Home / Romance / THE SEX CONTRACT / Chapter 71 - Chapter 80

All Chapters of THE SEX CONTRACT: Chapter 71 - Chapter 80

125 Chapters

INVISIBLE TIES

(PRESENT TIME)FREY POV:"MAHAL kita, Frey."Nasa kasalukuyan na ako, naririnig ko pa rin ang tinig ni Dark. Kung paano niya yon paulit-ulit na sinasabi sa akin habang inaangkin ako sa ibabaw ng kama hanggang sa mga huling sandali ko sa resthouse.Tuloy, nagulat ako na may kamay na nakahawak sa balikat ko at inaalog na pala ako para magising mula sa napakahabang paglalakbay mula sa nakaraan.Yong kapatid ni Dark na hindi ko pa rin alam ang pangalan."Andito na tayo, Frey," nakababa na pala siya ng kotse, bukas na ang pintuan sa tapat ko at nakatungo na sa akin. Kumurap ako, kung saan eksakto ang pagkakaugnay ng bawat piraso ng alaala na karugtong ng kasaluyan na nasa isip ko at tuluyang naglaho 'yon.Kaya lang, sana naman ay wala na sa mukha ko ang epekto ni Dark habang nagtatalik kami sa loob ng isang linggo sa gitna ng kama nito.Pulang pula siguro ako ngayon sa harap ng kapatid ni Dark."Okay ka lang ba?" Ang babae uli, tinangka akong salatin sa noo pero umiwas ako kaagad."
last updateLast Updated : 2024-10-23
Read more

LOVE FROM A FAR

FREY POV:Mas nagliwanag ang maganda niyang mukha. "Please call me in my name. I'm Sky Samaniego. And yes, my brother knows everything about you, more than you can imagine. Ganon siya kaseryoso sa 'yo kaya sana huwag mong isipin na madali sa akin ang lahat. Kung assest ka ng kuya ko, probably, mag aaway kami kapag hindi kita naalagaan gaya ng utos niya at isang buwan niya akong hindi kakausapin o baka itakwil pa ako and he would treat me like useless liability. And as far as I'm concerned, I won't tolerate that even if he's my favorite sibling. Vindictive ako. Gaganti ako sa kanya at habangbuhay na itong away dahil sa yo."Bumagsak ang panga ko sa babaing kaharap ko. Por dios, may ganito palang mga tao?Napailing na lang ako. "Ang totoo niyan, sobrang nabigla ako sa pagdating ng bisita niya kanina---ang mama mo, gaya ng sabi mo. Hindi ako makapag isip sa bilis ng mga pangyayari kaya kahit address ko sa bago kong apartment hindi ko pala nakuha sa laptop ko. Isa pa, wala pa akong phon
last updateLast Updated : 2024-10-23
Read more

VICTORIA'S ACE AGAINST FREY

(PRESENT TIME)DARK POV:"IKAW ang problema," hindi pa sapat sa nanay ko ang ilang sampal na ibinigay niya sa akin kanina sa resthouse at binato ako ng ashtray na hindi ko nailagan, magulo ang isip ko dahil kay Frey. Tumama iyon sa noo ko, sumigid ang matinding sakit na parang nabasag ang bungo ko sa taas ng kilay ko bago umagos ang saganang dugo. Sunod na tumama iyon sa marmol na sahig at kumalat dahil nagkapira-piraso. Masakit sa tenga ang nilikhang ingay pero sanay na ako. Siguro ay milagro dahil sa dami ng beses na nasaktan niya ako, mabilis akong gumagaling. Sa buong katawan pero yong peklat sa kalooban ko, hindi at patuloy na dumadami. "You really disappoint me, Dark! You've fucked up bigtime! Ang sabi mo, wala kang oras mambabae pero pinatunayan mo na naman sa akin na parehong-pareho kayo ng tatay mo! Mga sinungaling kayo at manloloko! Mga walang silbi! Mga inutil!"Nasa gitna na naman kami ng entablado para sa walang katapusang pagtatanghal---sa sala ng ancestral house na n
last updateLast Updated : 2024-10-23
Read more

DARK VS. LOGAN

DARK POV:Tinawid ko ang pagitan namin na nakatago sa mga bulsa ko ang mga kamay kong nanginginig at malamig gaya ng yelo. Naupo ako sa mismong tabi niya, ilang pulgada lang ang layo."Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa," pinadulas niya sa counter ang hard drinks na pareho ng iniinom niya, sinalo ko yon at humampas ang yelo sa gilid ng baso at dumiin doon ang nanggagalaiti kong kamay. Sinibat niya ako nang tingin."Ano ang intensyon mo kay Francesca Fontanilla?"Ngumisi ako at inubos ko sa isang lagok lang ang alak, tuloy kumirot ang sugat sa noo ko kaya inagapan ko agad ng panyo bago pa dumugo uli. "Kung may karapatan kang magtanong niyan, wala ka dapat dito. Komportable ka sa hacienda ninyo sa San Ignacio at wala kang inaalalang kahit ano na may kaugnayan kay Frey.""Ano ang karapatan mong sabihin yan?" Binayo niya ng kamao ang counter at umangat siya sa upuan para atakehin ako pero nakapagpigil sa huling sandali. Nanlilisik ang mga mata niya sa pagkakatitig sa akin, nag-iigting
last updateLast Updated : 2024-10-24
Read more

DAYS WITHOUT HIM

DARK POV: Sa aming dalawa, alam kong si Logan ang higit na nasasaktan. Nauunawaan ko yon dahil wala siya dito kung maayos sila ni Frey kahit man lang bilang magkaibigan. Pero hindi ko mapapalampas ang kabastusan niya pagdating sa puntong damay na ang lahat ng kapatid ko at hindi lang ang lantad na eskandalo ng nanay ko. Hindi yon kailanman magiging patas kung marangal na laban ang pag uusapan. Aminado akong ginamit ko ang yaman ko para manghimasok sa buhay niya---gaya ng ginawa niya laban sa akin---pero hindi ko kailanman inugali na budburan ng asin ang sugat ng kaaway ko malibang mauna sila. Para saan ang kapangyarihan ko kung hindi ko ipagtatanggol ang sarili ko at ang pamilya ko? Wala siyang kuwentang kausap kaya tumayo na ako at umalis doon. Iniwan ko siya sa loob ng bar na nakatulos sa kinatatayuan at hindi humihinga sa matinding galit. Halos hindi ko rin alam kung paano ako nakabalik sa sasakyan ko at may nabangga pa akong tao paglabas ko ng pintuan. Ibinalibag ko a
last updateLast Updated : 2024-10-24
Read more

DELUSIONS

FREY POV:Dumaan ako sa grocery store at bumili ako ng transparent plastics para i-pack ang mga alahas na dadaan sa inspection ng LBC personnel bago i-kahon para maipadala ko ang mga yon sa isla. Wala akong maisip na ibang paraan o taong puedeng kumuha para ipasok yon ng isla maliban sa mga taong tapat din kay Anna kaya pinili ko ang una kong option.Hindi ko rin kayang bumalik pa roon at magpakita pagkatapos ng huli naming pag uusap ni Anna. Nahihiya pa rin ako. Lalo na ngayong wala pa akong balita kung natagpuan na si Catherine dahil ayokong maging pabigat pa sa kanya. Uli.Hindi ko makakalimutan kung paano niya pinatunayang mahalaga ako sa grupo kahit paano dahil sa biglang pagsulpot ni Maxi sa buhay ko pero matay ko mang isipin parang wala pa rin akong lugar sa gitna nila.Idagdag pa ang tungkol sa kotse na hindi ko alam kung bigay o pahiram dahil lagi akong kalat at lutang sa alindog ni Dark.Kung kelan ko maayos ang takbo ng utak ko, wala akong ideya. Basta hindi pa ngayon
last updateLast Updated : 2024-10-24
Read more

FALLING HARD LIKE DEATH

FREY POV:May bahid ng galit at mapusok ang halik ni Dark. Nakadiin sa anit ko ang mga daliri niya at nasa likod ng balakang ko ang isa pang kamay, inaangkin ako sa mahigpit na yakap na para bang hindi niya ako pakakawalan. Halos kinakain niya ako nang buhay na sa sobrang karnal nang halik umikot ang isip ko kung totoo ba ito o bangungot na naman.Nanlambot ang mga tuhod ko sa tindi ng pangangailangan niya sa akin kaya wala na rin akong nagawa nang buhatin niya ako patungo sa kama, nakasaklang ako sa harap niya habang hinahalikan at ginagantihan ko rin kung gaano yon kapusok nang hindi ko namamalayan.Umungol ako sa puntong sinipsip niya ang dila ko at dumulas ang kamay niya sa loob ng damit ko sa gawing likuran para kalasin ang hook ng aking bra.Gumawa ng mahinang ingay ang pagbagsak namin sa gitna ng kama, magkapulupot pa rin ang aming mga katawan. At gaya ng dati, nagugulat ako kung gaano ako kaliit para makatakas sa bulto niya na nakaposisyon agad sa pagitan ng mga hita ko
last updateLast Updated : 2024-10-24
Read more

RIOT

FREY POV:Sinabunutan niya ang sarili, nagpalakad-lakad sa harap ko na parang mababaliw, matagal, saka tuluyang umalis nang wala nang tunog o ano mang ingay na ginawa, ni hindi niya ako magawang tingnan hanggang sa huling sandali.Nasaktan ako para sa kanya at naalala kong lahat ang napakahabang panahon ng mga sakripisyo niya para sa akin.Ah, Logan.Nadurog ang puso ko para sa kanya higit sa pisikal na sakit.Pero galit na lang niya ang naiwan sa akin at wala na siya.Hindi ko alam kung gaano katagal akong wala sa sarili pero sinubukan kong habulin si Logan nang matauhan ako. Nagmadali ako pababa ng hagdan dahil may tao sa elevator. Pero wala nang sasakyan sa harap ng gusali, maliban sa isang Land Rover na papalayo na mula roon at halos 100 metro na ang layo."Logan!" Sinubukan ko pa rin siyang tawagin nang paulit-ulit pero tuluyan na siyang nakalayo. Mabilis na tumatakbo ang sasakyan na para bang may demonyong humahabol sa kanya.Sinabunutan ko ang sarili ko, umiiyak, hindi alam an
last updateLast Updated : 2024-10-25
Read more

LIFE IS NOT ALL ABOUT YOU

DARK POV:"Ano bang problema mo? Bakit ka nakikialam? Kailangan ko siyang lapitan! Hindi mo ba nakikitang wala siya sa sarili? Pupuntahan niya si Logan at baka kung anong mangyari sa kanya!" Binabaklas ko ang mga paa niya sa magkabilang panig ng pinto ng drivers' seat pero bumabalik din sa ibang parte lang ng pintuan na mas matatag kaysa sa dati.Shit, kung kaya ko lang sanang baliin ang mga binti niya!"Ikaw ang wala sa sarili mo!" May dinukot siya sa bag niya. Stun gun, pero mukhang cellphone. Ini-on niya sa malapit sa charging point at inilapit sa leeg ko. Nakita ko ang red light niyon. "Subukan mong gumalaw nang hindi ko gusto at patutulugin talaga kita." Itinutok niya sa akin at alam kong gagawin niya. "Tinatakot mo siya, Kuya. At sa ginagawa mo, baka lalo kang mahirapan na paamuin siya." Huminga siya nang sunod-sunod nang makitang natigilan ako. "Babae rin ako kaya sana makinig ka. At huwag mong sabihing wala akong pakialam dahil idinamay mo na ako nang oras na papuntahin mo
last updateLast Updated : 2024-10-25
Read more

QUEEN'S GAMBIT

Sampung taon lang ang age gap namin ni Sky, at napakabata niyang nawalan ng ama na halos iilang beses niyang nakita at nakasama dahil may iba pa yatang pamilya maliban kay Victoria.May fuck pad rin ang nanay ko para sa iba pang mga lalaking sinisipingan nito. At kapag nakikisama ito sa bagong asawa, sa ibang bahay ito tumitira.Walang sagradong bahay kay Victoria pero ipinaglaban ng mga kapatid ko ang ancestral house kaya may pagkakataong nahuli ko ito noon kasama ang isang lalaking hindi ko rin kilala.High school na si Sky nang tuluyang mawalan ng kumunikasyon ang daddy niya sa kanila ni Victoria. Pero bago pa mangyari yon, malala na ang gulong ginagawa ni Sky sa labas ng bahay at sa eacuelahan. Samantalang hindi ko rin na-enjoy ang pagiging bata dahil nag-aaral pa lang ako, hindi ko makakalimutan na sa tuwing lumalabas ako ng escuelahan noong nasa kolehiyo na ako, kinailangan kong isa-isahing hanapin at tulungan ang mga trahabador na nawalan ng trabaho sa utos ng lola ko.
last updateLast Updated : 2024-10-26
Read more
PREV
1
...
678910
...
13
DMCA.com Protection Status