Share

INVISIBLE TIES

(PRESENT TIME)

FREY POV:

"MAHAL kita, Frey."

Nasa kasalukuyan na ako, naririnig ko pa rin ang tinig ni Dark. Kung paano niya yon paulit-ulit na sinasabi sa akin habang inaangkin ako sa ibabaw ng kama hanggang sa mga huling sandali ko sa resthouse.

Tuloy, nagulat ako na may kamay na nakahawak sa balikat ko at inaalog na pala ako para magising mula sa napakahabang paglalakbay mula sa nakaraan.

Yong kapatid ni Dark na hindi ko pa rin alam ang pangalan.

"Andito na tayo, Frey," nakababa na pala siya ng kotse, bukas na ang pintuan sa tapat ko at nakatungo na sa akin.

Kumurap ako, kung saan eksakto ang pagkakaugnay ng bawat piraso ng alaala na karugtong ng kasaluyan na nasa isip ko at tuluyang naglaho 'yon.

Kaya lang, sana naman ay wala na sa mukha ko ang epekto ni Dark habang nagtatalik kami sa loob ng isang linggo sa gitna ng kama nito.

Pulang pula siguro ako ngayon sa harap ng kapatid ni Dark.

"Okay ka lang ba?" Ang babae uli, tinangka akong salatin sa noo pero umiwas ako kaagad.

"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status