Share

DARK VS. LOGAN

DARK POV:

Tinawid ko ang pagitan namin na nakatago sa mga bulsa ko ang mga kamay kong nanginginig at malamig gaya ng yelo.

Naupo ako sa mismong tabi niya, ilang pulgada lang ang layo.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa," pinadulas niya sa counter ang hard drinks na pareho ng iniinom niya, sinalo ko yon at humampas ang yelo sa gilid ng baso at dumiin doon ang nanggagalaiti kong kamay. Sinibat niya ako nang tingin."Ano ang intensyon mo kay Francesca Fontanilla?"

Ngumisi ako at inubos ko sa isang lagok lang ang alak, tuloy kumirot ang sugat sa noo ko kaya inagapan ko agad ng panyo bago pa dumugo uli. "Kung may karapatan kang magtanong niyan, wala ka dapat dito. Komportable ka sa hacienda ninyo sa San Ignacio at wala kang inaalalang kahit ano na may kaugnayan kay Frey."

"Ano ang karapatan mong sabihin yan?" Binayo niya ng kamao ang counter at umangat siya sa upuan para atakehin ako pero nakapagpigil sa huling sandali. Nanlilisik ang mga mata niya sa pagkakatitig sa akin, nag-iigting
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status