Share

GOODBYE, SOULMATE

DARK POV:

Kumiling lang ang ulo ko sa sinabi niya. Naging tuso ang mga mata ko. Siempre, marami pa siyang hindi alam tungkol sa akin. Bago pa siya ipinanganak, alam ko na kung anong klaseng pamilya ang mayroon ako. Lalong-lalo na ang pagkakaroon ng ina na gaya ni Victoria. At hindi ko mapapangalagaan si Frey kung wala akong sapat na pera, koneksyon at kapangyarihan.

Sinasamsam na ni Sky sa dalawang malaking bag kung saan niya mabilisang isinilid ang mga gamit niya sa ibabaw ng mesa nang matapos kalasin ng tauhan niya ang lahat ng posas ko. Nilingon ako ng ilang segundo. "Dumaan ka pala kay Kuya Reon kapag may oras ka. Mukhang may business proposal na agad siya para sa 'yo." Sinipa niya ang paa ng mesa na nawala sa posisyon. "Kita mo na? Ang swerte mo sa mga kapatid mo, lalo na sa akin." Tumawa siya na parang kontrabida sa pelikula. At nagmamadaling lumabas sa warehouse na parang natatakot pang may magbago sa usapan namin.

Napailing na ako sa kanya.

Manang-mana sa kanyang ina at s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status