KUNOT-NOO ko siyang tiningnan at salubong rin ang kanyang mga kilay na parang galit. Siya nga ‘yong hindi namamansin sa akin nitong mga nakaraang araw, simula nang dumating kami dito sa bahay namin. Dito ko na naisipan na magpagaling dahil ito ang bahay namin mag-asawa, narito rin lahat ng mga gamit namin, mga litrato, our wedding photo patunay na asawa niya ako. Magdududa pa ba siya kung sino ako sa buhay niya? “Me? Flirting with that Doctor?” usal ko sabay turo sa sarili ko at sarkastikong tumawa."Why? Hindi ba totoo?” taas tono niyang salita. Para talagang galit. "Excuse me, Mr. Walter. Ako talaga ha? Hiyang-hiya naman ako sa'yo,” naiirita na salita ko at tinalikuran siya sabay halukipkip. “So, are you really mad at me?” mataas pa rin ang tono ng pananalita niya. Kahit miss na miss ko na siya, kahit gustong-gusto ko na siyang yakapin, hawakan, sunggaban ng halik ay hindi ko magagawa dahil baka masaktan na niya ako ng hindi niya sinasadya. “Galit ka talaga sa akin? Really?” sal
Last Updated : 2025-03-26 Read more