Nagulat si Elvira dahil hindi niya inaasahan na narito pala ang iniibig ng kanyang anak—ang taong hinuhusgahan niya dahil sa trabaho nito. Ayaw din niya sa lalaki dahil mas matanda ito sa kanyang anak. “H-how… N-no. I mean, paano ka napunta dito?” “I texted him,” sagot ni Elvis. “Ma’am, kung ano po ang problema niyo, please, tell me directly. I am willing to help,” singit ni Rowan. “No! I don't need your help,” mariing wika ni Elvira. “Mom, please, be nice to him,” inis na sabi ni Elvis. “How can I be nice when I'm in this kind of situation because of your dad? Siya lang naman talaga ang may utang, pero sa akin nakapangalan. I don’t know what to do,” gigil na sagot niya habang pinipigilan ang sarili na magtaas ng boses. “Handa po akong tumulong. Babayaran natin ang utang niyo. Kahit ngayon pa, I will do it.” “Love, no! I will work, okay? Wala kang gagawin,” hindi pagsang-ayon ni Elvis habang hinahawakan ang kamay ni Rowan. “I am willing to help, Mrs. Costella. I am se
Last Updated : 2024-11-05 Read more