang inilalabas ang malaking maleta at kinukuha ang mga lumang damit na dala niya galing sa kanila. Iniwan ni Seraphim ang mga bagay na bigay sa kaniya ni Philip. Wala siyang dadalhin na makapagpapaalala dito kundi ang kaniyang anghel lamang.Kahit takot siyang iwan ang nga kapatid at putulin din ang koneksiyon sa mga ito ay wala siyang magagawa. Sapat na siguro ang naipadala niyang pera para gawin ni Althea ang mga dapat gawin. Sana lamang ay nakabukod
He grab his tie and unlock the first two button of his suit. Umaakyat na naman ang dugo ni Philip sa ulo dahil sa pagmamatigas ng mag-asawang Arandia. Kahit nasa kaniya na ang titulo ng kumpanya ng mga ito ay nanggugulo pa rin ang mga gago.Tutunggain na sana niya ang alak ng mag-ring ang telepono na konektado sa kaniyang sekretarya kaya naman sinagot niya ito.“Sir, nandito po sila Mr. Arandia sa kabilang linya. May sasabihin daw sila sa ‘yo.” Ang dugo niya na umaakyat pa lang sa kaniyang ulo ay tuluyan na ngang nakaakyat at parang sasabog pa siya sa galit.“What the fuck do they need? Connect them to me!” Sigaw niya at rinig sa kabilang linya na nagmamadali ang sekretarya.“What do you need?” Mariing tanong niya at napahilot sa sintidong pumipintig sa galit.“Huwag kang magalit, Callari. Tiyak ko namang magugustuhan mo ang sasabihin ko,” nakakairitang sabi nito na dinugtungan pa ng malademonyong tawa.Isa ang pamilya Arandia sa dapat mawala sa mundo, hindi lamang sa parte ito sa mg
Hindi na alam ni Seraphim kung saan siya pupunta at ano ang uunahin. Nananakit na rin kasi ang kaniyang tiyan at natatakot siyang baka ano ang mangyari sa bata sa kaniyang sinapupuna kaya naman dumaan siya sa isang hospital.“Hi, miss. Saan dito ‘yong pagpa-ultrasound?” Tanong niya sa front desk at agad naman siya nitong tinuro papunta sa opisina raw ni doctor Marquez.“Dito po, ma'am. Hintay lang po kayo saglit at ikaw na ang susunod na papasok,” ngumiti sa kaniya ang babae kaya naman kahit punong-puno ng problema ay ginantihan niya ito ng ngiti.“Thank you,” sagot niya at tumalikod na ito. Hindi naman nagtagal ang paghihintay niya ng pinapasok na siya ng sekretarya ng doctor. Agad nanuot sa kaniyang ilong ang aroma ng kape at isang masuyong musika na parang dinuduyan siya sa antok.“Hi!” Bati sa kaniya ng magandang doktor at ang maliwanag nitong aura ay parang nakakahawa.Agad naman siyang umupo at iniwan ang maleta sa may munting sala ng opisina saka nagsimulang magkwento sa pakay
Inutusan ng doktora na pauwiin na lang muna ang ibang pasyente niyang naghihintay sa labas ng kaniyang opisina at hinabilinan ang sekretarya na walang pagsasabihan sa nakita nito kung ayaw nitong mawalan ng trabaho.“Calm down, Phim. Baka kung anong mangyari sa mga anak mo. Stress is not on our bucket list and I'll do my best to eliminate that stress,” determinado nitong pahayag at hinawakan pa ang kaniyang balikat.Hindi na siya makasagot sa takot na nararamdaman. Ayaw niyang bumalik sa poder nito at baka ano pa ang mangyari sa kaniyang mga anak.“May fire exit sa dulo ng hilera ng opisina ko. I will call my driver to meet us there. Huwag mo dalhin ang maleta mo, mahahalata tayo ng mga tauhan ni Philip,” tuloy-tuloy nitong salita habang hinuhubad ang doctor's robe nito at stethoscope na nasa leeg.“Here, hold your babies. Sa kanila ka kumuha ng lakas. Listen, Phim.” Pagkabigay nito ng sonogram sa kaniya ay hinawakan nito ang pisngi niya at mariin siyang pinakatitigan.“Tuso ang asawa
Dahil sa pagod ay hindi na rin napigilan ni Seraphim na makatulog at nang magising siya ay nakahinto ang van sa isang parking space. Nakita niyang kumakain si Katya ang ang driver nito ng take out galing sa isang sikat na fast food chain.Napansin naman agad ni Katya na nagising na siya kaya mabilis nitong nilunok ang nginunguya at sumipsip sa hawak nitong baso.“Kamusta pakiramdam mo?” Tanong nito.Hindi naman napigilan ni Phim ang mag-inat at napahikab.*Sorry, inaantok pa kasi ako,” hinging paumanhin niya sa babae.“It's okay. Alam ko namang antukin ang mga buntis lalo nat nasa first trimester ka pa lang.”Namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan at ngayong lang siya ginapangan ng hiya nang ma-realize niya ang perwisyong naidulot sa doktora.“Pasensya ka na talaga, Katya. Malaking perwisyo na ang naibigay ko sa ‘yo,” muling paghingi niya ng pasensya dito na tinawanan lang ng babae.“Ano ka ba! Wala lang ‘yon noh! Sino pa ba ang tutulong sa babae kundi ang kapwa babae rin niya?”
Paliit nang paliit ang mga gusali sa baba habang sila ay pataas nang pataas sa himpapawid. Maganda ang tanawin sa kabuuan ng Manila. Hindi niya lang maiwasang malungkot sa isipang iiwan niya ang mga kapatid at hindi nagpapaalam sa mga ito.Kapag kasi ginawa niya ang bagay na iyon ay siguradong ang mga ito naman ang mapapahamak dahil pagbubuntungan ito ng galit ni Philip.Hindi niya lang maiwasang mapatanong kung bakit humingi it ng kalayaan tapos no’ng iniwan niya na ay saka siya nito hahabulin. “Nakabusangot ka na naman. Baka paglabas ng mga inaanak ko eh nakasimangot na rin mga ‘yan sige ka,” narinig niyang sabi ni Katya kaya napalingon siya rito.“Iniisip ko lang si Philip,” sagot niya at ibinalik ang tingin sa tanawin sa kanilang baba.“Sus,” rinig niyang palatak nito na hindi na sana niya papansinin.“Sa totoo lang, fiancé talaga ako ng kaibigan niyang si Aureus pero shit happened at ito nagtatago rin ako sa kaniya,” pagbubunyag nito kaya nakuha nito ang atensiyon niya.“Pero pa
HIS ex-wife wore a single ponytail and the light blue parent-child sportswear made her look very young. Halatang walang retoke ang mukha and there was a beautiful and sparkling light in her eyes like motherhood suits her better.Iniwas ni Philip ang paningin sa dating asawa at ininat ang mga paa na nasisikipan sa economy class seat dahil sa taglay niyang tangkad. Ang kalmado niyang puso ay muli na namang nagising dahil sa babae pero hindi pa rin mawala sa isip niya ang anak na nasa tabi nito at nahihimlay.Alam niya kung saan ito namalagi sa loob ng dalawang taon. Hindi niya na ito muling hinayaang umalis sa kaniyang paningin pero hindi pa ito ang oras na muli silang magsasama. Marami pa siyang kailangan linisin.HINDI niya pinansin ang lalaki na parang hindi niya ito kilala at gano'n din naman ang ginawa ng dating asawa sa kaniya.Pagkalipas ng ilang oras ay may stewardess na lumapit sa kanila upang alukin ng tanghalian. May dala itong dining cart and asked them what the wanted.Tini
Tumaas naman ang kilay ng lalaki at nakita niya pang pumasada ang paningin nito sa gilid ng kaniyang labing may bakas pa ng putok galing sa sampal nito.“Why? Do you regret it?” Puno ng sarkasmo nitong tanong.Ilang libong patalim ang tilantumarak sa puso ni Phim sa tanong ng asawa— dating asawa. Pinipirapiraso nito ang puso niya pero patuloy pa ring tumitibok ang bawat piraso para sa lalaki.She looked straight ahead and said softly, “Kung maibabalik ko lang ang panahon, mas pipiliin ko pang mamatay na lang kaming magkakapatid kaysa nagdurusa ngayon dahil sa ‘yo.” Aalis siya hindi lang para sa kapakanan niya kundi para na rin sa kapakanan ng tatlo niyang anak. Kaya niyang buhayin ang mga bata nang wala ang ama ng mga ito. Kaya niyang tumayo sa dalawa niyang paa na walang hihinihinging tulong dito.Para sa anak niyang may sakit, kakalimutan niya ang bawat parte ng sirang puso niyang tumitibok pa rin para kay Philip. Handa niyang talikuran ang lahat mailigtas lang ang bunso niya.Hind
Hindi mapakali si Phim dahil sa kalagayan ng anak na si Throne. Ang sabi kasi ng mga doctor na tumingin dito ay may cardiomyopathy o problema sa muscle ng heart na raw ang anak at kailangan itong maagapan agad at madala sa hospital sa lalong madaling panahon.Wala na siyang ibang malalapitan para mapaatras ang utos ng asawa niya sa mga hospital! Sinubukan na rin gawan ng paraan ni Katya pero kahit gaano pa makapangyarihan ang babae ay wala pa rin itong magawa.Kahit ilabas niya ang milyong-milyong salapi pa niya ay hindi niya kakayanin bayaran ang mga hospital para baliin ang utos ni Philip.Kaya naman, ang naiisip na lang ni Phim na huling alas niya ay ang asawa niya mismo. Makikiusap siya. Lulunukin niya ang pride para lang maligtas ang anak.Si Serpahim na walang kain at inom pa sa araw na iyon ay muling bumalik sa kompanya ng asawa. Wala na siyang pakialam kahit nakayapak siya at diret-diretso lang na naglakad sa opisina nito na hindi naman pinigilan ng sekretaryang nakatingin sa
Nag-alarm pa si Philip para lang maabutan ang mga anak niyang pumasok sa eskwelahan. Alam na kasi niya na sa tigas ng ulo ni Phim ay hindi siya nito hihintayin kahit na sinabi niyang siya ang maghahatid sa mga ito papuntang eskwelahan.Pagkabukas ng elevator na sinasakyan niya ay nagkagulatan pa sila ng babae na parang guilty sa nagawa nitong krimen. Pero agad rin iyon naglaho nang magpatuloy itong pumasok at parang wala lang siya rito.Nagtagis ang mga bagang niya sa trato sa kaniya ni Phim. Ito na nga ang may ganang maglayas at magtago, ito pa ang may ganang umakto ng parang wala lang.“Did you plan to go to school without me?” Seryosong niyang tanong sa asawa pero nananatili lang ito na tahimik.“Phim…” Pagtawag niya dito pero ang magaling ay tinalikuran siya at hinarap ang mga anak na nakatingala sa kaniya at sa nanay ng mga ito. Gusto niya na magkunot-noo pero nakamasid sa kaniya si Tristian kaya pigil na pigil niya ang sarili at binigyan ito ng maliit na ngiti. “Give me that. L
Ang galit ni Phim kay Philip ay hindi kayang pasanin ni Satanas kahit magtulong-tulong pa ito ng mga alalay ng demonyo.Hindi na sakit ang nararamdaman ng babae kundi galit! Punong-puno siya ng galit para dito. “Inday!” Tawag niya sa dalagita na agad namang napatingala sa kaniyang namumutla at bumalik ang tingin nito sa walang sapin niyang paa.“M-ma'am, ma'am si Tron-tron, ma'am,” sunod-sunod ang paglandas ng luha nito sa pisngi habang hawak-hawak ang kamay ng walang malay na batang may suksok na karayom.Hinimas niya muna ang ulo ng dalawang anak na tahimik lang na nakayakap sa kaniya at saka nilapitan si Throne na parang mahimbing lang na natutulog at walang iniindang masakit.Lumuhod siya sa harap nito at hinaplos ang buhok ng anak. Hindi niya mapigilang umiyak dahil sa awa sa kalagayan nito. Ang galit niya ay tuluyang dumoble nang makitang dinadaan-daanan lang sila ng mga nurse at iba pang trabahante ng hospital. Nandidilim ang kaniyang paningin kaya nagawa niyang haklitin ang
Ilang ulit pinahiran ni Phim ang luha pati na rin ang namutok niyang labi. Walang ibang pumapasok sa isip niya kundi ang nag-uumapaw na pagkamuhi sa lalaki.Wala na talaga ang dating lalaking nakasama niya sa mailing panahon sa loob ng iisang bahay. Hindi pa rin makapaniwala si Phim na makukuha siya nitong saktan dahil lang sa pagbanggit sa babae nito.Gano'n na ba ito kaimportante sa lalaki na handa nitong ipagpalit siya na nanay ng mga anak nito.She scoffed in disbelief, ‘nanay’ lang pala siya ng mga anak nito at mag-asawa lang sila sa papel. Hindi dapat siya umaakto na parang nasasaktan siya dahil lang nakita niya itong may parang babasaging manika sa bisig nito.Pinagtiringinan siya ng mga empleyado ng lalaki ngunit hindi niya binigyang pansin ang mga ito. Isipin na nito ang isipin pero gusto na lang agad niya makarating sa kanilang bahay at magmukmok.Pinara agad niya ang nakitang paparating na taxi at agad na nagpahatid sa kanilang condo.Pagkarating ay agad siyang pumasok sa l
Na-corner na nga si Phim ni Philip at wala na siyang ibang matakbuhan pa dahil ang dalawang kamay nito ay nakadiin sa pader at siya naman ay nakakulong sa gitna ng mga ito.“You better tell me right now or you won't like the consequences of your actions,” banta nito pero matibay pa rin ang loob niya na hindi ito sundin.Matagal silang nagkatitigan ng lalaki bago ito ang kumawala at napipikong nagbuga ng hininga at binuksan ang unang tatlong butones ng suot nitong polo.Pinagmamasdan lang niya itong may kung anong hinahanap at ng hindi makita ay pinalis nito ang mga gamit sa sa ibabaw ng mesa nito.“Fucking bullshit. Where did I fucking put that goddamn cellphone,” malulutong at sunod-sunod nitong mura at nang makita itong nasa ibabaw ng cabinet ay ito naman ang napagdiskitahan nitong itumba pagkatpos kunin ang telepono.Kinalikot nito ang cellphone at maya-maya pa'y may tinawagan.“Block Seraphim Anastasia Arandia for going into any hospital including abroad… yes, do that. Okay.” Agad
(Dalawa po kasi ‘yong kabanata 12 hindi ko napansin kaya i-advance ko na rito ng isa, magkaiba naman po ang content no’n. pasensya na!)Tagaktak ang pawis ni Phim sa paglalakad at pagpapasa ng resume niya sa kada building na napalasukan. Pare-pareho ang sagot nito sa kaniya; tatawagan na lang daw siya o overqualified daw para sa position na ina-apply-an.“Naku, ma'am, pasensa na po at hindi pa po kami hiring ngayon,” sabi ng isang staff na nakausap at pasimple pa nitong binaba ang signage na ‘apply now for secretarial position’. Aba! Parang sinasadya na yata siya ah. Pati singit niya ay pinagpapawisan na sa pagod sa job hunting na ito. Noong sa mayor lang naman siya nagsecretary ay natanggap agad siya kahit walang experience at unang sabak niya sa trabaho para matustusan ang ang mga kapatid.Nanlulumo at bagsak ang balikat niya na lumabas sa building na iyon. Wala na siyang lakas para murahin ang mga harap-harapan nitong pagtanggi sa kaniya.Isang building na lang tuloy ang natitira
Abala siya sa pagsusuot ng bag sa mga anak at hindi na pinansin ni Phim ang malakas na tawa at pagkuda ng babaeng directress ng school.“Do you have any problem if she is my wife?” Rinig niyang pigil ang galit sa boses ni Philip nang sagutin nito ang kanina pa nagapasaling na babae.Hindi tuloy niya maiwasang mapatingin sa lalaki kasi ito ang unang beses na hindi siya nito itinanggi.“Ay hindi naman, Philip! Malayo kasi sa mga nali-link sa ‘yo na babae ‘yong aura ni ma'am!” Humagikhik pa ang bruha na parang may nakakatuwa sa sinabi nito.Agad naman napatikwas ang kilay niya sa narinig sa babae. First name basis na pala ang mga kupal. Hindi na nahiya na nakikita sila ng mga anak niya.“I don't like this school, mama,” malakas na sabi ni Virtue. “Why, baby? Akala ko ba ay excited ka na mag-school?” Tanong naman niya rito na puno ng pagtataka.“I just don't feel the vibes,” sagot ng anak na nagsusungit.“Me, too,” gatong pa ni Throne at sinundan naman ng pagtango ni Power.Sa sinabi ng