Share

DELUSIONS

FREY POV:

Dumaan ako sa grocery store at bumili ako ng transparent plastics para i-pack ang mga alahas na dadaan sa inspection ng LBC personnel bago i-kahon para maipadala ko ang mga yon sa isla.

Wala akong maisip na ibang paraan o taong puedeng kumuha para ipasok yon ng isla maliban sa mga taong tapat din kay Anna kaya pinili ko ang una kong option.

Hindi ko rin kayang bumalik pa roon at magpakita pagkatapos ng huli naming pag uusap ni Anna.

Nahihiya pa rin ako.

Lalo na ngayong wala pa akong balita kung natagpuan na si Catherine dahil ayokong maging pabigat pa sa kanya. Uli.

Hindi ko makakalimutan kung paano niya pinatunayang mahalaga ako sa grupo kahit paano dahil sa biglang pagsulpot ni Maxi sa buhay ko pero matay ko mang isipin parang wala pa rin akong lugar sa gitna nila.

Idagdag pa ang tungkol sa kotse na hindi ko alam kung bigay o pahiram dahil lagi akong kalat at lutang sa alindog ni Dark.

Kung kelan ko maayos ang takbo ng utak ko, wala akong ideya. Basta hindi pa ngayon
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status