Share

HATE OVER LOVE

Kumapit akong mabuti at ikinawit ko sa leeg ni Dark ang isang braso ko, sa ilalim ng braso niya nakayakap ang isa, nang pakawalan niya ang labi ko para tahakin ang mahabang pasilyo at buksan ang saradong pintuan ng silid, sumiksik ako sa makapangyarihang bulto ng katawan niya. Sinasamyo ang natatanging bango niya at dinadala ko sa loob ng dibdib ko. Gustong-gusto ko ang bango niya, pinakakalma ang puso ko.

At ang yakap niya, walang katulad. Mainit ang bawat pulgada, buhay na buhay hindi gaya ko; na humihinga pa pero patay na ang puso.

Nakaka-inggit.

Ang mapaloob doon ay parang ang pinakaligtas na lugar sa buong mundo. Nasisiyahan ako na may mga ganitong ganap sa buhay ko kahit na malapit ko nang iwan.

Sayang.

Naglakbay sa malapad niyang likod ang isang ganid kong kamay at dumiin doon ang palad ko, inaangkin siya. Napabuntong-hininga sa pakiramdam na yakap ko ang gaya ng isang dios sa bundok ng Olympus na bumaba sa lupa para paligayahin ako sa kabila ng miserable kong buhay.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status