Lumabi ako. Ayoko pa naman na inaawat ako.Nagagalit sa saway, pinagapang ko sa batok niya ang kamay kong nakasampay sa kanyang balikat, pinaakyat ko yon para pinaglaruan ang hibla ng buhok niya na parang sutla sa lambot, hinihila iyon pababa. Umilag uli siya kaya ang tenga niya sa kabilang direksyon ang pinagdiskitahan ko. Malamig iyon, matigas, at masarap sigurong dilaan kung kaya ko lang kumilos. Sasaklang ako sa kanya at aangkinin ko yon. Umungol ako sa aking iniisip. Anong parte ni Dark ang hindi masarap? “God, Frey!” Naging mahirap para sa kanya ang huminga sa mga kakulitan ko. Na hindi na masusundan dahil lumaylay na rin ang isa kong kamay sa kanyang likuran.Bumibilis ang pag ikot ng paningin ko, bumibigat din ang ulo ko. Kaya ako na ang nagsaway sa sarili ko.“Okay, mananahimik na ako.” Alam kong magsisisi siya kapag ginawa ko yon, nagmamalaki ako sa loob ko. Totoong nahihilo, sumiksik ako sa katawan niya para pumikit. Kahit sandali, dahil nasusuka na rin ako.Pero hi
Last Updated : 2024-10-31 Read more