DARK POV:Tinawid ko ang pagitan namin na nakatago sa mga bulsa ko ang mga kamay kong nanginginig at malamig gaya ng yelo. Naupo ako sa mismong tabi niya, ilang pulgada lang ang layo."Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa," pinadulas niya sa counter ang hard drinks na pareho ng iniinom niya, sinalo ko yon at humampas ang yelo sa gilid ng baso at dumiin doon ang nanggagalaiti kong kamay. Sinibat niya ako nang tingin."Ano ang intensyon mo kay Francesca Fontanilla?"Ngumisi ako at inubos ko sa isang lagok lang ang alak, tuloy kumirot ang sugat sa noo ko kaya inagapan ko agad ng panyo bago pa dumugo uli. "Kung may karapatan kang magtanong niyan, wala ka dapat dito. Komportable ka sa hacienda ninyo sa San Ignacio at wala kang inaalalang kahit ano na may kaugnayan kay Frey.""Ano ang karapatan mong sabihin yan?" Binayo niya ng kamao ang counter at umangat siya sa upuan para atakehin ako pero nakapagpigil sa huling sandali. Nanlilisik ang mga mata niya sa pagkakatitig sa akin, nag-iigting
DARK POV: Sa aming dalawa, alam kong si Logan ang higit na nasasaktan. Nauunawaan ko yon dahil wala siya dito kung maayos sila ni Frey kahit man lang bilang magkaibigan. Pero hindi ko mapapalampas ang kabastusan niya pagdating sa puntong damay na ang lahat ng kapatid ko at hindi lang ang lantad na eskandalo ng nanay ko. Hindi yon kailanman magiging patas kung marangal na laban ang pag uusapan. Aminado akong ginamit ko ang yaman ko para manghimasok sa buhay niya---gaya ng ginawa niya laban sa akin---pero hindi ko kailanman inugali na budburan ng asin ang sugat ng kaaway ko malibang mauna sila. Para saan ang kapangyarihan ko kung hindi ko ipagtatanggol ang sarili ko at ang pamilya ko? Wala siyang kuwentang kausap kaya tumayo na ako at umalis doon. Iniwan ko siya sa loob ng bar na nakatulos sa kinatatayuan at hindi humihinga sa matinding galit. Halos hindi ko rin alam kung paano ako nakabalik sa sasakyan ko at may nabangga pa akong tao paglabas ko ng pintuan. Ibinalibag ko a
FREY POV:Dumaan ako sa grocery store at bumili ako ng transparent plastics para i-pack ang mga alahas na dadaan sa inspection ng LBC personnel bago i-kahon para maipadala ko ang mga yon sa isla. Wala akong maisip na ibang paraan o taong puedeng kumuha para ipasok yon ng isla maliban sa mga taong tapat din kay Anna kaya pinili ko ang una kong option.Hindi ko rin kayang bumalik pa roon at magpakita pagkatapos ng huli naming pag uusap ni Anna. Nahihiya pa rin ako. Lalo na ngayong wala pa akong balita kung natagpuan na si Catherine dahil ayokong maging pabigat pa sa kanya. Uli.Hindi ko makakalimutan kung paano niya pinatunayang mahalaga ako sa grupo kahit paano dahil sa biglang pagsulpot ni Maxi sa buhay ko pero matay ko mang isipin parang wala pa rin akong lugar sa gitna nila.Idagdag pa ang tungkol sa kotse na hindi ko alam kung bigay o pahiram dahil lagi akong kalat at lutang sa alindog ni Dark.Kung kelan ko maayos ang takbo ng utak ko, wala akong ideya. Basta hindi pa ngayon
FREY POV:May bahid ng galit at mapusok ang halik ni Dark. Nakadiin sa anit ko ang mga daliri niya at nasa likod ng balakang ko ang isa pang kamay, inaangkin ako sa mahigpit na yakap na para bang hindi niya ako pakakawalan. Halos kinakain niya ako nang buhay na sa sobrang karnal nang halik umikot ang isip ko kung totoo ba ito o bangungot na naman.Nanlambot ang mga tuhod ko sa tindi ng pangangailangan niya sa akin kaya wala na rin akong nagawa nang buhatin niya ako patungo sa kama, nakasaklang ako sa harap niya habang hinahalikan at ginagantihan ko rin kung gaano yon kapusok nang hindi ko namamalayan.Umungol ako sa puntong sinipsip niya ang dila ko at dumulas ang kamay niya sa loob ng damit ko sa gawing likuran para kalasin ang hook ng aking bra.Gumawa ng mahinang ingay ang pagbagsak namin sa gitna ng kama, magkapulupot pa rin ang aming mga katawan. At gaya ng dati, nagugulat ako kung gaano ako kaliit para makatakas sa bulto niya na nakaposisyon agad sa pagitan ng mga hita ko
FREY POV:Sinabunutan niya ang sarili, nagpalakad-lakad sa harap ko na parang mababaliw, matagal, saka tuluyang umalis nang wala nang tunog o ano mang ingay na ginawa, ni hindi niya ako magawang tingnan hanggang sa huling sandali.Nasaktan ako para sa kanya at naalala kong lahat ang napakahabang panahon ng mga sakripisyo niya para sa akin.Ah, Logan.Nadurog ang puso ko para sa kanya higit sa pisikal na sakit.Pero galit na lang niya ang naiwan sa akin at wala na siya.Hindi ko alam kung gaano katagal akong wala sa sarili pero sinubukan kong habulin si Logan nang matauhan ako. Nagmadali ako pababa ng hagdan dahil may tao sa elevator. Pero wala nang sasakyan sa harap ng gusali, maliban sa isang Land Rover na papalayo na mula roon at halos 100 metro na ang layo."Logan!" Sinubukan ko pa rin siyang tawagin nang paulit-ulit pero tuluyan na siyang nakalayo. Mabilis na tumatakbo ang sasakyan na para bang may demonyong humahabol sa kanya.Sinabunutan ko ang sarili ko, umiiyak, hindi alam an
DARK POV:"Ano bang problema mo? Bakit ka nakikialam? Kailangan ko siyang lapitan! Hindi mo ba nakikitang wala siya sa sarili? Pupuntahan niya si Logan at baka kung anong mangyari sa kanya!" Binabaklas ko ang mga paa niya sa magkabilang panig ng pinto ng drivers' seat pero bumabalik din sa ibang parte lang ng pintuan na mas matatag kaysa sa dati.Shit, kung kaya ko lang sanang baliin ang mga binti niya!"Ikaw ang wala sa sarili mo!" May dinukot siya sa bag niya. Stun gun, pero mukhang cellphone. Ini-on niya sa malapit sa charging point at inilapit sa leeg ko. Nakita ko ang red light niyon. "Subukan mong gumalaw nang hindi ko gusto at patutulugin talaga kita." Itinutok niya sa akin at alam kong gagawin niya. "Tinatakot mo siya, Kuya. At sa ginagawa mo, baka lalo kang mahirapan na paamuin siya." Huminga siya nang sunod-sunod nang makitang natigilan ako. "Babae rin ako kaya sana makinig ka. At huwag mong sabihing wala akong pakialam dahil idinamay mo na ako nang oras na papuntahin mo
FREYNagising ako sa pamilyar na halik sa kaliwa kong dibdib. Mainit na sinakop ng mga sabik na labi ang nipple ko at maigting iyong sinipsip habang gumagapang sa pang upo ko ang isa pang pangahas na kamay.Pumipisil na kakaiba sa aking pakiramdam. Ito ang unang beses na parang may kahalong dahas at pagmamadali ang bedmate ko.Si Warren 'Dark' Samaniego.Siya ang boss sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko pero ako ang nagyaya sa kanya kaya kami narito sa gitna ng kanyang kama.Mga hubad at walang ibang iniisip kundi sex.Ika-anim na araw na nakatakdang matapos bukas ng Sabado.O mag uumaga na?Halos hindi ko namalayan ang oras at araw sa tindi ng pagod ko.Palagi akong malakas at matapang pero nagulat ako na hindi ko na rin magawang magmulat ng mata.Hindi nga pala ako imortal at kung kakapusin pa rin ako sa tulog ngayon, parang ikakamamatay ko na."Ahhh...." tumakas ang masarap na daing sa bibig ko nang lumipat sa kabila kong dibdib ang bibig niya. Pinahihirapan niya ang nipple ko s
FREYNgumisi ako sa sinabi ni Dark."Sobra pa sa sapat ang ibinayad mo sa akin. At isa pa, nag enjoy ako sa kama mo kaya wala na akong dapat balikan pa." Huhulaan ko na hindi siya basta susuko kaya tumayo na ako para pumunta sa bathroom.Nanlalagkit ako sa pawis at kailangan kong maligo.Busog nga ako sa sex pero literal na gutom. Hindi rin ako nakakain nang maayos kagabi dahil sunod-sunod ang tawag sa phone niya at alam kong maraming problema.Busy siya sa araw sa dami ng negosyo na hawak niya at ginagawa niya akong pahinga sa gabi.Para siyang makina o dios at ako ang sobrang napapagod."Frey....""Nagugutom ako," angil ko sa kanya. "Wala akong ibang kailangan kundi pagkain.""Naihanda ko na habang natutulog ka." Tinapunan niya ng tingin ang trolley sa paanan ng kama. Gaya ng mga unang araw, siya rin ang cook sa aming dalawa.At ngayon ko lang napansin, nagliliwanag na sa labas ng bahay.Kung ganon, isang maghapon na lang ang mayroon kami."Salamat.""Handa akong maghintay sa tira-t