FREY POV: Tumayo ako para umalis pero bukas at sira na ang blouse ko dahil wala na ang ibang botones. Hindi niya nabuksan ang bra ko pero pakiramdam ko namumula ang balat ko mula sa leeg pababa sa dibdib ko dahil sa stubbles niya na humagod sa katawan ko kanina. Nagmadali ako dahil alam kong yon mismo ang kailangan kong gawin at ang makakabuti.At sana hindi na uli kami magkita pa bago ako umabot sa puntong hindi ko na rin kilala ang sarili ko.Nalaglag sa sofa ang isang hikaw ko pero hindi ko na nilingon. Umekis ang mataas na takong ng sapatos ko nang pilitin kong tumayo nang deretso at muntik na akong matumba.Sinalo ako ng mga kamay ni Dark na nagmumura pa rin. At nang lumapat ako sa braso niya, mapag angking humigpit sa akin yon habang nakatalikod ako sa kanya at sinamyo ang buhok ko na gaya ng droga. Nalilito, itinulak ko siya pero ayaw akong pakawalan.“Tangina,” halos naghihingalo ang paghinga niya, sunod-sunod. “Dito pa mismo sa loob ng lintik na opisina ko sa katiri
FREY POV: Naging sapat ang mga salitang yon para magpaubaya na lang ako sa kanya at inangkin ko siya sa pinakamahusay na magagawa ko. Ibinabagsak ko ang pagkababae ko sa kanya na para bang isa yong natatago kong talento. Gamit ang balakang ko at inaangkin ko rin ang pagkalalaki niya mula ulo hanggang sa pinaka-ugat.Nang magsimulang tumibok ang pagkalalaki niya sa bayolenteng panginginig, ini-angat niya agad ako, bumabaon ang mga daliri sa laman ng pigi ko at pinanatili ako sa taas. “Hindi. Huwag.” Nagawa rin niyang itigil ang pagbayo sa akin kahit halos mababaliw siya sa pangangailangan.Bakit?At sa kabila rin ng pagkabaliw ko, naalala ko, oo nga: ikakasal na pala siya sa iba.At baka mabuntis ako, yon lang naman walang iba ang puede niyang ikatakot.Umigkas ako paalis sa kandungan niya at ni hindi niya ako pinigilan, ibinabalot ko sa katawan ko ang blouse na naipon sa gitna ng mga braso ko at nakalaylay sa aking likuran.Ang bra ko, nakasahod na lang sa ibaba ng dibdib ko at hind
FREY POV: Tumungo ako, umamin agad ako sa isang bagay na posibleng makatulong sa ugnayan naming dalawa. Ugnayan na itatawid ko sa mas seryosong relasyon ngayon gabi na hindi niya matatanggihan. “5th day ng menstruation ko, uminom na ako ng pills kahit wala ka. Iniisip kong baka isang araw, kapag nagkasalubong tayo sa kung saan hatakin mo ako at—” hinahalikan na uli niya ako wala pa kaming napapag usapan. Buo sa loob ko ang tumanggi kaya itinulak ko siya palayo pero para siyang adobe ng pader at patuloy na dumadagan sa akin. Nakadiin agad ako sa sofa at sinasakop niya ang bibig ko sa mapusok na halik. Ang mga kamay niya, hinuhubad na ang blouse ko. Wala siyang kalyo sa kamay pero kumakayod ang palad niya sa makinis kong balat at para akong nahihiwa ng mga yon.“Dark, mag usap muna tayo!” Suminghap ako, umiilag sa halik niya at itinutulak ko siya pero bumaba ang mukha niya at nasa leeg ko na agad, nagkakalat ng basang halik, ang isang kamay hinihila na ang palda ko pababa na hindi
FREY POV: Umarko ng katawan ko nang ihagod niya sa basa kong pagkababae ang korona ng kanyang pagkalalaki, pumipintig sa bukana ko na namintog agad ang clit ko tuloy binasa ko ang labi ko at mariing kinagat iyon bago ako mariing pumikit.“Tumingin ka sa akin, Frey,” hindi siya pumapasok sa akin gayong umaangat ang balakang ko para salubungin siya. Kumakalat ang basa na galing sa akin sa ulo ng pagkalalaki niya. Gumiling ako para tuksuhin lalo iyon. “Dumilat ka, pakiusap.” Marahas na utos kasunod ang patak ng mga pawis niya sa pisngi ko at sa leeg.Sumunod ako at tumitig sa mata niya. Maulap ang mga mata ko sa tindi ng pagnanasa kong makaraos kasama siya. Umaalon ang katawan ko para sa kanya. “Paliligayahin kita. Sa yo lang ako, Dark.” Hinaplos ko ang mukha niya, at naakit uli ako ng mga pinong buhok doon na halos nangingitim na, pinaraan ko ang palad ko doon at sa bawat kurba ng kabigha-bighani niyang mukha. Naisip kong napabayaan agad niya ang sarili niya dahil hindi na niya ako
FREY POV: “YOU guys are big-time extortionists! And you have taken a huge amount of money from my brother without a sweat! 10 million pesos in just 5 days? Sino ka ba talaga, Frey?”Hindi ako nakahinga sa bigat ng mga bintang ni Sky. Totoong matindi ang galit niya, nanginginig. Nakakuyom ang mga kamao niya sa pagkakatitig sa akin. Naglaho na ang magagandang ngiti niya na bukal sa loob kong nakita nang una kaming nagkakilala.Mas naramdaman ko ang malaking agwat namin at pagkakaiba kung gaano kalakas ang kapangyarihan at aura na nanggagaling sa kanya. Matangkad, maganda, perpekto ang katawan sa loob ng mamahaling mga alahas at damit, natatangi ang pinong kilos at matutulis ang perpektong mga kuko na parang gusto niyang ibaon sa leeg ko.Pero wala akong ideya sa ikinagagalit niya. “Ako?” Turo ko sa sarili ko, hindi makapaniwala. “Kami?” Gagad ko sa sinabi niya. “Sinong kami ang tinutukoy mo?” Huminto ako sa paghakbang para kumuha sana ng maiinom.Nagawa niyang itago sa akin ang gal
FREY POV: Sumakit ang ulo ko, hindi ko alam ang dapat gawin. Hindi ko na nga nagawang mabayaran ang kulang ko sa una naming kontrata ni Dark at may karagdagan na namang 10 milyong piso.Magpakamatay na lang kaya ako?Pero hindi. Masama yon.Itinulog ko ang sama ng pakiramdam ko pero paggising ko parang ayoko nang mabuhay.Naligo ako at nagbihis. At naghanap ako ng bar kung saan puedeng uminom.Manhid na ako sa sakit ng nararamdaman ko at disconnected na ako sa totoong mundo.Pagod na ako.Ayoko na.Malapit na talaga akong mabaliw.Pinili ko ang isang bar sa loob ng mall malapit sa hotel ko at malapit din sa Samaniego Tower.At tahimik akong nagpakalasing. At sa dami ng problema ko, nangibabaw ang totoong pinakamasakit sa lahat na ayokong tanggapin:Ang tuluyang pagkawala ni Dark. Hindi ko sukat akalain na mararamdaman ko ang kahungkagan na ito. Malalim. Parang walang katapusan kadiliman. At para bang tuluyan na akong namatay nang basta na lang niya ako itaboy.Kailangan ko pala siy
DARK POV: At paano ko sasabihin kay Frey ang bagay na ito na hindi niya malalaman ang kakambal na katotohanan tungkol sa kanya?Sigurado ako na marami pang kopya ang mga larawan at pribadong videos. Kaya kailangan kong magmadali na maunahan si Ray.Hahanapin ko ito at dapat itong managot.Hindi ako papayag na salingin nito uli si Frey at pagdaanan niya ang mga nakakapangilabot na banta nito.Hindi hangga’t nabubuhay pa ako.Nag ring ang cellphone ko na mabilis kong sumagot. Isa sa mga guards na nagbabantay sa penthouse ko.“Sir, may problema po sa labas ng bahay ninyo.” Nasa boses niya ang pagkataranta. “May babae po ditong lasing na lasing at nagwawala. Namumukhaan ko po siya. Yong kasama ninyo kaninang umaga. Maganda po siya, maputi, maiksi ang buhok at—” ini-off ko agad ang phone at ibinulsa.Hinagip ko ang gallon ng gas at ibinuhos kong lahat sa metal drum. Sumargo ang apoy niyon. Tinitiyak na walang malalabi sa mga bakas na gusto kong itago.Nagmamadali akong umalis sa rooptop n
Lumabi ako. Ayoko pa naman na inaawat ako.Nagagalit sa saway, pinagapang ko sa batok niya ang kamay kong nakasampay sa kanyang balikat, pinaakyat ko yon para pinaglaruan ang hibla ng buhok niya na parang sutla sa lambot, hinihila iyon pababa. Umilag uli siya kaya ang tenga niya sa kabilang direksyon ang pinagdiskitahan ko. Malamig iyon, matigas, at masarap sigurong dilaan kung kaya ko lang kumilos. Sasaklang ako sa kanya at aangkinin ko yon. Umungol ako sa aking iniisip. Anong parte ni Dark ang hindi masarap? “God, Frey!” Naging mahirap para sa kanya ang huminga sa mga kakulitan ko. Na hindi na masusundan dahil lumaylay na rin ang isa kong kamay sa kanyang likuran.Bumibilis ang pag ikot ng paningin ko, bumibigat din ang ulo ko. Kaya ako na ang nagsaway sa sarili ko.“Okay, mananahimik na ako.” Alam kong magsisisi siya kapag ginawa ko yon, nagmamalaki ako sa loob ko. Totoong nahihilo, sumiksik ako sa katawan niya para pumikit. Kahit sandali, dahil nasusuka na rin ako.Pero hi
FREY POV: Walang palantandaan na matatanggap ako ng nanay niya. Pero hindi na yon mahalaga. Tinuruan ko na rin ang sarili ko na huwag maapektuhan, araw-arawin man nila ang magpa-presscon sa TV kung sino ang nararapat na babae sa anak niya. Dahil alam na alam ko ang totoo: Ako yon at wala nang iba. Siguro, nalaman din nila na ako ang tipong hindi basta puedeng tapakan at may tapang din naman dahil nagawa kong ituloy ang shop kahit na para sa marami ay malas. Marami kasing dugo ang bumuhos doon. Pero naging inspirasyon ko uli ang tapang ni Anna. Kung kaya nitong matulog sa katabi ang bangkay, kaya ko ring harapin ang mga pagsubok sa buhay ko sa sarili kong paraan. Magiging matapang ako para ipaglaban ang pagmamahalan namin ni Dark. Kailan lang, nakaharap ko rin ng personal si Roxanne sa loob ng shop ko, pero siya rin ang nagpatunay sa akin na walang namamagitan sa kanila ni Dark dahil sa nakita kong matinding selos niya sa akin sa puntong gusto na akong saktan, pero sa huli, umali
FREY POV:Pagkagaling sa isla, kusa akong nagpunta sa police station para magbigay ng statement sa nangyari kay Ray.Pero bago pa ako makarating sa opisina, sinabulong na ako ng Senior Detective na may hawak ng kaso sa hallway pa lang at iginiya ako palabas ng building.“Closed case na ang kaso, ma’am.” Matangkad, nasa late 50’s at mabait ang mga mata ng lalaking tinitingala ko. “Inayos na lahat ng boyfriend mo. At may naiwan pa pala siyang sobrang sukli kasi nagpa-merienda siya sa buong team.” Iniabot niya sa akin ang puting sobre na nakasarado. “Pakibigay na lang po, Ma’am. At pakisabi na maraming salamat.”“Okay. Makakarating.”Kaya ko nang hulaan ang nangyari. Mahusay talagang negosyante si Dark, wala na akong masasabi.Pina-plantsa niya ang lahat ng gusot para wala na akong ibang alalahanin pa.Dumeretso ako sa shop, at inabutan ko doon ang isang cleaning team na ipinadala ni Dark.At may bago na naman akong tauhan galing sa isla:Sina Astrid, Nandi at bagong platero, si Regan.
FREY POV: IPINAGLABAN ko rin noon ang tahimik na lamay ng nanay ko sa buong linggo hindi lang noong unang araw na nagwala ako. Na naging napakahirap. Bawat araw nagwawala ako para walang tao na pumunta at matakasan ang pagpaparinig nila sa akin na wala akong kuwenta. Pero pagdating ng kinabukasan, mas marami sila. May mga sasakyan. May mga kaya. Dala nila ang galit sa akin na hindi ko maintindihan.Ako nga raw pala yong babae sa mga larawan.Na wala akong maisagot kundi galit dahil wala akong makitang kasalanan ko kung may mga pictures nga ako na kumakalat kung saan saan. Anong klase ba yon at nagagawa nila akong husgahan at alipustain?Sa huling lamay, dala ng matinding galit, binubusan ko na ng gasolina ang sarili ko at kabaong ng nanay ko, at talagang sisindihan ko mawala na lang kami ng nanay ko nang magkasama. Kung hindi kay Logan na bigla akong niyakap habang hawak ko na ang posporo, sigurado akong noon pa lang patay na ako.Napakasama sa akin ng mundo pero nang makilala ko s
FREY POV: NAGISING ako sa aroma ng mabangong niluluto ni Dark mula sa kitchen kinabukasan. Kaya kahit masakit ang ulo ko at gusto ko pang matulog, bumangon ako at sinundan ko ang amoy niyon.Nahulaan ko agad ang tinolang manok na itinuturing kong comfort food kapag masama ang pakiramdam ko dahil sa healing properties ng luya para sa inflammation.Alam niyang pagod ako sa kaiiyak kaya natatandaan niya siguro dahil minsan kaming naghanap ng putaheng ito nang sobrang pagod ko sa trabaho.Napakamaalalahanin ni Dark sa napakaraming bagay. Perpektong nobyo para sa akin.“Hindi ka papasok?” Suot na naman niya ang apron na may anime design na nakita ko rin sa beach house dati. Iba lang ang kulay.May jeans pattern ng teady bear at korning bulaklak ng sunflower.Malayo sa kanyang personalidad kaya lagi kong napapansin na parang kakaiba yon para sa kanya.Nilingon niya ako, pinagmasdan akong maglakad palapit sa kanya, puno ng pagmamahal at paghanga. Walang bakas na may kailangan kaming pag u
FREY POV:Sa loob at labas ng shop nagkakaingay ang mga taong dinadaanan namin at may mga nagsisigawan dahil sa takot. At sa malabo kong isip, nadaanan ng mga mata ko ang nakahandusay na mga bangkay sa loob at labas ng tindahan.Nasa sampung katawan. Maraming dugo sa hagdan, at may mga talsik hanggang sa pintuang salamin kung saan kami dadaan.“Huwag kang tumingin,” si Dark na kinabig ako para itago sa loob ng kanyang coat.Hinarang kami ng hepe ng pulis, sa likuran nito ay marami pang pulis at imbestigador.“Magbibigay kami ng statement at tutulong kami sa imbestigasyon,” si Dark na sandaling huminto. “Pero hindi ngayon. Under shocked pa ang girlfriend ko. Hayaan ninyo akong tulungan kayo sa ibang paraan maliban dito.”Naiuwi niya ako nang bahay at saka ko lang nagawang umiyak.Hindi ko makalimutan ang matinding takot ko nang matitigan ko uli ang mga mata ni Ray at ang mga mukha ng mga lalaking wala ng buhay sa loob at labas ng shop ko.At ang mga dugo sa paanan ko galing sa katawan
FREY POV:Hindi.Si Ray at ang lalaking ito ay iisa ng mata at pareho silang tumingin!Nangatal ako buong katawan, hindi na ako humihinga. Nanlalaki ang mga mata ko at hindi ko maramdaman ang tuhod ko. Ginusto kong tumakas, alam ng mga paa ko ang daan palabas pero sinalubong niya agad ako sa isang hakbang lang at sinakal ako paatras sa metal rack:“Ah, Frey,” dinukot niya ang baril sa likuran at kalmadong idinampi sa pisngi ko. Ipinaalala sa akin ang amoy ng bakal at nakakapangilong lamig ng pamilyar na armas kapag pinapasok niya ako sa silid ko noon bago mas-masturbate sa harap ko. “Sabihin mo, na-miss mo ba ako?”“R-Ray?”Boses niya ang naririnig ko pero paanong—?Idinikit niya sa botones ng blusa ko ang dulo ng baril, pinakawalan ako. “Maghubad ka, madali!” Umatras siya sa sofa na malayo sa akin at gusto yata uli akong panoorin.FREY POV: Iniwan na ako ng sentido-kumon at hindi na ako nag-iisip. Matigas na ako sa takot dahil nasa loob na ako ng madilim kong isip at kasama kong
FREY POV:DAHIL isinusuka ako ng mga tao sa San Ignacio at marami akong ginawang nakakahiyang bagay sa loob ng isang linggong lamay ng nanay ko, hanggang sa huling araw bago siya ilibing, natuto akong bumasa ng mga matang nakatitig sa akin, body language at kahit bugso ng kanilang mga hininga nang hindi sa kanila tumitingin ng direkta.Isama pa ang panghihiya na nararanasan ko bawat araw na nakikisalamuha ako sa ibang tao mula nang maging bahagi ng buhay namin si Ray at bago ang ikalawang atake sa puso ng nanay ko na kumitil sa buhay nito.Malandi.Baliw.Walang kuwentang babae.Hindi dapat pakasalan.Malas sa magiging asawa.Salot.Isang kahihiyan.Pokpok. At kung ano-ano pa.Ang pakiramdam na yon, bumabalik sa akin ngayong araw na ito.Ang kontratang nakuha ko ay nagkakahalaga ng 5 milyon. At dahil sa 24 karat yellow gold ang metal base at ready made na, ikakabit na lang ang swarovski crystals and precious gems na kayang tapusin ng isla ang total production sa loob lang ng limang
FREY POV: Naglagi ako sa itaas ng shop at hindi na ako nakababa. Nang kumalat ang dilim, hiningi ko kay Ruth ang dalawang bote ng soju niya na nasa ref sa loob mismo ng opisina ko. Alas siete ng gabi, nagchat ako kay Dark na gagabihin ako at huwag na niya akong sunduin dahil totoo rin namang overtime kaming lahat. Pero nagulat ako nang dumating siya sa rooptop at nakita akong umiinom, nagtatago sa mga kasama ko.Basa ako ng luha at namumula na ang mukha ko.Tensyonado siya, bukas ang ilang botones ng dress shirt at mabibilis ang mga hakbang palapit sa akin.“May problema, hindi ba?” Inagaw niya ang alak sa kamay ko na walang kahit anong pulutan.Binawi ko rin yon kaagad, nanginginig, ayoko siyang tingnan, pero mas malakas siya at ayaw niyang bitiwan ang hawak kong bote kung saan direkta akong umiinom."Palagi naman! Kailan ba wala?" Sinigawan ko siya dahil mas naging kawawa ako dahil nahuli niya akong nagmumukmok. Talunan. “Napanood mo yong sa TV news, tama?” Hinaklit niya ang b
FREY POV: KALOKOHAN.Ibinagsak ko ang report na galing sa Security Agency tungkol kay Ray. Wala raw makuhang latest information tungkol sa stepdad ko maliban sa mga personal informations na dati ko nang alam at hindi rin daw nila ito mahanap.O baka naman may taong tumutulong dito para magtago at takpan ang mga bakas nito?Imposible na wala sa report kahit ang naging kaugnayan nito sa Samaniego Corporation at ang naging address nito habang nasa Villasin.Nakaka-insulto yon dahil alam kong hindi nagsisinungaling sa akin si Catherine. Oo, mapaglaro ito, pero matatapatan mo ng pera ang bawat impormasyong pinakakawalan nito sa iba.Sa tingin ko nga, awa na lang para sa akin ang umiral kaya inambunan ako ni Catherine ng tungkol kay Ray.Alam nitong handa kong ibenta ang kaluluwa ko sa demonyo, makaganti lang ako.Na sa ngayon, hindi na ako sigurado sa nararamdaman ko.Bawat sandaling nagiging maligaya ako sa piling ni Dark, bumibitaw ako sa nakaraan at parang gusto ko nang mangarap ng pa