FREY POV:Sinabunutan niya ang sarili, nagpalakad-lakad sa harap ko na parang mababaliw, matagal, saka tuluyang umalis nang wala nang tunog o ano mang ingay na ginawa, ni hindi niya ako magawang tingnan hanggang sa huling sandali.Nasaktan ako para sa kanya at naalala kong lahat ang napakahabang panahon ng mga sakripisyo niya para sa akin.Ah, Logan.Nadurog ang puso ko para sa kanya higit sa pisikal na sakit.Pero galit na lang niya ang naiwan sa akin at wala na siya.Hindi ko alam kung gaano katagal akong wala sa sarili pero sinubukan kong habulin si Logan nang matauhan ako. Nagmadali ako pababa ng hagdan dahil may tao sa elevator. Pero wala nang sasakyan sa harap ng gusali, maliban sa isang Land Rover na papalayo na mula roon at halos 100 metro na ang layo."Logan!" Sinubukan ko pa rin siyang tawagin nang paulit-ulit pero tuluyan na siyang nakalayo. Mabilis na tumatakbo ang sasakyan na para bang may demonyong humahabol sa kanya.Sinabunutan ko ang sarili ko, umiiyak, hindi alam an
DARK POV:"Ano bang problema mo? Bakit ka nakikialam? Kailangan ko siyang lapitan! Hindi mo ba nakikitang wala siya sa sarili? Pupuntahan niya si Logan at baka kung anong mangyari sa kanya!" Binabaklas ko ang mga paa niya sa magkabilang panig ng pinto ng drivers' seat pero bumabalik din sa ibang parte lang ng pintuan na mas matatag kaysa sa dati.Shit, kung kaya ko lang sanang baliin ang mga binti niya!"Ikaw ang wala sa sarili mo!" May dinukot siya sa bag niya. Stun gun, pero mukhang cellphone. Ini-on niya sa malapit sa charging point at inilapit sa leeg ko. Nakita ko ang red light niyon. "Subukan mong gumalaw nang hindi ko gusto at patutulugin talaga kita." Itinutok niya sa akin at alam kong gagawin niya. "Tinatakot mo siya, Kuya. At sa ginagawa mo, baka lalo kang mahirapan na paamuin siya." Huminga siya nang sunod-sunod nang makitang natigilan ako. "Babae rin ako kaya sana makinig ka. At huwag mong sabihing wala akong pakialam dahil idinamay mo na ako nang oras na papuntahin mo
FREYNagising ako sa pamilyar na halik sa kaliwa kong dibdib. Mainit na sinakop ng mga sabik na labi ang nipple ko at maigting iyong sinipsip habang gumagapang sa pang upo ko ang isa pang pangahas na kamay.Pumipisil na kakaiba sa aking pakiramdam. Ito ang unang beses na parang may kahalong dahas at pagmamadali ang bedmate ko.Si Warren 'Dark' Samaniego.Siya ang boss sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko pero ako ang nagyaya sa kanya kaya kami narito sa gitna ng kanyang kama.Mga hubad at walang ibang iniisip kundi sex.Ika-anim na araw na nakatakdang matapos bukas ng Sabado.O mag uumaga na?Halos hindi ko namalayan ang oras at araw sa tindi ng pagod ko.Palagi akong malakas at matapang pero nagulat ako na hindi ko na rin magawang magmulat ng mata.Hindi nga pala ako imortal at kung kakapusin pa rin ako sa tulog ngayon, parang ikakamamatay ko na."Ahhh...." tumakas ang masarap na daing sa bibig ko nang lumipat sa kabila kong dibdib ang bibig niya. Pinahihirapan niya ang nipple ko s
FREYNgumisi ako sa sinabi ni Dark."Sobra pa sa sapat ang ibinayad mo sa akin. At isa pa, nag enjoy ako sa kama mo kaya wala na akong dapat balikan pa." Huhulaan ko na hindi siya basta susuko kaya tumayo na ako para pumunta sa bathroom.Nanlalagkit ako sa pawis at kailangan kong maligo.Busog nga ako sa sex pero literal na gutom. Hindi rin ako nakakain nang maayos kagabi dahil sunod-sunod ang tawag sa phone niya at alam kong maraming problema.Busy siya sa araw sa dami ng negosyo na hawak niya at ginagawa niya akong pahinga sa gabi.Para siyang makina o dios at ako ang sobrang napapagod."Frey....""Nagugutom ako," angil ko sa kanya. "Wala akong ibang kailangan kundi pagkain.""Naihanda ko na habang natutulog ka." Tinapunan niya ng tingin ang trolley sa paanan ng kama. Gaya ng mga unang araw, siya rin ang cook sa aming dalawa.At ngayon ko lang napansin, nagliliwanag na sa labas ng bahay.Kung ganon, isang maghapon na lang ang mayroon kami."Salamat.""Handa akong maghintay sa tira-t
DARK TINAWAGAN ko si Reon. "Kuya, nasundan ako ni mama sa resthouse. Ano ba'ng nangyari?" Ang dami ko ring pinagdaanan para makapagtago kami ni Frey pero wala rin palang silbi. Alam kong darating si mama sa resthouse kaya kagabi pa ako hindi mapakali. Pakiramdam ko hindi ko na uli makikita si Frey. Masama talaga ang loob ko dahil ni hindi ko nagawang magpaalam sa babaing gusto ko. Pakiramdam ko mababa pa ang halaga ko sa tubig sa imburnal o sa laman ng poso negro. Wala akong kuwenta. Isusumpa ako ng babaing 'yon sigurado ako. Pero kung mas magagalit si mama, baka hindi ko rin mapatawad ang sarili ko. Sasaktan nito ang sarili nito o maglalaslas ng pulso sa paraang hindi naman ito mamamatay. Gagawin nito ang lahat para mag alala ako hanggang sa sumunod ako sa mga kapritso nito, damay ang mga taong nasa paligid. Endless ang kayang gawin ng nanay ko makuha lang ang atensyon ng sinoman sa kanyang mga supply. Sanay na kami dito pero hanggang ngayon hindi pa rin 'yo
FREY HINDI ko kailangan ang kahit na sino. Sinasabi ko 'yon sa sarili ko habang inililigpit ang personal kong gamit sa resthouse. Nasa bag ko ang passbook kung saan naka-deposit ang 7 milyong piso sa unang beses na may nangyari sa aming dalawa. At para akong sinusunog nang buhay dahil sa pagmamadali. Tumatakas ako sa anino ni Dark. Sa pakiramdam na nag aalala ako sa kanya mula nang umalis siya kanina. Mas tumitindi iyon habang nag iisip ako kung ano na ang nangyari sa kanya. Malakas din ang kutob ko na hindi na niya ako babalikan kaya uunahan ko na siya. Napakagulo ng isip ko. Gaano ba kahirap na tawagan ako sa phone at sabihing tapos na kaming maglaro dahil nabisto na kami ng nanay niya? Miserable ang puso ko at ayoko nito. "Hi." Muntik na akong mapalundag sa gulat. May babae sa likuran ko at napakaganda. Ni hindi ko napansin dahil marami akong iniisip. Matangkad ito at mukhang mayaman. Ang ere na nakikita ko ay exceptional. Nasa ilalim ng cardigan ang contrast trim-top a
FREY (flashback) "MAY boyfriend ka na ba?" Nakatayo ako sa harap ni Dark Samaniego dahil ipinatawag niya ako. Ako na sa dinami-dami ng mahuhusay na tauhan ng Samaniego Corporation ay halos saling pusa lang naman dito. Dati, tuwing sabado lumalabas ako para makipagdate kay James, supervisor ng isang departamento dito. Isang reyalidad na kapag mahirap ka, kailangan mo pa ng koneksyon sa mga bagay na gusto mong malaman. Pero nakakapagtaka na sa tuwing isinisingit ko ang tungkol sa agenda ko, iniiwasan ni James. Kailangan ko lang naman ng impormasyon kung nasaan ang step father ko na ang huli kong balita ay share holder sa kumpanyang ito. Info verification pa lang pahirapan na porke wala akong pera. At dahil wala na akong maisip na paraan, pumasok akong assistant to the secretary na ang totoo ay tagatimpla lang ng kape at errand girl. "Narito po ako para magtrabaho, sir. Walang kinalaman ang personal kong buhay." "Its part of the job. Hindi ito personal. Kailangan ko k
FREY (flashback) "FREY, huwag mo akong takasan..." Walang sinoman ang may kakayahang mag utos sa katawan ko gaya ni Dark. At insulto 'yon dahil katanghaliang tapat at unang araw ko pa lang siyang nakaharap nang personal. Nang ganito kalapit. Humigpit ang mga kamay niya sa siko ko nang magmatigas akong humarap kaagad. At walang kahirap-hirap niya akong naakit na tumingala sa kanya sa sumunod na segundo. Sigurado ako na ayoko sa kanya. Mayabang, brusko, womanizer, at pangit ang lahat ng naaalala ko tungkol sa kanya pero bakit ganito ang katawan ko? Sa loob ng organisasyon ng Black Beretta na nagtatago sa tarheta ng Rainbow City, tinuruan din ako ng self defense. Na walang inaasahang kahit anong gadget o gamit maliban sa sariling parte ng katawan mo. Kabisado ko ang pressure points ng tao para gawing imbalido o higit pa. Ang survival ay kakambal ng body instincts at matalas na reflexes na hinasa sa matitinding mga trainings. Mga trainings na hindi ipinagkakait sa lahat