Home / Romance / THE SEX CONTRACT / Chapter 111 - Chapter 120

All Chapters of THE SEX CONTRACT: Chapter 111 - Chapter 120

125 Chapters

PREPARATION

FREY POV: “Gamitin mo sa bubuksan mong negosyo ang pera mo. Pero dahil gipit ako at maraming new recruits, tatlo sa kanila, puede bang tanggapin mong personnels dito? Kahit below minimum ang sahod. Ang isa sa kanila, si Ruth, maasahan mo sa jewelry making. Si Xander, dating goldsmith sa isla. Si Ellie, mahusay sa sales.”“Hindi kita tatanggihan, alam mo yan,” naiiyak ako sa pagmamalasakit niya. Lahat ng posisyong sinabi niya ay hahanapin ko pa sana isa-isa. Napakalaking tulong nito sa akin. “Ikaw ang nag iisa kong kapamilya mula nang mawala ang nanay ko.” Gumulong ang luha ko, hindi ko namalayan. “At hanggang ngayon, inaalagaan mo ako.”“Ayoko ng drama,” maamo ang tingin na iginanti niya sa akin, dinampot niya ang baso ng juice at pinangalahati yon bago ibinaba. “Aalis na ako. Tawagan mo ako kung anong oras sila magsisimula sa trabaho.”Niyakap ko siya, hindi ko napigilan. “Maraming salamat sa lahat.”Tinapik niya ako sa likod. “Pasensya ka na nang huli tayong nag usap. Sobrang gulo
last updateLast Updated : 2024-11-03
Read more

HEAT

FREY POV:Pakiramdam ko malapit ko nang makaharap si Ray at mas magiging handa ako.Nang matapos kami, kinamayan uli ako ni Joaquin. “Natutuwa akong makilala ka, Frey. Hindi ko sukat akalain. May natural grace ka at ilang counter attack moves na wala sa list of skills ko. Kakaiba pero…saan mo natutunan yon?”Hindi ko puedeng ipagkanulo ang isla kaya ang sabi ko: “May movie list ako na maraming fighting scenes. Paborito ko si Yuri Boyka at mahilig akong manood ng MMA fights.”“Nice,” tumatango siya. “Kakaiba rin ang bilis mo para sa isang babae. Kung magiging professional fighter ka sa hinaharap, pang knock out ka na ngayon pa lang. Mukhang marami tayong stages na lalampasan na kaagad.”“Marunong ka rin ba sa baril?”“May trainer ka para doon,” si Dark ang sumagot. Palaging nasa likuran ko, nagbabantay at nagmamasid. Dumiin ang mga daliri niya sa bewang ko at awtomatiko akong umatras palapit sa kanya. “Sa ngayon, unahin nating hasain ang close combat skills mo at sa ibang araw, baka ak
last updateLast Updated : 2024-11-03
Read more

HEAT 2

FREY POV:At bilang kapalit na pinalaya niya ang pagkababae ko, hinuhubad niya at inaalis ang lahat ng hadlang sa amin, isinasabay niya ang mga saplot niya hanggang sa wala na rin siyang suot sa sarili niyang katawan.Habang nakatunghay siya sa akin sa ilalim niya, namangha ako at hindi ko maitago yon gaya ng lagi, nakatitig ako sa kabuuan niya, sa walang patawad na tipak ng kalamnan, sa kahanga-hangang mga muscles na walang naliligaw na taba at sa pagkakalaking madalas ay nagugulat ako kung gaano kasigasig sa pagpapaligaya sa akin. Parang kaya kong mag orgasm kung titigan ko siya nang matagal kahit hindi ko siya mahawakan.Nag-aapoy sa pagnanasa, binabasa ko na ang aking labi gamit ang dila ko.Nasasabik ako sa kanya.Nababaliw.Namilipit ako sa iniisip ko, lalo na at nababasa yata niya ang lahat ng emosyong dumadaan sa mukha ko. Bumuka rin ang mga labi niya at parang nagtatalik na agad ang mga isip namin.“Ah, Frey,” pinaghihiwalay na niya uli ang mga hita ko. “Walang makakaaga
last updateLast Updated : 2024-11-03
Read more

LOVE WAR

FREY POV:“Diyos ko,” pinakawalan niya ako para muling yakapin.Nagpatuloy ako, hindi tumitigil ang luha ko. “Parang ang dumi-dumi ko. Ang tingin ko noon sa sarili ko mababa pa sa basura. Noong bedridden na ang mama ko, araw-araw kong iniisip ang magpakamatay. Ang lahat ng tao noon sa paligid ko, galit pa sa akin sa hindi ko malamang dahilan. At noong…” nahirapan akong magsalita. Sobrang sakit ng dibdib ko at hindi ako makahinga. Sinuntok ko ang sarili kong dibdib masabi ko lang huli. “noong unang gabi ng lamang ng nanay ko, sa sobrang dami ng nagpaparinig na masama akong babae, kumuha ako ng kutsilyo at itinutok ko sa tapat ng puso ko. Ang sabi ko sa mga tao, magpapakamatay ako kapag may naiwan sa kanila kahit isa doon. Tinawag nila akong baliw. Hanggang sa magawa kong tumakas sa lugar na yon, naging malupit silang lahat sa akin at kagagawan yon ni Ray. Parang sinisira niya ang ulo ko at nang sa huli wala na akong matakbuhan kundi siya. Kung wala si Logan nang mga panahong yon, hind
last updateLast Updated : 2024-11-04
Read more

HIS FIANCEE

DARK POV:Nakatanggap ako ng text kay Frey ngayon lang:Maraming rush items, gagabihin ako. Sasabay na ako sa kotse nina Xander pag uwi. Huwag mo na akong sunduin.Mag-iingat ka sa pagda-drive pauwi. Mahal kita. Mas lalong sumakit ang ulo ko kaya itinulog ko na lang sa loob ng opisina kahit oras pa ng trabaho.Paglabas ko ng opisina, malapit nang dumilim at nagulat ako sa babaing naghihintay sa akin sa parking lot. Ipinarada niya ang kotse niya sa tabi ko at hindi ko siya matatakasan gaya ng lagi kong nagagawa.Si Roxanne.Kalmado ang dating Crowned Miss World ng Pilipinas. At gaya nang kung paano niya nakuha ang puso ng milyon-milyong Pilipino, naakit niya si mama na tanggapin siyang future daughter in law labas sa kasunduan naming dalawa.Walang kaba, tinawid ko ang pagitan namin.“Saan tayo puedeng mag usap?” Siya ang nagtanong, mahigpit ang hawak sa mamahaling bag. She was wearing signature clothes and worldly trappings from head to toe, and a very expensive watch from my mother
last updateLast Updated : 2024-11-04
Read more

THE SECRET CAGE

DARK POV:Inilapit niya sa akin ang cake. “Oo. Kasi nakakuha ako ng malaking kontrata sa isang mayamang negosyante at kikita ako doon ng malaki!”Oh. Lintik. At ano ang kapalit? Ilang buwan siyang walang pahinga, ni hindi ko na makausap, puyat at may eyebags?Kapag bumagsak sa kama, may mga gabing suot pa niya ang sapatos niya at hilong-hilo daw siya.Mahirap ang trabaho niya. Inabutan ko siya minsan sa working table niya na nakatitig sa 3mm swarovski crystal na O.3 lang ang butas at mano-manong ginagawa.Masisira agad ang mata niya sa napakabatang edad sa maling lighting ng ilaw.Ano pa kung milyones ang orders?Hinipan ko ang cake. “Congratulations.” Iginiya ko siya paupo sa kandungan ko kaya mapipilitan siyang bitiwan ang cake. Pero dumapo ang daliri niya sa icing at tinikman yon. “Pero baka naman puedeng hindi ikaw ang personal na gumawa ng lahat?” Sumisigaw ang pag aalala ko, hindi ko kayang pigilan.“Siempre,” ibinaba niya ang cake sa center table. Kumandong paharap sa akin na
last updateLast Updated : 2024-11-04
Read more

JEALOUSY

FREY POV: KALOKOHAN.Ibinagsak ko ang report na galing sa Security Agency tungkol kay Ray. Wala raw makuhang latest information tungkol sa stepdad ko maliban sa mga personal informations na dati ko nang alam at hindi rin daw nila ito mahanap.O baka naman may taong tumutulong dito para magtago at takpan ang mga bakas nito?Imposible na wala sa report kahit ang naging kaugnayan nito sa Samaniego Corporation at ang naging address nito habang nasa Villasin.Nakaka-insulto yon dahil alam kong hindi nagsisinungaling sa akin si Catherine. Oo, mapaglaro ito, pero matatapatan mo ng pera ang bawat impormasyong pinakakawalan nito sa iba.Sa tingin ko nga, awa na lang para sa akin ang umiral kaya inambunan ako ni Catherine ng tungkol kay Ray.Alam nitong handa kong ibenta ang kaluluwa ko sa demonyo, makaganti lang ako.Na sa ngayon, hindi na ako sigurado sa nararamdaman ko.Bawat sandaling nagiging maligaya ako sa piling ni Dark, bumibitaw ako sa nakaraan at parang gusto ko nang mangarap ng pa
last updateLast Updated : 2024-11-04
Read more

FEARS

FREY POV: Naglagi ako sa itaas ng shop at hindi na ako nakababa. Nang kumalat ang dilim, hiningi ko kay Ruth ang dalawang bote ng soju niya na nasa ref sa loob mismo ng opisina ko. Alas siete ng gabi, nagchat ako kay Dark na gagabihin ako at huwag na niya akong sunduin dahil totoo rin namang overtime kaming lahat. Pero nagulat ako nang dumating siya sa rooptop at nakita akong umiinom, nagtatago sa mga kasama ko.Basa ako ng luha at namumula na ang mukha ko.Tensyonado siya, bukas ang ilang botones ng dress shirt at mabibilis ang mga hakbang palapit sa akin.“May problema, hindi ba?” Inagaw niya ang alak sa kamay ko na walang kahit anong pulutan.Binawi ko rin yon kaagad, nanginginig, ayoko siyang tingnan, pero mas malakas siya at ayaw niyang bitiwan ang hawak kong bote kung saan direkta akong umiinom."Palagi naman! Kailan ba wala?" Sinigawan ko siya dahil mas naging kawawa ako dahil nahuli niya akong nagmumukmok. Talunan. “Napanood mo yong sa TV news, tama?” Hinaklit niya ang b
last updateLast Updated : 2024-11-04
Read more

IN THE HANDS OF DEATH 1

FREY POV:DAHIL isinusuka ako ng mga tao sa San Ignacio at marami akong ginawang nakakahiyang bagay sa loob ng isang linggong lamay ng nanay ko, hanggang sa huling araw bago siya ilibing, natuto akong bumasa ng mga matang nakatitig sa akin, body language at kahit bugso ng kanilang mga hininga nang hindi sa kanila tumitingin ng direkta.Isama pa ang panghihiya na nararanasan ko bawat araw na nakikisalamuha ako sa ibang tao mula nang maging bahagi ng buhay namin si Ray at bago ang ikalawang atake sa puso ng nanay ko na kumitil sa buhay nito.Malandi.Baliw.Walang kuwentang babae.Hindi dapat pakasalan.Malas sa magiging asawa.Salot.Isang kahihiyan.Pokpok. At kung ano-ano pa.Ang pakiramdam na yon, bumabalik sa akin ngayong araw na ito.Ang kontratang nakuha ko ay nagkakahalaga ng 5 milyon. At dahil sa 24 karat yellow gold ang metal base at ready made na, ikakabit na lang ang swarovski crystals and precious gems na kayang tapusin ng isla ang total production sa loob lang ng limang
last updateLast Updated : 2024-11-05
Read more

IN THE HANDS OF DEATH 2

FREY POV:Hindi.Si Ray at ang lalaking ito ay iisa ng mata at pareho silang tumingin!Nangatal ako buong katawan, hindi na ako humihinga. Nanlalaki ang mga mata ko at hindi ko maramdaman ang tuhod ko. Ginusto kong tumakas, alam ng mga paa ko ang daan palabas pero sinalubong niya agad ako sa isang hakbang lang at sinakal ako paatras sa metal rack:“Ah, Frey,” dinukot niya ang baril sa likuran at kalmadong idinampi sa pisngi ko. Ipinaalala sa akin ang amoy ng bakal at nakakapangilong lamig ng pamilyar na armas kapag pinapasok niya ako sa silid ko noon bago mas-masturbate sa harap ko. “Sabihin mo, na-miss mo ba ako?”“R-Ray?”Boses niya ang naririnig ko pero paanong—?Idinikit niya sa botones ng blusa ko ang dulo ng baril, pinakawalan ako. “Maghubad ka, madali!” Umatras siya sa sofa na malayo sa akin at gusto yata uli akong panoorin.FREY POV: Iniwan na ako ng sentido-kumon at hindi na ako nag-iisip. Matigas na ako sa takot dahil nasa loob na ako ng madilim kong isip at kasama kong
last updateLast Updated : 2024-11-05
Read more
PREV
1
...
8910111213
DMCA.com Protection Status